Ika-Siyam na Pahina - Lucian

1460 Words
Vendas Novas, District of Evora Hindi lubos ang kasiyahan sa puso ni Lucian kahit na ba sa unang pagkakataon ay inatasan siya ng kanilang ama ng napaka importanteng gawain sa labas ng palasyo. Simula nang makapagtapos si Lucian ay ginugol niya ang oras para paglingkuran ang kagustohan ng ama ngunit ni minsan ay hindi siya binigyan ng katungkolan na makipagkita sa kanilang sinasakupan; ngayon pa lamang. Pero hindi siya nasisiyahan, sa halip ay nababahala siya. Isang buwan na ang lumipas nang mawala si Maribela at ilang linggo nang walang paramdam si Demetri; nahihintakotan si Lucian kung kailangan na naman ba niyang makipagtunggali sa isa pang kapatid para sa trono. "Príncipe Lucian, o banquete está pronto," (Prince Lucian, the banquet is ready) sabi ni Martini, ang personal na alalay ni Lucian; hindi siya kagaya ng ibang kapatid na babae ang alalay, ayaw niya sa babae dahil sa tingin niya ay hindi matutugonan ang kagustohan niya sa trabaho. Sumunod si Lucian kay Martini patungo sa mesa kung saan puno ng pagkain; pista sa Vendas Novas, sa pagsisikap ng mga tao ay umangat ng ilang porsento ang pamumuhay ng mamamayan, bilang pagkilala ng monarkiya ng Portugal sa kanilang matagumpay na taon ay pinadala si Lucian para makipag-usap at makisaya sa mga tao ng Vendas Novas. Hindi nawawala ang pekeng ngiti sa labi ni Lucian, nais niya na maging mabuti ang paningin sa kanya ng kanilang nasasakupan, nais niya na makuha ang kanilang loob. Sa gitna ng mga karaniwang tao sa Vendas Novas ay magiliw na kumakain si Lucian; habang pinagmamasdan niya ang mga nakapalibot sa kanya ay marami ng nabubuo sa isip niya na mga plano para mas pabutihin ang buhay ng kanilang nasasakupan kung bibigyan lang siya ng pagkakataon ng kanilang Ama. "Príncipe Lucian, uma chamada do Príncipe Topaz," bulong ni Martini sa kanya sa gita ng kanyang pagkain. Kinuha niya ang telepono at lumayo sa kinaroroon ng mga tao; inaasahan na niya na tatawag si Topaz para sa kahit anong balita kay Demetri. "Olá." "Olá Jesus, Demitri called me." Napangiti si Lucian sa sarili, talagang maaasahan si Topaz; kung siya nga talaga ang maitatalaga bilang sunod na hari ay gagantimpalaan niya ang katapatan ng kapatid. "Any news?" "He's in Havana, Cuba right now." Lucian didn't expect that; kung saan-saan na pala si Demetri napapadpad, panigurado na mahalaga ang naging trabaho na binigay ng kanilang ama. Napayukom ang kanyang kamay; hindi maaari na masapawan na naman siya. "What will you do now, Jesus?" "Can you cover me inside the palace?" Namuo na ang desisyon sa isip ni Lucian, hindi niya hahayaan na hindi niya malaman ang pakay ni Demetri na nakarating na ito sa Cuba mula sa Switzerland. Kung importante iyon o tungkol kay Maribela ay dapat na maunahan niya ang ama; para alam niya ang dapat na gagawin. "Jesus you know I can't blow my chances, if Papi will know any of your plans right now I'll be a prisoner here in Portugal forever." "I am your only chance Topaz, if I can't be aware of whatever mission Demetri is doing I will not know what to do to secure my spot to the throne. Help me, and I promise to help you reach your dream," pagbibigay pag-asa ni Lucian sa kapatid. Matinid ang pagnanais ni Topaz; sa nangyayari ngayon sa kanilang pamilya ay si Lucian na nga lang talaga ang kanyang pag-asa. Huminga siya ng malalim bago sinang-ayonan si Lucian. "But promise you'll be back after a day, that's what I can do best." Sa pagbaba ng tawag ay nagmadali si Lucian na lapitan si Martini, ni hindi na nga niya nagawang ibalik ang pagbati ng mga taong kanyang nadadaanan. "Bring me to the airport, pronto." Walang pagtotol o tanong ang kumawala kay Martini, tahimik lang siyang sumunod sa paglalakad sa likoran ni Lucian at tinunga ang kanilang kotse. Mas mabilis na makakarating si Lucian sa Cuba kung ang kanilang pribadong sasakyan panhimpapawid ang kanyang gagamitin pero panigurado na makakarating iyon sa ama niya na lumabas siya ng bansa kung kaya ginawa niya ang pinakamatalinong bagay, ang makihalubilo sa ibang tao at hindi ginamit ang kanyang pribileheyo. Hindi ni Lucian isinama si Martini, gagawin niya ng mag-isa ang pagtuklas ng mga nalalaman ni Demetri. Sa Havana ay hindi pa nagigising si Demetri, mula sa pag-alis niya noong nakaraang gabi sa silid ni Diana ay