Busy sa paglalaro ang dalawa. 1 v 1 ang napili nilang laban. Ang piniling hero ni Izel ay si Leslie habang ang kay Azrael ay si Badang. Nakakatuwang panoorin ang dalawa dahil kung makikita mo ngayon ang mukha ni Izel ay kala mo natatae na siya habang ang kay Azrael ay para siyang clown na laging nakangiti. Mukhang i-n-e-enjoy niya ang laban nila ni Izel habang ako ay kakatapos palang mag laro ng rank at kung sinuswerte ka nga naman ay nanalo kami at MVP pa ako. Sus, ako pa ba? Dahil hindi pa tapos mag laro ang dalawa ay lumabas muna ako saglit sa Big Day upang mag muni-muni. Habang lumilingon sa paligid ay may napansin akong grupo ng mga lalaki na naka purong itim. Ang mas ikinagulat ko pa ay may hawak-hawak silang malalaking baril at ang tatlo sa kanila ay may hawak na malaking itim na

