CHAPTER FOUR

1671 Words
Nainis pa sa akin sina Patrick dahil nga ang tagal ko raw sa banyo at matatalo na ang team namin. Nagdahilan lang ako na sumakit ang tiyan ko at tinuloy ang laro. Pag tingin ko sa hero ng mga ka-grupo ko ay patay na pala silang lahat. Hindi bababa sa 35 seconds bago sila mabuhay muli. Butas na rin ang tore namin kaya hindi ako pwedeng umalis sa base namin. "Hindi tayo pwedeng matalo!" naiinis na sabi ni Letson habang nagpapadyak-padyak pa sa sahig. "L.A..." hinawakan ako ni Patrick sa balikat ko "Galingan mo." mariin niyang sabi at pinisil pa niya ang balikat ko. Inis ko namang inalis ang kaniyang kamay sa balikat ko at pinagpatuloy ang laro. Umabot ng ilang minuto ang laro at kung minamalas ka nga naman ay natalo kami sa huli. Kagat labi kong nilingon ang mga kaibigan ko. Ni isa sa kanila ay hindi naka tingin sa akin pero mababakas mo ang inis nila. "Sorry..?" alinlangan kong sabi. Nagitla pa ako nang padabog na tumayo si Letson "Hindi ako tumatanggap ng sorry!" malakas niyang sabi. Hindi ko alam kung ma-gui-guilty ako o tatawa ako. "Pero kung pagkain, ayos lang." aniya at ngumiti sa akin ng malaki. "Ganun din ako pero gusto ko ikaw ang gagastos." nakangising sabi ni Izel sa akin. Sunod ko namang binalingan ng tingin si Patrick na naka kunot ang noo habang nakatingin sa harap ng PC. "Eh, ikaw-" "Fried chicken lang ayos na.." mahina niyang sabi sabay kagat ng labi na para ba'ng pinipigilan ang kaniyang pag ngiti. "Paano ba 'yan..." lumingon ako sa likod ko at bumungad sa akin si Christian na may ngisi sa labi. "Natalo kayo. Ibig sabihin ba niya'n, pwede na kaming sumali sa inyo-" "Hindi ba dapat imbis na ipagpilitan nyo ang sarili nyo sa amin, sa iba nalang dapat kayo sumali?" ika ni Izel habang nakatingin kay Azrael. Nakakunot ang noo ni Izel at mababakas ang pag ka inis sa tono ng kaniyang boses. Magka away ba sila? "Uh.." ibinaling ko muli ang tingin ko kay Azrael "Actually, mas malakas kayo kaysa sa amin kung.." dahan-dahan niyang ibinaling ang kaniyang paningin sa akin, ngunit agad niya itong iniwas dahil bigla ata siyang nailang sa akin. "S-Sorry" nahihiya niyang sabi. "Ayos lang" tugon ko at tsaka nag thumbs up sa kaniya. "Manlilibre si L.A. sama na rin kayo." agad na nanlaki ang mata ko nang biglang i-anunsyo ni Letson ang lakad namin. Bwiset. Ubos na nga pera ko mag sasama ka pa. "Talaga?! Sama tayo!" excited na sabi ni Tristan. "Ano, L.A.? Payag ka?" tanong ni Letson. Bumuntong hininga ako tsaka tumayo. "Sure! Saan ba tayo?" napag desisyunan nila na sa mamahaling restaurant kami pumunta. Akala talaga ng mga mokong na 'to, mapera ako. Habang naglalakad sa gilid ng street ay pasimple kong kinuha ang telepono ko tsaka ko kinontak si Professor Luis. "Unbelievable, you contacted me-" "Paki deposit ng One hundred thousand sa bank account ko. Ubos na pala pera ko" "What-" Agad kong pinatay ang linya at inilagay ang telepono ko sa loob ng pantalon ko. Aksidente namang nagawi ang paningin ko sa gilid ko at doon ko napagtanto na nasa gilid ko na pala si Azrael. May narinig ba sya?! "One hundred thousand?" ika nya habang nakatingin sa daanan. Agad na nanlaki ang mata ko nang banggitin nya ang mga katagang 'yon. "I misjudged you.." nilingon nya ako na may ngiti sa labi "I'm sorry." lalong nanlaki ang mata ko. May narinig nga sya! Bumilis ang kaniyang pag lakad na para ba'ng hinahabol ang kaniyang mga kaibigan na nasa harapan namin. Bago pa sya makalapit sa kanila ay agad kong hinawakan ang kaniyang balikat dahilan para matigilan sya sa paglalakad. Tumigil ako sa kaniyang gilid at nilingon sya. "I want to say sorry too." unti-unting nangunot ang kaniyang noo. "Akala ko kasi perpekto ka pero naalala ko wala palang perpektong tao." ipinag krus ko ang braso ko at nilingon ang mga kaibigan namin na patuloy pa rin sa paglalakad. Busy sila sa pag uusap sa isa't isa kaya naman hindi nila namalayan na tumigil na pala kami sa paglalakad, "Azrael Dela Vega..." unti-unting gumuhit ang ngisi sa labi ko at dahan-dahan siyang nilingon, "Why did you kill...your friend?" napa atras sya mula sa kaniyang kinatatayuan. Unti-unting nanlaki ang kaniyang mata at nagsimulang manginig ang kaniyang kamay na agad niyang pinasok sa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon "Did I cross the line? I'm sorry." tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at tumakbo sa tabi ni Letson. Gulat naman niya akong nilingon at tinanong kung kanina pa ako sa tabi nya. Oo nalang ang isinagot ko para hindi na humaba ang usapan. Alam mo naman ang isang 'to, masyadong madaldal. THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Take a seat." inilahad niya ang kaniyang kamay patungo sa upuan na nasa kaliwang bahagi niya habang may kakahuying mesa ang pumapagitna sa kanila. Nakangiting tumango ang babae bilang pag tugon sa lalaking umalok sa kaniya. Inayos nya muna nag kaniyang palda bago umupo. Sunod namang umupo ang lalaki sa harap ng babae at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang labi "How was your day? I hope I don't intervened your-" "No no no." agad na sabi ng babae habang pinag ku-krus ang kaniyang kamay. "A-Actually sir I'm glad you called." nahihiyang sabi ng babae at ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniyang hita Mahina namang tumawa ang lalaki. "Anyway, let's talk about your self." Sunod-sunod namang tumango ang babae. "So... you said you have problems with your family." "Ah, yes.." unti-unting bumaba ang paningin ng babae. Bumigat ang kaniyang pakiramdam at agad na nagbago ang kaniyang awra. Kung kanina'y masaya at kabado ang kaniyang nararamdam, ngayon ay may halo itong lungkot at hinanakit. "You advised me before that... I should tell all my problems to my family." tumango tango ang lalaki. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang cabinet ngunit hindi pa rin naaalis ang kaniyang paningin sa babae. "I did it.." pilit na ngumiti ang babae. "Unfortunately... t-they... they just laughed." nang makuha na ng lalaki ang kulay puting panyo ay dahan-dahan syang tumayo upang hindi makagawa ng ingay at para rin hindi ma-istorbo ang babae. "A-and.." agad na napahawak ang babae sa kaniyang dibdib nang maramdaman na para ba'ng may pumipiga sa kaniyang puso. "I f*****g regret it!" nang maramdaman ng babae na tutulo na ang kaniyang luha ay agad nyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad at doon binuhos lahat ng kaniyang hinanakit. Dahan-dahan at maingat ang bawat paghakbang ng lalaki patungo sa likod ng babae. "I hate my self... I hate-" "Leslie." agad na natigil sa pag-iyak ang babae hindi dahil tinawag ang kaniyang unang pangalan kundi ang boses na ito ay nanggagaling sa kaniyang likod. Pinunasan ng babae ang kaniyang luha at suminghot. Nilingon nya ang lalaki na dapat ay naka upo sa kaniyang gilid ngunit tanging ang upuan lang ang naroon. "Nasa likod mo 'ko." ang mga simpleng katagang 'yon ay nagpanindig ng kaniyang balahibo. Bumilis din ang pag t***k ng kaniyang puso at sa mga oras na 'to ay nagkanda gulo-gulo na ang kaniyang isipan. B-bakit... bakit parang masama ang kutob ko rito? P-pakiramdam ko... nasa peligro ang buhay ko. Unti-unti nyang nilingon ang kaniyang likod at agad na nanlaki ang kaniyang mata nang bumungad sa kaniya ang kamay ng lalaki na hawak-hawak ang puting panyo na palapit sa kaniyang ilong. Bago pa matakpan ang kaniyang ilong ay agad niyang tinulak ang kamay ng lalaki at sya naman ay nagtagumpay. Tumakbo sya palapit sa pinto ngunit agad siyang napa upo sa malamig na sahig nang sabunutan sya ng lalaki mula sa kaniyang buhok sa likod. "TULOOONNG! TULOOOONNNGG!" Halos mapunit na ang kaniyang lalamunan sa sobrang lakas ng kaniyang sigaw. Hindi nya pinapansin ang sakit ng kaniyang anit dahil sa pag sabunot sa kaniya ng lalaki. Ang pinaka importante sa kaniya ay makatakas siya sa lalaking ito, "TULOOOOOO-" Agad na napasinghap ang babae nang may kung anong bagay ang tumusok sa gilid ng kaniyang leeg. Nang lingunin nya ito ay umungad sa kaniya ang malaking syringe na yari sa bakal. Binitawan na ng lalaki ang kaniyang buhok. Agad syang tumayo para lumapit muli sa pinto ngunit nang hahawakan na niya ang seradura ay naramdaman niya ang pag iinit ng katawan. Habang patagal nang patagal ay lalo pang umiinit ang kaniyang katawan hanggang sa nararamdaman na niya ang pag hapdi ng kaniyang balat. Tila ba may humihigop sa kaniyang dugo hanggang sa makita ng mismo niyang mata na ang dati niyang katawan na malaman ay ngayon ay buto't balat na. Nang hina nag kaniyang katawan hanggang sa mapaupo sya sa sahig. Umikot ang lalaki papunta sa harap ng babae at lumuhod upang magharap sila. "Akala ko ikaw na ang hinahanap ko. Hindi pa pala." walang emosyong sabi ng lalaki. Ibang iba ang taong kaharap ng babae kumpara sa nakilala niya. Doon lang niya napagtanto ang lahat ng nangyari. "I-ikaw.." nahihirapang sabi ng babae. Unti-unting tumulo ang kaniyang luha pababa sa kaniyang pisngi at leeg. Hindi nya magawang humikbi dahil masakit ang kaniyang buong katawan na para ba'ng may humihigop sa kaniyang dugo at dahil dito ay kahit ano mang oras ay maaring may mangyaring masama sa kaniya. "Hindi mo man ako natulungan at least ikaw natulungan ko." Bahagyang iginilid ng lalaki ang kaniyang ulo. "Hindi ba't gusto mo'ng makitang umiiyak ang magulang mo sa harapan mo habang sinasabi mo ang mga problema mo? 'yon ang gusto mo hindi ba?" gustong sagutin ng babae na mali ang lalaki. Gusto lamang ng babae na makinig ang kaniyang magulang at sila ang maging sandalan nito ngunit ubos na nag kaniyang lakas. Dumidilim na rin ang kaniyang paningin hanggang sa.. lumikha ng tunog ang pagbagsak ng babae sa sahig. Ang tanging nagagamit na lamang niya ay ang kaniyang tenga kaya sa kahuli-hulihang pagkakataon ay ang pinaka huling bose na maririnig nya ay ang boses ng lalaking papatay sa kaniya, "Huwag kang mag-alala... kapag natagpuan ang katawan mo, siguradong iiyakan ka ng pamilya mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD