CHAPTER TWO

1770 Words
Nasa loob na kami ng van. May sako ang ulo namin at naka tali ang kamay namin sa likod. May dalawang armadong lalaki sa gilid namin at dahil ang lalaki nila ay sobra akong nasisikipan. Kahit naka tape ang labi namin ay narinig ko ang malakas na pag hikbi ni Letson. Hindi sya maka hikbi ng maayos dahil sa tape pero nasisiguro kong umiiyak sya. "HOY! TUMIGIL KA NGANG TABACHOY KA!" Sigaw ng armadong lalaki na nasa kanan namin, ngunit hindi nagpatinag si Letson. Lalong lumakas ang kaniyang pag hikbi at kung ipagpapatuloy nya ang pag hikbi nya baka mabugbog sya ng mga lalaking 'to, "BWISET TALAGA OH! HINDI KA TALAGA TITIGIL?!" Gusto kong matawa dahil sa bawat pagalit ng lalaki sa kaniya ay mas lalong lumalakas ang hikbi ni Letson. "Mmm! Mmm!" iginalaw ko ang katawan ko na para ba'ng nagwawala ako upang matuon ang kanilang atensyon sa akin. "Putcha naman oh! May sasabihin ka ba?!" ika ng lalaking nasa kaliwa namin. Naging sunod-sunod ang pag tango ko at sa wakas ay inalis niya ang sakong nasa ulo ko. Pag alis niya ng sako na nasa ulo ko ay agad kong iniuntog ang ulo ko sa kaniyang noo dahilan para masapo niya ang kaniyang noo "HOY! BASTOS KA AH!" Sigaw ng lalaking nasa kanan. Itinaas ko ang kanan kong paa at buong lakas na sinipa ang ulo ng lalaki na nasa kanan. Dahil sa lakas nito ay tumama ang kaniyang ulo sa salamin ng van dahilan para mabasag ito at mahimatay ang armadong lalaki. Agad kong naramdaman ang kakaibang hangin na papalapit sa akin. Bago pa ito dumapo sa pisngi ko ay agad akong sumandal sa kinauupuan ko. Bumungad sa akin ang hawak niyang baril na sana ay ipapalo nya sa mukha ko. Itinaas ko ang dalawang paa ko at inipit ang kaniyang kamay sa pagitan ng paa ko. Inikot ko ito ng buong makakaya ko dahilan para humiyaw sya pero dahil agad na kinanan ng driver ang van ay nabitawan ko ang kaniyang kamay. Bago pa likuin ng driver ang van sa kaliwa ay sinipa ko ang ulo niya at tumama naman ito sa manebela dahilan para makatulog sya at 'di sinasadya ng driver na maikot pakaliwa ang manebela ng van. Sakto namang babarilin na sana ako ng armadong lalaki sa likod ko kaya nang makaliwa ang van ay lumipad ang baril palabas ng bintana habang ang ulo ko ay nauntog sa pinto. Lumapit ang lalaki sa akin pero agad kong sinipa ang kaniyang sikmura dahilan para mapa atras sya. Dahil naka tali ang kamay ko ay hirap akong tumayo nang walang suporta mula sa kamay ko. Agad akong natigilan nang maglabas ng patalim ang lalaki at walang pag aalinlangang sinugod ako. Nang malapit na ang kutsilyo sa akin ay agad akong tumalikod at tumayo dahilan para matamaan ng kaniyang kutsilyo ang tali na nasa kamay ko. Napangisi ako tsaka nilingon ang lalaki. Bakas sa kaniya ang pagka gulat dahil sa hindi nya inaasahang kilos ko ngunit nang mapatingin ako sa daanan ay may naka hilerang kulay kahel na barricade at sa likod no'n ay may isang malaking butas. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko hindi dahil inaalala ko ang sarili ko ngunit dahil inaalala ko ang buhay ng mga kaibigan ko na wala pa ring kaalam-alam sa nangyayari. Agad akong pumunta sa driver seat ngunit napaka bigat ng driver na ito at ilang segundo na lang ang meron ako para mapatigil o mapakanan ko ang kotse para maiwasan namin ang construction site na iyon. "AYOKO PA'NG MAMATAY!" Sigaw ng lalaki na may hawak-hawak na kutsilyo. Agad niyang binuksna ang pinto na nasa gilid niya. Mukhang alam ko na ang gagawin nya. Hindi na sana ako aangal sa gagawin niya nang makita ko ang kulay pulang kotse na padaan sa gilid namin at kung tatalon sya palabas ng van siguradong masasapul sya ng kotse. Lalapit na sana ako sa lalaki para hilain sya pabalik pero huli na ang lahat, dahil... tumalon na sya palabas ng van " 'WAAAAAGGGG!" Buong lakas kong sigaw. Hindi pa man dumidikit ang kaniyang katawan sa semento ay nahagip na sya ng pulang kotse. Wala akong oras para mag drama ngayon... kailangan kong ma-iligtas ang buhay ng mga kaibigan ko Muli kong nilingon ang labas upang tignan kung gaano na kami kalapit sa construction site at nang mapagtanto ko na isang segundo na lang ay tatama na kami sa barricade kaya naman agad kong nilingon ang mga kaibigan ko at tsaka ko sila pinaglapit sa isa't isa at niyakap ng sobrang diin habang ang katawan ko ay nasa kanilang harap. Maya-maya pa'y naramdaman ko ang pag lipad ng van. Tila ba nag slow motion lahat ng nasa paligid ko. Tila rin ba nabingi ako na tanging ang naririnig ko lang ay ang pagtibok ng puso ko na pabilis nang pabilis. Pinikit ko ang mata ko na sinabayan ko ng malalim na pag hinga habang ang dalawa kong kaibigan ay nakapatong sa magkabilang gilid ko ngunit hindi ko hinayaan na matamaan ang kanilang mukha o ulo sa semento. "MMMM! MMMMM!" pag daing ng dalawa. Unti-unti kong ibinukas ang mata ko at bumulaga sa akin ang umiikot-ikot na paligid. Nanlalabo na rin ang mata ko at nanghihina ang katawan ko. Kahit hinang hina ang aking katawan ay pilit kong inalis ang braso ko na dinadaganan ng dalawang kaibigan ko. Agad naman na umusod sila pagilid. Nilingon ko si Patrick at inalis ang sako na nasa kaniyang ulo gamit ang natitirang lakas ng katawan ko. Hindi ko makita ang kaniyang reaksyon dahil sa paglabo ng paningin ko pero nasisiguro ko na gulat na gulat ang isang 'to. Ibinaba ko ang braso ko at dahan-dahang pumikit. Narinig ko ang pag ungol ni Patrick na tila ba nag pa-panic na siya kaya naman bago ako tuluyang makatulog ay... iginuhit ko ang pilit na ngiti sa labi ko. PATRICK'S POINT OF VIEW Nasa ospital kami ngayon. Kaunting sugat lang ang natamo ko gayundin si Brent, pero si L.A.... Napa buntong hininga ako. Maalala ko pa lang ang nangyari kanina hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko. Pakiramdam ko... napaka walang kwenta ko noong oras na 'yon. Wala man lang akong alam sa nangyayari sa paligid ko dahil sa lintek na sako na 'yon. Wala rin akong naitulong kay L.A. at naging pabigat pa ako sa kanya. Wala akong ginawa kundi ang maupo lamang habang inaalala ang sarili ko. Napakasarili ko... "Bro," dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo. Bumungad sa akin si Brent na naka ospital gown habang kitang kita ang laki ng kaniyang tiyan. May hawak-hawak siyang chichirya na bukas na habang ang paligid ng kaniyang labi ay may mga naiwang tsitsirya "Hanggang ngayon kumakain ka pa rin?" walang gana kong tanong sa kaniya. "Paupo ako ah." bahagya akong umurong sa gilid para maka upo sya sa tabi ko. Napa bounce pa ako ng ilang beses dahil tumalon sya ng paupo sa kama ko. "Gusto mo?" inilapit nya sa akin ang hawak-hawak niyang tsi-tsirya pero umiling lang ako biglang pag tugon. "Ayos na kaya si L.A.? Grabe yung tama nya kanina. Biruin mo bro ang daming dugo ang lumabas sa ulo nya" Napatingin ako sa palad ko. Naalala ko na binuhat ko si L.A. palabas ng van kaya nahawakan ko ang dugo nya. "Tsaka ano pala yung tinurok sa atin kanina?" napalingon ako kay Brent. Oo nga pala, nung tumawag kami ng ambulansya-mabuti na lang gumagana pa ang phone ko- may tatlong naka suit na puti ang lumapit sa amin. Ilang beses kong sinabi na si L.A. ang unahin nila dahil malala ang kondisyon nya pero ayaw makinig ng tatlo. Pinunasan nila yung dugo na nasa palad namin at braso ko tsaka may tinurok sa amin. Hindi ko na natanong kung ano ang tinurok nila. Sunod nilang binuhat si L.A. papasok sa sasakyan ng ambulansya habang kami ni Brent ay nasa ibang ambulansya, hiwalay kay L.A. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay L.A. dahil kung 'di sa kaniya ay nakaratay na kami sa kama at mahimbing na natutulog. Kung mamalasin naman kami, diretso na kami sa morgue. "Oh, ano? Tulala ka na diya'n?" natatawang tanong ni Brent. Sasagot na sana ako nang may bumukas sa kurtina namin at bumungad sa amin ang pawisan at hingal na hingal na si Izel. Naka yuko sya habang ang dalawang kamay nya ay nakahawak sa kaniyang tuhod habang hinahabol ang hininga. Nakatuon ang kaniyang paningin sa amin ni Brent at mababakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Oh... Izel," ika ko. Umayos sya ng pagkakatayo at lumapit sa amin tsaka nya kami niyakap ni Brent "Pumunta lang ako ng school nagka ganyan na kayo! Sinong gumawa nito sa inyo? Papatayin ko!" napa irap ako. Marahan ko syang tinulak dahil wala pa akong lakas masyado. "Alam mo, ang OA mo," natatawang sabi ko tsaka matunog na ngumisi. "Ano ba kasing nangyari?! Si L.A... nasaan na?" nagkatinginan kami ni Brent. Para kaming nag uusap sa isip kung sasabihin ba namin ang kondisyon ni L.A. o hindi. "Hoy! Ano na?" aniya habang niyuyugyog kaming dalawa. "A-Ano kasi..." napakamot ako sa batok ko. Para bang may pumipigil sa dila ko na magsalita at mukhang ganun din si Brent "Balik muna ako sa kama ko, ang sakit pa pala ng katawan ko." pagdadahilan ni Brent. Tumayo sya at sinulyapan ako na may malalim na kahulugan na para ba'ng Ikaw na bahala diya'n. Loko talaga. Iniwan akong mag-isa. "Bro," napalingon ako kay Izel pero agad na iniwasan ko ang kaniyang paningin. "Patrick naman oh, nasaan si L.A.!?" "N-Nasa.." tumikhim ako at sinundan ko ng malalim na pag buntong hininga, "E-Emergency room-" "ANO?!" Nagitla ako nang bigla syang sumigaw. Napatingin pa ang ibang tao sa amin kaya agad akong napayuko sa kahihiyan, "Nanloloko ka ba?! Paanong nasa E.R sya eh pareho lang naman kayong naaksidente?!" "Ang totoo niya'n..." napa igting ang panga ko. Nakakahiya ang susunod kong sasabihin pero kailangan kong magsabi ng totoo, dahil kaibigan namin itong si Izel. "... Niligtas kami ni L.A." katahimikan. Iyon ang bumalot sa pagitan namin ni Izel. Hindi ko naman magawang tignan ang kaniyang mukha dahil.. dahil natatakot akong makita ang kaniyang reaksyon. Natatakot ako na makita ang mata niyang nagsasabi na nabigo ko sya. Titignan ko ba siya? mag so-sorry ba 'ko? Anong gagawin ko? "Ano 'yan, ha?" agad na nanigas ako sa kinauupuan ko. Tila ba may malamig na tubig ang bumuhos sa katawan ko. Hindi ako pwedeng magkamali... ang boses na 'yon... Unti-unti kong iniangat ang ulo ko hanggang sa nagtama ang aming mata. Bumungad sa akin ang maaliwalas nyang mukha na may naka ukit na ngisi sa kaniyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD