Hindi na niya nakita si Mauren pa kinabukasan. Napatingin na lamang siya sa bakanteng upuan kung saan ito nakaupo.
Ipinatong niya ang bag sa upper chair at isinubsob ang mukha niya doon.
"Ikaw ang dahilan kung bakit lumipat si Mauren ng school!" sigaw ng dalawang alipores ni Mauren sa kanya. Nag angat siya ng mukha at nakita niya na nakataas pa ang isang kilay ng mga ito.
"Di ko alam ang sinasabi niyo!" pag depensa niya sa sarili.
"She felt bad sa nangyari kahapon! Hindi naman niya iyon sinasadya e, gusto niya lang na makipag kaibigan sa iyo! Pero di mo man lang siya pinakinggan kaya when we pass by to her house kanina sabi ng parents niya lilipat na siya ng school!" ang sabi ng isa na naka cross arm pa at galit na nakatingin sa kanya.
Biglang dumating ang guro kaya umalis na ang dalawa sa harap niya. Mabuti na lamang at hindi siya sinaktan ng mga ito.
"Good morning class, bibigyan ko lang kayo ng takdang aralin at pwede na kayong umuwi. Ingat kayo kids." ang turan nito't umalis na pagkatapos ibigay kung anong pahina ang sasagutan sa libro.
Lumapit siya sa dalawang alipores ni Mauren, hindi niya alam ang mga pangalan nito dahil wala naman kasi siyang pakialam sa paligid.
Tumikhim siya para makuha ang atensiyon ng dalawa.
"Pwede niyo ba akong samahan sa bahay nila Mauren?" ang nahihiyang sambit niya dito.
"Of course we can! At nag apir pa ang dalawa." nawewerduhan siya sa inakto nito.
Habang tahak nila ang daan ay masayang nag kwentuhan ang dalawa habang siya ay nasa likod lamang nakasunod sa kanila. Huminto ang mga ito't lumingon sa kanya.
"Maeve, ako nga pala si Akesha at ito naman si Alliyah. Were twins pero di kami magkamukha kasi mas maganda ako" aniya
"Hindi, mas maganda kaya ako" singit naman ni Alliyah.
Natawa na lamang siya sa pagbabangayan ng dalawa. Akala niya masungit ang mga ito pero hindi pala. Kalog at masaya itong kasama.
"Pareho kayong maganda". komento niya sa kanila. Napatigil naman sila't napatingin sa kanya.
"Pero mas maganda ka Maeve, matangos ilong mo tsaka maputi ka. Paglaki ko, mag aasawa talaga ako ng afam!" ani Akesha na naghugis puso na ata ang mga mata.
"Nope, I wish I have a tan skin like you guys, ang hirap kasi pag mainit namumula ako" ang malungkot niyang sabi sa dalawa.
"Anyway Maeve, hindi kami ang nagtulak sayo dun sa sliding area ah, si Matilda yun. Pinaalis na nga namin siya sa groupo e masyadong maldita!" ang sabi ni Alliyah sa kanya, hinawakan pa nito ang dalawang kamay niya at malamlam ang mga mata na tumingin sa kanya.
Nakarating na sila sa bahay nila ni Mauren. Nag doorbell muna sila at pinapasok naman agad sila ng magulang nito. Malaki at malawak ang bahay nito, para kay Maeve ay mansiyon na ito. May swimming pool pa nga at may nakita din siyang tree house.
"Maeve! I'm so glad you're here!" agad siyang niyakap ni Mauren pagkakita sa kanya.
"Oh my god Mauren kinalimutan mo na kami!" ang reklamo ng kambal. Nag pout pa ang mga ito kaya napatawa na lamang siya.
"Hindi ah! Halika nga kayo dito!" aniya. Nagkayakapan kaming apat.
"Wag kanang lumipat ng school ah" ang sabi ni Maeve.
"From now on, friend ka na namin Maeve. I do like you a lot kaso nga lang di mo ko pinapansin kasi e pag nasa school." ani Mauren.
Sobrang tuwa si Maeve ng umuwi ito sa kanila. Ikwenento niya agad sa inay niya na may mga bagong kaibigan na siya sa school.
"Alam mo Nay, ang yaman nung isa sa kanila. Ang laki ng bahay at may swimming pool pa." tuwang balita niya sa ina.
"Ganun ba anak? Natutuwa ako't masaya ka sa school mo. Sana paglaki mo, e kwento mo pa din sa akin okay ang mga nangyari sayo? Andito lamang si nanay lagi para sa iyo. I love you anak ko!" at hinagkan pa sa pisngi si Maeve.
"I love you Nay so so so much!" reply ni Maeve dito. Hinalikan din niya ito sa pisngi ng ilang minuto.
Sa school ay sabay na silang apat na kumain sa canteen. Hinahatian na din siya ni Mauren sa mga baon nitong ulam kaya masarap na ang kinakain nito't hindi na sardinas pag petsa de peligro. Mas nakakatipid na din siya kasi nililibre din siya minsan nito ng snacks.
Dahil matalino siya ay tinuturuan din niya ang mga kaibigan sa mga takdang aralin nito o di kaya kung may exam sila. Siya ang nagsilbing tutor ng mga ito. Ang ikinatuwa pa niya ay nagpupursige din silang matuto, di gaya ng iba na mas gugustuhin pang mangopya kesa paghirapan ang exam.
Isang araw ay nasa canteen sila kumakain. Wala pa si Mauren nun dahil nagtungo muna ito sa bathroom. Biglang lumapit si Gino, isa sa mga bully sa school nila.
"Hi Ms. No panty." at nagtawanan pa ang mga kasama nito.
"No panty! Ang puti ng hita mo pwede pahimas?" dagdag pa nito. Humalakhak pa ito pati yung mga kaibigan niya na parang isang asong ulol.
Mataray niya itong tinignan, itinaas pa niya ang isang kilay pero hindi siya nagsasalita.
"Aba! Wag mo kung tignan ng ganyan! Ano malakas na loob mo porket naging kaibigan mo si Mauren? Ha? maangas pa nitong sambit sa kanila. Itininaas pa nito ang manggas ng shirt niya at umaktong parang siga sa kalye.
"Hoy Gino! Umalis kana dito kung ayaw mong ipagsabi ko yung sekreto mo!" ang matapang na sigaw ni Akesha.
Sa kanilang dalawa ni Alliyah ito ang may malakas ang loob at walang kinatatakutan na tao.
Tumayo ito't humarap sa lalaki. Nakipaglaban pa ito ng titig dito hanggang sa ito na ang unang nag iwas ng tingin at halatang kabado ito.
"Alis! alis!" ang pagtataboy pa nito sa kanila.
Umalis naman ang mga ito pero lumingon ulit at tinuro turo pa si Akesha ngunit pinandilatan naman ito ng babae.
"Hoy babaeta ka! ano yung sekreto ninyo ni Gino? Spill it!" tanong ng kambal nito na si Alliyah.
Inismiran naman ito ni Akesha. Di niya ito pinansin at umupo na lamang habang pinagpatuloy ang paglamutak sa pagkain nito.
"Ano ba kasi yun Akesya?" ang tanong niya sa kaibigan. Curious din kasi siya kung bakit ganun nalang ang takot ni Gino dito.
"It's between me and him. At gagamitin ko yun pag sinubukan nilang bullyhin kayo!" tumawa pa ito na parang siya yung boss.
"Sinong nambully?" Si Mauren na nasa likuran na pala nila.
"It's Gino! Tinutukso na naman kasi si Maeve but oh my god umatras ito dahil lamang sa secret nila ni Akesha na ayaw man lang e share satin!" ngumuso pa ito na parang nagtatampo sa kakambal.
"Interesting" ani Mauren na bakas ang matinding curiosidad sa mukha.
"Come on guys, dun tayo sa car ko mag usap! May 15 minutes pa naman e bago ang klase! Dali na!" dagdag pa nito. Pinaghihila niya pa si Maeve at Alliyah sa braso at napasunod nalang sila sa kanya.
"Akesha!" sigaw ni Mauren ng hindi man lang tumayo ang babae sa upuan. Pasubo na sana ito sa burger na kinakain.
"Hay naku! Basta talaga chismisan! Napaka energetic niyo." maktol pa nito. Pero sumunod naman ito sa kanila habang dala ang burger.
Nagtawanan nalang sila sa reaction nito. Basta pag si Mauren na ang nagsalita ay lahat napapasunod niya. Hindi naman siya spoiled brat dahil lang siya ang mayaman sa kanila, but she has this personality na parang napapasabi nalang sa kanya ang lahat pag nagtanong ito. Ma awtoridad at malambing din kasi ang boses nito pero pagdating kay Maeve ay hindi umeepekto yun.
"Mang Pedring, okay lang po ba sa labas po muna kayo. May pag uusapan lang po kami" ang sabi pa nito ng katukin niya ang car window at dumungaw don ang matanda.
Agad naman itong bumaba at pinapasok na ni Mauren ang mga kaibigan sa loob. Nasa gitna nila si Akesha, tahimik lamang sila at hinihintay lang nila na magsalita ito.
"Ah guys? Wala man lang ba kayong tanong? Seriously? Kinakabahan ako sa inyo e" kabadong turan nito.
Nagtawanan naman silang tatlo dahil parang mas na p pressure pa ito kesa sa exam.
"Okay, so ano nga kasi ang secret niyong dalawa?" panimulang tanong ni Maeve dito.
"Ganito kasi yan! Makinig kayo!" Nagsilapitan pa ang mga tenga nila kay Akesha at halos magkakadikit na ang mga mukha nila.
"I saw his little p*nis" humagikhik pa ito ng sinabi ang huling salita.
Napatakip naman sila ng bibig sa narinig pero kalaunan ay di na nila napigilan pa ni Mauren ang tumawa. But they saw that Alliyah was serious.
"Oh my god, nambuso ka ba kambal? Isusumbong kita kay Mommy bad yan!" anito.
"It was unintentional noh? Nagtago kasi ako nun sa likuran ng classroom natin para di niyo ko mahanap tas nakita ko siyang umiihi pala dun malapit sa pinagtaguan ko kaya nakita ko!" ang mahabang paliwanag pa nito sa amin.
"Omg, takot siguro siyang malaman ng lahat na maliit ang t*ti niya. Oh boy! Nakahanap ng katapat si Gino" ani Mauren.
Napuno ng halakhakan ang kotse pero tanging si Alliyah lamang ang hindi nakikisabay sa diskusiyon nila ngayon. Pilit ang mga ngiting pinapakawalan nito. Hinayaan na lamang nila ito dahil baka hindi siya comfortable sa mga naririnig.