MALINAW pa rin sa isipan ni Corey ang binitawang salita sakaniya ni Johann kahit ilang linggo na ang lumipas. Hindi lingid sa kaalaman niya na ayaw nila sa presensiya ng isa't-isa. Ngunit hindi niya aakalain na ganoon pala ang pagkadisgusto nito sakanya! Puwes, the feeling is mutual. Ayaw din naman niya rito. Kung naghain na ito ng digmaan sa pagitan nila, hindi siya uurong. Napakahambog at saksakan ng yabang! Kabaligtaran talaga nito ang nakakabatang kapatid na si Paul, mabait sa lahat si Paul.
Kaya naman nang mga sumunod na araw ay sinadya ni Corey na iwasan si Johann. Sinasakto niyang pumunta sa bahay ng mga Marquand tuwing wala ang lalaki. Noong minsan namang napaaga ito ng uwi at naabutan siya nito sa sala, nagkunwari siyang tulog. Noong sinundo naman siya ni Carly noong isang araw papasok sa eskwelahan at nakita niya si Johann na nasa loob din ng kotse, mabilis siyang nagdahilan na sumakit bigla ang tiyan niya. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya talaga makakasundo si Johann.
Kung iyong mga unang insidente na tinutukso tukso lang siya nito na iyakin, uhugin at marami pang mga bansag at ang mga pagsasabotahe nito sa mga plano nila ni Carly, ay mapapalagpas niya. Ang ulanin siya nito at ng mga kapitbahay nila ng tukso matatanggap niya, pero iyong ipamukha sakaanya na hindi siya nababagay sa kapatid nitong si Paul na tila ba may nakakahawa siyang sakit ay iba na! Hindi lang niya ito basta kaaway, intrimitido at kontrabida rin ito sa lovestory niya!
~
"BESTIE, nakita ko na ang man of my dreams ko! Siyaks!" Kinikilig na turan ni Carly sakaniya habang nasa Movie Room sila nito. Parehas nagpapahinga ang magulang ng kaibigan. Ayon kay Carly, ay maagang umalis si Johann, busy na ito pagkat graduating na sa kursong Civil Engineering. May experiment project naman na kailangang tapusin si Paul kaya maaga ring umalis.
Inismiran niya ang kaibigan. "At sino naman 'yang man of your dreams? Aba, maghunos dili ka, Carlito. Ang bata bata pa natin pulos kalandian na 'yang nasa isip mo, pasalamat ka at supportive sainyong magkakapatid si Tito Manuel at Tita Malou, dahil kundi, hindi mo malalabas ang tunay mong anyo," Totoo iyon. Ibinahagi sakaniya ng kaibigan ang insidente kung saan inamin nito sa magulang ang pagiging binabae bago pa man ito tumuntong ng highschool. Ngunit hindi tulad ng ibang magulang, nang malaman ng magasawang Marquand na isang binabae ang bunsong anak ng mga ito ay wala itong ibang nagawa kundi tanggapin at suportahan na lamang si Carly. Ngunit hindi raw maitatangging noong una’y nabugbog ito ni Tito Manuel. Kilaunan ay nagsisi ito sa nagawa sa anak at hinayaan na lamang kung saan ito masaya.
Inirapan siya nito ng pagkatalim talim. "Grabe ka naman makapagsalita, bestie. Ah, basta ang pogi niya friend! Tapos pinansin niya ako, havey na havey ang beauty ng lola mo," tumirik pa ang mga mata nito.
Natawa siya. "Kinausap ka niya?" Nagmamalaki itong tumango. "Yes!"
"At ano naman ang sinabi?"
"Wala naman, nanghiram ng ballpen." Napahalakhak siya. "Iyon lang? Akala ko pa naman kung ano na 'yan. Nanghiram lang ng ballpen, man of your dreams agad? Magtigil ka, Carlito. Alam niya bang berde ang dugo mo?" Napapailing na aniya
Hinampas siya nito sa braso at umingos. "Grabe ka makamurder saakin. Para namang napakasama kong tao, berde talaga ang dugo! May tao bang ganoon?"
Tumawa siya. "Ako nga tantanan mo sa kalandian mo, isusumbong kita kila Tito na hindi ka nagaaral, puro crush ang nasa isip mo." Pananakot niya
Inirapan nanaman siya nito. "Sus! Akala mo naman, ako lang ang may crush. Hindi ba't crush mo ang Kuya Paul ko?" Nalungkot siya. "Oo, crush ko siya. Pero hindi ko alam kung siya ang tamang lalaki para saakin."
Kumunot ang noo nito. "Ikaw pala ang lukring eh, crush napunta sa tamang lalaki! Hindi pa nga tayo nakakapagcollege, pagaasawa na agad nasa isip mo,"
Ito ang hinampas niya. "Tongek! Hindi iyon ang ibig ko sabihin. Mahirap kasi ipaliwanag pero ayon sa matandang nanghula saakin noon, may tatlong signs daw para malaman ko kung siya ang tamang lalaki para saakin. Kaya kahit crush ko si Paul, kung wala naman sakanya ang signs, wala rin."
Nanlaki ang mga mata nito. "Gosh, bestie! Ang tanda mo na, naniniwala ka pa sa hula? Huy, 21st century na ngayon. Huwag ka ng maniwala sa hula hula. Kaya nga hula, kasi hindi sigurado. Huwag mong iasa roon ang magiging kapalaran mo. Tao ang gumagawa ng kapalaran niya, hindi sa guhit ng palad o hula ng isang tao." Sumeryoso na ang anyo nito
Alam niya iyon, kahit naman siya ay hindi rin naniniwala sa sinabi ng matanda sakaniya o anumang hula. "Hindi mo na kailangan sabihin pa saakin, Carly. Alam ko at hindi ko rin iaasa roon ang magiging future ko. Pero who knows? Wala namang masama diba. May mawawala ba saakin, wala naman,"
Nagkibit balikat ito. "Bahala ka, nagpahula kaba mismo?"
Umiling siya. "Hindi, isa iyong matanda na tinulungan ni Mama, tapos ‘yun hinulaan niya ako. Basta isa sa mga signs niya ay ililigtas daw ako ng lalaking iyon, knight in shining armor kumbaga." Napahagikgik siya sa sinabi. Hindi niya binanggit dito ang unang senyales, na kung saan – bibilis daw ang t***k ng puso niya pagkakita sa lalaking para sakaniya. At ang siste, si Johann iyon!
Mukhang kinilig din naman ang kaibigan. "Naku, magpapahula nga rin ako!" Nagtawanan silang magkaibigan. Nagulat na lamang sila nang biglang namatay ang TV. Mabilis na nilingon niya ang may pakana niyon – si Johann.
Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sakanila, partikular sakaniya. "Kuya naman, bakit mo pinatay ‘yong TV? Nanunuod kami eh! At akala ko ba hindi ka uuwi?"
Johann just hissed. "Uuwi ako kung kailan ko gusto. At nanonood? Hoy, Carlito. Tigilan mo ako, sasamain ka na saakin. Nagsasayang lang kayo ng koryente. Tawanan lang kayo ng tawanan diyan, at ano-anong kalokohan ang pinagkukuwentuhan niyo."
"'Oy, hindi ah. Pinagkukuwentuhan namin ang lalaking nakadestiny kay Corey. Hinulaan kasi siya." Imporma nito. Inaasahan na niyang pagtatawanan siya nito at aasarin, ngunit iba ang pinapakita nitong ekspresyon.
Halos magisang linya na ang kilay nito at mukhang aburido. "Don't tell me na naniniwala ka sa sinabi sa'yo ng manghuhula, Corey? God! Highschool kana. Hindi kana dapat nagpapaniwala sa sabi sabi." Corey. Sa pangalawang pagkakataon ay binanggit ulit nito ang pangalan niya at bakit masarap pakinggan iyon?
Pinalis niya ang naisip. "Wala ka na roon kung naniniwala man ako o hindi," pabalya niyang sagot
"Ito naman si Kuya, napaka KJ. Ano nga naman kung maniwala si Corey? Buhay naman niya 'yan." Katulad niya, hinihintay niya rin ang sagot ni Johann. Bakit nga ba?
"Kasi hindi totoo ang hula. Disin sana'y lahat mayaman na at walang naghihirap. Gusto ko lang gisingin ang nangangarap mong kaibigan, Carlito. Kaya tigil tigilan mo na ang pagnunuod ng fairytales, Corey. Life is not a fiction," Bago pa ito umalis, tinignan pa sila nito. Napailing iling. "You two are both sick... Pathetic!" Mapangasar na sabi nito na nagiwan sakanya na ibayong inis dahil hindi man lang ito nagantihan.