L.A.'s POINT OF VIEW
Nakakabingi ang katahimikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng mga machine na nasa kaliwa ko.
Iginalaw ko ang daliri ko at dahan-dahang iminulat ang aking mata. Malabo man ang paningin ko pero agad na bumungad sa akin ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa itaas.
Dahan-dahan kong itinaas ang braso ko at tsaka ko kinusot ang mata ko hanggang sa unti-unti itong luminaw.
Tama nga ako. May ilaw sa itaas ng ulo ko na naka lagay sa dingding. Sunod kong ibinaling ang tingin ko sa kanan ko at bumungad sa akin ang malawak na salamin kung saan nakikita ko ang labas at isang lalaki na naka suot ng kulay puting lab coat na marahil ay isang doktor. Sunod kong ibinaling ang tingin ko sa kaniyang mukha. Doon ko napagtanto kung sino ito. Sya ang direktor ng ospital na ito. Sa edad niyang 44 ay mukha pa rin siyang nasa 30.
Nang makita niyang gising na ako ay agad siyang pumasok sa loob ng silid na hinihigaan ko.
"How are you?" tinignan niya ang kabuuan ko tsaka muling tinignan ako sa mata "May masakit ba?" biro nya. Matik akong napatawa hindi dahil sa joke nya kundi dahil kung gaano ka-corny ang joke nya.
"Pwede na ba akong lumabas?" tanong ko
"You still need to rest."
"Ayos na 'ko."
"Mahina pa ang katawan mo. Malakas din ang impact ng pag untog mo sa lupa. Kung 'di dahil sa binigay sayo ng tatay mo edi sana patay ka na" napangiwi ako dahil sa kaniyang sinabi nang bigla ko namang maalala sina Patrick at Brent
"Y-yung mga kaibigan ko, ayos lang ba sila? Wala ba'ng nangyaring masama sa kanila?" nag aalalang tanong ko.
Nakangiting umiling si Doc James. Wala pa man siyang sinasabi ay agad na guminhawa na ang pakiramdam ko. "Gas gas, sugat at kaunting fracture lang sa buto ang nakuha nila. Kung 'di dahil sa'yo edi sana patay na sila-"
"Alam mo, ang hilig mo sa mga ganyang linyahan," pang-aasar ko kahit totoo naman. Agad siyang natawa, "Ano nga palang... sabi ng mga pulis? Bakit daw kami kinidnap?"
"They kidnapped teenagers and children for human trafficking and also for money. Fortunately, nalaman agad nila kung saan ang hideout ng mga loko kaya nailigtas nila yung mga bata." napangiti ako. "Ah! I forgot to tell you." nangunot ang noo ko. Ano nanaman? "Your father will visit you this afternoon," Dahil sa gulat ay agad na nanlaki ang mata ko.
Ano nanama'ng gusto niya?!
"Aalis na 'ko," kahit ramdam ko ang hina ng katawan ko ay pilit akong umupo.
"You still don't want to meet him?" tatayo na sana ako nang bigla nanaman siyang magsalita. Agad akong napa buntong hininga at binaling ang tingin ko sa gilid. "C'mon, Le-"
"Pupuntahan ko yung mga kaibigan ko," agad na sabi ko at tsaka tumayo. Inalis ko ang karayom na naka tusok sa ibabaw ng kamay ko at naglakad palabas ng E.R. Agad na nagtinginan ang mga nurse sa akin dahil malamang ay bawal pa akong lumabas. May balak pa ata silang lapitan ako pero sinenyasan sila ni Doc James na hayaan nalang ako.
Dumiretso ako sa hospital ward para hanapin sina Patrick at Brent. 'Di kalayuan sa akin ay natanaw ko si Brent na kumakain ng tsitsirya at dahil busy sya sa pag kain ng tsitsirya ay hindi nya agad napansin ang presensya ko. Sunod na hinanap ng paningin ko si Patrick hanggang sa dumapo ang mata ko sa katabing kama lamang ni Brent na tanging kurtina lamang ang nakaharang sa pagitan ng kama nila.
Lalapit na sana ako nang mapansin ko ang lalaki na nakatalikod sa akin. Napansin ko rin ang mukha ni Patrick. May halong pangamba at lungkot iyon. Muli kong nilingon ang lalaking kaharap ni Patrick tsaka ko napagtanto kung sino ito.
