PROLOGUE
A ten-year-old girl escaped the hands of the infamous serial killer after stabbing the suspect multiple times.
By John Lorenz Pangilinan
A ten-year-old girl was found in a abandon hospital building at 36 street in Manila City. She was covered in blood while holding a knife that belonged to the serial killer. After the police searched the area, they found the body of the serial killer named Rolando Guzman inside a wooden box. The Police confirmed that Rolando Guzman was stabbed multiple times in his stomach causing his death. The police also found in the autopsy that Rolando Guzman has multiple fractured in his arms and leg. The police are still questioning the girl. '
inilapag ng lalaki ang hawak hawak niyang diyaryo kasabay ng kaniyang pag buntong hininga. Kitang kita mo sa kaniyang mukha na tila ba may bumabagabag sa kaniya. Dahil dito ay tila ba may mga demonyong bumubulong sa kaniya na dahilan ng mga negatibo nyang iniisip.
'Kung patuloy na mangingielam ang media at pulisya, maaaring malaman rin nila ang tagong organisasyong pinapatayo ko. Posible ring malaman nila ang nakaraan ng anak ko. Kung sakaling mangyari 'to... mawawala lahat ng pinag hirapan ko. Kailangan kong maka-isip ng solusyon..'
Kinuha nya ang tasa na nasa kaniyang gilid. Humigop sya ng tsaa at muling ibinalik sa ibabaw ng platito na naka patong din sa ibabaw ng kakahuying mesa.
Inalis niya ang kanan niyang paa mula sa pagkakapatong sa ibabaw ng kaniyang hita sa bandang kaliwa. Tumayo sya at inayos ang kaniyang puting lab coat. Sa gilid ng lab coat sa bandang kaliwa na katapat lamang ng kaniyang dibdib ay may kulay asul na hugis diyamante. Sa ibaba ng hugis diyamante ay may naka sulat na Zhaiminous Laboratory.
Bata pa lamang ay pangarap na niyang maging scientist. Dahil mayaman ang kaniyang pamilya ay nagpatayo sya ng isang laboratoryo. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay ang kaniyang ina samantala ang kaniyang itay ay mayroon nang bagong pamilya.
Naglakad sya palabas ng kaniyang mansyon kung saan bumungad ang malawak na hardin. Natagpuan niya ang kaniyang kaibigan na si Drake Marquez. Kumpara sa kanya ay interesado sa politika ang kaniyang kaibigan. Ma-prinsipyo ang kanyang kaibigan at bata pa lamang sila ay gusto na niyang maging president ng kanilang bansa. Maraming mabubuting hangarin ang kaniyang kaibigan para sa ikauunlad at ikakatahimik ng kanilang bansa kaya talagang bilib sya rito. Lagi nya itong sinusuportahan sa kanyang pangangampanya dahil alam niyang balang araw ay makakamit ng kaniyang kaibigan ang maging presidente ng Pilipinas.
Habang nakatingin sa kaniyang kaibigan ay hindi mapigilan ng kaniyang sarili na ibaling ang kaniyang paningin sa anak na babae. Naka luhod ito sa damo habang naka yuko ang kaniyang ulo. Sinusuri nito ang hile-hilerang mga kutsilyo na iba-iba ang haba, hugis, disensyo, at talim. Walang makikitang emosyon sa kaniyang sampung taong gulang na anak na babae. Tila ba seryoso at masusi niyang sinusuri ang bawat kutsilyo.
Sa gilid naman ng kaniyang anak ay may batang lalaki na mas matanda ng tatlong taon kumpara sa kaniyang anak. Naka upo ito sa damuhan habang nag lalaro ng board games mag-isa.
Nang maramdaman ni Drake Marquez ang presensya ng kaibigan ay nilingon nya ito. Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay upang tawagin ang kaibigan ngunit nauna nang maglakad ang kaniyang kaibigan papalapit sa kaniyang gilid. Muling ibinalik ng kaniyang kaibigan ang paningin sa batang babae na sinusuri pa rin ang magkakaibang kutsilyo.
