Isla Paghigugma
Naging masaya ang ginawang backpacking nina Taurus at Maribela kahit na nilantakan sila ng lamok at kagat ng insekto.
Sa pagbalik nila sa kabina ay mas naging malapit sila sa isa't isa.
Kakatapos lang nilang kumain na dalawa at kagaya ng palagi nilang ginagawa ay naglalakad-lakad sila sa tabing dagat.
Tumigil si Taurus at ganoon din ang ginawa ni Maribela; tinignan siya ng babae na parang nagtatanong sa kung bakit sila tumigil sa paglalakad.
"Let's play a game," aya ni Taurus.
"You see that rock?" turo niya kay Maribela na tumango lang din nang masundan ang tinutukoy niya.
"Let's race up to there."
Tinignan siya ni Maribela na parang sinasabing are you kidding me?
Araw-araw ay wala siyang mintis sa ginagawang, hindi rin siya nawawalan ng oras sa pag-exercise kahit sa loob lang ng kabina. Kahit saang anggulo tignan ay walang pag-asa si Maribela na manalo sa kanya.
"Don't worry Bela I'll give you a ten seconds head start. Whoever wins will have a chance to give the losser a dare, and whoever losses don't have a choice but to do the dare."
Sumilay ang ngiti sa labi ni Maribela, mukhang magandang laro iyon sa kanya. Hindi pa man nag-uumpisa si Taurus na magbilang ay ginulat niya ito sa mabilis na pagtalikod at pagtakbo; napailing nalang ang lalaki at natawa ng bahagya.
"ONE!"
"TWO!!"
Napapahanga si Taurus sa paraan ng pagtakbo ng babae; para lang itong tumatalon talon.
"THREE!!!!"
Maribela is graceful, she like a blue rose; she's stunning and always standa out.
"FOUR!!"
"FIVE!!"
"SIX! Hurry up Bela, I'll catch up!"
Nataranta si Maribela at mas sinikap na mas mapabilis ang pagtakbo, hindi niya mabasa ang laman ng isip ni Taurus baka kung anong kalokohan ang ipagawa sa kanya ng lalaki.
"Seven! Eight!! Nine!!"
Pumosisyon si Taurus na handa nang tumakbo ng mabilis at habulin si Maribela na sobrang lapit na sa kanilang finish line na dalawang malaking bato.
"Ten!" sigaw ni Taurus at malaking hakbang na tumakbo.
Mabilis na nakahabol si Taurus kay Maribela; isang hakbang nalang at abot na nila pareho ang bato ngunit sinadya ni Taurus ang magpatalo.
Nang makahawak si Maribela sa bato ay agad siyang lumingon kay Taurus dahilan para bumangga ang isa sa kanya at tumilapon sila sa buhangin.
Niyakap ni Taurus si Maribela at kinulong ito sa bising niya para protektahan sa malakas na pagbagsak; nang maramdaman ang pagtama ng kanyang katawan sa buhangin ay napamura si Taurus. Masyadong malakas ang bagsak niya pakiramdam niya ay nabalian siya ng buto.
Sa paghiwalay nila ay napagulong si Taurus, tumama sa maliit na bato ang tagiliran niya. Para siyang sinuntok at napuruhan.
Namimilog ang mata ni Maribela nang lumapit siya para tulongan ang namimilipit sa sakit na lalaki. Ano na naman ang nagawa niya? Inakala niya na nawala na ang kamalasan sa katawan niya pero ngayon ay ipinahamak na naman niya si Taurus.
"Desculpe, desculpe," paulit-ulit niyang paghingi ng tawad habang sinusubukan na paharapin sa kanya si Taurus.
Tinaas ni Taurus ang isang kamay para patigilin siya, sa nanlulumong boses ni Maribela ay pakiramdam ni Taurus ay mas sumasakit ang tama niya.
Walang nagawa si Maribela kundi tumayo at tignan si Taurus na ibsan ang sakit na naramdaman sa kagagawan niya.
Nang medyo humupa ang sakit ay naupo si Taurus nang maayos ngunit hawak niya parin ang tagiliran; tumingala siya at nasilayan na naman ang pamumula ng ilalim ng mata ni Maribela senyales na nagpipigil na naman ito ng luha.
"I'm okay Bela, you don't have to worry. It's an accident, not your fault at all."
Naiyak ng tuloyan si Maribela sa sinabi ni Taurus, halata naman na kung may kamalasan na nangyayari at napapahamak ang lalaki ay siya ang may kagagawan. Kung wala siya sa tabi ni Taurus ay wala itong nagiging pasanin.
"Come on," anas ni Taurus at pilit na tumayo sa kabila ng kirot sa tagiliran niya.
Lumapit siya kay Maribela at hinawakan ito sa isang braso habang ang isang kamay ay hinawakan sa baba ang babae at pinatingala sa kanya.
Bumuntong hinga si Taurus bago pinahid ang luha ng babae gamit ang likoran ng kanyang palad. Ayaw niya sa lahat ang makipagdeal sa drama ng babae, hindi niya maintindihan ang nangyayari ngayon na tila umaamo siya pagdating kay Maribela.
"It's not your fault," malambing na anas niya.
Hindi napigil ni Maribela ang sarili na mapayakap kay Taurus, kung mas malala ang nangyari ay hindi niya talaga alam ang dapat na gawin.
"I'm sorry Tau. I always put you in a situation where you get hurt. I'm sorry," anas ni Maribela habang humihikbi.
Sa halip na intindihin ang paghingi ng tawad ni Maribela ay marahang tinulak siya ni Taurus at pinakatitigan sa mga mata.
"What did you say?"
"Ha?"
Walang naging ideya si Maribela na tumugon pala siya sa wikang english.
"You talk in english, and it didn't seem that it's hard for you."
"Did I?" napalaki ang mga mata ni Maribela tsaka napatakip siya sa kanyang bibig. "I did!" masayang usal niya at yumakap muli kay Taurus na gulat na gulat.
Humiwalay si Maribela sa yakap kay Taurus na may malapad na ngiti; ilang linggo siyang sumubok na tumugon kay Taurus sa wikang english pero kahit minsan ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon; sa araw na hindi niya inaasahan ay nabawi niyang muli ang kanyang dila.
"How?" hindi makapaniwalang anas ni Taurus.
"I'm Maribela Afonso, I'm 22. I recently graduated economics at the University of London. I speak fluent english, I'm sorry if I gave you a hard time this past few weeks. It's just that I can't find my tongue to speak in a languange you can understand. I'm not planning a scheme, I just can't explain to you how it happened that I can only speak with my native language," mahabang pakilala at paliwanag ni Maribela; hindi niya inaalis ang pagkakatingin sa mata ni Taurus, nais niyang iparating na nagsasabi siya ng totoo.
"Y--you can understand me all this time?" hindi parin makapaniwalang tanong ni Taurus.
Tumango si Maribela at ngumiti ng makahulogan.
Hindi maipaliwanag ni Taurus ang nararamdaman, sa ibang pagkakataon at dapat pagdudahan niya ang babae pero ngayon ay tila natutuwa siya na hindi na siya mahihirapan na makipag-usap pa kay Maribela.
"I can understand your rants and ofcourse your compliments."
Nanlaki ang mata ni Taurus tsaka namula ang kanyang tenga; muntik na siyang makalimot na harap-harapan siyang nangahas na sabihin ng ilang beses kung gaano kaganda si Maribela sa paningin niya.
"It's okay Tau, there's nothing wrong with all your compliments," mas panunukso ni Maribela.
Tumikhim si Taurus, napaisip siya na syempre hindi na bago sa babae ang lahat ng papuri. Siguro sa labas ng isla ay araw-araw siyang nakakatanggap ng salita ng paghanga sa iba't ibang lalaki.
"This is awkward," anas ni Maribela sa katahimikan ni Taurus na nakatutok lang sa kanyang mukha.
Kumurap ng ilang beses si Taurus at nilayo ang kanyang mga mata; nagseselos ba siya na isipin ang mga lalaking umaaligid kay Maribela sa labas ng isla?
Baliw siya para makaramdam ng selos, magkaibigan lang naman silang dalawa.
"Are you mad?"
Napakagat sa labi niya si Maribela, masyadong tahimik si Taurus; hindi siya sanay na hindi ito mapaglaro.
Galit ba ito sa kanya?
Iniisipan ba siya ng masama?
"No, I'm not. I'm just shocked."
Nakahinga ng maluwag si Maribela, naiintindihan naman niya kung bakit magugulat ang lalaki kahit naman siguro siya kung magkapalit sila ng posisyon ay ikakagulat din niya.
"By the way Bela, what happened to you? How did you end up here?"
Kinuha ni Taurus ang pagkakataon na itanong ang matagal na niyang gustong itanong.
Napatingin sa malayo si Maribela at naupo sa buhangin.
"I'm stupid enough to runaway from home."
Napakunot ang noo ni Taurus, malabo ang naging sagot ng dalaga.
"My parents force me to do something that I don't like, I will do it but I need some time; I needed a pinch of freedom. I went sailing with my friends, with the stupidity that I have I got drunk and jump off the yatch. And I'm here now," maikling paliwanag ni Maribela.
Tinignan ni Taurus ang mukha niya, walang bakas na gumagawa lang siya ng kwento.
Pero ano naman kaya ang gustong ipagawa ng kanyang mga magulang para tumakbo ng ganito ang babae?
Lahat ay magulo sa isip ni Taurus, hindi niya akalain na ganito ka komplikado ang sitwasyon ni Maribela.
"Did they force you to marry someone you don't like?"
Hindi sumagot si Maribela sa halip ay ngumiti lang siya ng malungkot; ang pagiging reyna ay para na ring ikinasal siya sa trono, may mga gagawin siyang pagsasakripisyo at matinding obligasyon.
Ang katahimikan ng babae ay tinanggap ni Taurus bilang pagpapakatotoo sa kanyang naging tanong.
Umupo si Taurus sa tabi ng babae, nais niyang damayan ito.
"You don't have to marry someone you don't like Bela."
Bumuga ng hangin si Maribela; pinulot niya ang maliit na bato tsaka itinapon iyon sa tubig.
"You don't know my parents."
"If you are scared of them, I'll help you. My father is a defense secretary in Russia, I can ask him to help you seeking for asylum."
Taurus is assuming that Maribelas' family is rich and has powers pero wala sa isip niya na prinsesa ang kaharap at kasama niya.
"I'm not scared of them Tau, they are good people. I will do it because I love them," usal ni Maribela tsaka tumayo at naunang maglakad pabalik sa kabina; sa ngayon na napag-uusapan na nila ni Taurus ang lahat ay nanunumbalik sa kanya ang buhay na dapat ay inaasikaso niya ngayon.
What Maribela is doing is unfair and pure selfishness kung kaya nakokonsensya siya at nalulungkot siya.
Sinundan lang siya ng tingin ng lalaki; karamay lang naman ang nais ni Taurus at oo may gusto siyang mangyari sa kanila ni Maribela pero sa ngayon lalo na at nagkaintindihan na sila at nalaman niya ang dahilan ng pagpadpad ng babae sa isla nila ay tila kinurot ang puso niya at may pagnanais na isalba ang babae mula sa tadhana na tao lang ang nagtakda.