ginawan niya ng paraan para makuha ang babaeng bartender at ikanatagumpay naman niya. Ginugol nila ang magdamag sa pag-ungol at pagpapainit sa ibabaw ng malambot na higaan ngunit madilim pa ay nilisan na rin ng babae ang silid ni Demetri. Napabalikwas ng bangon si Demetri, hindi pa man din siya nahihimasmasan ay malakas na suntok ang tumama sa kanyang mukha. Nalasahan ni Demetri ang dugo mula sa pumutok niyang labi; sa harap niya ay ang galit na galit na mukha ni Lucian. "W--what are you doing here?" gulat na tanong ni Demetri ng makabawi na siya. "What are you doing here?!" may diin na pag-ulit ni Lucian sa naging tanong ng kapatid. Nahihintakotan si Demetri kay Lucian, totoo nga at may laban siya kung makikipagsuntokan sa kapatid pero alam niya sa kanyang sarili na masyadong tuso si Lucian; kaya nitong siraan siya, ipatapon at kumbinsihin ang kanilang pamilya na itakwil na lamang siya. "I'm on vacation Lucian," pagpapalusot niya; malinaw na habilin ng kanilang ama na wala siyang sasabihan ng pakay at nalalaman niya. Ngumisi si Lucian ng nakakasuya; siya ba pa ang pakasinungalingan ni Demetri? "Eu não sou estúpido, Demetri!" (I am not Stupid!) Kulang nalang ay mapatalon si Demetri mula sa higaan, sa mga mata ni Lucian ay nakikita na kaya siya nitong patayin mula sa kanyang kinalalagyan. "L--lu--- "Não tente mentir(Don't try to lie), Eu posso ler você.(I can read you) Masyado nga talagang halata ang kaba at mga tinatago ni Demetri sa mukha niya, hindi siya kagaya ni Lucian na kayang itago ang tunay na nararamdaman. Oo nga at matinik siya sa babae pero hanggang doon na lang ang pagiging mapaglaro niya, sa ibang bagay ay malinaw sa mata niya kung may tinatago siya. "Tell me, why are you here," demand ni Lucian. Naglakad ito patungo sa fridge ng kwarto ni Demetri at kumuha ng alak, umupo siya sa upuan habang umiinom at hinihintay ang sasabihin ng kapatid. "Papi asked me to investigate the matter with Maribela." Napatango si Lucian, inaasahan na niya na patungkol nga ang lahat sa nawawalang kapatid. "She got lost in the middle of nowhere Lucian, she didn't runaway with some corno." Natigilan si Lucian; sa sinabi ni Demetri ay parang sinabi na rin nito na baka namatay si Maribela at hindi totoo ang pinaniniwalaan nilang kalokohang ginawa nito. "She might be dead, no one knows." Kahit hindi gusto ni Lucian ang ideya na si Maribela ang mamumuno ay kapatid pa din niya ito, hindi niya maiwasang malungkot ngunit itinago niya ito sa pamamagitan ng ngiti; kung totoo nga na wala na si Maribela ay gustong paniwalaan ni Lucian na tadhana na ang gumawa ng paraan upang siya ang maupo sa trono. "That is great news, now I can have the throne without fighting for it," anas niya at inubos ang alak na iniinom niya. "I will tell it to Papi, we need to find Maribela." Tumayo si Lucian at nilapitan ang kapatid, matalim niya itong tinignan sa mga mata; gusto niyang papaniwalain ang kanilang ama sa kung ano ang pinaniniwalaan nito ngayon. Kung bibigyan niya ng pagkakataon si Demetri na masabi sa ama ang tunay na nangyari ay parang binigyan niya rin ng pagkakataon ang kapatid na magkaroon ng laban para sa trono. "You will not tell Papi or Mami even Mama Emilda, no one will know about this. You will keep it until you die Demetri." Hindi iyon isang pakiusap mula kay Lucian, isa iyong utos para kay Demetri. "She is our sister, Lucian," pagpapa-intindi ni Demetri sa kapatid. Totoo nga at kahit siya ay may pagnanais na mawala sa landas nila si Maribela pero hindi sa ganitong paraan. "Will she live if Papi will know about this? No, she will not. Now, burry her like I told you," mariing wika ni Lucian tsaka tumalikod at lumabas sa silid ni Demetri. Nakuha na niya ang gusto mula sa Cuba; kailangan na niyang bumalik sa Portugal para mas bumango sa kanilang ama. Gulong-gulo si Demetri, kung wala siyang dadalhin na balita sa ama ay paniguradong siya ang malilintikan at hindi na muling pagkakatiwalaan; dalawa nalang ang kanyang pagpipilian, ang ilaglag si Maribela at panindigan ang naunang balita na dumating sa kanila patungkol rito o ang suwayin si Lucian at magsabi ng totoo. Alin man ang piliin ni Demetri ay hindi magiging tahimik ang buhay niya, uusigin siya ng kanyang konsesnya o uusigin siya ng galit ni Lucian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD