Kabanata 53

2159 Words

Kabanata 53 Calla's Point of View Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Parang pagod na pagod ang isip at katawan ko. Nakakatakot pala lumabas, kung ano ano ang nalalaman ko. Biruin mong ako pala si Caliyah na kinaiinggitan ko. Ako pala si Caliyah na dating kasintahan ni Knight Caspian. Nakakatawa! Grabe talaga maglaro ang tadhana. Napailing ako ng maraming beses. Gusto ko nalang maglaho at lumayo. Kung pwede lang ay hindi na ako uuwi ngayon. “Calla!” takot na takot na boses ni Vishka ang sumalubong sakin pagpasok ko ng bahay. Nangunot ang noo ko. “Anong nangyari sayo?” “TAMA NA!” Nahigit ko ang hininga ko at tumingala sa itaas. Boses 'yon ni Verona. Umiiyak at nagmamakaawa. Napalunok ako at bumigat ang aking paghinga nang maramdaman ko ang presensya ni papa. S-Si papa! Nandito si papa!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD