Kabanata 52 Calla's Point of View Gusto kong tumakbo. Gusto kong maglaho. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magtago. Ano ba kasing trip sa buhay ni Knight at tinititigan lang ako. Naroon siya sa hawakan ng sofa, prenteng nakaupo habang nakatayo ako hindi kalayuan sa kaniya. Kanina pa siya nakatitig sa akin, paminsan-minsan ay pinapasadahan ako ng tingin. Kinikilabutan ako sa ginagawa niya. Pakiramdam ko bigla akong naging mortal sa harap ng isang bampira. “Strip.” Namulagat ako. S-Strip? “Ano?!” “HAHAHAHAHA” humalakhak siya. Nangunot ang noo ko. He's playing with me! Tiningnan ko sya ng masama. “Bastos!” His lips formed an O. “Whoa~feisty! I like the new you. Siguradong malalabanan mo sya.” Siya? Sinong lalabanan ko? Pinaningkitan ko ng mata si Knight Caspian. Kanina niya pa ako kin

