"Ang ganda mo talaga Maeve." ang nakangiting sambit ni Mauren na sinang-ayunan naman ng kambal. "Salamat, dahil sa inyo magmumukha akong tao ngayong gabi." ang natatawang biro niya sa mga ito. Si Mauren na ang nag presinta na ayusan siya sa gaganaping prom night, bagay na hindi na niya tinanggihan pa. Pinahiram siya nito ng kulay pulang tube type dress. Hapit na hapit iyon sa katawan niyang balingkinitan at meron pa itong kasamang gloves na hanggang siko ang haba na mas lalong nagpa attract sa suot nito. Lumitaw ang mapuputi niyang balikat. Ito na din ang naglagay ng mga kolorete niya sa mukha dahil wala naman kasi siyang alam tungkol dun. Ang lagi niya lang kasing ginagamit sa araw araw ay pulbos at kaunting lip gloss lamang. "Loka loka ka talaga, kahit simple ka lang, e mas mukha ka p

