Kabanata 62 Calla's Point of View Nakatulala ako sa espadang tumapos sa buhay ni Vishka. Mabigat ang kalooban ko dahil sa ginawa ko ngunit hindi ako nagsisisi na pinatay ko siya. Dahan-dahan akong napaluhod at hinawakan ang espada. Bakit parang may mali? Hindi ko alam kung ano at paano pero nararamdaman kong may mali. "CALLA!" Suminghap ako at nagpagulong-gulong kasabay ng kung sinong yumakap sakin. Nakarinig ako ng malakas na pagkabitak ng sahig pero hindi 'yon ang pinagtuunan ko ng pansin kundi ang lalaking pinapatungan ko ngayon. Nanlaki ang mga mata ko, "Strife!" "Get up, Calla, baka dumating si Knight, mamatay pa ko ng maaga." Mabilis akong bumangon saka tiningnan ang kinaluluhuran ko kanina. Umawang ang labi ko. Wasak ang sahig habang may nakatusok doon na espadang hawak ng k

