CHAPTER SIX

1632 Words
Habang nag ka-kaklase kami sa English subject ay biglang bumukas ang pinto at sa sobrang lakas ng pag ka tulak nito ay bumangga ang door knob sa pader dahilan para lumikha ng ingay. "SINO ANG NANAKIT SA ANAK KO?!!!" lahat ay nagulat nang bumulaga sa amin ang malakas na boses ng babae habang sa gilid nito ay si Cindy at sa likod naman ay ang kanyang nobyo na si Azrael. Mababakas ang hiya sa mukha ni Azrael samantalang taas-noo namang lumilingon sa amin si Cindy habang may ngisi sa labi. "E-Excuse me Ma'a-" aawatin na sana sya ng English teacher namin nang bigla syang duruin ng babaeng kasama nila Cindy. "TUMAHIMIK KA!" Napahawak sa kaniyang dibdib si Ma'am sa biglaang pag sigaw nito. Mukhang hindi nya aasahan na ganoon na lamang ang tugon ng nanay ni Cindy sa kaniya. "Mom! She's right there!" itinaas ni Cindy ang kaniyang kamay at tinuro ako gamit ang kaniyang hintuturo. Sinundan naman ito ng kaniyang nanay hanggang sa nagtama ang paningin namin. "HOW DARE YOU!" Padabog na lumakad palapit sa akin ang nanay ni Cindy hanggang sa dumapo ang kaniyang palad sa kaliwang pisngi ko dahilan para mapatagilid ang ulo ko. Umugong ang bulungan ng mga kaklase ko. Agad naman na tumakbo palapit sa amin ang teacher namin para awatin kami pero biglang humarang sa kaniya si Cindy at kung ano-ano ang pinagsasabi nya sa teacher namin na para ba'ng pinagbabantaan ang buhay nya. "Paano ba nakapasok ang tulad mo sa pribadong paaralan na 'to?! At anong klase ba ang magulang mo para pagbantaan ang buhay ng anak ko!" matunog akong napangisi. "Ngumingisi ka pa talaga?!" sasalubungin pa sana niya ako ng kaniyang sampal pero agad kong nahuli ang kaniyang pulso. "Pinasampal na kita kanina dahil alam ko ang nararamdaman mo bilang isang magulang, pero kung iinsultuhin mo ang buong pagkatao ko, mukhang sumusobra ka naman yata?" unti-unting nanlaki ang kaniyang mata at butas ng kaniyang ilong. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagsagot ko sa kaniya. Tumayo ako at padabog na binitawan ang kaniyang kamay. "Tinanong mo ba ang anak mo kung bakit ko sya ginanon?" pang-hahamon ko sa kaniya. "Kahit anong rason pa ng anak ko, wala kang karapatan na pagbantaan ang buhay nya! Sino ba namang tao ang pagbabantaan ang anak ko na ihuhulog sya mula third floor pababa?" nilingon niya ang buong kaklase ko "SINO!" "Ako, sino pa ba?" inis niya akong nilingon. Natanaw ko naman sa likod ng nanay ni Cindy na tumayo ang mga kaibigan ko at lumapit sa akin. Mababakas ang takot at pagkahiya sa kanilang mukha. Hindi ko mapigilang mapabilib sa kanila dahil tatayo talaga sila sa sarili nilang paa para lang protektahan ang kaibigan nila. "B-Baka po..." panimulang sabi ni Letson, "May ginawang kasalanan ang anak nyo para ganyanin ng kaibigan namin si Cindy-" "TUMAHIMIK KANG TABACHOY KA!" Sigaw ng nanay ni Cindy kay Letson habang dinuduro ang noo nito. "WAG KANG MAGSALITA DAHIL NANDIDIRI AKO SA MGA TULAD MO!" Tinulak nya ang noo ni Letson gamit ang kaniyang hintuturo dahilan para medyo mapa atras ang ulo ni Letson at mapayuko sa sobrang pagkakahiya. Agad kong hinuli ang kaniyang hintuturo at walang pag aalinlangan na binaliktad ito. Agad siyang napa yuko ng bahagya at napahiyaw sa sakit. "Wala ka'ng karapatan duru-duruin at insultuhin ang kaibigan ko lalo na't galing sa maduming bunganga mo." "Bitawan mo ang mommy ko!" tumakbo palapit sa akin si Cindy at akmang hihilain ang buhok ko pero agad kong nasipa ang kaniyang tuhod dahilan para mapa upo sya sa sahig. Binitawan ko ang daliri ng nanay ni Cindy tsaka yumuko upang abutin ang paa ni Cindy mula sa sahig at pwersahan kong inalis ang kaniyang sapatos. Sa ilalim ng kaniyang sapatos ay may nakatagong maliit na kutsilyo. I-n-slide ko ang kutsilyo na iyon at pinakita sa kaklase ko pati sa pagmumukha ni Cynthia. Ang nanay ni Cindy. "Gusto nyo ba'ng malaman kung bakit ko ginawa 'yon sa pinakamamahal niyang anak?" sinulyapan ko ang nanay ni Cindy at muling nilingon ang mga kaklase ko. "Dahil kung hindi ako iiwas noong oras na 'yon ay mamamatay ako," agad na nanlaki ang mata ng mga kaklase ko at nakipag bulungan sa mga katabi nila. "Alam kong mali ang ginawa ko, pero tao lang din ako at nagagalit. Gusto ko'ng ipa mukha sa hayop na 'to.." tinuro ko si Cindy na naka upo pa rin sa sahig. "... Na mali ang kaniyang ginawa." sunod kong hinarap ang nanay ni Cindy tsaka binato sa kaniya ang sapatos na nasalo naman niya ngunit nalukot ang kaniyang mukha dahil sa pandidiri sa sapatos. "Ngayon, ako naman ang magtatanong. Paanong may nakapasok na mamamatay tao sa pribadong paaralan na 'to?" lalo pang lumukot ang kaniyang mukha. Nanlilisk ang kaniyang mata at naka kuyom ang kanang kamay niya habang ang kaliwa na hawak hawak ang sapatos ng kaniyang anak ay napipiga na ito dahil sa pag gigigil niya. Biglang bumukas ang pinto sa classroom namin at bumungad sa amin si Dean na may kasamang dalawang estudyante na kaklase ko at sa likod nila ay may dalawang naka unipormeng pulis. POLICE STATION Life is unfair. Naka base ang pagkatao mo sa katayuan ng buhay mo. Kung mayaman ka o may mga koneksyon sa taas, ginagalang ka at tinitingala ng mga tao. Marami rin ang kakampi at maniniwala sa'yo. Pero kung nakatira ka sa maliit na bahay, may sira-sirang yero at baon sa utang, mag iiba ang tingin nila sa 'yo. Pandidirian ka nila at mamaliitin. Nakasandal ako ngayon sa pader sa loob ng presinto. May dalawang babae akong kasama ngayon sa loob na mukhang nasa 30's pa lang ang edad. "Bata, ilang taon ka na?" tanong ng babaeng naka upo sa dulo. "Mag E-Eighteen," tinatamad kong sagot. "Bata ka pa, pwede ka pa'ng magbago." sabi ng babaeng nasa kanan ko. Natawa na lamang ako sa kaniyang pahayag tsaka ko binaling ang tingin ko sa labas ng rehas. Maraming mesa sa paligid at sandamakmak na papel ang naka patong dito. Busy rin sa pag trabaho ang mga pulis. Ilang beses ko nang pinapaliwanag sa kanila na may kutsilyo yung sapatos ni Cindy kaya ko nagawa 'yon. Wala naman akong reklamo kung ikukulong nila ako basta't hindi lang ako. Dapat kasama ko rin si Cindy! Pero mukhang kilala ng mga pulis yung nanay ni Cindy. Alam nila na mataas ang estado nito sa buhay at maraming koneksyon. "MAGHANDA NA KAYO! PARATING NA ANG DIRECTOR GENERAL!" Sigaw ng isang lalaki na malapit sa pintuan ng kanilang opisina. May hawak-hawak rin siyang telepono at malamang doon niya nalaman na paparating na ang- Teka... Director General- TAKTE! Aligaga kong