Nandito kami ni Noelyn sa bahay ngayon at hinihintay ang mga kaibigan namin kasi kasama daw sila sa plano na gagawin namin. "Ano ba kasing plano mo?!" hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na 'yang naitanong sa kanya. "Basta! Antayin lang natin 'yong iba." at hindi ko rin alam kung pang-ilang beses na rin niya 'tong isinagot sa akin. Napatigil kami ni Noelyn sa pag-uusap ng may kumatok. Bubuksan ko na sana 'yong pinto ng bigla na lang ibinalibag pabukas 'yong pintuan. "Ay bwiset! Kakatok kayo tapos ibabalibag niyo?! 'Yong totoo balak niyo ba ng sirain 'yang pintuan?" sigaw ko sa kanilang lima na humahangos pa dahil ata sa pagtakbo. "Sorry na! Si Noelyn kasi pinagmamadali kami! Ano bang emergency 'yon?!" tanong agad ni Shy na tumabi kay Noelyn. "Kasi ganito 'yan..." nakangising ump

