Kabanata 32 Dark’s Point of View “Light, halika dito.” nagtitimping tawag ko sa pasaway na paslit. Inaayos ko ang mga damit kong pinagtatapon niya kanina. Pinapalayas kasi ako dahil sinungaling daw ako. Sinabi ko kasi sa kaniya na gigising na ngayon ang mommy nya para lang matahimik siya katatanong sakin. Naririndi na ako sa kakulitan niya. Napailing ako. Ako pa talaga ang pinapalayas e ako ang nag-aalaga sa kaniya. Hindi naman kaya ni nanay Fely na alagaan siya dahil napakasutil niya. Bwiset! Pag talaga naubos ang pasensya ko ibabalik ko nalang siya sa tatay niya. “Light!” mas nilakasan ko ang boses ko pero hindi ko naramdaman ang presensya ng paslit. Naiinis akong tumayo. Nasaan nanaman ba ang pasaway na iyon? Lumabas ako ng silid saka pumunta sa lugar kung nasaan si Caliyah. Wala

