CHAPTER FIVE

1870 Words
L.A.'s POINT OF VIEW Nasa labas pa lang ako ng school nang makita ko ang mga ka-estudyante ko na nagkukumpulan sa gilid ng gate kung saan may malaking puno ang nakatanim roon. Maging ang mga teachers at mga pulis ay nandoon din. Dahil sa kursyonidad ay nakisiksik ako sa kanila. Sa gitna ay may mga taga SOCO at mga pulis na para ba'ng may sinusuri. Nangunot ang noo ko dahil wala akong makita dahil nga maraming nakaharang. Aalis na sana ako nang tumayo yung mga taga SOCO at doon ko na nakita kung anong pinagkakaguluhan nila. Isang bangkay ng babae. Naka suot ito ng uniporme namin habang ang kaniyang balat ay... Nagsimulang mag si suka ang iba kong mga kamag-aral. Sino ba naman ang hindi masusuka sa naaagnas na na bangkay. Ngunit ang nakapagtataka... walang kakaibang amoy ang maaamoy mo sa kaniyang katawan 'di tulad ng mga ibang bangkay na naagnas na ay hindi umaalingasaw ang baho ng bangkay na ito. Bago umalis ay sinulyapan ko pa muna ang bangkay ng babae tsaka tinalikuran na sila. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng school at dumiretso sa canteen para bumili ng C2. Pagkatapos kong makabili ay dumiretso ako sa classroom namin. Sa pangatlong row ako naka upo sa pinaka huli kung saan nasa likod ko lang ang pinto sa bandang gilid. Ipinatong ko ang bag ko sa ibabaw ng upuan at muling lumabas ng classroom. Bumaba muli ako at habang naglalakad pababa ay nakasalubong ko si Sir Erik. Ang guidance counsellor namin. Kasama niya si sir Jericho-Ang science teacher namin. "Good morning po." nakangiti kong sabi nang biglang hawakan ako ni Mr. Erik sa braso ko dahilan para matigilan ako sa paglalakad. "Nabalitaan mo ba yung nangyari ngayong umaga?" tanong nya. "Yung babae po ba nanaaagnas yung katawan ang tinutukoy nyo?" gusto ko sanang sampalin ang bibig ko dahil masyadong ma-ditalye ako, pero buti na lang ay mukhang ayos lang naman sa guidance counsellor namin. "Yes. Gusto ko sanang sabihin na mag-iingat kayong magkakaklase lalo ka na." agad na napataas ang dalawang kilay ko. "A-ako po?" "Hay nako L.A., sa tingin mo ba hindi ko alam na lagi kang nag ka-cutting?" natigilan ako. Gano'n ba ako kalala para umabot sa kanya yung gano'ng balita? "At narinig ko na na-kidnap kayong mag ka-kaibigan at naaksidente pa." napakamot ako sa batok ko. "Mag-iingat ka'ng bata ka. Lumalaganap na ang masasamang tao at baka isa sa mga kakilala mo ay sya ang may gawa no'n sa estudyanteng namatay." seryosong sabi sa akin ni sir Erik. "Opo.." mahina kong sabi. "And L.A.?" Nabaling naman ang tingin ko kay Sir Jericho, "I was wondering, bakit L.A. lang ang nakalagay na pangalan mo sa akin? Hindi ko makita ang apelyido mo at tunay mo'ng first name sa registrar office. Hindi ko rin makita kung sino ang guardian mo at kung saan ka ipinanganak." "Ah, ayun po ba?" pilit akong ngumiti at lumingon sa ibang gawi. Oo nga pala bago palang itong si Sir Jericho. Kumpara kasi sa mga dati kong naging teacher nasanay na sila sa L.A. na pangalan ko. "Oo nga, L.A." napalingon ako sa guidance counsellor, "It's important to know our student's background information in case of emergency." Naiipit na ako dito ah. "Ahh..." napakamot ako sa leeg ko, "Ang kati. Hehe," pagdadahilan ko upang mas dumagdag ang oras para makapag isip ako ng idadahilan ko, "A-ano... ano nga ba 'yon?" sunod kong kinamot ang ulo ko "Ang kati talaga." Lintek. Nag mumukha na 'kong hindi naligo dito. "N-Naalala ko may gagawin pa pala ako" tinigilan ko na ang pagkamot sa aking ulo tsaka nilingon ang guidance counsellor "Sige ho una na 'ko." paalam ko kay sir Jericho. "Alis na rin ako." paalam ni sir. Nakangiti naman akong tumango. Nang mawala na sila sa paningin ko ay nakahinga ako ng maluwag. "Hi!" gulat akong napalingon sa baba ng hagdan sa bandang gilid ko. Bumungad sa akin ang naka uniform na si Azrael habang may bitbit syang kulay abong bag. "Kanina ka pa diya'n?" kunot noong tanong ko. "Yep." Humakbang sya sa hagdan hanggang magpantay kami sa kinatatayuan ko. Sumandal pa siya sa railings upang harapin ako, "Actually kanina pa ako pero mukhang busy kayo sa pag uusap kaya hindi nyo ako nakita." "Ah..." tanging sabi ko. Dahil mukhang wala na siyang masabi ay namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Kung saan saan rin sya lumilingon at parang hindi alam kung ano ang gagawin nya, "Kung aalis ka, umalis ka na," prangkang sabi ko. Bumaling naman ang tingin niya sa akin at tumaas ang magkatabing dulo ng kaniyang kilay. "H-huh-" "BAAABEEE!" Nagawi ang tingin ko sa ibaba ng hagdan. Bumungad sa akin ang isang babae na maligalig na tumatakbo paakyat palapit kay Azrael. Kilala ko sya. Sya si Cindy Ray H. Salazar. Sya ang girlfriend ni Azrael at sa pagkakaalam ko isang taon na ang relasyon nila. "Narinig mo ba yung balita? May babae daw na nakitang naaagnas na ang katawan sa gilid ng school!" aniya at kumapit sa braso ng kaniyang nobyo. "Sobrang creepy noh? nakakadiri pa." aniya at ngumuso. "Yeah... " tugon ni Azrael at mabilis na sumulyap sa akin tsaka muling ibinalik ang tingin kay Cindy. "Nakakatakot nga eh, ang sabi ng iba baka yung killer nandito sa loob ng school. Natatandaan mo ba yung dalawang babaeng namatay? Naaagnas rin ang katawan nila nang makita sila sa labas ng school." "T-talaga babe?" tanong ni Cindy habang nanlalaki ang mata. "Oo. Kaya huwag kang magpapagabi sa school at huwag ka ring pala-gala ah?" "Of course babe!" natawa si Azrael at pinisil ang magkabilang pisngi ng nobya. Napa iling na lang ako tsaka naupo sa hagdan at sinandal ko ang ulo ko sa pader. "Who's that freak?" ani Cindy. Matik na nangunot ang noo ko. Ako ba ang tinutukoy nya? "Hey watch your mouth." mahinang sabi ni Azrael sa nobya. "She's my friend." Kailan pa kami naging magkaibigan? "What?! That girl?! How babe?! That's so impossible!" Imposible naman talaga. "Babe, naririnig ka niya-" "I don't care! Baka mamaya kunwari nakikipag kaibigan lang sya sayo para makasama ka niya dahil may gusto sya sa'yo." "Cindy!" suway ni Azrael sa nobya. "What?! Totoo naman ah!" nakakarindi ang bunganga niya. Sarap putulin ng dila tapos busalan ng panyo ang loob ng bunganga niya. "Cindy naman eh. Dumiretso ka na sa classroom niyo." mahinahong sabi ni Azrael. "Fine! But before that, let me do this." pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon ay naramdaman ko na nag iba ang hangin sa bandang sentido ko. Bago pa tumama sa akin kung ano ito ay agad ko itong hinuli ng kamay ko tsaka ko ito dahan-dahang nilingon. Bumungad sa akin ang paa ni Cindy na dapat ay tatama sa sentido ko. Lintek ka. Unti-unting nanlaki ang mata ni Cindy nang mapagtanto niyang nahuli ko ang kaniyang paa na sana ay dadapo sa pisngi ko. Balak ata 'kong p*****n ng babaeng 'to. "C-CINDY! ANO KA BA!" Nag pa-panic na sabi ni Azrael. Agad akong tumayo kaya lalong bumaba ang katawan ni Cindy dahil hawak-hawak ko ang kaniyang paa. Kung 'di dahil sa kaniyang nobyo ay baka mapa upo na sya ng tuluyan. "L.A... a-anong gagawin mo?" nag aalalang tanong ni Azrael. "Wala naman." walang emosyon kong sabi. Sunod kong nilingon si Cindy na nanlalaki pa rin ang mata. Walang pag aalinlangan kong inikot ang kaniyang paa dahilan para mapa ikot rin sya. Agad naman syang sinaklolohan ng kaniyang nobyo. "L.A.! TAMA NA! Baka mahulog si Cindy sa hagdan!" natatarantang sabi ni Azrael. Hindi niya alam kung saan siya lilingon. Kung sa akin ba o sa kaniyang nobya. "Alis." utos ko kay Azrael pero hindi sya nakinig kaya sinipa ko ang kanang tuhod nya dahilan para mapa luhod sya sa hagdan. Mabilis ko namang tinulak ang paa ni Cindy palapit sa kaniyang katawan dahilan para mapa sandal sya sa railing. "Alam mo ba na sa oras na 'to nasa akin nakasalalay ang buhay mo?" walang mababakas na emosyon sa mukha ko pero alam kong ramdam na ramdam niya ang seryosong tono ng boses ko. "AZRAEL! TULONG!" sigaw ni Cindy sa nobyo. Agad namang tumayo si Azrael pero muli kong sinipa ang kaniyang tuhod kaya muli syang napaluhod. Binitawan ko ang paa ni Cindy at mabilis na lumapit sa kaniya. Ipinatong ko ang braso ko sa kaniyang leeg at buong lakas na tinulak siya dahilan para ma-pa-atras ang kaniyang katawan hanggang sa lumagpas ang ulo niya sa railing. Tumitingkayad na rin sya dahil ayaw talaga niyang madapuan ng braso ko ang kaniyang leeg. Kala naman niya ginintuan ang leeg niya. Kaya naman ay sinipa ko ang kalamnan ng kaniyang binti sa bandang gilid dahilan para mabaluktot ito at muntikan nang bumigay ang kaniyang katawan. Bago pa bumalik sa tamang posisyon ang kaniyang paa ay hinawakan ko ang kwelyo ng kaniyang uniform at buong lakas ko syang binuhat hanggang sa lumagpas na ang kalahati nyang katawan sa railings. "AAAAHHHHHH! TULOOOOOONNNGGGG!" Nakaka bingi ang pag sigaw nya. Sabayan mo pa ng pag tili nya. "L.A.!" hinawakan ni Azrael ang braso ko "T-tama na please. P-Patawarin mo na si Cindy" Nilingon ko si Azrael. Bumungad sa akin ang naluluha niyang mata at mababakas ang pag aalala sa kaniyang tono. "Sa isang kondisyon..." unti-unting gumuhit ang ngisi sa labi ko "Gusto ko munang marinig ang sorry nya." "NO WAY!"ibinaling ko ang tingin kay Cindy na nag ngi-ngitngit na ang ngipin. "Ah, ganun?" lalo ko pa'ng inatras ang kaniyang katawan palagpas ng railings. "H-ha! S-sa tingin mo m-matatakot ako sa'yo? Hindi ako tanga! Alam kong bibitawan mo ako dahil mangangalay ka!" wala talagang takot ang isang 'to. "Exactly. Kapag nangalay ako bibitawan kita tapos papanuorin ko ang ulo mong lumagupok sa sahig hanggang sa dumanak ang dugo mo sa semento. Kaya kung ako sa'yo.... Huwag mo nang hintaying mangalay ako." kitang kita ko ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Kung kanina'y tila ba isa siyang leon ngayon ay nagmistulan siyang daga na na-trap sa isang kulungan. "L.A.!" Napangiwi ako nang sumigaw si Azrael sa gilid ko. Ang lapit lang niya sa akin tapos kung maka tawag sya sa pangalan ko kala mo nasa kabilang bulding ako. "P-Pakiusap... bitawan mo na si Cindy." gumagaralgal na rin ang kaniyang boses at namumuo ang luha sa kaniyang mata. Grabe naman ang pagmamahal niya sa babaeng 'to. Napa buntong hininga ako, "Namana mo ang ugali ng nanay mo." ani ko habang naka tingin kay Cindy na pinapawisan na at habol habol ang hininga. "Nakapagtataka..." sinuri ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. "alam ba ni Azrael na may saltik kang hayop ka?" unti-unting nanlalaki ang kaniyang mata. Agad niyang nilingon si Azrael na nasa gilid ko at agad na binalik sa akin ang paningin niya. "A-Anong ibig sabihin mo?" tanong sa akin ni Azrael. Huminga ako ng malalim at hinila palapit sa akin si Cindy tsaka sya binitawan. Agad siyang napa upo sa hagdan na agad namang sinaklolohan ng kaniyang nobyo. "See you." kinindatan ko si Cindy na namumutla na ang mukha at sunod-sunod ang pag lunok. Bumalik ako sa loob ng classroom namin at inalis ang bag ko na naka patong sa ibabaw ng aking upuan at isinabit ko ang strap ng aking bag sa sandalan ng silya na nasa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD