Hello, Ash
WARNING: SOME BAD WORDS ARE USED!
PLAGIARISM IS CRIME! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. PLEASE SHARE, MORE STORIES? JUST VISIT MY PROFILE THEN SA WORKS.
GODBLESS!!
xoxo,
beeyoully
DAY 01
HELLO ASH
"Ash! May naghahanap sa'yo!" rinig kong sigaw ni Jerome. Siya si Jerome, my bestfriend. 18 years old kaming tatlo. I'm Ash, yung sumigaw si Jerome at yung isa ay isa Eric. 1st year college kaming lahat, nakatira sa iisang apartment. Share share kami sa pambayad every month. At blockmates ko sila.
"Oo! Sandali lang! Pababa na!" sigaw ko pabalik. Sino ba namang matinong taong pupunta dito sa amin ng dis- oras ng gabi? Tsk.
"Sino ka?" takang tanong ko ng makita kong babae daw yung naghahanap sa'kin. Ngayon ko palang nakita to ah. Sino ba to?
"Hi Ash. I'm Niequessa." pagpapakilala nito.
"And?" tinaasan ko siya ng kilay.
"I'm Ally's bestfriend. She wan-"
"Ohh." putol ko.
Yes. Kilala ko si Ally, siya yung babaeng baliw na baliw sa 'kin. Madaldal sa chat pero walang imik naman sa personal. Nung isang araw nga tinadtad niya ko ng messages. 170+ messages ba naman, so ginawa ko diko nireplyan. Dinelivered zone ko lang at naka muted conversation na siya tapos ni-ignored message ko. Tapos chinat din ako sa isa niyang account so dinelivered zone ko lang din. Nakakaistorbo na siya eh.
"May pinapaabot siya sa'yo. I hope basahin mo." sabi nito sabay abot sa akin ng isang paper bag. Ano naman 'to?
"Uyy ash! Ano yan ha?" nakangising tanong ni Eric habang pababa sa hagdanan.
"Hello, babe!" masayang bati nito dun sa babaeng kaibigan daw ni Ally.
Hindi ko nalang pinansin si Eric at kinuha ko yung paper bag na binibigay nung babaeng kaibigan nga daw ni Ally.
"Aanhin ko 'to?" takang tanong ko dun sa babae.
"Kainin mo yung paper bag, baka sakaling mabusog ka." sarkastikong sabi nito sabay irap. Aba't! Sila nalang nga may kailangan sila pa gaganyan?!
"Nice. Sige kakainin ko mamaya." pabalang kong sagot.
"Gago! Ayusin mo Ash! Malamang bubuksan mo! Diba nga may pinapabigay daw yung kaibigan niya sa 'yo? Libre gamitin utak, Ash. Libre." sabat ni Jerome habang nagtitimpla ng Milo. Aba't dinala pa talaga ng baliw na 'to yung Tupper ware ng Milo at Asukal dito sa Sala.
"Tss. Anong laman nito?" tanong ko dun sa babae.
"Hindi ko alam. Gusto niya ipabigay sa'yo." sabi nito.
"Bomba ba 'to? O shabu?" tanong ko.
Inirapan ako nito. "Anong tingin mo sa kaibigan ko? Bibigyan ka ng shabu o bomba? Wow. Ash hindi kana nakakatuwa, nakakapagtaka nga eh. Kung bakit sa 'yo pa nainlove yung kaibigan ko. Ash, minsan gamitin mo muna yung utak mo bago ka magsabi ha? Kasi hindi mo man alam, nakakasakit kana ng damdamin sa totoo lang." masungit na sabi nito.
"Malay mo naman shabu 'tong pinabibigay ng kaibigan mo sa 'kin?" ngumisi ako.
"Baliw lang sa 'yo si Ally pero hindi yun nag shashabu. Matinong babae si Ally kaya never gagamit ng i***********l na gamot yun. Use your brain, Ash." mataray na tugon nito.
"Para saan ba 'to? Bakit binibigyan akong ganito nung kaibigan mo? Namamaalam naba siya? May taning naba yung buhay niya? O baka bukas patay na siya tapos eto yung hulin-"
Napatigil ako sa pagsasalita ng dumapo yung kamay siya sa pisngi ko. Bakit ba 'to nananampal?
"Damn you! Kulang pa yan sa pagbibigay sakit sa kaibigan ko! Tangina mo, Ash! Mag isip ka muna bago ka mag salita. Minsan kailangan mo munang mag isip bago magsalita, wag kang padalos dalos sa mga pinagsasabi mo!" sigaw nito sabay kuha nung shoulder bag niya.
"Basahin mo man yan o hindi, Bahala kana. Atleast ginawa niya yung best niya para maging malapit sa 'yo. Ash, sana kahit huli na. Na appreciate mo yung taong kagaya niya." mahinang sabi nito sabay punas ng luhang pumatak sa mata niya.
"Aalis na 'ko. Paalam." paalam nito sabay takbo papalayo.
"Gago ka kasi bro! Kung ano ano pinagsasabi mo." natatawang sambit ni Jerome pagkalabas nung babaeng kaibigan ni Madaldal na babaeng nangungulit sa 'kin na si Ally.
"Tss. Aakyat na 'ko. Istorbo eh. Nanonood akong anime. Tsk!" tumayo ako sabay akyat papunta sa taas.
Nang makapunta na ako sa kwarto namin binato ko sa lamesa ko yung paper bag. Bukas ko nalang bubuksan. Habang nanonood ako, naisip ko bigla yung Ally. Yung huling chat niya sa akin is yung nagtatanong siya na kung istorbo na daw siya sa akin sabihin ko daw. Hihinto na daw siya pangako. Tapos dinelivered zone ko lang, tapos kinabukasan nun nagchat siya ulit. Sabi niya, "Kuya Ash wala naba talaga?" "Okok" "Thanksss" ayan ang last chat niya. Tapos ayun, hindi na siya magparamdam ulit. Tapos chinat niya ko sa isa niyang account. Tinatanong kung balak ba mag teacher ni Jerome sa mga day care. 1 month na pagiging teacher lang. Tas tinanong niya din ako kung gusto ko. Syempre, hindi naman ako masyadong bastos kaya magreply ako after that nagreply siya at kung ano ano tinanong like, Galit daw ba ko? Tas ayun hindi kona nireplyan.
At tinatawag niya kong Kuya kasi 4 years and 5 months yung tanda ko sakanya.
Ano ba kasi yung laman nung paper bag? Tss nacu-curious tuloy ako. Pero bukas, bukas kona lang bubuksan yun.
Pero yung sinabi kona baka may taning na buhay niya, Ghad. Nagbibiro lang ako. Hindi ko yata kakayanin pag nawala sa mundo yun. Kahit makulit naman yun, mabait naman na siya. Aishh. Makatulog na nga, Alas dose na pala.
Kinabukasan...
"Ash! Dalian mo! Papasok na!" rinig kong sigaw ni Jerome sa baba. Nagmemedyas pa kasi ako.
"Oo!" sigaw ko sabay kuha nung bag ko sa may lamesa at lumabas. Tinignan ko pa yung paper bag pero hindi ko man kinuha. Mamaya kona lang bubuksan yun or kung nasa mood akong buksan. Hahaha. Galing lang naman kay Ally eh, hindi naman siya importante sa akin. Pero seriously- miss kona siyang kausap.
Wala eh, ako na yung lumayo. Masyado na kasi siyang nakakairita. Naalala ko tuloy yung sinabi niya noon na, "Alam mo? Sa lahat ng taong nagustuhan ko, ikaw lang yung nakaclose ko. Sa tatlong taong nagustuhan ko, ikaw lang yung nakakausap ko ng ganito katagal." Tatlo palang yung minamahal niya raw. Yung first love niya naging MU sila tapos yung Second love niya naman gusto nung parents ni Boy ipakasal silang dalawa daw. Tapos ako na. Haha.
Pero ako? never ko siyang magugustuhan.
***
Habang naglelesson kami lutang ako. Iniisip ko kasi yung laman nung paper bag. Mamaya nga makapunta sa High School building- dun kasi sila Ally. Tatanungin ko siya kung ano laman nun. Mamayang katapos ng period na 'to. 20 minutes nalang tapos na. Tutal vacant naman nun namin ng isang oras.
"That's all for today, review your notes. Goodbye." paalam nung prof namin. Agad agad akong tumayo at tumakbo papalabas sa room. Pupunta na akong High School Building.
Ni hindi kona sinabihan sila Jerome na aalis ako. Agad agad lang akong tumayo at nagdidiretso papalabas.
*High School Building*
Mahigit 30 minutes din akong naglalakad, ang layo kasi ng High School Building sa College Building sabi sabi ng iba para daw malayo yung mga college sa high school. Kasi yung iba may syota ng High School. Kaya para tamarin daw puntahan, pero wala e. Pinupuntahan pa rin ng mga College Student's yung mga jowa nila dito sa High School Building. Ayun yung rumors eh.
"Kuya Ash?" napatingin ako sa tumawag sa akin. Akala ko si Ally pero si Min lang. Pinsan ko.
"Uy min! Hello!" bati ko tapos lumapit ako sakanya.
"Alam moba kung saan yung Grixxians?" tanong ko. Yun kasi yung section ni Ally.
"Ahh opo kuya. Diretso ka tapos pag may nakita kang hagdanan akyat ka tapos kumaliwa ka po tapos akyat ka ulit sa isa pang hagdanan tas kumanan ka po tapos dun sa pinakadulong room, ayun po ang Grixxians." paliwanag nito. Ang layo naman, edi ang layo ng nilalakad ni Ally paakyat?
"Ahh. Salamat." ngumiti ako.
Bago ako makaalis nag tanong pa ito. "Anong gagawin mo dun kuya?" takang tanong nito.
"Kilala mo si Ally?" I asked.
"Si Ally? Yep! Idol ko yun! Ang galing kasi niya mag picture. Tapos ang galing din mag badminton. Ang daming sports. Mahiyain lang nga." masayang sabi nito.
"Siya ba yung pupuntahan mo kuya?" nakangiting tanong nito.
Tumango ako.
"Papakita naman sa 'yo yan. Mabait yun. Saka kwentuhan tayo minsan tungkol sakanya kuya ha?" nakangiti pa din ito.
Mabait ba talaga si Ally? O nagbabait baitan lang siya sa akin?- pero posible naman, maganda ang image niya sa mga kapwa estudyante niya dito. At parang lahat- tinitingalaan siya.
"Sige ba. Pero min alam mo bang, inlove sa akin yun?" tanong ko.
"H-ha? Si ally? Inlove sa 'yo? Seryoso?!" gulat na tanong nito.
"Yep." tipid kong sabi.
"Gusto moba siya, Kuya Ash?" tanong niya.
"Hindi. Hindi kami pwedi, 4 years and 5 months tanda ko sakanya." sabi ko.
"Ano?! Hindi mo siya gusto? Pero bakit mo siya pinupuntahan? Kasi may itatanong ka? Pwede namang i-chat nalang siya eh. Pero nandito ka, pupuntahan siya." nakangiting sabi nito.
"Wala naman sa edad yan kuya. Age is just a number. Kapag mahal mo ang isang tao, kahit sinong hadlang kayang kaya mong ipaglaban yung pagmamahalan niyo kasi mahal niyo ang isa't isa. Bakit ako? 2nd year college yung boyfriend ko kuya." sabi nito.
"At halata sa 'yo, na gusto mo siya. Sino ba namang taong college ang pupunta sa high school building at maglalakad ng 30 minutes at aakyat sa pa papunta sa Grixxians? Kaya ayaw mong i-chat nalang siya kasi gusto mo siyang makita." ngumiti pa ito.
"Bakit hindi mo naman siya magugustuhan? She's nice, sporty, intelligent at nasa kanya na lahat." ngumiti ito.
"Bagay kayong dalawa, Kuya Ash. Perfect couple sana." sabi nito.
"Oh sige, puntahan mona siya, Kuya Ash. Ingat." sabi nito.
Gusto ko nga ba siya? Hindi ko alam e.
***
Nang makita ko yung babaeng galing sa amin kagabi agad akong lumapit dito.
Tinaasan naman ako nito ng Kilay.
"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong niya habang naglalagay ng liptint sa pisngi.
"Pumasok ba si Ally? Nasaan siya?" tanong ko. Natigil naman ito sa paglagay ng liptint sa pisngi.
"Hinahanap moba talaga kaibigan ko? Bakit, nakonsensya kaba sa nakita mo sa loob ng paper bag?" nakangising tanong nito.
"Hindi kopa binubuksan. Gusto ko lang siyang tanungin kung anong laman nun." sabi ko. s**t, nasaan ba si Ally?
"Gusto mong malaman kung nasaan siya?" tanong nito.
Tumango ako.
"Pwes, buksan mo ngayon na yung paper bag. Baka sakaling malaman mo kung nasaan siya." sabi nito sabay pasok sa Room nila.
Nasaan nga ba si Ally?
***
"ARGHHHH!! ALLYY!! NASAAN KABA KASI?!" sigaw ko pero mahina lang syempre. Pinagbubugbog ko din yung desk ko.
"Mr. Aguas!" napatigil ako ng biglang sumigaw yung prof namin.
"Y-yes?" tanong ko.
"Are you listening? Stop day dreaming!" sigaw nito.
"Y-yes! I'm sorry!" mahinang sabi ko. Kahit anong gawin kong pag focus sa klase hindi ko magawa.
Pagkatapos na pag katapos nung panot naming prof agad akong tumayo.
"Bakit moba naman kasi sinigaw pangalan ni Ally, bro?" natatawang tanong ni Jerome.
"Inlove kana ba sakanya? Ano bang nakalagay dun sa paper bag?" sabat naman ni Eric.
"Hindi.Ko.Alam." matigas na sabi ko.
"Kita nalang tayo mamaya sa apartment. Kailangan ko na umuwi. Ingat." sabi ko sakanila sabay sakbit ng bag ko sa akin.
"Sige. Ingat din." sabi nila.
Pero bago pa ako makalayo narinig ko pang sinabi ni Eric na, "Ang weird niya. Napapano kaya siya?" At, "Anong nangyare dun?" hayyst. Napapano nga ba ako?
Ano bang ginawa mo sa'kin, Ally?
***
Nang makauwi ako agad agad pumanhik pataas para buksan na yung paper bag.
Kinuha ko ito sa lamesa ko at dinala sa higaan ko. Double Deck yung higaan namin, ako yung sa taas si Eric naman sa baba at sa isang kutsyon naman si Jerome.
Habang binubuksan ko ito- doble dobleng kaba yung nararamdaman ko. Ano nga bang laman nitong paper bag?
Nang matanggal kona yung tali- nakita kong may box na kulay black dun, may iba't ibang gamit pa. Malaki- malaki yung paper bag. Parang kasing laki nung paper bag sa Miniso. May isa pang paper bag na katulad nung paper bag na maliit sa blue magic. Ayun ang una kong binuksan.
Nang mabuksan ko ito- puno ng sulat, maraming hand written letters. Sulat niya lahat ng ito? May number pang 1-25. Tapos may keychain pa- yung pictures namin together. Sa tingin ko gin-rid niya lahat ng pictures namin at ipin-rint. May printer siya yun ang pagkakaalam ko. Kase nung kausap ko siya nun, sinabi niya yun. Nagtatanong siya kung ano magandang kulay na bilhin niya. Ink daw sa printer. Sabi ko naman nagagandahan ako sa Black at Mint Green.
Agad kong kinuha yung naka sobreng may number 1.
"Hello! Magandang umaga sa poging Ash na kilala ko. Weird, right? Hahaha. Gusto ko lang sabihin- yung lahat ng gusto kong sabihin. Idadaan ko nalang ito sa sulat. Pasensya. Unang una sa lahat- patawarin mo ako. Kasi pinagsisiksikan ko yung sarili ko sa'yo. Patawarin mo ako kasi pilit akong nakikipag close sa'yo. Patawarin mo ako kasi ang daldal daldal ko at patawarin mo ako kasi tinatadtad kita ng mga messages. Puro 'patawarin mo ako' diba? Pero, Kuya Ash, sincere akong nag so-sorry. Gusto ko man sabihin ito ng harap harapan sa iyo kaso naalala ko, ikaw na pala yung pumutol sa komunikasyon nating dalawa. Ikaw na pala yung pumutol sa pinaghirapan ko. Pero atleast- nangyare ang gusto kong mangyari. Sabihin na nating, "I always get what i want." Dati ko pang gusto makipag close sa'yo. Kaso wala akong lakas ng loob. Hindi mo pa ako kilala nun. Sino nga ba ako? Hahahaha. Kuya Ash, unang kita ko palang sa'yo gusto na kita. Na challenge pa nga ako sa sarili ko nun na makipag close sa'yo. Okay okay alam mona yung line kona, "I always get what i want." First of all uunahan na kita, hindi ako ini-ispoil ng parents ko. Pag gusto ko ang isang bagay- nagpupursigi ako para makamit ko ang gusto ko. Gusto kong makipag close sa'yo, right? Nangyare nga. Kasi kinain ko lahat ng kahihiyaan ko sa katawan kona meron ako at pilit pinagsisiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa'kin. Isn't it obvious? Ayaw mo sa'kin, pero ako? Gusto ko sa'yo. Easy easy, gusto kita maging kaibigan. Yun lang ang intensyon ko. Crush lang talaga kita noon kaso nung naging malapit na ako sa'yo-lalo akong nahulog sa'yo. Hahaha. Funny right? Pero gusto ko lang talaga maging boy bestfriend ka. Kasi sa mukha mo palang na yan? Mapagkakatiwalaan ka. Kaso kuya, habang tumatagal- lalo na talaga akong nahuhulog sa'yo. And one day, kagising ko mahal na kita. More than friends. Tapos gusto ko man sabihin sa'yo, pero hindi ko ginawa. Kasi nga, Sometimes the best way to stay close to someone you love is by being just a friend. Even if it sucks. And it hurts. Alot. Pero minsan naisip ko, bakit ba ikaw? Mula ng aking masilayan ang tinataglay mong kagwapuhan- dina maawat ang puso ko hahaha. Ang corny diba? Sobrang corny. Pwedeng masuka. Hahaha. Kuya Ash, oo nakipag kaibigan ako sa'yo para stay close sa'yo. Gets mo? Sabihin na nating, nakipag kaibigan ako sa'yo para close pa din ako sa taong mahal ko- at oo, ikaw yung taong mahal kona yun. Laman ka ng puso't isipan ko, dina kita maiiwasan. So, gumawa ako ng move. Yep. Ako na yung nag move. Sino ba dapat? Ikaw? Hahahahahahahahaha, eeeh hindi mo nga ako gusto right? Iba gusto mo pero ikaw gusto ko. Kumbaga, habang ako'y lubog na lubog sa'yo, ikaw naman lubog na lubog sa iba. Gets mo? Osigii, e-explain ko. Habang ako gustong gusto kita ikaw naman gustong gusto mo yung iba. Hahaha. Nung nag confess talaga ako nun, dare lang yun. Pero yung talagang pinuri talaga kita, Ghad. Talagang sinagad kona. Kasi totoo yun. Hahahahah. After kong masend sa'yo yun, binabasa mona pala hahahaha. So i decided to turn off my phone kasi natatakot ako sa pwedeng isagot mo. Or worst is baka pagkakita ko, "You can't reply on this conversation" hahahah. Pero pagkakanta kita, heyyy!! Hahahaha. Tbh, pag nagkakanta talaga maganda daw boses ko- malambing hahahahah. Ou ito na, Co'z it's 12 51 and i thought my feelings were gone but i'm lying on my bed thinking you again, explain koba? Alam mo ba't sa lahat ng favorite songs ko ayan kinanta ko? Hahaha, manhid ka nalang kung dimo gets or slow ka. Pero kahit ano ka, tanggap kita ayieee kilig na siyaa hahahaha. Joke lang eto naman. Ang inaano ko sa kanta is, Akala ko yung feelings ko sa'yo wala na. Habang nakahiga ako sa kama ko iniisip kita ayieee. Oyoy! Totoo yan. Nung araw nga na 'yon pagod na pagod ako. Tapos akala ko talaga nun hindi na kita gusto- pero habang nakahiga ako sa kama ko, nakatingin sa kisame ikaw pa rin yung iniisip ko. Hahaha. Pero please, let me love you-hanggang mapagod na'kong mahalin ka hahaha. Ikaw mula noon, ikaw hanggang ngayon-yung taong gusto ko. Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan hanggang ang puso'y wala ng naramdamaaaaaaan!!! Whoooo!! Sabay kaaa!! Let's sing!! Kahit matapos ang magpakailaman pa man ako'y mag hihintay sa ngalan ng pag ibig moooo!! Wuhhhh!! Let's singgggg!! Tara duet! Next song pls ano gusto mo? Hahaha. Okay okay mamaya na ako kakanta. Malakas na talaga tama ko sa'yo ano? Alam mo hindi ko alam kung nananadya ba yung tadhana e o yung song writer. Kasi bawat lyrics- tinatamaan ako. Hahahah. Pero okay lang yun. Parang parehas kami na dinadaan nalang sa kanta. Hahaha. Pero sorry talaga sa mga ginawa kona ayaw mo. Andd, sorry kung minsan nasusungitan kita hahaha. Hindi ko sadya yun, pag dry ako-nakatopak ako. Pero u know pag dry ako mag type sa'yo halimbawa yung, "Bakiiiiiittt" diba ganyan ako? Itatype ko lahat yan then, gagawin kong, "Bkit" Hahahahah. Nahihirapan talaga akong mag dry type sa'yo. Kahit kanino-hindi ko kayang mag dry type. You know naman me right? Ang haba haba ko kaya mag type. Hahaha. Uyy wag kang iiyak pag nawala ako ha? Oppssszxs hindi ako magpapakamatay- hahahaha. Okay lang ako, basta't ikaw ay masaya. :) okay lang talaga, saka thankyou kasi binigyan mo 'kong time. Hahaha. Thankyou sa lahat lahaaaaaaaat. And sorry kasi nagkwekwento ako always sa'yo. Nakukulitan kana nga diba? Hahahaa, pero thankyou talaga. Ang saya saya- ang sarap pala sa feeling nung close kayo sa chat nung taong mahal mo eh no? Hahaha, ngayon feel kona. Thankyou. ILYSB : ( marami pa akong gustong i-kwento sa'yo. See you sa susunod na pahinaaa, hahahaa goodnight ily"
Hindi ko alam yung nagyayare sa'kin. Bakit ba ako umiiyak habang binabasa ito? Anong nakakaiyak? Wala naman. Pinunasan ko yung luha ko at itinupi yung sulat niya- maganda talaga yung sulat niya. Maliit na maganda. Itatago ko ang mga ito. Hinding hindi ko ito itatapon. Bubuksan kona sana ang isang pahona pero bumagsak na ako sa higaan ko. Pagod ako ngayong araw.
Bukas, babasahin kona lahat ng nakasulat- pero parang mas maganda kung bawat isang araw may binabasa ako. Bukas, yung pangalang sulat naman niya tapos next day yung pang tatlo niyang sulat.
D*mn. I miss her.
***
DAY 02
"Aba bro, puyat na puyat kaba? Hahaha. Yung eyebags mo oh, ang laki laki na." pang aasar ni Jerome.
"Napuyat lang ako kas-"
"Nanood kaba ng p*rn kaya ka napuyat, bro?" sabat naman ni Eric.
Papunta kami ngayon sa paradahan ng jeep. Mga alas 6 palang ng umaga.
Napuyat ako kagabi, kakaisip sa sulat niya. Para saan yun? Bakit siya nag papaalam? Nag papaalam kaya siya or trip lang niyang mag sulat?
Ily daw pwedeng, I love you, at pwede ring, I'm leaving you alin kaya sa dalawa tinutukoy niya?
Pero, hindi ko siya gusto-neveeeeer!
"Gagu! Hindi mo ako katulad. Iniisip ko lang yung bigay na sulat n-"
"Si ally ba 'yon?" pagpuputol ni Jerome.
Pinagsisipa ko yung batong nadadaanan namin. Nakayuko kasi ako. "Oo, siya yun. Sinulatan niya ko at hindi ko alam kung para saan yung mga yun." sabi ko.
"Bro! Si ally ata yun oh!" sigaw ni Eric.
"Kaya nga- teka hindi ba't si, ano kasing pangalan non? Yung babaeng pumunta satin nung isang araw?" gatong naman ni Jerome.
"Si ano ay ano nga kasing pangalan nun?" kinamot ko batok ko.
"Gago! Si ally nga! Kasama niya yung babaeng mataray!" binatukan ako ni Jerome.
Tumingala naman ako. s**t. Si ally nga!
"Ally!!!" sigaw ko. Ngunit hindi man lang ito nag aabalang tumingin sa akin.
"Hoy masungit na kaibigan ni Ally!" sigaw naman ni Jerome.
Tumingin ng masama yung kaibigan ni Ally sa amin tsaka niya miniddle finger si Jerome. Natawa naman ako.
Para kaming mga baliw sa kalsada na tumatakbo.
"Allllllllyyyyyyyyy!!" kumaripas ako ng takbo papalapit sakanya. Pero bago pa ako makalapit sumakay na sila dun sa Accent na kotseng parang brand new.
Aba't! Kaninong sasakyan 'to?!
"Teka, bro. Napagod ako." hinihingal na sabi ni Eric sabay hawak sa poste.
"Kaninong sasakyan yun?" takang tanong ni Jerome.
"Kaya nga. Diba dati, tuwing tinatawag mo siya kahit nasa malayo ka tatakbo siya papalapit sa 'yo? Ba't ngayon. Ba't parang hindi ka niya kilala?" takang tanong ni Eric.
"Baka hindi lang niya tayo napansin. Or baka hindi ka niya narinig pre." sabi naman ni Jerome.
"Tanga! Anong hindi narinig? Eh yung ngang babaeng mataray tumingin pa satin eh. Saka nag middle finger pa nga siya!" inis na sabi ni Eric.
"Oh ba't na iinis ka?" takang tanong ni Jerome sabay batok kay Eric.
"Hindi ko kasi nakausap yung babaeng mataray, pre. May gusto lang akong sabihin." kumamot pa ito sa ulo niya.
"May kuto ka, pre? Susmaryosep!" iling iling na sabi ni Jerome.
"Ash, kung narinig tayo nung babaeng mataray at tumingin satin. Posibleng narinig din tayo ni Ally, ang kaso lang. Baka nagkunwari siyang hindi niya tayo nakita." sabi naman ni Eric. Tila pala pa itong nag iisip.
"Exactly! You have a point! Maybe she's avoiding you, Ash. You know na right? Co'z you didn't reply on her. Baka nagtatampo or iniiwasan kana talaga niya." dugtong ni Jerome sa sinabi ni Eric.
"Pero pre, bakit hindi ka nga ba nag reply?" tanong ni Jerome.
"She's annoying, naiirita ako sakanya. Masyadong madaldal. Ang hahaba pa ng pinagta-type. Ang dami daming kinukwento. Then pag di ako nagreply palagi tinatanong kung galit ba ako. Nakakairita siya. Tapos nag kwekwento kung anong nangyare sa araw niya. Kung badtrip ba siya o good mood at kun-"
"Kung ganyan siya, Ash. Dapat hindi mo iniwasan. Pag mahaba mag type ang isang babae at maraming kinukwento sa 'yo kahit hindi ka naman interesado todo kwento pa siya, gusto ka talaga niya. Saka gusto niya updated ka everyday sakanya. Gusto ka talaga ni Ally." putol ni Eric.
Gusto nga ba talaga niya ko?- pero bakit sinukuan niya ko?
"Iniyakan kana ba niya?" tanong ni Jerome.
"Mmm. Yeah. Tapos kinukwento pa niya mga problema niya. Ang dami daming pinagkwekwento about sa life niya. Tapos arghh, nakakairita talaga siya. I hate her." inis kong sabi.
"Tanga mo pre, pag iniiyakan ka ng babae mahal ka talaga. Kaya siya nagkwekwento ng mga problema niya sa 'yo, kasi pinagkakatiwalaan ka niya higit pa sa pagkakatiwala niya sa iba. Hindi siya nakakairita, sana ako nalang nagustuhan niya para di ko sinaktan kagaya ng ginawa mo. Dapat sa mga babaeng ganyan, kini-keep. Kasi pag hindi mo iki-neep, mag sisisi ka. Nasa 'yo na. Pinakawalan mo pa. Pero pre matanong ko lang, marami ba nagkakagusto sakanya?" sabi ni Eric.
"Mmm. Sabi niya oo daw. Naiirita daw siya sakanila kaya binlo-block niya." sagot ko.
"Baliw! Hindi mo gets?! Kaya niya binlo-block kasi wala siyang pakielam sa mga nagkakagusto sakanya. Kasi sa 'yo lang siya may pakielam. Maganda siya. Mabait. Matalino. Sporty at Maka Diyos na magalang. Kaya pala pati college student's na iba naiinlove sakanya. Sikat sa School yun pre, silang dalawa nung kaibigan niya. Yung mataray na si niyqea? Ano bang pangalan non? Niyqea? Ah! Basta yung N!" kamot ulo na sabi ni Eric.
"Kaya nga pre. Pansin mo? Diba sa school tinawag ka niya nun during their practice? Tapos yung iba gustong gusto siyang kausapin or ligawan pero nginingitian lang niya. Pre! Ikaw talaga gusto niya!" humalakhak si Jerome.
"Kaso, ini-ignore mo ng ilang beses. Ayan tuloy, sinukuan kana ng tuluyan. Tsk tsk. Nasa 'yo na. Pinakawalan mo pa. Mag sisi ka ha?" nakangising sabi ni Jerome.
"Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ko. Bakit imbes na ako yung kampihan nila eh, si Ally yung kinakampihan? Sinong kaibigan dito?! Ako!
"Alam mo pre, nakausap kona si Ally. Personal. Private talk. That time pre diba nga sabi ko pupunta lang ako sa Coffee shop? Nakipag kita ako sakanya nun. Tapos kinuwento niya lahat. Nakikita ko sa mata niyang sobra na siyang nasasaktan pre. Umiyak pa siya nun habang nagkwekwento. Kaya akala tuloy ng ibang customers mag jowa kami na nakikipag break nako sakanya kaya umiiyak." sabi ni Jerome.
"Bakit siya umiiyak pre?" tanong ni Eric.
"Umiiyak siya kasi hindi na daw niya kaya. Ilang beses siyang sumuko pero balik parin siya kay Ash. She don't want to let him go, co'z she think she have a chance na magugustuhan siya ni Ash. Sobrang sakit na raw. Nagmumukha na raw siyang tanga ng sobra kay Ash-"
"Alam ko. Pansin ko rin, ginagawa niyang tanga sarili niya sa 'kin." ngumisi ako.
"Gago! Alam mo ba't ginagawa niyang tanga sarili niya sa 'yo?" binatukan ako ni Jerome.
"Kasi gusto niya ko makausap?" nagdadalawang isip kong sagot.
"Gago! Patapusin mo muna kasi kami ni Eric sa pagsasalita!" inis na sabi ni Jerome.
"Kaya ginagawa niyang tanga sarili niya sa 'yo pre kasi mahal ka talaga niya. Kahit mag mukha na siyang tanga ng ilang beses sa 'yo hindi ka niya nile-let go kasi pinaglalaban niya yung nararamdan niya para sa 'yo. Sa tingin mo iiyakan ka ng babae kung hindi ka niya mahal?" iling iling pa ang lokong Eric habang nagsasalita.
"Nakausap ko rin si Ally. Gusto niya, alagaan at ingatan ka raw naming dalawa ni Jerome. Wag ka raw namin pababayaan. Tapos nung kausap ko siya pre alam mo? Habang nagkwekwento siya, umiiyak siya. Sobrang putla niya din at ang laki ng eyebags niya." sabi ni Eric.
