Ika-Walong Pahina - Demetris' Game

2011 Words
Havana, Cuba Pagod na sinalampak ni Demetri ang katawan sa malambot na higaan sa loob ng Melia Cohiba hotel; akala niya ay hindi na matatapos ang pag-ikot ng tatlong kaibigan ng kanyang kapatid sa buong mundo. Mula Geneva, Switzerland ay tumungo ang tatlo sa shopping district sa Paris hanggang sa lumipad na naman ang mga ito papunta sa hollywood at tsaka naghiwalay na ng landas. Mas pinili ni Demetri na sundan si Diana na dumaan sa Cuba para makapagrelax at kalimutan ang ginawang kamalian kay Maribela. Mariing pinikit ni Demetri ang mga mata, pagod siya at gusto ng umuwi ng Portugal. Hindi niya lubos akalain na sa ganito pala kahirap na gawin ang misyon na pinagkatiwala ng ama. Akala niya magiging madali sa kanya na mapalapit kahit kanino sa tatlo pero sa loob ng ilang linggong pagsunod ay wala pa siyang nagagawa. Naupo si Demetri sa higaan, pagod siya pero hindi siya makatulog ng mahimbing sa pag-iisip na baka hindi niya magawa ng tama ang pinapagawa sa kanya. Kinuha niya ang pitaka sa ibabaw ng mesa at nagdesisyon na bumaba sa hotel bar; iinom muna siya at mananalangin na baka sakali lang ay mapadpad din si Diana doon mamaya at magawa na niya ang unang hakbang ng paglalapit nila. Naglakad-lakad si Demetri paputa sa beach side bar, wala halos katao-tao at isang live band ang tumutugtog ng isang spanish salsa music. Dahil sa mag-isa lang naman siya ay umupo siya sa stall sa harap ng bar counter. "Vodka," anas niya habang palinga-linga. Sa paglapag ng baso sa harap niya ay napatingala siya sa babaeng bartender na nagbigay ng inumin niya; kulang nalang ay malaglag ang panga ni Demetri sa mukha nito. Ang kayumanggi nitong balat ay nababagay sa kulot-kulot niyang buhok at matamlay na itim na itim na mga mata. "Please quit staring," suway ng babae sa kanya kahit na na wala naman sa kanya ang paningin nito. Natawa ng bahagya si Demetri, mukhang mahirap makuha ang babae; a challenge that Demetri would like to take. Sanay siya sa mga babaeng una ay nagpapakipot, ganito rin naman ang mga naging personal na katulong niya. "What will happen if I want to stare at you until dawn?" Hindi inalis ni Demetri ang paningin sa babae kahit na inuubos niya ang inumin sa baso. Sinuklian lang siya ng nababagot na paningin ng babae. Napabaling si Demetri sa isang gilid niya, nandoon si Diana sa pinakadulong mesa at mukhang nalalasing na; naglapag ito ng tip sa mesa at tumayo paalis sa bar. Bumalik ang paningin ni Demetri sa babaeng bartender, nais niyang makipaglandian sa babae ngunit kailangan niyang unahin ang pinapatrabaho sa kanya ng ama. "I would love to take you to dinner someday," anas ni Demetri at hinugot ang private calling card sa bulsa at nilapag sa bar counter, "give me a call." Kinindatan niya ang babae at patakbong hinabol si Diana. Pagewang-gewang ang lakad ni Diana papalapit sa tubig, hindi na niya kaya ang konsensya na dinadala niya. Ilang beses na niyang sinubukan na buksan kay Jennie ang kagustohan na magsabi na ng totoo pero sa tuwing nagsasabi siya ay pagbabanta ang ginagawa ng kaibigan. Maganda si Diana at may nakakabighaning katawan ngunit hind ito masyadong pasok sa mga tipo ni Demetri, kung hindi lang dahil sa ama ay hahayaan niya nalang si Diana na lumusong sa tubig at babalik na siya sa bartender na nagugustohan niya. Sa paglakad ni Diana sa tubig ay mabilis siyang hinatak ni Demetri at tinapon sa buhangin. Tila nahimasmasan si Diana nang tumama ang likoran niya sa buhangin, ikinagulat niya na makita ang mukha ng kapatid ni Maribela. Mas nanaig ang kaba kesa sa alcohol na dumadaloy sa kanyang katawan. "W--what are you doing here?" natatarantang tanong ni Diana. "I'm on vacation. How about you, why do you want to kill yourself?" kalmadong tanong naman ni Demetri. Hindi malaman ni Diana ang sasabihin, ano ba dapat ang sabihin niya? Na nakokonsensya siya dahil kasabwat siya sa pagsira ng imahe ni Maribela? Hindi iyon maaari, gaya ng sabi ni Jennie ay kinakatakot niya na baka ikabagsak ng pamilya niya ang katotohanan. "Are you okay?" kunyaring nag-aalalang tanong ni Demetri tsaka nilapit ang mukha kay Diana. Tumango si Diana at pinilit na makatayo, ngunit sa sama ng pagbagsak niya ay tila naging mahina ang tuhod niya. Nang mapansin ni Demetri ang paghihirap nitong makatayo ng tuwid ay naging oportunidad para sa kanya iyon para makuha ang loob ng babae. "W--what are you doing?" "It's my fault I throw you to the sand, let me atleast bring you to your room." Kinarga ni Demetri si Diana na hindi na rin nagreklamo pa. Deretso lang ang naging tingin ni Demetri sa daan patungo sa tinuro ni Diana na tinutuloyan nito, ayaw niyang ipakita sa babae na uhaw siya na maging malapit silang dalawa. "T--thank you," pasalamat ni Diana nang mailapag siya ni Demetri sa kanyang higaan. "No biggie," usal ni Demetri tsaka tumalikod na at kunyaring aalis na. "Wait." Napangiti si Demetri bago pinaseryoso ang mukha at humarap muli kay Diana; gaya ng inaasahan niya mahuhulog ang babae sa kabutihan niya. "I know you have everything but I would like to know how can I repay you for carrying me here in my room." There is more of it, kung iisipin ay kasalanan naman ni Demetri kung bakit hindi makapaglakad ng maayos si Diana ngunit nakuha na ng lalaki ang atensyon niya; bata pa nga ito kumpara sa kanya pero para siyang minamagnet ng lalaki. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni Demetri, Oo nga at mas gusto niya ang bartender kanina pero pwede na rin naman si Diana. He's like hitting two birds in one stone, a steamy s*x and having a progress on his given mission. "I don't know, what can you offer?" makahulogang sabi ni Demetri tsaka lumapit at umupo sa paanan ni Diana. Namumula ang paa ni Diana sa pagkakatapilok kanina nang matumba siya, inabot iyon ni Demetri at marahang minasahe habang ang mga mata ay nakatutok kay Diana. "Just ask and I'll give it," tugon ni Diana at napakagat pa sa pang-ibabang labi niya. "Uhuh?" anas ni Demetri. Paunti-unti ay tinaas niya ang kamay paakyat sa maputing binti ni Diana; walang pagtutol mula sa babae kundi pagpikit lamang ng mga mata sa tuwing pinapasada ng lalaki ang mainit nitong palad paakyat, papasok sa loob ng matipis at maikli niyang floral dress. "I don't really like silence. Give me permission to go on," paghamon ni Demetri habang nakatigil ang isang kamay sa laylayan ng lace panty ni Diana. "Let me ask you Mister Afonso..." Napatigil sa kanyang sasabihin si Diana nang natatawang umiling si Demetri. "Please don't call me that, it makes me old. Just Demetri." "Okay, Demetri, did you purposely approached me?" May pagdududa sa isip ni Diana, bago pa man siya magpakalunod sa tawag ng laman ay nais niyang malaman kung ano ang aasahan bukas ng umaga; para na rin mahanda niya ang sarili sa kung ano dapat niyang sabihin sa lalaki. "You caught my eyes the first time I saw you in Geneva, I fly wherever you went," panlalaglag ni Demetri sa sarili; nakuha na niya na pagkakatiwalaan lang siya ng babae kung magsasabi siya ng kaunting katotohanan. Tama nga at hindi maalis ang mata niya para sa baba noon sa Geneva pero hindi iyon dahil sa gusto niya ang babae kundi dahil nakikita niya na mas visible ang pagsisinungaling sa mukha nito. "I can't understand what you are trying to say," pag-amin ni Diana; nagugulohan siya sa kung ano ang nais na iparating ni Demetri. Sa loob ni Demetri ay tuwang-tuwa siya, hindi niya akalain na masyadong madaling paikotin ang babae; tutok ito sa mukha niya at handang makinig at maniwala sa kahit anong sasabihin niya. Binawi niya ang kamay na nakatigil sa ibaba ng panty ng babae, umakyat siya ng tuluyan sa higaan at dahan-dahan sa pagpapaibabaw ka Diana na humiga na sa higaan. Taimtim na tumingin si Demetri sa mata ni Diana, mula sa mata nito ay bumaba ang tingin ni Demetri sa dibdib niya. "I crave for your body," saad ni Demetri at mabilis na