"Bakit ka pumayag na isayaw ka ni Enrique!" ang bulyaw ni Zeki sa kanya. Nakataas pa din ang dalawang kamay niya't mariing idiniin iyon ni Zeki sa pader. Magkalapit ang mga mukha nila kaya napapikit na lamang siya dahil di niya kayang makita ang mga mata nitong puno ng galit. "Sumagot ka Maeve kung hindi, ay makakatikim ka ng parusa sa akin!" ang dagdag na sambit pa nito. Dumilat siya. Nakipagtitigan siya dito. Sumilay ang sarkastiko niyang ngiti. Biglang lumakas ang loob niya na sumbatan din ito. Ito pa talaga ang may ganang magparusa sa kanya? "Ano naman ngayon Zeki kung niyaya ako ni Enrique na sumayaw? Diba ganun ka din naman? Sino yung kasama mong babae? Ano yun, pag ako bawal pero pag ikaw hindi? Wow!" ang mapakla niyang sambit dito. Di na niya kaya pang pigilan ang namayaning in