"Naaawa ako sakanya, napapabayaan na niya sarili niya. Nangayayat na din siya. Tapos i asked her kung bakit ka niya iniiyakan. Sabi niya mahal ka talaga niya at ayaw ka i-let go. Tapos i asked her again pano kayo naging close, ayaw na ayaw mo pala sakanya non ano? Ang dry mo pa raw pero tiniis niya-kasi gusto ka talaga niya maging kaibigan. Ilang beses kana niyang iniyakan e. Tapos kahit dry ka nagkwekwento pa din siya-kahit hindi ka interesado sa mga kwento niya. Kahit ayaw ka niya pinagsiksikan niya sarili niya sa 'yo kahit hiyang hiya na siya. Tapos diba never ka niyang sinabihan ng mga masasakit na salita? Kagaya ng ginagawa mo sakanya at sinasabi m-"
"Ano bang sinasabi ko? Sabi ko lang wag siya mag expect na mararating ko expectations niya." putol ko.
"Gago! Patapusin mo sabi ako! Pare, ang mga babae marurupok. Sabihan mo lang ng isang salita na kahit ano sobrang saya na sila-lalo na pag galing sa taong mahal pa nila. Nag assume siya na gusto mo siya, kasi pinabasa niya convo niyo. Hanggang sa simula hanggang sa huli. Ang sweet mo pre, parang gusto mo siya kaya nag assume. Tapos nabasa ko din na iba yung gusto mo- pre kahit isang salita lang na wala lang sa 'yo, masasaktan yung tao. Kasi mahal ka eh. Tapos yung iba raw niyang classmates sinasabihan kang panget, matanda na at iba pa. Pero pinagtatanggol ka diba? Kasi, imbes na ikaw masaktan sa sinasabi ng iba tungkol sa 'yo, siya pa yung nasasaktan. Pinagtatanggol ka niya pare. Pre habang nagkwekwento siya, nakikita ko sa mata niya na sobra talaga siyang nasasaktan. Pre anong ginawa mo? Bakit mo sinaktan ng ganito yung taong walang ibang intensyon kundi mahalin ka ng sobra higit pa sa pagmamahal niya sa sarili niya? Bakit mo sinaktan yung babaeng handang kumain ng dis oras basta hindi lang maputol ang pag uusap niyo? Bakit mo sinaktan yung babaeng kayang gawin ang lahat makausap ka lang? Pare bakit mo sinaktan yung babaeng gusto lang sumaya?" mahinang sabi nito. Halata sa boses niya na gusto na niyang umiyak.
"Pre, bakit mo sinayang yung opportunity? Pare nasa 'yo na eh, bakit pinakawalan mo pa?" may tumulong luha sa mata ni Jerome. Bakla ba 'to?
"Dahil sa pagpaparanas mo ng sakit sakanya, napilitan siyang sukuan kana kahit ayaw niya." sabi ni Eric.
"Pre, bakit mo sinayang yung efforts niya sa 'yo? Akala mo, hindi ko nabasa yung mga letters niya sa 'yo non? Pre, ginawa niya yung ng ilang araw para ibigay sa 'yo. Pre pinaghirapan niya yon, yes alam kong marami siyang ginagawa kasi Student Athlete siya. Pero mas inuna pa niya yung ibibigay niya sa 'yo." sabi ni Jerome.
"Ngayong wala na siya sa 'yo pre, ngayong sinukuan kana niya. Ngayong wala ng nangungulit sa 'yo simula umaga hanggang matapos ang gabi. Ngayong wala ng babaeng nag eeffort makausap ka lang. Babaeng iniiyakan ka. Babaeng nag eeffort para sa 'yo. Babaeng nagpapakatanga sa 'yo. Babaeng nasa 'yo na, pinakawalan mo pa. Anong feeling?" sunod sunod na tanong ni Eric.
"Dapat kasi pare, pinakahawak mo. Ayan tuloy hindi na kinaya, nahulog na siya. Pinakawalan mo e- yan tuloy. Dapat pinakahawak mo para alam mong hinding hindi mawawala sa 'yo. Sana pinaramdam mona mahal mo din siya. Hindi yung kung kailan huli na, don mo narealize yung worth niya." sabi ni Jerome.
"Cutting kami pre, hahanapin namin sila Ally. Ikaw? Umuwi ka sa apartment at basahin mona lahat yung sulat na ginawa ni Ally sa 'yo. Alam kong ginawan ka niya ng sulat. Sinabi niya din sa 'kin yun, sabi ko print nalang niya-pero mas ginusto niyang i-sulat gamit ang handwritten niya. Kasi alam niyang ikaw ang magbabasa. Kasi sa 'yo niya ibibigay eh." malungkot na ngumiti si Eric sa 'kin. Sabay pa silang umalis ni Jerome.
Agad akong tumakbo papabalik sa Apartment at dire-diretsong pumasok sa kwarto. Hinalungkat ko ang bag ko at nagsimulang basahin yung pangalawang pahina.
2
"Hello, Kuya ash. Nagbabalik ulit ako. Maiikli lang ang mga 'to bawat pahina ha? Alam mona, S.A. (Student Athlete) ako kaya palagi kaming nag t-try out. Pero idc (I don't care) basta tatapusin ko lahat ng ito at ipabigay sa 'yo. You know i can't. Hindi ko kayang ibigay sa 'yo 'to in person. You know na. Kung anong nangyari satin hehe. Kuya ash, remember? Yung sinabi kong "ily?" ?? It's 'I'm Leaving You' not 'I Love You' ang weird diba? Na kuya tawag ko sa 'yo, pero mahal kita. More than friends. Since, ikaw na umiwas, iiwas nalang din ako. For the better ;) I know walang kwentang sulat ang mga 'to. Pero kailangan e, it's my goodbye messages to you. Kasi starting today, i'm letting my feelings go. I miss you more than the sun misses the sky at night. Kuya Ash, salamat. Salamat lahat lahat lahat. Siguro higit pang pagmamahal ang maibibigay ko sa tamang tao para sa 'kin, diba? :) Osya, see you sa next letter :) May pupuntahan pa 'ko. Kailangan eh, para malaman talaga. :)))"
Anong pupuntahan niya? Kailangan? Talaga? Ano ba yun?
Ilang oras na 'kong nagbabasa. Binuksan kona din yung 3,4,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14,15,16,17,18,19,20,21,22,23,24 niyang sulat. Nakakaiyak. Kung alam ko lang. Isang pahina nalang, wala na.
25
Hello kuya ash, last letter na pala. :) Kuya, anong ginagawa mo? Kuya kamusta? Pasensya kana sa sobrang kakulitan ko ha? Pero alam mo, sobrang saya ko nung dumating ka sa buhay ko. Thankyou for being my happy pill, pain reliever, my shield, the best crush in the world. First of all, salamat kasi kahit ayaw na ayaw mo sa 'kin noon kinakausap mo pa rin ako. Salamat kasi hindi mo ako binlock noon, salamat kasi naenjoy natin together yung ilang months na pagiging close natin. :) ako lang yata nag enjoy? Hahaha, pero okay lang. Masayang masaya kang kausap. I like it-naaah, i love it. I love it when your saying my name, i love everything about you. Thankyou for being there by my side. Sorry sa kakulitan ko. Sa pagtadtad ko ng mga mssgs sa 'yo. Sorry kung palagi kung tinatanong kung galit kaba. Sorry kasi nakakaistorbo ako, as always. Thankyou kasi binigyan mo 'kong time. Kahit minsan saglit lang tayo nagkakausap. Pero alam mo kung ano pinakamahirap? Yung layuan at kalimutan ka. Wala, wala sa isip kong kalimutan ka. Pero kailangan talaga, oo ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ko para iyakan ang isang taong kagaya mo. Ang tanga tanga ko kasi pilit kong pinagsisiksikan ang sarili ko sa 'yo kahit alam kong ibang tao ang gusto mo at hindi ako yon. At never magiging ako. Kasi paano mo ba ako magugustuhan? I'm ugly, pangit sa loob at labas. Pinakapangit sa mundo. Pinaka tanga. Pinaka makulit. Kuya ash, alam mo ba? Umasa ako na may pag asa. Kasi ur so sweet at concerned abt me. Kaya ayun, marupok ako. Kahit ilang daan pang messages ang isend ko sa 'yo, isang reply mo lang. Buo na araw ko. Kaso kuya, mag tanong ako ha? Bakit hindi kana nag reply? Bakit hindi kana nagparamdam nung sinabi kong gusto kong mag artisa? Bakit? Anong ginawa ko? Bakit? Balit hindi kana nagparamdam? Okay okay, 4 nga pala ngayon. Monthsary natin i mean friendsary. Ye, friendsary sa lahat ng kaibigan na meron ako- friendsary lang natin ang pinaka masayang araw ko. Friendsary lang natin, hindi na kita icha-chat. Kasi dito nalang kita babatiin, Hapoy friendversary, imysb always : ( Basta pag kailangan mo 'ko. Kailangan mo ng mapagkwekwentuhan, bumulong ka lang. Isipin mong nandyan ako sa tabi mo at cino-comfort kita. Isipin mong hindi kita iiwan kahit kailan- isipin mong palagi aking nandyan at sumusuporta sa 'yo. Sa babae nga palang iniibig mo, nais ko lang sabihin sa 'yo na. Kung magiging kayo man, ingatan mo siya ha? Wag na wag mo siyang pababayaan. Mahalin mo siya ng sobra ha? Wag mong sasaktan. Salamat, kasi kahit sandali, napasaya mo ang buhay kong puno ng lungkot. Salamat kasi kahit huli na, sumaya ulit ako. May sasabihin ako, last na. Mahirap, mahirap para sa 'kin ang bitawan ka. Mahirap para sa 'kin ang layuan at iwan ka. Pero ginagwa ko 'to, para sa ikatatahimik nating dalawa. Alam mo, palagi akong nagkakanta para gumanda lalo ang boses ko. Para pag may lakas nakong loob kausapin ka ng hindi nauutal sa personal, pag kakanta kita-habang nakatingin ako sa iyong mata. Nakatitig sa 'yo. Habang kumakanta ako na nakangiti. Sana pag nakita kita ulit, hindi kana masungit ha? Wag kana mag sungit. Baka dika matiis ng iba, ako? Natitiis kita kasi importanteng importante ka sa 'kin-kahit hindi ako importante sa 'yo. Palagi mong tatandaan na, kahit wala ako sa tabi mo, bumulong ka lang. At isipin mong nandyan ako sa tabi mo. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, Kuya Ash. Okay, should i call you "Chubby Ash" once again? Like i used to call you before? Should i call you 'Chubby Ash' again for the last time? I love you until my last breath, Chubby Ash ? I love you so baaaaddd. I'll miss you. So. Bad. Hope to see you again? If magkita pa tayo. Baka sa burol kona.- opps forget what i've said. I love you always, always remember that. I'm gonna miss you. Hope you like my efforts? Appreciate me pls, for the last time :) Co'z i really like you-naaah i really love you. For the last time, I love you with all of my heart Chubby Ash. So i guess? This is our goodbye? I love you so bad, sorry i'm leaving now. :) Luv Ü!! Luv luv luv luv luv luv luv ü CBBA (Chubby Baby Babe Ash) luv luv luv luv luv luv luv. Muaaaaahh. I'm gonna miss you so bad:( i love you and thankyou for everything. Godbless!! xoxo, tsupp w/ all of my heartttt"
Nang matapos ko ang huling sulat niya, nagulat nalang ako ng may biglang pumatak na luha sa papel. Ally? Lly? Cutie? Nasaan kaba? Ang sakit sakit na eh.
This time, hinding hindi kona sasayangin ang oras. Iki-keep na kita. Kasi worth it kang tao. Worth it ka. I don't fvckin' care kung matanda ako sa 'yo. Ipaglalaban kita, kasi this time.
Ikaw na ang sumuko,
Ako naman ang maglalaban para sa 'yo....
Ako naman yung papalit sa ginawa mo. Ako naman yung maglalaban sa pag inig na 'to. Ako naman yung ipaglalaban ka kahit sa kung sino.
***
Apat na araw na ang nakalipas, pero hanggang ngayon hindi pa rin namin nakikita si Ally. Hindi na rin ito pumapasok sa eskwelahan. Palagi akong nakatambay sa room nila, hinihintay sa pagbalik niya.
Nandito ulit ako sa Hallway, papunta sa Room nila ng makasalubong ko si niyqea. Yung mataray na masungit. Sabi ni Eric yan raw pangalan, niyqea.
"Niyqea!" sigaw ko. Tinignan naman ako nito ng masama.
"Huy! Bakit hindi mo ako pinapansin?" kinalbit kalbit ko ito.
"Ako ba kinakausap mo?" takang tanong niya. Yung mata niya, mugto na.
"Sino pa bang niyqea dito?" masungit kong tanong.
"Hahahaha. Gago! Niequessa pangalan ko hindi niyqea. Saan mo naman galing yung pangalan na niyqea?!" tawa tawang sabi ito. Binatukan pa 'ko.
"Sabi ni eric! Niyqea daw pangalan mo!" sumbong ko.
"Gago talaga yun! Buti nalang mahal ko siya kung hindi, tsk tsk." sabi nito.
"Kayo na?" tanong ko. Tumango naman ito. Lokong eric niyqea daw pangalan ng girlfriend niya. Gago talaga.
"Uhm, niyqea nasaan si Ally?" kinakabahang tanong ko.
"It's niequessa." pagtatama niya.
"Okay okay, niyqe i mean niequessa? Nasaan si Ally?" tanong ko.
"Gusto mo samahan kita sakanya?" tanong niya. Tumango naman ako.
**
Nakasakay kami ngayon sa kotse ni niyqea i mean niequessa. Buti't pinapayagan ng mag drive 'to ng sasakyan?
Nang maipark na ni Niequessa ang sasakyan niya sa garage nila agad kaming lumabas, anong meron sa harap ng bahay nila? Bakit ang daming tao?
"Anong meron?" tanong ko.
"Burol." tipid niyang sagot pero batid sa boses niya ang lungkot.
"Ha? Sinong namatay?" takang tanong ko. Pinapasok nalang niya ko. Habang papunta kami sa kabaong doble dobleng kaba ang nararamdaman ko. Kinakabahan.
"A-ally?" nanghina ako ng makita kong si Ally ang nasa loob ng kabaong.
"N-niequessa? P-paanong namatay s-siya?" garalgal kong tanong. Nagsilabasan din ang luha ko.
"Depression." sagot niya.
"Anong ginagawa ng lalaki na yan dito?!" napatingin kami sa lalaking nagsalita. Naka potter glass, naka black hoodie naka black pants at naka white converse.
"Sino kaba ha?" tanong ko.
"I'm akzel, her fiancée." sabi nito. Ha? Fiance lang? ANO?!
"She didn't killed herself. Depression killed her." pagpapaliwanag ni Niequesaa.
"And, it's because of you!" sigaw nung lalaki sabay suntok sa maganda kong mukha.
What the hell?
"Leave us alone! Umalis ka dito!" sigaw nung akzel daw na fiancee siya.
"C-cutie? B-bakit?" garalgal ang boses ko. Kinakausap ko si Ally.
"Hello sa poging Ash na kilala ko!'
'Kyut lang ako, hindi ako maganda pero thankyou'
'Good morning pogii'
'Nightyyy night poging ash!'
'Sorry naa'
'Galit ka? Sowiiiii'
'Sowiii poo.'
'Notis mi senpai, ash'
':('
Parang biglang nag echo sa 'kin ang mga palagi niyang sinasabi sa 'kin.
"Kyut ako, pogi ka ayieee kilig na siya'
Pero bakit? Bakit iniwan niya ko? Bakit hindi man lang niya hinayaan na magkausap kami kahit huling saglit? Bakit?
'Palagi mong tatandaan na kahit wala ako sa tabi mo, bumulong ka lang. Isipin mong nandito lang ako sa tabi mo'
Damn! Ally bakit? Bakit sa lahat ikaw pa?
"Alam mo? Kahit engaged na kami? Pangalan mo pa rin ang bukambibig niya. Kasi you know? My fiancée really loves you." sabi nung akzel sa 'kin.
"Naiinggit ako sa 'yo. Kasi, ikaw lang yung taong minahal niya ng sobra. Yes, i was her second love tapos ikaw yung pang huli niyang minahal. Yes, she loves me, kaso nakaraan na yun. Kasi hanggang sa huling hininga niya, ikaw pa rin yng mahal niya." pagtutuloy nito.
"Kahit ako yung kasama, ikaw yung bukambibig. Nakakainggit. Nagseselos ako." sabi pa nito.
"Kaso alam mo? Kung ano yung kaya kong ipagmalaki? Na worth it siya. Na na a-appreciate ko yung existence niya. Yung kakulitan niya. Yung kadaldalan niya. Lahat ng katangiang meron siya, kasi bakit hindi ko siya ma aappreciate? Eh siya lang naman yung babaeng mahal ko eh. At yung babaeng mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko." sabi nito. Nagsimula na din siyang umiyak.
"Arranged marriage. Yes, naka arranged married kami. Pero kahit makulit si ally agad agad akong na-fall sakanya. Kasi mabait siya."
"Sa lahat ng naging exes ko, siya lang yung taong minahal lo ng ganito."
"Kasi easy to love siya. Lahat ng katangiang gusto ko sa babae nasa kanya." dugtong pa nito.
"Pero pre, bakit sinaktan mo siya?" tanong nito.
"N-no. I didn't hurt her. I love Ally!" seryosong sabi ko.
"You loved her? Really? Or baka nakokonsensya ka lang sa nabasa mo sa sulat niya? Damn! Stop this bullshit, Ash. Please." sabat nung isang babae.
"I love her! I love Ally!" pagpupumilit ko.
"Naguguluhan ka lang niyan. Please, Ash. Kahit sa burol lang ng kapatid ko. Parang awa mona." pakiusap nito sabay alis.
"Ngayon ang huling lamay, bukas libing. 3PM." sabi ni akzel.
"Kailan pa siya namatay?" tanong ko. Yes, i'm not fvcking comfortable with this jerk. Kaso marami akong tanong, kung paano namatay si Ally.
Fvck that Depression! Depression killed her! Damn!
"Mmm. Monday, last labas niya ng bahay, nung naka accent kami. Namasyal kami nun." sabi niya. Tila parang nag iisip pa siya.
"Gusto ka sana niyang makausap, kaso sa Chat palang raw hindi mona siya pinapansin, kaya sumama nalang siya pauwi." dugtong nito. Damn! Fvck! No! Gustong gusto ko siyang makausap! Gusto ko din siyang yakapin! Damn! Kung alam ko lang!
"Ahh. That day, nakita ko kayo. I raised my middle finger right ash? Tinatawag mo siya pero hindi ka niya naririnig, naka earphones kasi siya na malakas nun." sabi ni Niyqea. Ay pota, niequessa pala*
"P-pero? Bakit hindi siya pumunta sa Apartment?" takang tanong ko.
"Ilang beses siyang pumunta, pumupunta siya kada gabi. Nagbabaka sakaling makita ka niya. Kaso wala, hindi ka niya nakita." sabi ni Niequessa.
"Sobrang sakit isipin nun, Ash. Na kahit ilang beses mona sinaktan yung bestfriend ko, hindi ko kayang magalit at hindi kita kayang pagbintangan. Kasi alam kong magagalit siya pag ginawa ko yon. Ally loves you so much, Ash. She can do anything just for you. She's not desperate, gusto lang niya maging boy best friend ka, pero lumalim ng lumalim yung feelings niya sa 'yo." sabi pa nito.
"Tuwing nasasaktan siya, ako yung taong palaging nandiyan para sakanya. I loved her with all of my heart, Ash." sabat ni Akzel.
"I love her, too." sabi ko.
"I can kill myself in front of everyone here, just to be with here." lakas kong sagot.
"Don't do that. Hindi niya magugustuhan yun." babala ni Akzel.
"Bukas, ash. Please pumunta ka. Hanggang sa huling sandali, na masisilayan pa natin siya." sabi ni akzel. Nagpaalam ito na pupunta sa may kabaong ni Ally, i don't know what the fvck he's doing, niyayakap niya yung kabaong ni Ally while crying.
Damn! Dapat ako gumagawa nun!
Sa tingin ko, mahal talaga niya si Ally.
Pero ako yung taong nababagay kay Ally.
Wala nang iba.
Kasi ako lang yung Ash na mahal na mahal niya.
Ako yung mahal niya, hindi si Akzel.
Si ash na mahal na mahal niya.
Ako yun.
***
"Pre! Ang tagal mo! Ano na? Sasama kaba talaga o hindi?" pinagsisipa ni Jerome yung pintuan sa kwarto dahil ini-lock ko.
Ngayon. Ngayon yung libing niya. May nagtutulak sa pintuan sa kwarto. Pero ini-lock ko.
"Kayo nalang." tugon ko.
"Ha?! Gago ka pre?! Hindi ka pupunta?!" gulat na tanong ni Eric sa labas habang pinagsisipa yung pintuan.
"Hindi ako pupunta." sabi ko sabay bukas nung pintuan.
"Hindi pala pupunta ha? Eh ba't naka ayos ka?" nagtatakang tanong ni Jerome.
"Guys, please leave me alone. Pumunta na kayo kung gusto niyo. Hindi ako pupunta." malamig kong tugon.
"What the fvck dude! Libing na niya! Hindi na natin siya masisilayan pa! The fvck! Are you out of your mind?! Baka nakakalimutan mo! You're the reason why she died!" sigaw nito.
"Depression killed her! Not me!" sigaw ko.
"Bakit ba siya na depress? Dahil sakanya! Dahil sa 'yo kaya siya namatay! Sa tingin mo bakit siya namatay?! Sa kakaisip sa 'yo! Sa sobrang lungkot! Putangina dude! Makisama ka naman!" galit na sigaw ni Eric.
"Ric, stop na. Tara na. Pabayaan mo siya." awat ni Jerome.
"Alis na kami, Ash." paalam ni Jerome.
"Bahala siya, magsisisi din yan sa huli, kasi hindi siya pumunta." dinig kong bulong ni Eric.
"Hayaan mona. Baka wala lang talaga para sakanya si ally. Ako kahit hindi kami close-tinuring ko siyang kapatid eh. Sobrang bait niya kasi. Napamahal na din ako sakanya." sabi naman ni Jerome.
"Me too. Sana kasi ako nalang minahal ni Ally este sana ikaw nalang, lakas ng tama niya kay Ash na walang pakielam sakanya. Tssk, sa ganda niyang 'yon, sa manhid na lalaki pa siya na-fall. At sa taong walang pag asang magkagusto sakanya." sambit pa nito bago makalabas ng kwarto.
***
"ARGHH! PUPUNTA NA 'KO!" sigaw ko habang nag susuot ng t shirt. Agad agad akong lumabas sa kwarto at agad agad bumaba sa hagdan at nagmamadaling isarado ang pintuan.
"Manong! Sasakay po ako!" sigaw ko dun sa lalaking nagta-trycicle. Pumara naman ito sa harap ko at sinabi ko kung saan ako pupunta.
After 5 minutes...
"Dito nalang po, salamat po." sabi ko sabay abot nung 25 pesos.
Bago pa ako makapunta sa harap ng kabaong ni Ally hinarang ako nung kapatid niya.
"She wants me to give this to you." sabay abot nung flash drive.
"Uhh. Thankyou." tipid itong ngumiti.
Nakita ko naman si Akzel na umiiyak sa harap ng kabaong, ang OA naman nito. Inaalalayan na din siya nung kapatid yata niya. Kasi konti nalang matutumba na din siya sa hukay at masama siya sa kabaong. Tsk. OA.
Napatingin naman sina Jerome sa 'kin na parang nagtataka. Nginitian naman ako nung parents niya-ngiting malungkot. Nginitian din ako ni Niequessa. Pati yung classmates niya.
Ang daming tao, halos schoolmates niya. Sobrang bait nga siguro niya. Isa isa naman silang lumapit sa kabaong ni Ally at kinausap ito hanggang sa huling sandali.
Ng matapos na ang lahat, ako na yung kasunod. Ay hindi si Akzel pa pala pagkatapos ko.
"Ally, salamat. Salamat sa lahat. Sorry, sorry kung pinapaiyak kita. Sorry kung nalulungkot ka dahil sa ginawa ko. Ally, sorry kasi ganito ako. Sorry for being immature. Ally, sorry kasi huli na. Thankyou for everything. Thankyou for being part of my life. Thankyou for coming into my life. Thankyou for making me happy. Thankyou for chasing me. Sana maging masaya ka diyan, basta palagi lang akong bubulong at iisipin kong nandito ka lang sa tabi ko kagaya ng sinabi mo. Salamat sa lahat ng efforts mo for me, i appreciate you. Thankyou, Thankyou and Rest in Peace, always remember that... that... I-i l-love you." bulol bulol kong sabi at saka ko hinalikan yung salamin nung kabaong niya. Niyakap kopa ito sa huling sandali at nag take ng selfie picture kasama siya.
Remembrance, hinding hindi ko ito idi-delete.
Nang matapos ng mag sona si Akzel ng pagkahaba haba ay dahan dahan na nilang sinarado yung kabaong, dun na nagsilabahan ang mga hagulhol, malalakas na iyak. Katulad ni Niequessa, nag wawala na siya. Sigaw pa siya ng sigaw at ayun, pinapatahan ni Eric. Si akzel naman, as usual yakap yakap yung kabaong habang sinasara, gusto na yata sumama sa kabilang buhay ng loko. Masyadong OA. Yung parents niya, kapatid niya, relatives niya humahagulhol na. Yung mga schoolmates niya-namin, umiiyak din. Yung mga teachers niya, coach nila. Nandito rin. Nandito rin nga si Prof, panot eh.
Nang maisara na ang kabaong, dahan dahan itong inilagay na sa ilalim ng lupang hinukay. At yung OA na akzel, humiga higa sa buhanginan habang pilit inaabot yung kabaong ni Ally. Tulak ko 'tong pesteng 'to eh. Panira ng araw.
Nang tinatabunan na nila ng buhangin, agad agad akong tumakbo at lumundag sa ilalim ng lupa. Maraming nagulat, nagbubulungan pa nga eh. Si akzel naman umiiyak pa rin halatang gulat na nakatingin sa 'kin.
Tinanggal ko yung mga buhangin na naka patong sa kabaong niya at saka ko binuksan yung kabaong, hinila ko siya patayo at niyakap hanggang sa huling sandali. Tangina, oo alam kong may gamot na nilagay yung sa funeral pero i don't fvckin' care! Last time kong nayakap si Ally nung argh, nakalimutan kona. Basta ang bilis bilis ng t***k ng puso ko nun. Parehas na parehas kami, parang nagkakarera pa nga na kabayo sa tiyan ko.
Agad agad hinila nila Jerome paakyat, inayos naman nila si Ally sa kabaong nito at isinara ulit yun.
"WAG! Buhay pa siya! Wag niyong tatabunan! Parang awa niyo na! Ally! Wala namang ganito!" sigaw ako ng sigaw. Nagpupumiglas makawala sa hawak nila Jerome sa 'kin.
Nang matabunan na nila, nag-si unti unti ng umalis ang mga bisita. Si Niequessa, pamilya niya, akzel at kami nila Jerome nalang ang natira.
Si Akzel kanina pang iyak ng iyak. Kinakausap yung picture nila ni Ally na wallpaper ng loko. Parang baliw, pero ang cute nila sa picture na 'yon. Para silang mag jowa.
"Mauuna na po ako." paalam ko sa parents niya.
"Salamat sa pagpunta hijo, mag iingat ka." sabi nung Dad at Mom niya.
"Sorry po. Dahil po sa 'kin kaya siya nama-"
"Wala kang kasalanan hijo, wag mong sisihin sarili mo." nginitian ako nung Dad niya.
"Pero ako pa rin po yung may kasal-"
"Shhh. Tahan na. Hindi magugustuhan ni Ally na sinisisi mo sarili mo sa pagkamatay niya." nakangiting sabi nung Mommy niya.
"Ano nga ba para sa 'yo si ally, hijo? Ako nagulat ako kanina ng bigla mo siyang yakapin." sabi nung Dad niya.
"Friend ko po. Nakipag friends siya para stay close raw po kami. Tapos fall na fall na po siya eh hindi ko siya gusto, nasasaktan na po pala. Tapos nagising nalang ako kinabukasan, mahal kona po siya." kinakabahang sagot ko.
"Baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo, pero sige. Kung gusto mo ang anak ko okay lang. Kung ayaw mo sakanya okay lang din. Ikaw naman ang nagdi-desisyon sa nararamdaman mo." ngumiti ang Mom niya.
"Mag iingat ka sa pag uwi, hijo. Salamat sa pagpunta." sabai nung Dad niya.
"Salamat po. Opo. I will. Anything for Ally." sabi ko saka nag mano bago umalis.
***
1 month. One month na ang nakalipas simula ng mailibing na si Ally. Palagi akong nag ba-backread sa Conversation namin. Tatawa ako at the same time, umiiyak. Binigay din ng parents niya sa 'kin yung phone niya. Yung lockscreen niya ay yung picture namin, tapos wallpaper niya naman stolen picture ko.
Yung contact number ko pala sakanya, "My Baby?" habang yung nilagay ko naman sakanya ay, "Ally the madaldal na makulit na babae" haha.
Binuksan ko din ang phone niya, alam ko ang password niya. Finger print kasi ang password niya at may back up password din. Tapos alam ko din password at email niya. Sa lahat ng accounts niya. Ang Photos naman niya puro photography sa school, lectures, pictures niya, pictures ko at puro screenshots sa convo namin.
Bakit ganun? Bakit kung kailan huli na, don ko naramdaman na mahal ko siya?
Nandito ako ngayon sa park. Nag iisa ako. Tinitignan ko ang mga couples na nag eenjoy dito.
May mga nag pi-picture, naghaharutan, takbuhan, naghahalikan, kumakain at iba pa. Ang saya saya nila tignan.
Nandun din sila Eric at Niequessa, nag pi-picture. Hindi ko alam kung nag pi-pictorial ba 'tong si Niequessa e. Tapos ako naman nakaupo dito sa may picnic namin. Maganda ang panahon, mapresko. Katamtaman ang panahon ngayon, hindi maaraw hindi madilim. Malamig din.
Si Akzel naman, nasa kwarto pa din niya nagmumukmok. Yakap yakap yung teddy bear na regalo ni Ally sakanya non. Tapos yung wall niya pinuno niya ng pictures nila ni Ally. Etong loko na 'to ang dami picturtes kay Ally. Lalo na yung cute shots nila. Stolen shots. At iba pa.
Paano kaya? Paano kaya kung nandito si ally?
Paano kaya kung kaming dalawa ay nag eenjoy din ng ganito?
Paano kaya kung hindi ko siya i-nignored? Paano kaya kung sinabi ko rin sakanya na gusto ko siya?
Agad akong tumayo at magsimulang tumakbo papunta sa Cemetery. Kung saan siya nakalibing.
Alam na alam ko ang pwesto niya. Dahil palagi akongs pumupunta don.
Ally Dei Suarez
Born: January 06, 200*
Died: July 15, 201*
"Hi, Ally." bati ko sakanya.
"Kamusta na diyan?" tanong ko.
"Ally, alam mo. Miss na miss na miss na kita. Nagsisisi ako sa mga pinaggagawa ko sa 'yo nun." sabi ko ulit.
"Ally, sana kung nasaan ka man ay masaya ka." ngumiti ako sa hangin.
"Ally, payakap naman oh." bulong ko.
"Ally, hindi ko pa 'to sinabi sa 'yo noon, pero ally sana malaman mong mahal kita." sabi ko.
"I love you so bad, Ally. Thankyou. Thankyou for loving me. Thankyou for caring about me. Thankyou for everything, and sorry for being like this. Sorry for being immature." mahinang sabi ko.
"Ally, aalis na 'ko ha? Mag gagabi na kasi. Pahirapan sa byahe. Basta dadalaw ulit ako bukas dito." paalam ko.
"Ally, I love you. Goodnight." sabi ko.
"Bantayan mo 'ko sa pagtulog ha? Kaso pag nasa banyo ako wag ka pupunta ha? Tabihan mo 'ko sa pag tulog at yakapin mo ako ng napakahigpit." bulong ko at hinalikan yung lapida niya.
Nang malapit na ako sa labasan dito sa sementeryo, nagulat nalang ako ng makita ko siya.
"A-ally?" gulat kong sabi.
"D-dale." sabi nito sabay ngiti. At doon na ako nawalan ng malay.
T H E E N D