tinulak ang rehas, umaasang mabubukas ito kahit na alam kong imposibleng hindi ito naka kandado. "O-oy! N-naiihi ako!" lumingon sila sa akin at agad namang lumapit sa akin ang isang babae. Binuksan niya ang rehas at saktong pag bukas nito ay agad kong siniksik ang sarili ko sa gilid at mabilis na tumakbo. Hinabol ako ng mga pulis kaya naman tumalon ako sa mesa nila hanggang sa makita ko ang pintuan palabas. Tumalon ako pababa pero bigla akong kinuyog ng apat na mga pulis tsaka nila pinosasan ang kamay ko. Kung tutuusin kaya kong lumaban pero ayaw ko namang madagdagan ang kasalanan ko kaya hinayaan ko nalang na posasan nila ako. Mission failed. Lintek. "Iba na talaga ang mga kabataan ngayon." iiling-iling na sabi ng lalaking pulis na pumosas sa akin. Tinulungan niya akong makatayo at marahan akong tinulak sa balikat ko para maglakad ng mabilis. "What's happening here?" agad akong natigilan sa paglalakad. Ang boses na 'yon... nandito na ang director general. Dahil kailangan nila mag pakita ng pag galang ay humarap ang pulis na pumosas sa akin. Hindi ko man makita ang ginawa nya dahil naka talikod ako, malamang ay sumaludo sya sa Director General. "How's work today? Y'all seemed busy." Wala pa ring nagbabago sa boses nya. Malalim ito at magaspang kung pakikinggan. "Oh? Who's that girl Inspector Lorenzo?" agad na nanlaki ang mata ko kasabay ng pag bilis ng puso ko. A-Ako ba ang tinutukoy niya?! "Pinagbataan ho niya yung buhay ng kaklase niya. Sinubukan pa nga hong tumakas kaya... medyo magulo ang paligid." paliwanag ng pulis na hawak hawak ang braso ko. "Really? What's her name?" napa pikit ako ng mariin. Bakit ba puro sya tanong?! "Iyon nga ho ang problema. L.A. lang ang binigay na pangalan ng mga nagreklamo. Nang tignan ko naman ang background information nya, L.A. lang din ang nakalagay at wala maski apelyido o magulang na nakalagay sa background information niya. Ayaw rin niya magsalita kaya talagang nakakapanghinala ang babae'ng 'to" "L.A.?" narinig ko ang tunog na likha ng kaniyang sapatos papalapit sa akin. Habang palapit nang palapit sya ay talagang tinatago ko ang mukha ko. Ayokong makita nya ako sa ganitong sitwasyon. Baka kung ano pa'ng sabihin niya sa tatay ko. Nagitla ako nang hawakan niya ang mag kabilang balikat ko at bahagya niyang binaluktot ang kaniyang tuhod para silipin ang mukha ko at dahil mukhang wala na akong kawala ay unti-unti kong iniangat ang ulo ko at nang makita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha ay pilit akong ngumiti. "L-Let-" "LOOODIIIi!" Agad kong hiyaw at umaktong nagmamakaawa. "Tulungan mo ako! Hindi ko tanggap na ako lang ang nakulong!" "Hoy! Tumigil ka nga!" awat sa akin ng pulis na ang pangalan pala ay Lorenzo. "Hindi ka ba nahihiya-" "No no no no." agad na awat ng Director General sa kaniya ngunit hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa akin. Mukhang hindi yata sya makapaniwala na sa dinami daming lugar ditto pa niay ako makikita "I know her." "Ho?" hindi makapaniwalang tanong ni Inspector Lorenzo "She's my nephew." agad na bumalot ang katahimikan sa loob ng police station at ang tanging ingay lang na maririnig ay ang tunog ng Aircon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD