CHAPTER 5 - COFFEE SHOP

1764 Words
Nagsimula agad ang trabaho ni Maeve sa coffee shop ng Tita ni Mauren na matatagpuan sa sikat na lungsod ng Santa Makiling. Dalawang sakay ng jeep iyon pag galing sa bahay nila ngunit pag nasa school naman siya ay isang sakay lamang iyon papuntang school kapehan. Dahil menor de edad pa siya ay pinapirma na lamang niya ang kanyang inay for consent. Mabuti na lamang at pumayag din ito. During weekends ay pang umaga siya nakatalaga at tuwing Huwebes at Biyernes naman ang day off niya. Ito na ang ibinigay sa kanya na schedule upang di siya mahirapan lalo na't pinagsabay niya ang trabaho at pag aaral. Linggo, kaya marami silang customers sa araw na iyon. Abala sila sa kanya kanya nilang trabaho. Dahil unang araw pa lamang niya ay mag oobserba daw muna siya sa mga ginagawa sa shop. "Good morning po Sir Alfred" ang bati ni Janna sa kakapasok lamang na customer. "Good morning especially to you Ms. beautiful." tumingin ito kay Maeve at kumindat pa. Nagulat naman siya sa ginawa nito. Nang titigan niya ang lalaki ay nasa gitnang 30's na siguro ang edad nito. Matangkad ito. May malapad na balikat at dibdib. Flat din ang tiyan nito. Halata naman sa suot nitong long sleeve white polo. Gwapo't at may pagka singkit ang mga mata. "Ahem Sir, ano pong order nila?" ang singit ni Janna upang mabaling ang atensiyon ng lalaki dito. "Pwede bang e take out yung kasama mo?" ngumisi pa ito ng nakakaloko. Nakita niya ang mukha ni Janna na parang sasabog na sa galit pero pilit pa din nitong kino control ang sarili. Tahimik lamang siyang nakatayo sa gilid ng babae dahil bago pa lamang siya't di pa niya alam ang kalakaran sa shop. "Sir Alfred, coffee shop po ito hindi bar. Baka po naliligaw kayo." ang kalmadong sambit pa ni Janna dito. Napahalakhak naman ang lalaki na akala mo ay joke lamang ang sinabi nito. "Di ka na mabiro Ms. Janna pero bago ba siya dito? Ngayon ko lang kasi siya napansin" anito. "Ngayon niyo lang po siya nakita diba po? Sinagot niyo na ang tanong niyo po." ang may pagka sarkastikong sambit pa nito. Pagkatapos makuha ang inorder nito ay umupo na ito sa may bandang sulok ng shop. Nakita niya pa itong sinimsim muna ang kape at binuklat ang dala nitong diaryo. Na wewerduham siya dito dahil uso naman na ngayon ang gadgets pero mas pinili nito ang magbasa niyon. "Nakaka imbyerna talaga ang gurang na yan!" ang palatok ni Janna sa kanya. Wala na kasing customer kaya may pagkakataon na makapag usap sila. "Kilala mo po siya ate Janna?" ang tanong niya dito. "Oo, araw araw yan dito. Naalala ko ganyan din ang ginawa niya nung unang araw ko dito sa trabaho. Actually isa siya sa professor diyan sa Watson University." ang tinutukoy nito ay ang katabing sikat na unibersidad sa kolehiyo. Gusto niya din sana na dito makapasok kaso nga lang ay mahal ang tuition fee. May offer naman sila na full scholarship para sa mga graduate ng valediction in any school pero malabo na atang mangyari yun dahil hati na ang atensiyon niya ngayon. "Talaga po? Prof siya? Akala ko po isa siyang bodyguard. Ang laki po kasi ng katawan." ang pagbibiro niya dito. "Ay naku, wag kang magpapaloko diyan Maeve ah? Babaero yan. Sinasabi ko sayo baka magsisisi kalang." ang babala pa nito sa kanya. "Crush niyo po ba siya ate?" ang may pang uuyam na tanong niya dito. "Ay naku hindi ah! hindi ako magkakagusto sa babaero na yan. Lahat nalang ng babae pinapansin." aniya. Pero di ito makatigin ng diretso sa kanya. "Oy nagseselos po kayo ate Janna." ang natatawang tukso niya dito. Di naman talaga niya type ito. Mas gusto niya yung moreno at may pagka hunter eyes na mga mata like Zeki. Napangiti siya ng maalala ang lalaki kaso nga lang ay may pagka presko ito kung umasta. "Ako magseselos? Never! Tsaka wag mo na kaya akong tawaging ate, nagmumukha akong matanda sa iyo e. Apat na taon lang naman ang tanda ko!" depensa pa nito. "Sige J-Jannà" ang nahihiyang sambit niya dito. "Pag sakin Janna papasa na ba ako kay Maeve?" ang biglang singit ni Chad na nasa kitchen at naglilinis. "Isa ka pa Chad! Minor pa tong si Maeve kaya umayos ka!" anito. Napakamot nalang ito sa batok at pinagpatuloy na ang ginagawa nito. Tatlo lamang sila na nakatalaga pang umaga. Unang araw pa lamang niya pero nakagaanan na niya ng loob ang mga ito. May pagka madaldal din kasi si Janna kaya marami itong ibinahaging kwento tungkol sa buhay niya't tungkol na din sa ginagawa dito sa shop. Dalawapung taon na ito pero wala pa din itong boyfriend. Maganda, may katangkaran, maputi at may pagka singkit ang mata nito kaso medyo may pagka bitter kapag pag- ibig na ang pag uusapan. Kagaya nalang ni Chad. Nakikita niya sa mga mata nito na may gusto ito kay ate Janna pero parang natatakot itong sabihin dito ang nararamdaman. Natatakot siguro na baka ma busted ito ng babae. Malapit na ang uwi niya kaya nagpupunas na siya sa mga tables upang malinis na iyon pagkadating ng susunod na shift, ng may biglang pumasok sa shop nila. "Good afternoon! Welcome po sa shop namin!" agad siyang yumuko upang batiin ang papasok na customers. "Maeve?" Inangat naman niya ang tingin sa lalaking tumawag sa kanya. "Gino?" nabaling naman ang paningin niya sa kasama nito. It was Zeki. Nakatitig lamang ito sa kanya. Nakaramdam siya ng matinding kaba. Tila bang nag uunahan sa pagkakarera ang puso niya lalo na ng magtama ang mga mata nila. Tingin palang nito sa kanya ay parang mahihimatay na siya. Those eyes! "Hey! No p*nty dito ka na nag wowork? Bakit? Paano pag aaral mo?" ang sunod sunod na tanong ni Gino sa kanya. "A-ah t-eka lang Gino mahabang kwento kasi kaya ayoko muna sagutin yung mga tanong mo bukas nalang" nauutal niyang sagot dito. Nilukob talaga siya ng matinding kaba. Mahigpit niyang hiwakan ang basahang ginamit niya pamunas. "Paano mo na ko matuturuan sa mga lessons niyan? E mukhang busy kana ngayon." yumuko ito ng bahagya upang magpantay ang mukha nila. Pilit nitong hinuhuli ang mga mata niya pero todo iwas naman siya dito. "A-andiyan naman yung pinsan mo, pwede ka sa kanya magpaturo." aniya. Naiilang siya dito dahil magkalapit na ang mukha nila. "Maeve ikaw ang gusto ko. Gino recommended you from me na matalino ka daw kaya I transfer sa pipitsuging school niyo. I just badly need it dahil kailangang mataas ang grade na makukuha ko ngayon!" anito. Pumigting ang panga niya ng marinig iyon sa lalaki. Pipitsugin daw? Nabuhay ang dugo niya dito. Gusto niya itong sapakin pero pinipigilan lang niya ang sarili niyang gawin iyon. Inirapan niya ito. "Pwes! wala na akong pakialam kung bumagsak ka man dahil ayokong turuan ka! Mag self study ka kaya? Napaka entitled mo naman. Sino ka ba ah? E pare pareho lang naman tayo na may mabahong t*e. Oh diba mabaho din ang t*e mo?" inis niyang turan dito. Di na siya nakapagtimpi pa't sinumbatan niya ito. Napahalakhak naman si Gino sa sinabi niya. Sa sobrang tuwa nito ay napaupo pa ito sa bakanteng upuan habang hawak hawak ang tiyan. Naluluha na din ito sa kakatawa sa kanya. Masama niya itong tinignan. "Oh my god! No p*nty ang funny mo!" patuloy pa din ito sa pagtawa. Habol na nga nito ang paghinga. "Walang nakakatawa Gino!" aniya. Tinignan niya si Zeki na nanatili pa ding nakatayo. Di niya malaman kung nandidiri ba ito or naiirita sa sinabi niya. "Kung di kayo bibili pwede na kayong umalis! nakakadistorbo lang kayo dito!" ang masungit niyang pagtataboy dito. "Where's your manager? Ba't mo pinapaalis ang customer? E bibili pa kami dito e!" ang sigaw ni Zeki sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya ng marinig iyon dahil ayaw niyang matanggal sa trabaho. Na realized niya na di pala dapat ganun ang trato sa customer. Yun ang ibinilin sa kanya ni Jenna kanina. Unang araw pa lamang niya't may mag rereklamo na sa kanya. Nakakahiya sa Tita ni Mauren. Lumapit naman si Jenna at Chad ng marinig ang galit na sigaw nito. "Ano pong problema dito?" ang tanong ni babae kay Zeki. "This staff is kicking me out of this shop!" tinuturo niya pa ito sa harap nila. Nakayuko lamang si Maeve at pinagsalikop niya ang mga palad sa nerbiyos. Pinipigilan ang luhang gustong lumandas sa pisngi niya. Di siya dapat magpa apekto dahil kasalanan naman niya talaga. Nauna kasi ang inis na namayani sa puso niya't nakalimutan nitong nasa shop pa pala siya. Ang bilin sa kanya ni Jenna ay intindihin ang mga irate customers. Panatilihin daw na maging professional lalo na't nasa business industry sila. "Pàsensiya na po. Bago palang po kasi si Maeve e, di pa po siya namin na t-train ng maayos. Pàsensiya na po talaga Sir." panghihingi ng despensa ni Jenna. Nasasaktan siya sa nakikita niya. Dapat siya ang nanghihingi ng tawad sa lalaking ito pero di niya ginawa dahil may pride din naman siyang tao kahit mahirap lamang sila. Kaya tanggap na niya kung mapag desisyunan man nitong isumbong siya sa management basta't hindi siya manghihingi ng paumanhin dito. Siya naman ang nauna e! Wala siyang karapatan na bastusin ang school na pinapasukan ko! ang bulong ng isip niya. "Nope! I won't accept any apologies. May kapalit iyon!" lumapit ito kay Maeve at marahang iniangat ang mukha nito gamit ang mga daliri niya Wala ng magawa pa si Maeve at lumàban nalang siya ng titig dito. "Gusto kong ikaw ang maging personal tutor ko. But don't worry, every Friday lang naman ang session natin!" ang utos pa nito sa kanya. Matalim ang ipinukol niyang titig dito. Sinusundan niya ng tingin ang dalawang bulto na bitbit ang inorder nitong ice coffee na papaalis ng shop nila. Ngunit walang lumabas na salita sa bibig niya hanggang sa mawala na sa paningin niya ang mga ito. "Maeve okay ka lang ba?" ang tanong sa kanya ni Jenna. Hinihimas pa nito ang balikat niya tila ba pinapakalma sa mga nangyari. "Kung ikaw ay naiinis kay Sir Alfred, ganun din ako sa lalaking iyon! Zeki Zachariah Watson!" ang may panggigil niyang turan dito. "Oo nga e! Sayang ang gwapo pa sana! Hay naku! mga lalaki talaga. Kung hindi babaero, suplado naman! Pero teka? Anong sabi mo Watson?" tumango lamang siya. "Oh my god! Siya kaya yung tinutukoy nila na anak ng may ari ng school na yan?" at tinuro pa nito ang gawi ng unibersidad na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD