Kabanata 63 Knight's Point of View Patuloy na dumarami ang mga bampirang nakapalibot sa amin ni Jairus. Patuloy din naman kaming lumalaban. Maingat na lumalaban habang patingin-tingin sa ama nina Dark at Drake na nakagapos sa unahan. “JAI!” napasigaw ako at mabilis na sinaksak ang muntik nang sumaksak kay Jairus mula sa likuran. Tiningnan ako nito. “Nice, couz! Pinangunutan ko siya ng noo. “Mag-ingat ka nga!” Tumawa siya at tumalikod. Tumalikod na rin ako at bumalik sa pakikipaglaban. Fighting against my clan is harder than i expected. Akala ko, madali lang para sakin na patayin ang mga naging mitsa ng kamatayan ng mga magulang ko at ni Caliyah noon pero mahirap pala. Mahirap palang ikaw mismo ang umuubos sa lahing pinagmulan mo. “Knight!” Nilingon ko si Jairus. “What?” “Look for

