CHAPTER SEVEN

2217 Words
Nasa restaurant kami ngayon at inalok niya akong kumain. Syempre hindi na ako tumanggi. Dahil sa kaniya ay napalaya ako at bilang kapalit daw ng ginawa niya ay i-ku-kwento ko ang pangyayari kung paano ako napunta sa kulungan. "Ayun nga, bigla akong sinampal ng Cynthia na 'yon." tukoy ko sa nanay ni Cindy. "Dinuro-duro pa niya ang kaibigan ko at ininsulto tapos biglang may pulis na pumasok sa classroom namin. Pinaliwanag ko sa kanila nang maayos kung bakit ko nagawa 'yon kay Cindy pero alam mo naman ang estado ng buhay ng Cynthia na 'yon, kaya ayun! Ako lang ang nakulong." ika ko tsaka uminom ng malamig na tubig pampalamig sa mainit kong ulo. Letse. "Hindi nila ginagawa ng maayos ang trabaho nila." nabibigong sabi ni Tito Leo. Madalas ay tito ang tawag ko sa kaniya pero nagiging Lodi ang tawag ko kapag may kailangan ako sa kaniya. "Don't worry, agad kong isesesante ang mga may gawa sa'yo no'n-" "Hindi na!" agad kong sabi. "Ayos na yung pagsasabihan mo lang sila." Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. "What?!" kunot noo niyang sabi. "Pagkatapos ka nilang ganunin?" hindi makapaniwalang sabi niya sa akin. "Wala namang nangyaring masama sa akin. Nakalaya naman ako dahil sa'yo. Tsaka kung sisisantihin mo sila, paano na yung pamilyang binubuhay nila?" "That's why they need to do their job right!" "That's why you need to teach them a lesson. Educate them properly!" Sabi ko habang tinuturo sya ng aking tinidor.. Napapailing na lang sya at tinuloy ang pag kain. Mukhang no choice na siya sa akin. THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "It's been weeks but until now I can't find a suitable host for our plan." He crossed his legs while drinking a cup of tea. After a sip, he placed the tea above the wooden table beside him and looked at me. "Don't worry, as far as I know, there will be a new transferee in your school." The enormous man in front of him mumbled. He stretched his left arm and fixed his sleeve. "Maybe she's the one, right?" he jested but in his inner thoughts, he was hoping that that transferee is the one they're looking for. "Oh yes, I remember that. I overheard at the dean's office that there will be a new transferee. I think her name is... Lorraine, I think?" he squinted his eyes, trying to remember the girl's name. "I was surprised that there will be a new transferee. The exams are about to come, you know? Maybe she's special." "Well, wish you luck." the man replied with a monotonous tone. "By the way, how about the police? Do they... gives you a headache?" The man chuckled, "At first, I thought they will be a problem, but you seem..." he squinted his eyes and smile but not enough to reach his eyes. "Taking care of it." expectedly, the man in front of him chuckled and he slowly clapped his hands to praise him. "You really know me." the enormous man grabbed his brown homburg hat on the top of the wooden table beside him and wore it over his head. "I almost forgot, I have something to attend to. Anyway, have a good day ahead-and! Make sure that you'll find a suitable host as soon as possible." The man stood up and bowed slightly before leaving. He opened the door and his two bodyguards showed up outside the house to guard him on the way to his car. L.A.'s POINT OF VIEW Malalaki ang bawat hakbang ko at hindi ko binalak na tumigil sa paglalakad kahit na pawis na ang buong katawan ko at hinihingal na ako. Limang minuto na akong late dahil napuyat ako kagabi. Siguradong papagalitan ako ni Ms. Cruzelle dahil ang pinaka ayaw niya ay may ma-late sa klase niya. Baka isipin niya eh tuwing Wednesday lang kami nagkikita tapos late pa 'ko. Nang makarating ako sa tapat ng classroom namin ay agad kong binuksan ang pinto pero agad na nangunot ang noo ko nang hindi ko madatnan ang mga kaklase ko sa loob. Maski ang teacher namin ay wala sa loob ng classroom. Hindi pa naman uwian 'diba? Nilagay ko ang bag ko sa ibabaw ng upuan ko at lumabas ng classroom. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko rin alam kung nasaan ang mga kaklase ko. "Oy!" gulat akong napalingon sa gilid ko. Bumungad sa akin ang bodyguard na mukhang lumilibot sa building. "Anong ginagawa mo rito? Ipinagbawal ng dean na gumala gala ang mga estudyante sa building." "H-hindi ko po kasi alam kung nasaan ang mga kakalse ko-" "Late ka ano?" alinlangan akong tumango. "Nasa gym silang lahat. Absent ka ba kahapon? Inanunsyo ng mga teacher nyo na may laban ang school niyo laban sa ibang school 'diba?" agad na nanlaki ang mata ko. Bakit hindi ko alam- teka, bakit ko pa tinatanong ang sarili ko? Malamang puro ako cutting at kahapon nakulong pa ako. Bwiset na buhay 'to. Bumalik ako sa loob ng classroom at kinuha ang tubigan ko tsaka dali-dali akong tumakbo papasok ng gym. Hinanap ko ang mga kaklase ko sa mga manonood hanggang sa makita ko sila sa kanan ng court sa bandang baba. Simula na ng laro nila. Pamilyar ang mukha sa akin ng mga varsity player namin. Dalawa do'n ay si Izel at Azrael. Naglakad ako sa gilid ng court papunta sa mga kaklase ko. Palinga linga ako sa mga naglalaro dahil baka matamaan nila ako ng bola. Nang makalapit ako sa mga kaklase ko ay naghanap ako ng bakanteng upuan at habang naghahanap ng bakanteng upuan ay nahagip ng mata ko sina Patrick at Letson na kumakaway sa akin at tinuturo ang upuan na nasa gilid nila. Agad na lumawak ang ngiti ko at dali-daling naupo sa tabing upuan na ni-reserve nila para sa akin. "Akala ko 'di ka na makakapunta eh," nakangising sabi ni Patrick. "Sabi nila nakulong ka raw. Totoo ba 'yon?" tanong naman ni Letson. Nilingon ko ang hawak niyang popcorn at kumuha ng tatlo tsaka nilagay ko sa bunganga ko. "Mm." tugon ko sabay tango. "Weh? 'di nga?!" sabay nilang sabi. Nanlalaki ang mata nila at bahagyang naka awang ang bibig "Ang unfair naman no'n, hindi ba dapat pati si Cindy makulong rin?" tanong ni Patrick. "Tss. Alam mo ba ang trabaho ng nanay ni Cindy?" tanong ko kay Patrick. Umiling naman siya, "Isa siyang C.E.O. ng kumpanya nila at marami ring koneksyon 'yon kaya kayang-kaya niyang ilabas ang anak niya sa gulo." ma-pa-pa- sanaol ka nalang talaga "Dahil lang do'n?!" hindi makapaniwalang tanong ni Letson, "Akala ko pa naman makakapagtiwalaan ang mga pulis." aniya at umiling iling. "Makakapagtiwalaan naman sila, pero pili nga lang." natatawang sabi ko at nilingon sina Izel na naglalaro. "Anong score na?" tanong ko kay Letson. "35 ang score ng kalaban natin. Eleven naman ang lamang natin kaysa sa kanila" tugon ni Letson. Napatango na lang ako. Maya-maya'y pumito ang referee. Nagsipuntahan naman ang dalawang grupo sa magkabilang side ng court. Ang iba ay umiinom ng tubig at ang iba ay nagpupunas ng towel sa kanilang likod. "Lapitan natin si Izel!" anyaya ni Letson. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to napaka ligalig. "Huwag na." pagtanggi ni Patrick. "Saglit lang ang break nila." "Malapit lang naman tayo sa kanila ah!" tama nga naman si Letson. Kung tutuusin ilang dipa lang ang layo nila Izel sa amin. Habang pinapanood sila ay napansin ko na para bang may hinahanap si Izel sa kaniyang maliit na bag. "Anong ginagawa niya?" rinig kong tanong ni Patrick. Nakita ko naman ang paglingon sa amin ni Izel na para ba'ng humihingi ng tulong. "Tubig!" sigaw niya sa amin. Takte. Alam naman niyang may laro sila tapos wala siyang dala-dalang tubig? Napabuntong hininga na lamang ako. Tumayo ako at lumapit sa kaniya tsaka inabot sa kaniya ang tubigan ko. "Sa susunod magdala ka ng sarili mong tubigan." Pangangaral ko kay Izel. Napakamot naman siya sa kaniyang batok. "Nakalimutan ko eh." pagdadahilan niya. "Bata-bata mo pa ulyanin ka na. Oh!" mas lalo kong inilapit sa kaniya ang tubigan ko. Itinaas naman niya ang kaniyang kamay para sana kunin ang tubigan ko pero mukhang nag aalinlangan siyang kuhanin ito, " 'Di ko 'yan ininuman. Tss." "Hindi naman 'yon eh," aniya at padabog na kinuha ang tubigan ko tsaka niya binuksan ang takip. Saktong pag inom niya ay naghiyawan ang mga ka teammates niya. "AYIEEE! SI IZEL PUMAPAG IBIG!" Pangungutya ng kaniyang mga kagrupo ngunit natawa lamang sya. Ibinaba na niya ang tubigan ko at isasara na sana nang aksidenteng dumapo ang kaniyang paningin sa gilid niya kung saan tumama ito kay Cindy na pinupunasan ang likod ni Azrael. Ibinalik ko ang tingin ko kay Izel. Wala akong makitang emosyon sa kaniyang mukha pero nang mapatingin ako sa kaniyang kamay na hawak-hawak ang mineral water bottle ko ay kitang kita ko kung gaano kahigpit ang hawak niya dito dahilan para mapiga ang tubigan ko. "Kapatid, mali 'yan," Pangungutya ko tsaka inagaw na sa kaniya ang water bottle. Mukha namang nabalik sya sa kaniyang wisyo at gulat na napatingin sa akin. "S-Sorry." aniya at nag-iwas ng tingin sa akin. Tatawanan ko na sana siya nang mabaling muli ang paningin ko kay nila Azrael at kasunod nito ang paglaki ng mata ko dahil sa aking nasaksihan. Napakalutong ng sampal na ibinigay ni Cindy sa nobyo dahilan para lumikha ito ng malakas na ingay sa gym. Ang mga nakasaksi naman sa ginawa ni Cindy ay hindi makapaniwala sa nangyari. Ang iba ay nanlalaki ang mata habang ang iba naman ay napapatakip sa kanilang bibig dahil sa gulat. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay nila Cindy. Nakayuko lang si Azrael habang bahagyang nakatagilid ang mukha at ang kaniyang nobya naman ay nakakuyom ang kamao habang nanlilisik ang mata. Walang pasabing tinalikuran ni Cindy ang nobyo at padabog na umakyat sa audience's seat at bumalik sa kaniyang kinauupuan. Kani-kanina lang pinupunasan pa niya yung likod ni Azrael tapos ilang Segundo lang akong nalingat bigla na niyang sinampal ang boyfriend niya? Nakakatawa talaga sila. "Sige, balik na 'ko." tinapik ko sa braso si Izel. Tumango naman siya sa akin tsaka ko na sya tinalikuran. Nakaka isang hakbang pa lang ako nang biglang may maramdaman akong kung anong bagay sa paanan ko. Para ba'ng may natapakan akong matigas na bagay. Inatras ko ang paa ko at bumungad sa akin ang kulay pulang bracelet na puro bilog. Pamilyar iyon sa akin kaya naman yumuko ako para damputin iyon tsaka ko nilagay sa bulsa ko. Muli akong naupo sa tabi ni Letson tsaka nilabas ang bracelet na pula "Alam nyo ba kung sino ang nagmamay-ari nito?" tanong ko sa dalawa kong kaibigan. Umiling naman si Patrick habang si Letson ay kinuha ang bracelet at hinimas ang kaniyang baba habang nanliliit ang mata. "Hmmm..." ika niya na para ba'ng isa siyang detective. "Kung ako ang tatanungin mo pag-mamay-ari ito ng isang babae-" Pinagkrus ko ang braso ko at nginisian sya "At paano mo nasabi?" "Karamihan sa babae, ang hilig ay kulay pula." rason niya. Napangiwi naman ako. "Eh bakit ako, walang paboritong kulay?" "Bakit? Babae ka ba?" napamaang ako. "Siraulo ka ah!" "Oh! Tignan mo!" aniya habang tinuturo ako. Napa tsk na lamang ako at inagaw ang bracelet na hawak-hawak niya tsaka sinuri ito. "Babae?" nangunot ang noo ko tsaka nilingon si Letson "Yun lang? babae?" "Hindi pa kasi ako tapos," aniya at muling inagaw ang bracelet sa akin, "Para sa akin lagi itong suot ng babae, dahil tignan mo, maayos pa!" Anong klaseng pagdadahilan 'yan? Muli kong inagaw sa kaniya ang bracelet at binulsa ito. "Oo nalang" sarkastiko kong sabi sa kaniya pero kung ako ang tatanungin? Tama si Letson. Lagi itong suot ng babae o lalaki hindi dahil maayos pa ito kundi dahil kupas na ang kulay niya. Pwedeng matagal na ito sa kaniya o kaya naman lagi niyang kasama hanggang pag-ligo at mukhang... espesyal ang bracelet na ito. Lintek. Bakit ba ako nagmumukhang detective rito? Lumipas ang ilang oras at natapos ang laro. Nanalo sina Izel at ang MVP ay si Azrael. Masayang masaya ang mga ka-grupo nya maliban kay Izel na nakasimangot sa gilid. Mukhang hindi rin masaya si Azrael dahil halata na pilit lamang ang ngiti niya. Malamang dahil iyon sa nangyari kanina. "CR muna 'ko." paalam ko kay nila Letson at Patrick. Lumabas ako ng gym habang dala-dala pa rin ang tubigan ko. Sa labas ng gym ay natanaw ko si Azrael na nakayuko habang nakatingin sa sahig na tila ba'y mukhang may hinahanap. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa kaniya at narinig ko ang kaniyang bulong sapat na para marinig ko. "Nasaan ba ang bracelet ko?" natigilan ako sa paglalakad at kunot noo siyang nilingon. Inilabas ko ang kulay pulang bracelet mula sa bulsa ng palda ko tsaka muli siyang nilingon. Mukhang hindi pa rin niya maramdaman ang presensya ko dahil busy sya sa paghahanap. Tatawagin ko na sana siya nang biglang may humila sa buhok ko sa bandang likod. Dahil hindi ko inaasahan ang pangyayari ay nabitawan ko ang bracelet at unti-unting kumalat ang mga pulang beads nito sa sahig dahilan para matigilan ako at si Azrael. Hindi ko naman aakalain na pati ang taong sumabunot sa akin ay natigilan din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD