MAGAAN ANG PAKIRAMDAM na nagising si Corey. Napangiti siya nang tignan ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi niya. Yesterday is a blast. Muli, may nangyari sakanila ni Johann at hindi niya pinagsisihan iyon. Dahil ayaw man niyang aminin sa sarili, but she's inlove with her husband. Wala na siyang pakialam sa hula o kung si Paul man ang nagligtas sakaniya sa sunog. Basta alam niya, mahal na niya si Johann. Hindi niya alam kung kailan nagsimula at kung paano, pero nang umamin ito sakaniya na mahal siya nito ay tila sumabog ang puso niya at sinasabing mahal din niya ito. Para bang matagal na iyong nakatago sa puso niya at ngayon lang nagkaroon ng lakas na loob na isigaw iyon. Pero wala pa siyang balak sabihin iyon sa asawa. Ayaw niyang lumaki ang ulo nito. Baka masabihan pa siya niton

