CHAPTER EIGHT

1423 Words
"Y-yung..." mahinang sambit ni Azrael. Unti-unti niyang i-n-straight ang kaniyang katawan ngunit hindi pa rin naaalis sa kaniyang paningin ang nag kalat-kalat na mga beads na nanggagaling sa bracelet. "I-I'm sorry." naguguluhang sabi ko. Kahit hindi ko kasalanan na mapigti ang bracelet, hindi ko mapigilang mag-sorry dahil mukhang espesyal sa kaniya ang bracelet na 'yon. Naramdaman ko na binitawan ng taong nasa likod ko ang buhok ko kaya doon ko na siya nilingon. Bumungad sa akin si Cindy na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa mga beads. Aksidente namang tumama ang paningin ko sa kanang kamay ni Cindy. Doon ko nakita ang kulay pulang bracelet na katulad na katulad sa bracelet na napigti. "W-WHAT HAVE YOU DONE!" Sigaw niya tsaka nilingon ako. Napalingon sa amin yung mga estudyante dahil sa malakas na sigaw ni Cindy. Akala ko'y sasampalin niya ako o sasabunutan ulit hanggang sa ibaling niya ang kaniyang tingin sa nobyo. "AYAN! NAKITA MO ANG GINAWA MO?!" Agad na nag iwas ng tingin si Azrael. Matik namang nangunot ang noo ko. "KUNG 'DI MO WINALA YUNG BRACELET EDI SANA HINDI KITA MASASAMPAL KANINA AT HINDI MANGYAYARI 'TO!" Natigilan ang buong katawan ko tagos hanggang sa kaluluwa ko. Nagpapatawa ba 'tong babae'ng 'to?! Nasiraan na talaga ng ulo. "I-I'm s-sorry." Mahinang sabi ni Azrael sa nobya tsaka yumuko para pulutin yung mga nagkalat na beads. "GUSTO MO BA'NG IPAKAIN KO SA'YO YAN?! HA?!!" Natatawa akong napatakip sa bibig ko. Iba to'ng babaeng 'to. Amazona. "Anong nangyayari rito?" pamilyar ang boses na iyon. Nilingon ko ang gilid ko at bumungad sa akin si Izel na bitbit ang maliit niyang bag na nakasabit sa kaliwang balikat niya. "Away mag jowa." natatawang bulong ko at muling nilingon si Azrael na patuloy pa rin sa pagpupulot ng beads. "I said what's happening here." mariin at seryosong sabi ni Izel. Gusto kong magtaka dahil ngayon ko lang narinig ang ganyang tono ng kaniyang boses kaya naman kunot noo ko siyang nilingon at kahit nagtataka ay sinagot ko ang tanong nya. Ni isang detalye ay hindi ko pinalampas at mukhang nakikinig naman sya. "Then it's his fault." aniya habang nakatingin kay Azrael. "Ni Cindy?" alam kong "his" ang ginamit nya, pero minsan kasi bobo itong si Izel. "What? No! Kasalanan 'yon ni Azrael. Kung naging maingat sya sa gamit nya lalo na't bigay sa kaniya ng girlfriend nya edi sana hindi mangyayari 'to." natigilan ako. Maging si Azrael ay natigilan sa pagpupulot ng beads ngunit agad siyang natauhan at muling nag pulot. "Eh yung pagsigaw ni Cindy at pananampal niya sa nobyo nya sa harap ng maraming tao... Kasalanan din ba ni Azrael 'yon?" seryoso na ang tono ng boses ko at wala ni isa sa amin ni Izel ang hindi kumakalas ng tingin. "Yes! Normal lang ang reaksyon ni Cindy. Couple bracelet nila 'yon at espesyal 'yon para kay Cindy tapos malalaman lang niya na nawala yung bracelet dahil sa kapabayaan ni Azrael?" "Izel... " pilit akong ngumiti, "Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo." "Woah!" pinag krus ni Izel ang kaniyang braso at sarkastikong tumawa sa harap ko. "So, kinakampihan mo pa 'yang pabidang 'yan?" aniya at sinulyapan si Azrael na nakaluhod sa sahig ngunit kumpara kanina ay hindi na siya muling nagpupulot. "Wala akong kinakampihan sa kanila." nakangiti kong sabi. Umayos ka Izel dahil na-bu-bwiset na ako sa'yo. "Ang sa akin lang... hindi ko gusto na pinapaburan mo ang isang tao dahil lang..." palihim kong nilingon si Azrael tsaka muling lumingon kay Izel "...Gusto mo sya," mahinang sabi ko. Agad na natigilan si Izel ng ilang segundo nang biglang natanaw ko sina Patrick at Letson na naglalakad palapit sa amin. "Nag-aaway ba kayo? Anong nangyayari rito?" kunot noong tanong ni Patrick. "Hindi ba kayo nahihiya? Maraming estudyanteng nakatingin sa inyo oh." ika ni Brent. Nginitian ko sina Patrick at Brent tsaka lumuhod para tulungan si Azrael na pulutin ang mga natirang pulang beads. Nang ma-ilagay ko silang lahat sa kamay ko ay inabot ko ito kay Azrael na agad naman niyang kinuha. Hindi sya makatingin ng maayos sa mata ko. Malamang naiilang siya o kaya naman ay nahihiya. Sabay kaming tumayong dalawa at sa kahulihulihang pagkakataon ay sinulyapan ko si Izel na nakatuon ang paningin sa sahig tsaka na ako pumasok sa restroom. IZEL'S POINT OF VIEW 'This is making me insane!' Nang mawala si L.A. sa paningin ko ay napasandal ako sa pader tsaka napabuga ng hangin habang sina Brent at Patrick ay bakas pa rin ang kursyonidad sa kanilang mukha. Naguguluhan sila sa nangyayari at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon. Sa gilid ko ay sinulyapan ko si Cindy. Nagtama ang paningin namin kaya agad niyang iniwasan ang paningin ko. Lumapit sya kay Azrael na nakatayo habang nakayuko ang ulo. "Let's go." bulong niya. Agad namang sumunod sa kaniya si Azrael. "Bro, ano 'yon?" kunot noong tanong ni Patrick. "Nagkaroon lang ng hindi pagkakaintidihan." pagdadahilan ko tsaka bumuntong hininga. "Pagkakaintindihan? Paano?" "Mamaya na Patrick, okay?" ika ko tsaka nilingon si Brent. "Samahan nyo muna si L.A. mukhang nabadtrip sa akin eh." tinalikuran ko na sila tsaka naglakad palayo. Hindi naman na nila ako sinundan o tinawag pa. Dumiretso ako sa loob ng library. Ito na ang naging tambayan ko dahil araw-araw bukas sila at malamig pa ang paligid. Malalambot din ang upuan nila na sinamahan ng maliit na unan. Isinandal ko ang batok ko sa sandalan ng upuan tsaka tumingala at pumikit. 'Dito kami unang nagkita....' Hindi ko mapigilang mapangiti. Kung may makakakita sa akin ngayon malamang akalain nilang nananaginip ako. "Mr. Cohen!" agad akong napatalikwas ng bangon. Bumungad sa akin ang lukot na mukha ng librarian namin habang naka pamewang sa gilid ko. "M-Ma'am..." "Sinong nagsabi sayong pwede ka ditong matulog sa library? Alam mo naman na mahigpit na ipinagbabawal na matulog at tumambay ang mga estudyante rito? Hindi lang ikaw ang pumupunta sa library! Maraming estudyante na mas may kabuluhan ang dahilan ng kanilang pagpunta sa library kumpara sa'yo!" napalingn ako sa paligid. Kakaunti lang ang mga estudyante pero parang kinain ang buong dignidad ko do'n. "M-Ma'am Lucia, hindi ba't mahigpit ding ipinagbabawal na bawal ang sumigaw sa library?" agad siyang natigilan. Sasabihin ko na sana kay Ma'am Lucia na biro lang nang mahagip ng paningin ko ang isang babae na kakapasok lang sa library. Tinignan niya ako sa aking mata na may malalim na kahulugan at naglakad patungo sa pangalawang shelf. Agad akong tumayo at 'di ko na inabalang magpaalam pa sa librarian. Sunod-sunod na dumadagundong ang puso ko habang papalapit sa pangalawang shelf. Pagsilip ko sa shelf ay natanaw ko ang babae na patingin tingin sa mga libro na tila ba'y may hinahanap sya. Lumawak ang ngiti ko at dali-dali akong tumakbo palapit sa kaniya. Bago pa man ako tuluyan na maka lapit sa kaniya ay nilingon na niya ako. Nagtama ang paningin namin dahilan para lumawak ang ngiti ko. "You're here..." malambing niyang sabi sa akin. Napakasarap sa pandinig ng tono ng kaniyang boses... Itinaas ko ang magkapares kong kamay at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "You're such a goddess." makahulugang sabi ko habang nakatingin sa kaniyang mata. Sa t'wing nakikita ko siya bumibilis ang t***k ng puso ko at sa t'wing nagtatama ang mata namin ay doon ko na-re-reliaze na... siya ang mundo ko. Sya lang at wala nang iba pa. "Wala akong kinakampihan sa kanila. Ang sa akin lang, hindi ko gusto na pinapaburan mo ang isang tao dahil lang gusto mo siya." 's**t. Bakit ko ba naririnig ang boses ni L.A.?' "Ikaw talaga..." ngumiti sya sa akin at ipinatong ang magkapares niyang kamay sa paligid ng leeg ko. "Hanggang kalian pa ba, Izel? Hanggang kalian pa ba?...Hanggang kailan pa ba natin itatago ang relasyon natin?" Agad na nagbaba ang tingin ko. "It's your choice..." ika ko at muling itinaas ang paningin ko. "Ayos lang sa akin kahit umabot pa ng ilang taon basta't nandito ka lang sa tabi ko." hinawakan ko ang kaniyang batok at inilapit ito sa dibdib ko. Ibinaba naman niya ang kaniyang kamay mula sa leeg ko at pinapunta ito sa bewang ko tsaka mahigpit niyang inakap ito. "I know you're scared... and I'm not pressuring you. Kahit kailan ayos lang..." "I love you Izel.." napakagat ako ng labi ko upang pigilan ang pag ngiti ko. "I love you so much.... Cindy." Yes. Cindy is my girlfriend... my secret girlfriend and I don't regret it. She's the only woman that makes my heart flutter. She's the only woman who makes me happy. She's the only woman... who I love the most.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD