Ika-Sampung Pahina - Betrayal

1397 Words
Habang nasa eroplano pauwi sa Portugal ay nakatutok ang mata ni Demetri sa kanyang telepono; namuo na ang desisyon niya na kagaya ni Topaz ay maging sunod-sunoran nalang din sa kagustohan ni Lucian ngunit hindi niya magawang burahin ang mga ebidensya na nakuha niya mula sa kaibigan ni Maribela. Pinatay niya ang telepono, sa ngayon ay hahayaan niya muna ang ebidensya tsaka nalang niya iisipin kung ano ang dapat gawin sa mga ito kung magkaharap na sila ng kanyang ama. Patay naman na siguro si Maribela, sa pagkawala nito sa gitna ng karagatan ay malabo pa sa tubig na nahaloan ng putik ang chansa nito na mabuhay; hindi naman siya naniniwala na kaya siya nitong multuhin kung sakali. Masisisi ba siya ni Maribela? Kailangan niya lang iligtas ang sarili mula sa kay Lucian na may matinding kagustohan na maging hari. Desculpe, Maribela. Paghingi ng tawad ni Demetri kay Maribela sa kanyang isip; maling-mali ang kanyang gagawin pero ito ang mas nakakabuti sa lahat. Mas mahihirapan lang ang kanilang ina na malaman na nawala rin si Maribela nang kagaya sa paraan ng pagkawala ng kanilang panganay na kapatid. Inisip nalang ni Demetri na para sa lahat ang pagsisinungaling na gagawin niya at hindi lang para sa kanyang sarili. Tama sa pag-umpisa ng kanilang agahan ang pagdating ni Demetri sa palasyo; nang magtagpo ang paningin nilang dalawa ni Lucian ay parang hindi lang sila nagkita sa Cuba. Napapabilib na talaga siya sa katigasan ng mukha ng kapatid, sa paano niya kaya nagagawa na maging kalmada sa harap ng hapag samantalang kulang nalang ay patayin siya nito noong huling magkita sila? "What happened to your face Demetri?" nag-aalalang tanong ng kanilang Ina ng mapansin ang pamamaga ng kanyang mukha. Napatingin siya sa gawi ng kapatid na may gawa, tuloy ang pagkain nito at walang naging reaksyon mula sa tanong ng ama. "Nothing, Mami." "Demetri, I told you to stop fooling aroung women. Did a woman do this to you?" Tumango nalang siya para matigil na ang haka-haka sa isip ng ina; mas makakabuti kung 'yon ang iisipin niya, baka kapag sinabi niya na lalaki ang may gawa ay ipahanap pa niya at malalaman ang tunay na nangyari. "Demetri-- "Meu amor, let the boy finish eating," putol ni Pietro sa sasabihin pa ng kanyang asawa. Napuno na ng kwento ni Lucius ang sumunod na minuto ng kanilang pagkain; kahit na walang nagbibigay ng interest sa mga kwento niya maliban sa ina ay patuloy siya sa magiliw na pagkekwento. "Mami, can I watch live basketball in the United States if Maribela come home?" Natigilan silang lahat sa pagkain at nagkatinginan sa biglang naging tanong ng kanilang bunso. Napatikhim si Pietro habang maingat na nakikinig ang iba pa nilang mga anak. "Let's see what will happen, son," tugon ng Ina. Huli sa gustong mangyari ni Sopia ang umasa ng matindi ang isang anak sa pagbabalik ng kanyang ate; walang kasiguradohan ang pagbabalik ni Maribela sa kanila, tumakas na ito kasama ang lalaki. "I know Maribela will be happy to take me there, only if you will allow mi Papi," saad ni Lucius sa ama. "I will think of it," sagot ni Pietro na ikinatuwa ng anak. Sa loob niya ay kanina pa gustong tapusin ni Pietro ang agahan, gusto na niya kaagad na malaman ang nakuha na sagot ni Demetri. "Demetri, come to my office. I'll discuss something with you," patay malisya na utos ni Pietro nang mauna siyang tumayo pagkatapos ng pagkain. Hindi na nabigla pa kanino man kay Topaz at Lucian, pareho naman nilang alam na may misyon na ibinigay ang ama sa isang kapatid habang si Sopia ay walang pagdududa kung patungkol ba saan ang magiging pag-uusap ng anak at asawa. "Não se atreva a dizer a verdade a ele." (Don't you dare tell him the truth) Umalingawngaw ang naging habilin ni Lucian sa tenga ni Demetri habang tinutulak niya ang pinto sa tanggapan ng ama; huminga siya ng malalim bago tuloyang pumasok. Gusto niyang umatras at piliin na linawin ang pangalan ni Maribela pero natatakot siya sa pwedeng magawa sa kanya ni Lucian. "Sit down Demetri," giya ni Pietro sa anak. "Tell me what did you find out." Hindi pa man nakakaupo ng tuloyan ang anak ay nagtanong na kaagad si Pietro, wala siyang oras na gustong aksayahin. "Papi, I regret to deliver you the news but everything they told us is the truth. I spent my weeks spying them, I even manage to become close to one of Maribelas' friends," pagsisinungaling ni Demetri. Gustong tumakbo ni Demetri sa nakikitang panlulumo sa mga mata ng ama; napapaisip na siya sa mangyayari sa kanya kung malaman nito na nagsisinungaling siya pero hindi naman iyon malalaman ng ama maliban kung magsasabi si Lucian na malabong mangyari. "Are you sure with your words Demetri?" paninigurado ni Pietro. "Hundred percent Papi." Pagkatapos ng ilan pang paikot-ikot na tanong ay nakalabas na rin si Demetri sa mula sa tanggapan ng ama; makakahinga na sana siya ng maluwag kung hindi lang siya sinalubong ni Lucian. Nang makita siya nito ay luminga ito para tignan kung may nakakakita ba sa kanilang ibang tao at nang masiguro na wala ay hinatak siya nito papunta sa sariling silid. "What did you tell him?" mariing tanong ni Lucian nang marating na nila ang silid. "I didn't tell him the truth." Napangiti ng matagumpay si Lucian, nagawa niyang itago ang katotohanan. Wala siyang panahon para mag-isip na isang pagkakamali ang pinagawa sa kapatid; para ito sa ikakabuti ng kanilang pamilya at Portugal. "Lucian, why do you have to do this? Maribela is our sister." Hindi pa rin magawang buo na matanggap ni Demetri sa kanyang sistema na tama ang ginawa; isa iyong pagtatraidor. Oo nga at may inis siya kay Maribela dahil sa ito ang paborito ng kanilang ama pero hindi naman yata tama na sinaksak nila ito sa likod. Paano kung buhay pala ang kapatid? Paano kung kailangan nito ng tulong? "You will never understand Demetri." "I full understand, you're doing this for the throne. You are full of yourself and a selfish throne craving loser. SHE IS OUR SISTER," nanggagalaiti na si Demetri; takot man siya kay Lucian ay nanalo ang kinakarga niyang konsensya at nais na ipasok sa isip ni Lucian ang pagkakamali. Hinawakan ni Lucian sa leeg si Demetri at sinakal, namula ang mukha niya sa binibintang nito sa kanya. "You know nothing kid. I'm doing this not for myself but for our people because no one in this family can lead with honor except me," usal ni Lucian sa mukha ni Demetri. Napaubo si Demetri nang bitiwan siya ni Lucian, akala niya ay papatayin na rin siya nito pero pagkatapos ng mga naging salita ay lumabas na ito sa mula sa silid. Sinubsob ni Lucian ang kanyang mukha sa mga pinapagawa ng kanilang ama; inaamin niya sa sarili na masama nga siyang kapatid ngunit para lang 'yon sa kabutihan ng lahat, ang tunay na hari ay kailangan din na gumawa ng pagsasakripisyo. "Jesus, can I talk to you?" anas ni Topaz nang makapasok siya sa tanggapan ni Lucian. Sumenyas lang si Lucian na ipagpatuloy ang nais na sasabihin; sila lang dalawa ang nasa silid, nasa labas si Martini at ginagawa ang pinag-uutos ni Lucian na hanapin ang numero kung saan niya pwedeng kausapin si Jennie Kim na isa sa kaibigan ni Maribela. "Did you make Demetri lie?" pagbibintang ni Topaz. Pinatay ni Lucian ang computer tsaka tumingala kay Topaz; wala siyang balak na magsabi ng totoo, wala siyang tiwala kay Topaz, kagaya niya ay desperado na rin ito sa mga gustong mangyari sa buhay niya. Hindi bibigyan ng pagkakataon ni Lucian na gamitin ni Topaz ang impormasyon tungkol kay Maribela sa pansarili niyang interes. "Why will I do that?" "We exactly know why will you do that, Jesus." Tinago ni Lucian ang pagkabahala na baka malaman ni Topaz ang totoo sa kanyang pagtawa. "I didn't make him lie Topaz," giit niya at umiling-iling pa na kunyari ay natatawa. Walang magawa si Topaz; alam niya sa sarili niya na may nalaman si Lucian at sinabihan nito si Demetri na magsinungaling pero alam din niya na hindi niya mapipilit ang kuya na magsabi sa kanya. Kung ano man ang nalaman ni Demetri na ayaw ipaalam ni Lucian ay nais na malaman din ni Topaz; hindi niya hahayaan na siya lang ang bulag sa kanilang tatlo sa katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD