CHAPTER 4

1575 Words
"After 10 years" Malaki ang pinagbago sa katawan ni Maeve, tumangkad siya't gumanda ang hubog ng kanyang katawan. Medyo lumaki din ng bahagya ang kanyang dibdib. Tiningnan niya ang mga kaibigan, ganun din ito. Halos magkasing tangkad lamang sila ngunit ang kambal ay may morenang balat na labis na pinapangarap niya. Purong Pinay kasi ang mga ito samantalang siya at si Mauren ay mapuputi at may katangusan ang ilong dahil pareho silang may lahi. "Oy, saan kayo mag co-college?" tanong ni Akesha sa amin. Naisipan nilang mag tambay muna sa basketball court na katabi lang din ng school habang di pa nagsisimula ang klase. "Wag pa rin tayong maghihiwalay please" malungkot na sambit naman ni Mauren. Tahimik lamang si Maeve, di niya alam kung makakapag aral pa ba siya ng kolehiyo. Kailangan niya munang maging valedictorian para makakuha ng full scholarship sa pinapangarap niyang unibersidad. Ang Watson University. Napansin naman iyon ng mga kaibigan at niyakap siya. Tila ba nababasa na nito kung ano ang ibig sabihin ng pananahimik niya. "Ano ba kayo! Kahit magkakalayo pa tayo, di pa din mababago ang pagkakaibigan natin. Forever." ani Alliyah. inilahad pa nito ang kamay at ginaya naman nila ito. "Forever!" sabay pa nilang sigaw at masayang itinaas ang mga kamay. "Hoy guys, tignan niyo oh si Gino juts at yung hot na fafa na naglalaro kanina papalapit sa atin." si Akesha ang unang nakapansin sa mga ito. Napatingin naman sila sa direction na tinuturo nito. Halos malaglag naman ang panty ni Maeve sa kasama ni Gino na binata. Napansin na nila ito nung una habang naglalaro ng basketball kasama ang team nito pero iba pa rin ang kagwapihan nito pag malapitan. Moreno, matangkad, mapupungay ang mata at matangos na ilong. Nakasuot lang ito ng jersey at may dalang bola. Kitang kita talaga ang biceps nito na nakakatakam. Nangingintab pa ang buong katawan nito dahil sa pawis kaya basa pati yung buhok. Aakalain mong bagong ligo. Halatang maraming babaeng pinapaiyak. kontra ng isang bahagi ng isip niya. "Hi girls especially to you Ms. No p*nty" ang pang aasar pa ni Gino ng makalapit sa kanila sabay kindat sa kanya. Simula nung nag high school sila ay di na naapektuhan pa si Maeve sa pang aasar nito sa kanya bagkus ay sinasabayan na lamang niya ang trip nito sa buhay. "Hello Juts sabi daw ni Akesha" aniya. Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya pero halatang napikon ang lalaki kay Akesha. Ang ibig sabihin kasi ng juts ay maliit na t*te. "I told you Akesha it's our little secret! Pero anyway, gusto mo bang tignan ulit kung juts pa din ito?" panghahamon nito sa babae. "Ay wag nalang Gino tumangkad kalang pero alam kung ganun pa din yang ano mo" may ngisi pa sa mukha nito. "Ano ba kayo, tama na yang pagbabangayan niyo't mauwi pa kayo sa kasalanan!" singit naman ni Mauren. Sabay pa silang napasabi ng "Yuck" na ikinatawa naman nilang lahat bukod kay Alliyah na seryoso lamang. Palihim lamang nitong tinititigan si Gino at pag nahuli niya ito ay umiiwas naman agad ng tingin. "Anyway everyone listen, I would like you to introduce my cousin, Mr. Zeki Zachariah Watson" ang sambit ni Gino sa kanila. Nag ala reporter pa ito sa harap. Taas noo itong humarap sa kanila. Tila ba sanay na sanay na ito sa atensiyon na nakukuha. Ngumiti pa ito at lumitaw ang pantay nitong ngipin na mas lalong nagpa gwapo dito. "Juts wala man lang kayong hawig kahit kaunti" ang panimulang biro ni Akesha kay Gino. Maputi kasi ito at medyo chubby pa kumpara kay Zeki na makisig. "Aba Akesha kanina ka pa diyan ah, hahalikan na talaga kita para matahimik ka diyan" ang banta pa nito sa kaibigan niya. Lumapit pa ito kay Akesha at umaksiyong hahalikan niya ito pero pumagitna si Alliyah. "Gino, tigilan mo na nga ang kakambal ko" aniya. "Oh sige ikaw nalang Alliyah" ngumisi pa ito na may halong kalokohan. Lumapit ito kay Alliyah at agad na ninakawan ng halik sa pisngi. Namula naman ang pisngi nito at yumuko na lamang. "Oy Maeve, kaklase daw natin to si Zeki. Sa Lunes na ang start niya. Sa tabi mo nalang siya para naman maturuan mo siya sa mga na lesson na natin. Alam naman namin na sa ating apat ikaw ang pinakamatalino" ang singit pa ni Mauren. Nakaupo kasi si Maeve sa bandang likuran. Ito ang gusto ng teacher nila at yung mga pasaway naman ay nasa unahan. Kampante kasi ito dahil siya naman ang pinakamatalino sa klase. "H-huh? O-okay" ang nauutal niya pang sagot dito. Lubos siyang kinakabahan sa presensiya ni Zeki sa kanya. Love at first sight kaya to? ang naitanong niya sa kanyang isipan. Lumapit si Zeki sa kanya at yumuko ng konti para magharap ang kanilang mukha. Tinitigan pa siya nito dretso sa mga mata niya. "Maeve, wag kang kabahan ako lang to, alam kung maraming nagkakandarapa unang kita palang nila sa akin." ang mayabang pang sabi nito sa kanya. Pigil ang hininga niyang tumingin dito dahil sobrang lapit na ng kanilang mukha. Konting dangkal na lamang at magtatama na ang kanilang mga labi. Amoy niya pa ang mabangong hininga nito. "Ang kapal mo, ba't naman ako kakabahan sa iyo? At for your information di kita type noh!" ang turan niya dito. Ngunit iba ang dinidikta ng puso niya. Sa paglapit palang nito sa kanya ay sobrang bilis ng t***k niyon. Iniisip na lamang niya na dahil siya'y kinakabahan. Hindi siya pwedeng mahulog sa lalaking ito na ubod ng yabang. "Ay unang kita pa lang di na magkasundo tong dalawa na to oh" Mauren said. Napalakas pala ang pagkakasabi niya kaya napansin iyon ng kaibigan. Bigla naman lumapit si Akesha sa kinatatayuan ni Zeki. "Di ka raw type ni Maeve fafa Zeki, dito ka nalang sakin. Kahit di ka maputi, gwapo ka naman kaya pwede na Rawr" she said habang ginagaya pa nito ang isang leon. Kinagat kagat nito ang ibabang labi at kumikindat kindat pa. Pasimple din nitong hinahawakan ang biceps ng lalaki. "Hoy Akesha! Kay Gino ka nalang kasi maputi naman yan oh mukhang afam!" sigaw ni Mauren. "Ayaw ko nga diyan, juts yan e." nilakasan pa nito ang boses upang maabot sa pandinig ni Gino. Napatawa sila sa sinabi nito bukod kay Alliyah na tahimik lamang na nakatingin sa kanila habang si Gino naman ay madilim na ang mukha. Mas lalong ginaganahan si Akesha na asarin pa ito ng asarin. __ Kung gaano siya kasaya sa paaralan kabaliktaran naman iyon pag umuuwi siya ng bahay. Bihira na lamang pumasok sa trabaho ang kanyang nanay dahil palagi nalang itong nagkakasakit at nakahiga na lamang sa katre. "Nay, okay lang po ba kayo? Magpatingin na po tayo sa doctor" aniya. Umiling lamang ito sa kanya. "Anak, wala tayong pera pampagamot sa ospital." malungkot nitong sabi at namumutla na. "Nay kahit ipatingin lang po natin para malaman po natin kung ano pong karamdaman niyo." nagsimula ng maglandas ang mga luha niya sa pisngi. Di niya kayang nakitang nahihirapan ang kanyang inay. "Okay lang talaga ako anak. Konting pahinga lang to lalakas din ako bukas. Wag kana umiyak hmm, nag aalala ako sa iyo." nangingilid na din ang mga luha nito. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang inay masuyo itong inilagay sa mga pisngi niya habang dumadaloy pa din ang luha niya sa mga mata. Pinahid naman iyon ni Aling Rosa at bakas ang matinding awa para sa anak. Kinabukasan ay Sabado. Walang pasok si Maeve sa school. Maaga siyang nagising upang magluto ng lugaw para sa ina. "Nay dinalhan ko po kayo ng lugaw, kumain po muna kayo para lumakas po agad kayo!" ang sabi niya. Inilapag niya muna ang dala sa table at tsaka tinulungan ang ina na bumangon. "Nay, maghahanap po ako ng part time job ngayon para po makatulong ako sa gastusin po natin dito sa bahay." ang suhesiyon niya rito. "Kaya ko pa naman anak, mag focus ka nalang sa pag aaral mo. Sa Lunes pipilitin kung pumasok." mahina at mabagal nitong sambit. Minsan pa ay hinahabol nito ang hininga pag dretso nitong nabibigkas ang salita. "Nay, sige na po payagan niyo na po ako. Tsaka para po may pambayad ako kay Aling Tessa na mag asikaso dito sa bahay at bantayan na din po kayo." dahan dahan naman itong tumango. Nang e kwento niya ito kay Mauren na naghahanap siya ng trabaho ay may inalok ito para sa kanya. Naghahanap daw ang Tita niya ng crew para sa negosyo nitong coffee shop. Bente cuatro oras kasi itong bukas kaya tamang tama sa kanya na sa gabi na siya mag duduty. "Paano yan Mauren, labing anim na taon palang ako tsaka wala pa akong mga valid ID's." ang malungkot na sambit niya sa kaibigan. "Ano ka ba! Don't worry ako ng bahala about diyan. Basta ilagay mo lang sa resume mo na disye otso ka na." nakangiti nitong sagot sa kanya. "Are you really sure about this Maeve? Pwede naman kitang pahiramin ng pera e" dagdag pa nito. Mabilis siyang umiling, malaki na ang naitulong ng kaibigan sa kanya simula elementarya pa lamang sila. "Gusto kung paghirapan ang perang kikitain ko Mauren. Ayoko naman na umasa na lamang sayo. Pero thank you sa offer mo." at niyakap niya ang kaibigan. Gumanti naman ito ng mas mahigpit pa. "I will always be here for you Maeve and I love you" bulong nito sa kanya. "I love you too" ang sambit niya sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD