Kabanata 64 Calla's Point of View "Hindi ba natin hahanapin si Valerio?" nagtatakang tanong ko. Dalawang araw na kasi ang nakalipas mula noong makipaglaban kami at mapabagsak ang pwersa ng ama ko. Maayos na ang lagay ni Jairus at nakikipagkulitan na siya sa mga pinsan nya, madalas pa nga nilang asarin si Knight. Niyakap ni Knight ang baywang ko. Kapwa kami nakahiga sa kama habang nakaunan ako sa isang braso niya. Narito kami sa bahay kung saan niya ako dinala noon. Sa isang treehouse na husto para sa aming tatlo nina Light. "Hindi natin sya basta-basta mahahanap, baby." Ganoon ba talaga kalakas si Valerio? "Paano si Victoria?" Maingay siyang bumuntong-hininga. "Iyon nga din ang iniisip ko. Frustrated na frustrated si Dark dahil hindi natin nahanap si Victoria." Napanguso ako. Dark

