"C-COREY..." Hindi malaman ni Johann kung ano ang sasabihin niya. Natatakot sa kung ano ang madiskubre ng asawa at layuan siya nito. Umangat ang isang kilay nito. "What Johann? Care to tell me kung bakit may picture ako sa'yo? At hudas ka, ang jeje ko roon. Nakakainis ka!" Kung sa ibang pagkakataon siguro ay natawa na siya rito. Pero hindi ngayon, nanganganib ang kanyang sikreto na mabunyag. Hindi siya pawisin na tao, pero pakiramdam ni Johann ay pinagpawisan ng malapot ang kili kili niya. "A-ah... K-kasi ano..." Hindi niya mahagilap kung ano ang tamang sasabihin. Damn man! Sa ibang babae isang kindat pa lang niya sa mga iyon ito na mismo ang magaalok upang humantong sila sa kama, walang kahirap hirap. Pero bakit pagdating kay Corey, pakiramdam niya nasa husgado siya na handa nang litisi

