Kabanata 33 Dark’s Point of View Nandito kami ni Light sa palengke. Pagabi na at kauuwi ko lang galing sa trabaho pero sinalubong ako ng mahabang nguso ni Light. Nagpapabili ng mansanas kaya wala akong choice kundi bumalik sa bayan na kasama sya. Mahirap na, baka mamaya kung ano nanamang maisipang ipabili tapos pabalikin pa ako sa palengke. Maigi nang lubos-lubusin. Ang kaso, hindi ko kaya ang naisipan niyang ipabili. “Dark!” walang galang na tawag nya nanaman sakin. Frustrated na ginulo ko ang buhok ko. Napailing-iling ako habang nakatingin kay Light na halos maglupagi na sa lupa. Nagsimula siyang mag-ngangawa nang hindi ko bilhin ang pinapapabili niya. Punyeta kasi! Nagpapabili sakin ng cellphone. Ako nga walang cellphone e, naiwan ko sa bahay. “Tumayo ka diyan, Light.” nauubusan ng

