10 years after
"BESTIE, huwag mo masyadong titigan baka matunaw." Malokong saad ni Carly sakaniya. Napabuntong hininga siya. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ng kaibigan, kung mayroon mang taong alam niyang kilalang kilala siya bukod sa Mama niya ay si Carly iyon. Sa tinagal tagal nilang magkaibigan, kilala na nila ang likaw ng bituka ng bawat isa.
Hinagod nito ang likuran niya. "Hindi mo na kaya? Back-out ka na?"
Umiling siya at nilagok ang Vodka na nasa harapan nila. Hindi na niya nabilang kung nakailang shots na siya, basta ang alam niya kailangan niyang maisagawa ang plano sa lalong madaling panahon. "No, naririto na ako. Magbaback-out pa ba ako?" Baliktanong niya rito
"Sure ka na ba talaga, bestie? Kaya mo ba 'yan? Pagisipan mo maigi. Mahirap na iyong bira ng bira. Tignan mo muna kung kaya mong harapin ang consequences nito." Nagaalalang anito
Iginala niya ang paningin sa masayang party na iyon na kabalitaran ng nararamdaman niya. Celebration iyon dahil nagpropose na si Paul ng kasal sa kasintahan nitong si Alynna. Inaasahan niyang magrereact ang magulang nito, ngunit suportado pa ito. At hindi iyon maari. Hindi maaring matuloy ang kasal ni Paul at Alynna, dahil sila ni Paul ang para sa isa’t-isa!
Nagtagis ang mga bagang niya habang tinitignan paisa isa ang mga masasayang kaibigan ni Alynna. Mabuti na lamang wala rito ang babae dahil may biglaang emergency ang magulang nito, kaya malaya niyang magagawa ang plano niya ngayong gabi. At walang sinumang Poncio Pilato ang makakapigil niyon.
Tinignan niya ng masama ang kaibigan. "Alam mo, nagdududa na talaga ako kung kaibigan kita. Kanino ka ba talaga kakampi? Sa Alynna na iyon o saakin?" Naiiritang singhal niya rito
Kumibot kibot ang labi nito. "Siyempre sayo, friend! Pero kasi... bagay talaga si Kuya Paul at Alynna. Hindi kayo bagay, wala kayong chemistry. Mas bet ko kayo ni—" Pinanlakihan na agad niya ito ng mata. Ayaw na niyang marinig pa ang susunod nitong birit.
"Ah, basta! Wala akong paki, Carlito. Kami ni Paul ang para sa isa't-isa. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong siya ang gusto ko?" Malamyos na hinawakan nito ang balikat niya. "Friend, iba ang gusto sa mahal. Baka infatuation lang 'yan nararamdaman mo kay Kuya Paul. Dahil nga pinagtanggol ka niya noon. Nakakita ka ng hero sa katauhan niya. Alam mo bakit ba nagtitiyaga ka riyan kay Kuya, eh hindi ka naman niya nakikita bilang babae? Bulag kaba? Tinging kapatid lang ang tingin niya sa'yo. Maganda ka naman, sexy, edukado at higit sa lahat may magandang career. Marami ka ring manliligaw, kaya bakit kay Kuya Paul pa?" Nagtatakang bulalas nito
Tama ang kaibigan. Marami ang nagsasabing maganda siya. 5'4 ang height niya na sa tingin niya'y, sakto lamang sa isang Pilipina. Maputi at makinis ang kutis niya, alagang alaga niya iyon at walang bakas ni isang peklat. Makintab ang maalon niyang buhok na bahagyang lumagpas lang sa balikat niya. Namana niya ang hugis pusong mukha at almond eyes ng Ama, tama lang ang tangos ng ilong niya at ang likas na mamula mulang labi. Masasabi niyang may ibubuga rin ang vital stat niyang 36-27-38. Parehas silang nagtapos ni Carly ng kursong Fashion Design at ngayon ay successful ang business nilang Glam House Shoppe. Dinadagsa iyon ng mga fashion bloggers at mga sikat na artista. Ano pa nga ba ang hahanapin sakanya ni Paul?
"Si Paul ang gusto ko, Carly. At sana maging supportive ka saakin," Namumungay ang mga matang aniya.
Huminga ito nang malalim. "Ano pa ba nga ba ang magagawa ko? Nasa tamang edad kana. Kahit alam kong kapag nalaman ni Kuya Paul itong gagawin mong pamimikot mo sakaniya ay kamumuhian ka niya, susuportahan pa rin kita. Best friend kita eh. Ayaw kong makita kang nalulungkot. Narito lang ako sa tabi mo." Madamdamin nitong wika. Naiiyak na yumakap siya rito. Masuwerte siya nagkaroon siya ng kaibigan na tulad nito. "Maraming salamat, Carly. I love you,"
"I love you too, bru! Kaya mo 'yan. Para sa kaligayahan mo, cheers!" Itinaas nito ang kopita, natatawang itinaas rin niya ang kanya.
~
KANINA pa nagpaalam sakaniya si Carly na uuwi na sa condo unit nito, ayon dito hindi raw nito kayang saksihan ang kababalaghang gagawin niya. Naglilive-in na ito at ang boyfriend nitong si Patrick.
Samantala, ang dalawang kapatid ni Carly ay sa Mansiyon pa rin nakatira. Ngunit nasabi sakaniya ni Carly kanina na may biniling bahay si Paul sa Pangasinan at baka doon na manirahan kasama si Alynna once na ikinasal na ang mga ito. Sa isiping iyon ay mas lalo siyang nabigyan ng dahilan para ipagpatuloy ang gagawin ngayong gabi, siya ang babaeng ititira nito sa bahay nito! At wala ng iba pa.
Sa nanghihilong paningin, sinikap niyang lakihan ang mata at titigan ng maigi ang pinto ng mga kuwarto. Apat na silid ang naroroon sa ikalawang palapag ng bahay. Nahihiya man siya sa mag-asawang Marquand, but she's only a woman in love and she will do everything, mapasakaniya lang ang lalaking tinatanggi.
Tinitigan niya maigi ang pinto ng kuwarto. Kung bakit ba kasi naparami ang inom niya, ang balak lang sana niya'y mabigyan siya ng lakas ng loob pero nagkasiyahan sila ng kaibigan. Napailing na lamang siya at tumapat sa isang kuwarto na alam niyang kay Paul, lasing siya at nahihilo pero hindi pa siya nasisiraan ng bait. Alam niyang tamang kuwarto ang papasukin niya, dahil isang mali lang niya ay mabubulilyaso ang plano niya.
Kinakabahan man, pero pinihit niya pa rin ang sedura ng pinto at binuksan iyon ng tahimik. Hindi niya binuksan ang ilaw. Dahan dahan niyang inalis ang mga kasuotan at walang tinira ni isa. Halos marinig na niya ang kabog ng dibdib sa lakas niyon. Dahan dahan siyang lumapit sa kama at binuksan ang lamp shade. Napangisi siya nang makita ang lalaki na nakahiga at mahimbing na natutulog. Pinatay niya uli iyon at marahang sumampa ng kama, without waking him up.
And she did it. Itinakip niya sa katawan ang makapal na comforter nito at sumiksik sa binata. Naramdaman nito marahil iyon kaya kinapa siya, mas lalo niya pang pinagdiinan ang sarili rito at niyakap ito. Napangiti siya nang malamang nakahubad din ito. Sumasangayon ang tadhana sakaniya.
Mainit ang katawan nito at mabango. Sinulit na niya ang pagiging pilya at hinawakan ang katawan nito, nakurba niya ang abs nito at ang malapandesal na dibdib. Napaungol ito sa ginawa niya. Hindi na siya nakapagtiis pa, hinawakan niya ang mukha nito at siniil ng halik. Ito ang first kiss niya at hindi siya nagsisising ibinigay niya iyon kay Paul. Hindi na ito nakapagpigil pa at dumagan sakanya. Nakaramdam siya ng paru-paro sa tiyan niya. Naeexcite siya. This is it!
Alam niyang fit at alaga ang katawan ni Paul. Pero hindi niya aakalaing ganito kaganda at kabango ang binata. Hindi pa man niya nasisilayan sa ilaw ang katawan nito, sa pagkapa pa lamang, isa na itong masterpiece na nililok na mahusay na sculptor. Ramdam din niyang ang pagkabuhay sa pagitan ng hita nito na ngayon ay nararamdaman niya sa binti niya. Marahas siyang napabuga ng hininga.
Inipon na niya lahat ng inhibisyon sa katawan. Ipinikit ang mga mata at hindi na niya hinintay pa na ito ang gumawa ng aksiyon, siya na mismo ang naganyaya rito at hinalikan uli ito ng marubdob sa labi.