inumpisahan ang pagpapaligaya sa babae. Walang pagtutol, tanging pagpapaubaya ang ginagawa ni Diana. Nalunod na siya; naloko ng mga tingin at ngiti ni Demetri na may iba pang hangarin sa kanya. Sa bawat pagpapaligaya ni Demetri ay namutawi ang ungol sa labi ni Diana; hindi siya magkamayaw sa pagkapit sa bedsheep sa kung gaano ka eksperto si Demetri sa ginagawa niya. Pagkatapos matapos ang ilang beses na pagpapainit ng katawan ay nakatulog si Diana; ilang minuto pa siyang pinagmasdan ni Demetri para masiguro na nakatulog na nga talaga ito. Nang masiguro na tulog na ang babae ay bumaba siya sa higaan at nagsimulang maghalungkat sa gamit ng babae. Mula sa bagahe nito na puro pinamili sa shopping spree na ginawa ang laman ay inumpisahan ni Demetri na halungkatin ang handbag nito na may lamang personal na gamit, cellphone at netbook. Unang binuksan ni Demetri ang cellphone ni Diana ngunit wala siyang nakuhang impormasyon kung kaya sinubukan naman niyang buksan ang netbook ngunit may password naman ito. Lumabas siya sandali sa silid ni Diana para tawagan si Topaz; wala siyang ibang maisip na tao na maaaring makatulong sa kanya para mabuksa ang netbook ni Diana. "p**n star, where are you?" "I don't have really that much time now to have a chitchat, can you help me with something?" "Woah, what's with the rush?" "Bud, come on! This is important." "I'll help you but you have to tell me where are you now." Sandaling nag-isip si Demetri, wala namang masama kung sabihin niya sa kapatid kung nasaan siya basta ba hindi na niya sasabihin ang naging pakay niya. "I'm in Cuba." "Where exactly?" "Havana." Gaya nga ng pangako ay tinulongan siya ni Topaz; mula sa Portugal ay nagawa ng kapatid na matulongan siyang mabuksan ang netbook ni Diana. Napapabilib na talaga siya kay Topaz kung hindi lang ito sunod-sunoran kay Lucian. Sa muling pagpasok ni Demetri sa silid ay mahimbing paring natutulog si Diana; sinimulan niyang buksan ang emails ng babae at wala siyang pinalagpas na babasahin. Walang kaduda-duda siyang mensahe na nabasa, susuko na sana siya at handa ng mag-isip ng kanyang Plan B nang maisipan niyang tignan ang documents ng babae. Hindi nabigo si Demetri, bumulagta sa kanya ang Diary ni Diana. Halos hindi makapaniwala si Demetri sa mga nabasa kahit na ba alam naman niya sa sarili niya na malabo nga talaga ang paratang ng mga ito sa kanyang kapatid; hindi niya maiwasang magulat na nagawa ng mga kaibigan ng kanyang ate Maribela ang gumawa ng isang kwento na alam na makakasira at gagawa ng eskandalo. Matindi ang magiging kaparusahan ng ginawa ng mga kaibigan ni Maribela, paniguradong kapag nakarating ito sa kanilang ama ay isang hindi kanais nais na parusa ang igagawad nito ngunit walang pakialam si Demetri; wala naman siyang nararamdaman sa natutulog na babae, sadyang isa lang regalo na may nangyari rin sa kanila; hindi naman niya kasalanan kung naakit ang babae sa kanya. Lumulukso ang puso niya sa tuwa habang nililipat ang mga dokumento sa kanyang sariling cellphone at kinuhanan na rin ng litrato para mas matibay na ebidensya; hindi na siya makapaghintay sa magiging papuri ng ama. Natatawa na rin si Demetri sa magiging reaksyon ni Lucian, totoo nga at malapit sila pero minsan ay may ugali ang kapatid na hindi niya magustohan; lalo na ang pagiging bossy nito. Hindi ginagawa ni Demetri ang ginawa niya para kay Maribela; ginagawa niya lang ang tungkolin na binigay sa kanya ng kanyang ama para makuha rin ang respeto nito. Sa paglabas ni Demetri sa silid ay tuwang-tuwa siya, sa pagbabalik niya sa Portugal alam niyang magiging kapantay na siya ni Maribela sa mata ng kanyang ama. "That's an easy task," natatawang anas niya sa kanyang sarili at pasayaw-sayaw na bumalik sa bar na tinungohan niya kanina. Hindi siya aalis ng Cuba hanggat hindi niya nakukuha ang babaeng bartender; makakapaghintay rin naman siguro ang balita na dadalhin niya para sa ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD