Ika-Pitong Pahina - FRIENDSHIP

2017 Words
Napatalon maging ang puso ni Maribela sa gulat ng sa pagbukas niya ng pinto sa banyo ay siyang pagpasok naman ng walang pang-itaas na panaplot na si Taurus. “Looks like you’ve seen a ghost,” pagbibiro nito sa kanya na ikinaikot ng kanyang mata. Natawa ng bahagya si Taurus at ginulo lalo ang basa niyang buhok. Tatlong araw na tuloy-tuloy ang pag-ulan sa isla kung kaya’t ngayon pa lamang matutuloy ang plano nila noong nakaraan na magbackpacking. Hindi gaya ng inaasahan ay naging mabuti para sa kanila ang pananatili sa kabina, mas nagkaroon sila ng panahon na makilala kahit papano ang isa’t isa. Kahit pa man hindi iisa ang lengwahe na sinasabi ay pilit silang nag-uusap. Kahit papano ay nababawasan na ang pagkailang na mayroon sila. Hindi na madalas tumatayo ang bandera ni Taurus kapag nagkakahawak sila ni Maribela o namumula ang pisngi ni Maribela sa tuwing nakikita ang katawan ni Taurus. Ang mga araw ay tila taon ang nakalipas. Malalim na kung iisipin ang pagkakaibigan na mayroon sila. Kapwa sila mailap sa tao at mahirap kaibiganin himala na naging madali para sa kanila ang pakitungohan ang isa’t isa. “Let me carry that. It’s bigger that you are.” Kinalas ni Taurus ang bag na nakasabit sa likoran ni Maribela. Hindi man siya magkamayaw sa dala ay hindi niya alintana. Napapabilib sa kanya ang babae, palihim na humahanga sa lakas na mayroon siya. “Look where you’re going, it’s slippery.” Nauna sa paglalakad si Maribela, sinusundan ang madamong daan paakyat. Sa tuwing muntik na siyang madulas ay eksperto siyang nasasalo ni Taurus sa likod at tinutulak pabalik sa tamang paglalakad. Natatawa ng palihim si Maribela sa pagkanta ng lalaki ng isang Russian classical song, damang dama iyon ni Taurus. “Why you are laughing?” tanong ni Taurus sa kanya. Hindi sumagot si Maribela at nagpatuloy sa paglalakad, kumunot ang noo ni Taurus. Bakit hindi siya pinapansin ng babae? Hinawakan niya ito sa braso at hinila paharap sa kanya, sa gulat ni Maribela ay binawi niya ang braso kay Taurus pero dahil sa madulas na daan paakyat ay nabuwal silang dalawa at napasalampak sa maputik na daan. “Jesus! Clumsy, clumsy!” Singhal ni Taurus na ikinagulat ni Maribela; namula na naman ang mukha niya sa kahihiyaan sa lalaki. “D-desculpa…” paghingi niya ng tawad. Namumula ang ilong ni Maribela maging ang baba ng kanyang mata, naiiyak siya. Bakit ba palagi nalang silang nalalagay sa kapahamakan na dalawa sa mga pinanggagawa niya? Huminga ng malalim si Taurus nang makita ang mukha ni Maribela. Ganito ba talaga ito? Madali masaktan sa kahit anong bagay? Hindi naman kasi siya ang tinutukoy ni Taurus na hindi nag-iingat. “It’s not your fault Bela, I should be the one saying sorry,” usal ni Taurus. Napakagat sa kanyang pang-ibabang labi si Maribela, hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit emosyunal siya. Tumayo si Taurus, napuno ng putik ang pantalon niya. “Me desculpe e minha culpa.” (I’m sorry, it’s my fault.) Mas lalong nakonsensya si Maribela sa nakitang pagligo ni Taurus ng putik, siya naman kasi ay sa damuhan dumeretso kaya ang paa niya lang ang naputikan. “I can’t understand you Bela. Please stop with the sad face.” Nilahad ni Taurus ang madumi niyang kamay sa harap ni Maribela, nang makitang tinignan lang ito ng babae ay pinahid niya sa puting damit ang kamay upang malinis. “Come on, let’s keep going. It’s just mud, so, don’t be a girl.” Tinanggap na ni Maribela ang kamay ni Taurus, ayaw na niyang magpakatigas pa. Iniisip niya na sana ay mabuti ang kalagayan ng lalaki kung hindi lang siya dumating; ang maging masunurin at hindi pabigat nalang ang kanyang magagawa. Sa mga sumunod na oras ng kanilang pag-akyat ay naging tahimik na, hindi na rin natatawa si Maribela sa paminsan-minsan na pagkanta ni Taurus, iniiwasan niya na makagawa na naman ng aksidente. Sa paglabas nila sa masukal na gubat ay tumambad samukha nila ang napakagandang tanawin ng kabilang dako ng isla. Napahanga si Maribela, malamig ang bawat hampas ng hangin sa mukha nila. Nasapo niya ang dibdib niya, lahat ng nangyari sa kanya, simula sa paglagay ng kanyang buhay sa kapahamakan ay ngayon naiintindihan na niya. Ito ang pinangarap niya, ito ang dahilan ng pagtakas niya; kaunting katahimikan at kapayapaan, kahit na panandalian lang. “Bela, come here, you might fall,” pagtawag ni Taurus ng atensyon niya. Masyado siyang malapit sa bangin, hindi na niya napansin ang bawat hakbang dahil sa pagkawili sa kanyang nakikita. Naupo siya sa tabi ni Taurus sa labas ng naset-up nitong tent. “You try,” alok ni Taurus sa banoculars. Tinanggap iyon ni Maribela, gamit ang binocular ay sinipat niya kung anong mayroon kilomento ang layo sa kanila. Napanganga siya; isla at may ilang mga tao siyang nakikita. Maliit lang iyon sa kung naroroon siya pero kumpirmado niyang ang mga gumagalaw sa isla na ‘yon ay mga tao nga. Inaamin ni Maribela sa sarili niya, nasasabik siya sa pamilya niya, sa presensya ng ibang tao ngunit ngayon ay hindi pa siya hand ana bumalik sa labas ng isla. Unti-unti ay nakikita niya ang halaga ng mayroon siya ngayon, at hindi na rin naman sila nagiging iba sa isa’t isa ni Taurus. Hanggang sa kaya niyang maitago ang kanyang tunay na katauhan alam niyang walang mangyayaring masama dahil kung gusto siyang gawan ng lalaki ng hindi kaaya-aya ay sana ginawa na nito noong una palang. “Do you want to go home, Bela?” Bumaling siya kay Taurus. “Nao, eu quero ficar. Eu odeio minha vida for a desta ilha, eu nao sou livre.” (No, I want to stay. I hate my life outside this island, I am not free. Wala mang maintindihan si Taurus ay lubos siyang naapektohan sa malungkot na mata ni Maribela, kung may magagawa lang sana siya para mawala ang nakikita niyang hinagpis sa mukha ng dalaga ay matagal na niyang ginawa. Nilayo ni Maribela ang kanyang paningin, kahit na ba hindi siya maintindihan ng lalaki ay natatakot siya sa pagiging bukas ng kanyang damdamin para rito. Natatakot siya nab aka habulin siya ng lahat ng mga sasabihin niya kay Taurus, natatakot siya na baka maging malapit sila sa isa’t isa. Ikinakatakot niya na may magawa na naman siyang hindi nararapat dahil ang lahat ng mayroon sa isla ay panandalian lamang. “Do you want to try cliff diving?” pagbasag ni Taurus sa nakakalungkot nahangin na nakabalot sa kanila. Tumayo siya at hinubad ang puti niyang damit na napuno ng putik. Sa paglakad niya papalapit sa bangin ay nanatiling nakaupo si Maribela; delekado ang cliff diving, ayaw niyang gumawa ng isang bagay na maaari na naman niyang ikapahamak. “Bela, come on!” Umiling si Maribela kay Taurus ng senyasan siya nito na lumapit. Malapad ang ngiti ni Taurus habang nakaharap sa kanya at unti-unting patumbang nagpatihulog sa bangin. Nanlaki ang mga mata ni Maribela, binalot siya ng takot, tinakbo niya ang bangin at tumingin sa baba. Hindi tumalon si Taurus kundi patumba kung kaya marami ng posibilidad na nangyari ang pumasok sa isip ni Maribela. “Taurus! Tau!” paulit-ulit na pagtawag ni Maribela sa pangalan ni Taurus pero hindi niya makita ang pag-ahon ng lalaki. Mas lalong nagulo ang isip ni Maribela at kumabog ng todo ang puso niya nang kahit paglutang ng katawan ng lalaki ay hindi niya makita. Pikit mata at taimtim siyang nadasal bago tumalon na rin sa bangin. Sa pagbagsak ng katawan niya sa tubig ay narinig niya ang pagtawa ni Taurus na nakasandal sa bangin at kanina pa nagtatago. “The water is refreshing, right?” pagbibiro ni Taurus. Namumula ang mukha ni Maribela na sinugod siya pero lumangoy lang din si Taurus palayo sa kanya. Naghabulan silang dalawa sa tubig habang si Taurus ay tumatawa at si Maribela naman ay umuusok ang ilong sa galit. “Voce me deu um ataque cardiaco!” (You gave me a heart attack) panggigil ni Maribela nang mahawakan na sa braso si Taurus. Sinuntok niya ito at nang makitang natatawa parin at hindi nasasaktan ang lalaki ay kinurot na niya ito. Napangiwi si Taurus, maliban sa Lola niya ay si Maribela lang ang kaisa-isang babae na nagawa siyang kurutin. “Jesus Christ! That f*****g hurts Bela!” Singhal ni Taurus pero sinamaan lang siya ng tingin ni Maribela at umahon na. Naupo si Maribela sa bato habang si Taurus ay palangoy-langoy sa harap niya. Pinapakalma ng una ang kanyang sarili, hindi parin magkamayaw ang puso niya sa pagkabog, akala niya ay namatay na si Taurus kanina. “I’m sorry Bela,” usal ni Taurus tsaka lumapit sa kanya. “Nao foi engracado.” (It wasn’t funny) Sumampa ang lalaki sa bato tsaka hinatak ang katawan paakyat sa tabi ni Maribela. Nilayo na rin niya ang kanyang mata; sa ano ba naman at bakat na bakat ang dibdib ng babae, hindi niya alam kung may kakayanan pa bang natitira sa kanya para magpigil. “Bela, I’m really sorry it’s just that I want you to loosen up. It seems like you’re thinking a lot.” Totoo ang concern na pinapakita ni Taurus kay Maribela, Oo nga at noong una ay ayaw niya na mapalapit sa babae pero dahil lang naman sa ayaw niyang pagsamantalahan ito; nang magsimula silang magkaroon ng oras at mag-usap na kahit hindi magkaintindihan ay nagugustohan ni Taurus ang presensya ng babae; nakakalimutan niya ang sariling problema kaya lang ay kung minsan naapektohan din siya kapag nahuhuli niya ang babae na tulala. Bumaling si Maribela sa kanya tsaka isang ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga; ngingiti na rin sana si Taurus nang itulak siya ni Maribela pabalik sa tubig tsaka tumawa. Imbis na mainis ay natawa na rin si Taurus; pareho silang may malalim na problema na iniwan sa labas ng isla kung kaya habang ngayon na nakakulong sila sa gitna ng kawalan ay mas mabuting maging masaya nalang muna sila. Para silang mga bata na naghahabulan at naglalaro sa tubig, maliban sa tunog ng tubig at huni ng ibon ay tangin tawa nilang dalawa ang namutawi sa kinaruronan nilang dalawa. Nakalabas na ang buwan nang magdesisyon silang bumalik sa tent nila, iniwas ni Taurus ang kanyang mata at tumalikod nang mag-umpisang hubarin ni Maribela ang kanyang mga damit. Ngunit isa lang siyang lalaki, mula sa repleksyon ng buwan ay pinagnasahan niya ang anino ni Maribela na nagbibihis. Makailang beses siyang napalunok at kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya. “W—what?” his guilt is evident in his face nang humarap siya kay Maribela sa pagtapik nito sa mukha niya. “You’re done?” dagdag niya na tinanguan lang ni Maribela. Nasa harap sila ng bonfire at kinakain ang pagkain na inihanda nila kanina, umiinit ang katawan ni Taurus ngunit hindi dahil sa init mula sa apoy kundi sa init na dulot ng balat ni Maribela na nasasagi niya. Masyado silang malapit sa isa’t-isa, kanina ay magandang ideya ang maupo sila malapit sa isa’t isa dahil sa lamig ng hangin na dulot ng isla ngunit ngayon pakiramdam ni Taurus ay sarili niya lang ang pinapahirapan niya. “Estou sendo egoista, Taurus? (Am I being selfish, Taurus?) Se estou pensando que devo brincar de fingir e deixar minha familia pensar que ja morri? (If I’m thinking that I should play pretend and let my family think I already died?” “I don’t get any of that Bela but whatever your problem is, things will pass and everything will be okay.” Hinawakan ni Taurus ang kamay ni Maribela, ramdam niya na may mabigat na pasanin ang babae. Iba man ang layunin niya sa pagpapagaan ng pakiramdam nito ay hindi na mahalaga para kay Maribela, sapat na para sa babae na may tao siyang nakakausap sa ngayon sa kung anong nararamdaman niya. Pumapasok sa isip ni Maribela na sa pag-alis niya sa isla ay magbabagong buhay na siya, magtatago, magsisimula at kakalimutan na ang tunay niyang pagkatao; ngunit natatakot siya, natatakot siya sa kung ano ang mangyayari sa kanyang pamilya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD