CHAPTER ONE

1178 Words
"Bilisan niyo! Bilisan niyo!" natataranta kong sabi. Nasa tuktok ako ng pader sa likod ng school namin. Napag desisyunan kasi naming mag to-tropa na mag-cutting dahil nga ngayon na ang tournament ng ML. Nasaktuhan namang tumama ang schedule ng tournament sa subject naming Math. Syempre mas pinili ko yung tournament kaysa matuto mag math. Una sa lahat, hindi ko kailangan hanapin ang x at y sa buhay ko. Simpleng plus, multiplication, division, at subtraction ayos na sa akin. Pangalawa, kapag nanalo kami sa tournament yayaman kami! Eh sa Math? Wala! Wala akong makukuhang pera at hindi ko naman 'yon magagamit sa future ko! Inabot ko ang kamay ni Patrick at buong lakas siyang inalalayan hanggang sa tuktok ng pader. Sunod naman ay si Brent. Mahirap ang isang 'to dahil triple ang timbang nya kaysa sa akin. "Hoy, tulungan mo 'ko," bulong ko kay Patrick na tatalon na sana pababa. Inabot namin pareho ang magkabilang kamay ni Brent at sa pag bilang ng tatlo ay buong lakas namin siyang hinila pataas. Pakiramdam ko ay lalabas na ang litid ko sa sobrang bigat nya. At syempre bilang bunga ng paghihirap namin ay na-i-akyat namin si Brent. Nauna naman akong tumalon pababa na sinundan nila Patrick at Letson-este Brent. "Oh, ano? G na ba kayo?" nakangiting tanong ni Izel sa amin. "Uy, galingan nyo ah!" malakas na sabi ni Letson. Agad akong napa takip ng kaniyang bibig dahil baka may makarinig sa amin na taga-school. Mahirap na baka mahuli kami at madala sa guidance office. "Ang ingay mo talagang letson ka," naiirita kong sabi sa kaniya. Inalis ko ang kamay ko sa bibig nya at pinunasan ko ang palad ko sa palda ng uniform ko. Nakita ko naman ang pag labas ng kaniyang dila para asarin ako. "Halina kayo. Baka ma-late tayo!" ika ni Patrick. Sabay-sabay kaming tumakbo papunta sa Big Day. Iyon ang paborito naming computer shop na mag to-tropa. Naging suki na rin kami ng may-ari dahil araw-araw kaming nandoon. Agad kong binuksan ang pinto at naunang pumasok sa loob, ngunit agad na nalukot ang mukha ko nang makita ko na puno na ang computer shop. Lahat ay naka upo sa loob at lahat sila ay naglalaro na! Muntikan na akong mapa dausdos nang aksidente akong matamaan ng tiyan ni Brent . "Ano ba!" inis kong sabi. Sa kaniya "Bakit ka kasi naka harang sa daan?!" sigaw nya sa akin "Punuan na kasi eh!" muli kong sinulyapan ang mga ka-edaran ko na busy sa paglalaro. May iilan pang sumisigaw at nagmumura habang naglalaro. "ANO?! IMPOSIBLE!" Hindi makapaniwalang sabi ni Patrick. Nakisiksik sya sa amin ni Brent at nang makita nya ang kabuuan ng shop ay maging sya ay natigilan. "Imposible..." bulong nya sa sarli. "Sa kaka imposible mo diyan, ayan! Naging posible!" sigaw ni Izel at nakisiksik sa amin at dahil siksik na siksik na kami ay 'di ako sinasadyang matulak ni Brent patagilid lalo na't may nakaharang pa sa isa kong gilid kung saan ang counter. "Oh?" lahat kami ay napalingon sa lalaking nagsalita. Naglakad sya palapit sa amin at tinignan niya kami isa-isa. "Bakit kayo nakaharang sa daanan? Alam nyo ba'ng malas 'yan?" "Kuya Ren!" napa sipa ako ng isang beses sa sahig. Nangunot naman ang kaniyang noo dahil sa inasta ko. "Bakit punuan na?" "Aba malay ko!" aniya at pumasok sa counter sa bandang gilid ko "Tabi nga diya'n!" nakisiksik si Izel sa harap ko para lapitan si Kuya Ren. Umasta naman akong kukutusan ko siya. "Kuya Ren, alam mo namang araw-araw kami dito. Bakit hindi mo man lang kami pinag reserve?" reklamo ni Izel "Oo nga!" sabay na sabi nila Letson at Patrick "Ano naman kung suki ko kayo?mga tukmol, business 'to. Kung gusto mong kumita huwag mo'ng tanggihan ang grasya." aniya at humarap sa kaniyang PC. Napakamot ako sa batok ko tsaka napag desisyunang lumabas nalang. Sumunod naman sa akin si Letson. "Kain na lang kaya tayo?" inis ko siyang nilingon dahil sa walang kwenta niyang suhestyon. Agad naman siyang napa atras. "Pa'no ba 'yan?" boses iyon ni Patrick na nanggagaling sa likod ko. Naramdaman ko ang kaniyang paglakad papunta sa kanan ko "Ano nang gagawin natin? Alanganamang bumalik tayo sa school 'diba?" "Tsk! Kainis! Nagsayang lang tayo ng oras!" kunot noo kong sabi at inis na sinipa ang semento. "Eh kung kain na lang kaya tayo?" napa igting ako ng panga at tsaka nanlilisik ang mata ko nang lingunin si Letson "Alam mo? Puro ka kain." ika ni Izel sabay akbay kay Letson. "Bumalik na lang kaya tayo, tapos hintayin nalang natin matapos yung math subject?" lalong nangunot ang noo ko sa suhestiyon ni Izel. Kung walang kwenta ang suhestyon ni Letson, mas walang kwenta ang sa kaniya. "Pinagsasabi mo?" lumapit ako sa kaniya at bahagyang itinulak ang kaniyang balikat para paharapin siya sa akin, "Alam mo nakaraan ka pa ah. Simula nang maiwan ka namin sa library nag iba ka na." Nangunot ang kaniyang noo at inalis ang kaniyang braso sa balikat ni Letson. "Nag iba?" natatawa niyang sabi "Anong nag iba'ng pinagsasabi mo?" naka kunot ang kaniyang noo ngunot may bahid ng pag tawa ang kaniyang tono. "Away.. away... away.." mahinang pag cheer ni Patrick sa likod ko pero hindi ko sya pinansin "Mula kasi no'n, lagi ka nalang tumatambay sa school. Sa t'wing inaaya ka namin lumabas nag e-excuse ka na may gagawin ka. Eh kung hindi nga lang tournament ngayon baka hindi ka pa rin sumama sa amin eh!" "Tama!" sigaw ni Letson. Nakangisi ko naman siyang tinanguan at muling binalik ang tingin ko kay Izel na naka kunot pa rin ang noo. "Baka naman kasi..." naglakad palapit si Patrick sa gilid ko tsaka ako inakbayan "May nililigawan na.." pang aasar niya kay Izel "Oo nga!" inakbayan ni Letson si Izel "Sino 'yan, ah? Chix ba 'yan?" "Tsk!" inis na inalis ni Izel ang braso ni Letson sa kaniya "Ewan ko sa inyo! Babalik na ako sa school. Bahala kayo" "Oy, si Izel, lu-ma-love life!" pahabol kong sabi at sabay kaming nagtawanan. Pero sino naman kaya ang kinikita niya? "Pa'no na tayo ngayon?" ika ni Patrick. Inis ko naman siyang nilingon tsaka inalis ang kaniyang braso sa balikat ko. 'Ayaw ko mang aminin pero mukhang tama si Letson...' "Kain na lang tayo," gulat silang napalingon sa akin lalo na si Letson. "Maka ano ka sa'kin kanina pero ikaw 'tong gusto ring kumain!" "Tss." tanging tugon ko sa kaniya. Maglalakad na sana kami nang biglang may malaking itim na van ang huminto sa tapat namin. Dahil sa kursyonidad ay tumigil ako at sinilip ang loob ng bintana pero dahil mukhang tinted ang salamin ng van ay wala akong nakita. "Alis na tayo." ika ko. Nakaka dalawang hakbang pa lang kami nang biglang bumukas ang van. Sabay-sabay namin itong nilingon at bumungad sa amin ang tatlong lalaki na naka purong itim, may mask sa mukha na tanging mata lang ang nakikita at ang mas pinaka kakaba namin ay may hawak silang baril na nakaturo sa amin. "Pumasok kayo sa loob kung ayaw nyong mamatay." Sabi ng isang lalaki na nasa gitna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD