Kabanata 61 Calla's Point of View A blinding light coming from somewhere is hurting my eyes. Maliwanag na maliwanag at talaga namang napakasakit sa mata? Saan nanggagaling 'yon? Napalunok ako ng sunod-sunod. Pakiramdam ko'y tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Tiningnan ko ang mga kamay ko, parang namamanhid ito. Hindi ko maramdaman. Dahan-dahan akong bumangon at tumingin sa paligid. Umawang ang labi ko, isang kalsada. Nasa isang kalsada ako. Lumunok akong muli at humugot ng malalim na hininga. Suminghap ako at parang nahilo bigla nang may dumaan at tumagos sa katawan ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakikita ang isang babaeng pamilyar sa akin. Nakalikod siya, mabagal na naglalakad habang may bitbit na plastik bag. Sinundan ko siya at tiningnan ang mukha. I came face fo face with a b