"May pasok ka, hindi ba?" tanong ni Drake sa propesor, ngunit hindi man lang nito nagawang lingunin ang kaibigan dahil seryoso niyang sinusuri ang anak.
"Misia!" tawag ng batang lalaki sa batang babae na nasa kaniyang gilid lamang, "Cosa stai facendo?" (What are you doing?) tanong ng bata ngunit hindi man lang siya nilingon ng batang babae, "Mi senti?" (Do you hear me?) Sa wakas ay ibinaling na ng babae ang kaniyang paningin sa batang lalaki, ngunit mababakas ang lamig ng pag ka titig ng batang babae sa kaniyang kaibigan.
"Chiudi la bocca," (Shut up) walang emosyong sabi ng batang babae tsaka muling nilingon ang mga kutsilyong naka hilera sa damuhan, "I'm concentrating for my training later so shut up." wala nang nagawa ang batang lalaki kundi ang ipagpatuloy ang pag lalaro ng board games nang mag-isa.
Habang pinapanood ng propesor ang anak, hindi mawaglit sa kaniyang isipan na baka..."Do you think..." panimula ng propesor, "...I created a monster?" labag sa loob nito ang sabihin ang mga katagang 'yon, ngunit sadyang hindi nya magawang ma-i-alis sa isipan na baka... delikado ang batang tinitignan nya ngayon.
Awtomatikong nangunot ang noo ni Drake. Hindi sya makapaniwala na sinabi iyon ng kaniyang kaibigan gayong alam naman niyang anak niya ang tinutukoy nya. Sa pagkakataong ito ay nilingon na niya ang kaibigan, "What the heck are you saying?" naguguluhang tanong nito, "She's your child. How the heck she became a monster?" may bakas ng pag ka inis ang tono ni Drake sa kaniyang kaibigan. "Look, all of that was just an accident. She's innocent! Your daughter is innocent! She doesn't want to be like that! She doesn't even want to be a host!" makahulugang sabi ni Drake sa kaibigan.
"You're right, I'm sorry.." bumuntong hininga siya at napa hilamos sa mukha gamit ang palad. Maging sya ay hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kung nandito pa ang kaniyang asawa siguradong bubulyawan sya nito.
Pilit na ngumiti ang propesor at humakbang palapit sa anak na babae. Luluhod na sana siya para magpantay sila ng kaniyang anak ngunit agad siyang napa atras nang kumuha ng kutsilyo ang anak niyang babae. Dahil sa sinag ng araw ay kumislap ang kutsilyong hawak-hawak ng bata at tumama ito sa mukha ng kaniyang itay. May tatlong butas ang hawakan ng kutsilyo at pa kurba naman ang hugis ng kutsilyo na kaniyang pinili.
Ini-angat ng kaniyang anak ang mukha nito upang lingunin ang kaniyang tatay. Nagtama ang paningin nila kaya naman pilit na ngumiti lamang ang Propesor sa anak.
"Bakit po?" tanong ng kaniyang anak. Nang marinig niya ang boses ng kaniyang anak ay tila ba may kung anong pumiga sa kaniyang puso dahilan para sumakit ito. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at sa 'di inaasahang pagkakataon ay naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang mata at kasunod nito ay ang paglabo ng kaniyang paningin dahil sa luhang nagbabadyang tumulo. Ayaw niyang makitang umiiyak siya ng kaniyang anak kaya bumuntong hininga sya at pinigilan ang pag tulo ng kaniyang luha dahilan para sumakit ang kaniyang lalamunan.
Maalala pa lang niya ang nangyari kanina ay tila ba gusto nyang sapakin ang sarili dahil sa pinagsasabi ng kaniyang bunganga at isipan. Sa kaniyang isip ay siya dapat ang napaparusahan dahil sa kaniyang kapabayaan. Kung hindi lang sana niya ginawa ang bagay na iyon, edi sana hindi ito mangyayari sa anak.
Ngunit kahit anong pag pigil niya ay sadyang traydor ang kaniyang katawan. Bumagsak ang kaniyang luha at tumulo ito pababa sa kaniyang pisngi. Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa sumunod ang kaniyang pag hikbi.
Tatayo na sana ang kaniyang kaibigan na si Drake ngunit natigilan sya nang biglang napaluhod ang kaniyang kaibigan sa harapan ng kaniyang anak.
Gusto niyang pigilan ang sakit dahil ito ang nagiging dahilan kung bakit mas lalong tumitindi ang pagtulo ng kaniyang luha at paglakas ng kaniyang hikbi.
Namumula ang kaniyang mukha at halos makita na ang ugat sa kaniyang leeg at sentido. Gusto nyang pigilan ito pero masarap sa pakiramdam na inilalabas niya ang lahat ng kaniyang nararamdaman. 'yun nga lang ay sa mismong harapan pa ng kaniyang anak.
"Umiiyak po ba kayo..." iniangat ng propesor ang kaniyang ulo upang lingunin ang kaniyang anak. Bahagyang nakatagilid ang ulo nito habang kitang kita ang kursyonidad sa mata nito kung bakit umiiyak ang kaniyang ama, "...Dahil sa ginawa ko?" natigilan ang propesor. Hindi nya inakalang iyon ang sasabihin ng anak. Mas lalong tumindi ang pagsisisi nito sa sarili. Walang kasalanan ang anak niya. Siya ang may kasalanan dahil sa kaniyang negatibong pag iisip at ibang paniniwala sa kaniyang anak.
Naging sunod-sunod ang pag iling ng propesor. Hindi sya makasalita dahil nahihirapan siya bunga ng todong pag-iyak.
'Hindi... Ako ang may kasalanan. Huwag mo'ng sisihin ang sarili mo..Ako ang may kasalanan.'
Tumayo ang batang babae habang hawak-hawak pa rin ang kaniyang napiling kutsilyo. Sa 'di malamang dahilan ay inilahad nya ito sa kanyang ama. Nangunot ang noo ng propesor dahil hindi nya alam kung anong gustong ipahiwatig ng kaniyang anak
"Mag e-ensayo pa po ako, pero dahil umiiyak kayo dahil sa'kin..." yumuko ng kaunti ang batang babae at kinuha ang kamay ng kanyang ama tsaka inilagay roon ang napili niyang kutsilyo sa ibabaw ng palad ng ama, "... Alam ko pong mali ang ginawa ko na pwedeng ikasisira ng reputasyon niyo, kaya naman po... Pwede nyo po akong saktan, papa." Natigilan sa pag-iyak ang propesor maging ang kaniyang kaibigan. Bumagsak ang kaniyang balikat at napa awang ang kaniyang bibig. Mas lalong tumulo ng sabay-sabay ang kaniyang luha ngunit walang hikbing maririnig sa kaniya. Nanginginig ang ibaba niyang labi at mas lalong tumindi ang sakit sa dibdib "Huwag po kayong mag-alala..." ika ng kaniyang anak. Ngumiti sya nang malaki sa kaniyang itay at inilahad ang kabilang braso nito sa ama, "...Sa t'wing nag eensayo po ako... Wala po akong nararamdamang sakit kahit ni isa."
Tuluyang napa-upo ang propesor sa damuhan. May kung anong pumapasok sa kaniyang isipan na ayaw niyang pansinin, ngunit sa t'wing naaalala niya ang mga araw na nag eensayo ang anak. Sa t'wing napupuruhan ang anak ay para ba'ng wala lang ito sa kanya. Sa t'wing nasusugatan ang anak niya ay wala ni isang ngiwi o makikitang sakit sa kaniyang mata.
'Everything happens for a reason... and that reason might scare me'