Hindi ko alam kung anong pinag usapan nila para maging ganyan sila katahimik at ka-awkward sa isa't isa.
Kusang umukit ang ngisi sa labi ko tsaka muling nilingon si Patrick. "Ano 'yan, ha?" pang aasar ko. Agad naman na nilingon ako ni Izel at itong si Patrick ay dahan-dahang iniangat ang kaniyang ulo upang lingunin ako hanggang sa nagtama ang paningin namin.
Kitang-kita ko ang pag kislap ng mata ni Patrick at unti-unting pamumuo ng kaniyang luha.
Tinaas-baba ko ang kilay ko tsaka humakbang palapit kay Izel, "Nandito ka pala? Tapos na ang klase dapat dumiretso ka nalang sa inyo- " natigilan ako nang hapitin niya ang bewang ko papalapit sa kaniyang katawan at yakapin ako ng sobrang higpit na para ba'ng ayaw na niya akong pakawalan.
Napangiwi ako at pinigilan ang pag hinga ko dahil hindi ako komportable sa pag yakap nya sa akin. Naka tuon naman ang paningin ko kay Patrick na ngayon ay nakangisi na na para ba'ng inaasar kaming dalawa. Siya dapat ang inaasar ko dahil kitang kita ko ang marka ng luha niya sa kaniyang pisngi.
Itutulak ko na sana papalayo si Izel nang marinig ko ang kaniyang pag hikbi at unti-unting pagbasa ng manggas ko. Palihim kong sinilip ang kaniyang mukha tsaka ko napagtanto na umiiyak pala sya.
Alinlangan kong hinagod ang kaniyang likod para patahanin sya. Hindi kasi talaga ako sanay sa ganito. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang drama dahil na-iilang ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Sama naman diya'n oh!" gulat kong nilingon si Letson na papatakbo sa gawi namin. Bago pa niya kami tuluyang mayakap ay agad kong tinulak si Izel dahilan para muntikan nang madapa si Letson sa sahig. "Alam nyo, ang sama nyo!" aniya habang inaayos ang kaniyang damit.
"Tsk!" iyon lamang ang tanging nasabi ko sabay iwas ng paningin sa kanila.
"L.A." Tawag sa akin ni Patrick kaya agad ko naman siyang nilingon,"Ok ka na ba? 'diba galing ka sa E.R.?" saglit akong natigilan tsaka ako nag isip ng magiging palusot ko.
"O-oo nga. P-pero sabi ng mga doktor unti lang daw yung natamo ko kaya... pwede na akong lumabas" sabi ko at pilit na ngumiti. Ano bang klaseng dahilan 'yan? Kaya nga ako nasa E.R. dahil malaki ang natamo kong injury. "E-Eh, ikaw? Wala ba'ng masakit sa'yo?" nakangiti naman siyang umiling.
"I'm perfectly fine plus gwapo pa rin." pagmamalaki niya. Pilit na lamang akong tumango. Isa iyon sa paraan ko ng pagsabi na 'Oo nalang'
Pagkatapos ng ilang araw na pananatili sa ospital ay sabay-sabay kaming lumabas ng mga kaibigan ko. Dumiretso kami sa bahay namin at napag-usapan rin namin na um-absent bukas hindi dahil sa nangyaring insidente sa amin kundi dahil may importante kaming lalakarin. Kaya sa mga bata diya'n, huwag nyo kaming gagayahin ah? Para lang 'to sa mga experts tulad namin.
Nagkita-kita kami sa Big Day. May naka usap daw kasi si Letson na may isang grupo ng manlalaro ang gustong makipag team sa amin. Gusto ko naman makilala kung sino-sino sila kaya nakipag kita nalang kami sa Big Day, at syempre para ma-test ang kanilang skills, maglalaban kami ngayon ng ML.
Sinabi ko rin na agahan nila dahil tuwing hapon ay napupuno ang Big Day kaya pumayag naman sila.
Nasa computer number 18 ako habang si Patrick ay sa 19, si Letson ay nasa 20, at si Izel ay nasa 21. Hindi pa kami nagbabayad kaya hindi pa kami nakakagamit dahil nga baka masayang lang ang oras at pera namin.
Pag patak ng 11:00 a.m. ay bumukas ang pinto ng big day. Bumungad sa amin ang tatlong kalalakihan. Ang isa sa kanila ay naka jersey pa-teka lang... pamilyar ang mukha ng isa sa akin.
"Oy! Si Azrael Dela Vega!" sigaw ni Letson habang nakaturo sa lalaking naka suot ng jersey.
"Anong ginagawa nya dito?" rinig kong bulong ni Patrick sa tabi ko.
Natatandaan ko na kung sino 'yung lalaking naka varsity! Sya si Azrael tulad nga ng sinabi ni Letson. Matalino ang kupal na 'yan at MVP lagi sa t'wing may laban ang school namin sa basketball. Mayaman din daw ang pamilya nya at talagang napaka bait. Dag dag mo nalang yung ka-gwapuhan nya. Kaya ang tawag sa kanya ay Mr. Perfect, pero may kutob ako na may tinatago ang kupal na 'to. Tandaan, walang taong perpekto.
"Kayo ba yung team Omega?" Tanong ng isa nilang kasamahan dahilan para magtinginan kaming lahat.
'Wag niyang sabihin...
"Kami nga pala yung gustong makipag team sa inyo," agad na napatayo ang tatlong kaibigan ko kaya nakigaya na rin ako sa kanila. Unang nakipag kamay sa amin yung lalaki naka uniform pa at bukas ang butones.
"May babae pala kayong kasama?" hindi nya makapaniwalang sabi kaya nangunot ang noo ko "Christian Guzman nga pala, nice to meet you" pilit na lamang akong ngumiti tsaka inabot ang kaniyang kamay. Sunod namang nakipag kamay sa amin yung lalaki na hanggang balikat ang haba ng buhok.
"Tristan Miranda." nakangiti nyang sabi dahilan para lumabas ang kaniyang dimples. Sunod naman na nakipag kamay si Azrael. Todo ang ngiti nya. Hindi ba sya nangangalay?
"Azrael Dela Vega," pilit ko lamang syang nginitian. Oo nga pala, magkakilala rin sila ni Izel dahil magka-team ang dalawang 'yon pagdating sa basketball.
Nag si upo sila sa kabilang hilera kung saan katapat namin sila. Alam na rin nila na maglalaban kami kaya mukhang pinag handaan nila 'to dahil kung ako nag tatanungin, hindi pala-cutting si Azrael kaya upang hindi mahuli ay gumawa ng plano ang mga kumag na 'to.
"Sino hero mo?" tanong sa akin ni Patrick.
"Si Eudora sana kaso nag dadalawang isip ako eh" nakangiwi kong sabi habang naka tingin sa screen.
"Huh? Bakit naman? Lagi mo naman syang ginagamit ah?"
"Alam mo kung bakit?" nilingon ko sya, "Dahil kay Azrael" mahinang sabi ko. Mabilis naman niyang sinulyapan si Azrael at muling binalik ang tingin sa akin.
"Nakaka gulat nga dahil hindi ko akalain na nag lalaro pala sya ng ML"
"Alam mo namang matalino ang isang 'yan, malamang may nabuo na syang plano sa isip nya"
"Sus! Kaya mo 'yan!" nakangiti nyang sabi sa akin at muling ibinalik ang tingin sa screen ng PC.
Sa huli ay pinili ko si Eudora para naman may stunner sa grupo namin.
Sa gitna ng laban ay naramdaman ko ang likidong tumutulo sa mata ko. Agad kong hinawakan kung ano ito at pag tingin ko ay bumungad sa akin ang itim na likido. Agad kong nilingon sina Patrick at iba pa naming kasamahan. Nang makitang hindi sila naka tingin sa akin ay kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ito ngunit sadyang hindi sya tumitigil sa pag tulo kaya naman ay palihim akong pumunta sa banyo at i-n-i-lock ang pinto. Humarap ako sa salamin at binuksan ang gripo. Sunod sunod ang pag hilamos ko habang ang tubig ay nagiging itim na dahil sa likidong tumutulo mula sa mata ko. Napag desisyunan kong alisin ang Artificial Intelligence Contact lenses ko na gawa ng tatay ko. Hinugasan ko ito at muling lumingon sa salamin. Patuloy pa rin ang pag apaw ng likido sa mata ko kaya hinayaan ko nalang ito. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na ito sa pagtulo. Nilagay ko muli ang AI contact lenses ko at hinugasan ang kamay at braso ko. Sunod kong tinapon ang panyo ko sa basurahan at lumabas na ng banyo.