"Maeve tignan mo si Enrique kanina ko pa yan napapansin laging nakatingin sa iyo" ang sambit ni Akesha. Nasa canteen sila ngayon nakaupo sa mahabang table kumakain ng lunch. Napapagitnaan siya ng kambal habang si Mauren naman ay nasa dulo ni Akesha.
"Oo nga kanina pa yan sa klase, laging tulalang nakatingin sa iyo. Grabe talaga ang beauty mo girl! Baka crush ka niyan! ang pagsang-ayon naman ni Alliyah. Tumili pa ito na parang kinikilig.
Si Enrique ay kaklase nilang apat ngunit tahimik lamang ito't walang kaibigan. Lagi lang itong mag isa. Walang gustong sumama dito dahil bukod sa tahimik ay medyo weird pa ang itsura nito. May suot itong malalaking glasses at maluwag pa ang uniform. Pero pumapangalawa naman ito kay Maeve pagdating sa ranking kaya kabado din siya't baka ito ang maging valedictorian sa darating na graduation lalo na't di na siya masyadong nakapag focus sa pag aaral. Minsan ay pinahiram niya ito ng ballpen ng mapansin niyang nakatulala lang ito sa papel niya't wala pang sagot habang patuloy lang sa pagbibigay ng tanong ang kanilang guro.
"Baka si Mauren, oh di kaya'y kayo ang tinitignan niyan" ang mabilis niyang tanggi sa dalawa. Ayaw niya kasing maging center of attention pa.
"Ay naku Maeve, ang manhid mo talaga!" ang sambit pa ni Mauren.
Bigla namang may umupo sa harap nila. Nakita niya si Gino at Zeki na dala pa nito ang pagkain binili nila.
"Hi everyone, makikiupo kami." ang masiglang sambit pa ni Gino sa kanila.
"Wala na kaming magagawa, nakaupo na kayo e" inirapan pa ito ni Akesha.
"Sungit mo naman, meron ka ba?" ang natatawang banat naman ni Gino. Mas lalong namula sa galit si Akesha. Pag nagkikita talaga tong dalawa na to parang aso't pusa.
Napansin niya si Zeki na matalim na nakatingin sa kanya at ang kasama nito na si Kaela. Nakapalupot pa ang mga kamay nito sa braso ng lalaki. Unang araw pa lamang nito dito sa campus pero may nakita na agad na babae. Kalat na kasi sa buong campus na anak siya ng chairwoman ng Watson University. Nakaramdam siya ng pagkainis dito. Naalala na naman niya yung nangyari kahapon sa shop.
Sana di na niya maalala pa ang tungkol sa tutor session! ang naidalangin niya.
"Babe, lipat nalang tayo ng table may bakante pa doon sa bandang likuran oh. Yung walang mga distorbo sana." ang malanding turan nito. Hinahaplos haplos pa ang mukha ng lalaki. Ngunit nanatili pa din itong nakatitig sa kanya.
"This Friday! Pumunta ka sa bahay ko!" ang ma awtoridad na sabi nito.
Binundol naman siya ng kaba sa sinabi nito.Ngunit nanatili pa din siyang matatag. Kabilin bilinan ng nanay niya na wag nang magpapa api sa mga taong mababa ang tingin sa mahihirap.
"What if ayoko? May magagawa ka? Zeki, kailangan ko ding mag focus sa pag aaral ko. Hindi sa lahat ng oras ay iikot lamang sa iyo ang lahat! Porket ba mayaman kay-" di na niya natapos ang sasabihin ng biglang tumayo si Zeki at malakas na hinampas ng mga palad nito ang table nila. Nagulat naman ang mga kaibigan niya't kahit siya ay parang umalis sandali ang kaluluwa sa katawan. Nakuha nito ang atensiyon ng ibang estudyante at nagsimulang magbulungan.
"Di mo magugustuhan ang gagawin ko Maeve! Kaya kitang ipasuspende sa paaralang ito!" ang pananakot pa nito sa kanya. Mas lalo siyang nainis sa tono ng pananalita nito. Ngunit di siya nagpatinag. Nagiging palaban na siya dahil ayaw niya maulit muli ang mga dinanas niya nung bata pa siya.
"Nagpapatawa ka ba? Paano mo ko maipapasuspende? E kilala na ako ng mga guro dito bilang responsableng estudyante? Baka mabaliktad pa ang sitwasyon! taas kilay niyang turan dito. Mataray niya itong tinitigan. At ganun din ito sa kanya, walang gustong bumitaw at sumuko at magpatalo sa kanilang dalawa.
"Zeki, calm down dude." ang singit na kalmadong boses ni Gino, pilit nitong pinapakalma ang pinsan niya.
"I can pay you 10,000 every session natin! Think about it Maeve mas malaki pa sa sahod mo sa coffee shop!" usal pa nito't umalis na sa table nila't naiwan ang tray ng pagkain na di pa nagagalaw. Nakasunod naman ang babae na parang buntot na ni Zeki. Pinandilatan pa siya nito ng mata bago tuluyan tumalikod.
"Look at that girl! She's so annoying." ang bulalas ni Alliyah.
"Akala mo girlfriend ni Zeki kung maka dikit wagas! Tignan mo bukas iiyak iyak na yan." ani Mauren.
"Akala ko talaga mabait yang Zeki na yan! Napaka arogante pala. Kung ako sa iyo Maeve wag kang pumayag na maging tutor niyan, baka tatanda ka nalang bigla sa sobrang stress mo." Akesha said.
Naikwento na kasi niya sa mga kaibigan ang nangyari sa coffee shop at kung paano nagalit sa kanya si Zeki.
"Actually okay lang naman sa akin na turuan siya sa mga past lesson natin para naman maka catch up siya ngunit di ko ata kaya ang ang maging personal tutor niya. Tama si Akesha, baka bigla nalang akong tubuan ng puting buhok sa sobrang stress sa lalaking iyon." aniya at nagtawanan naman ang mga kaibigan ni Maeve sa sinabi niya.
Pero ang totoo ay mas gugustuhin niya lamang na mag trabaho sa coffee shop kesa makasama ang lalaki. May kaliitan man ang sahod pero mas mainam na iyon kesa makasama si Zeki. May bahagi kasi sa puso niya na nagdidiwang sa tuwing nasisilayan o napapalapit siya sa lalaki. Nilulukob siya ng matinding kaba sa di niya maipaliwanag na dahilan. Maybe she's attracted to him? Sa tuwing nakakaramdam siya ng excitement pag nakita ito ay agad naman na kumokontra ang isip niya. Kaya hangga't maaari ay umiiwas talaga siya dito.
"What if, paibigin mo si Enrique and then dump him during our final exam. For sure di yun makakapag focus feeling ko kasi patay na patay siya sayo." ang biglang suhesiyon ni Akesha kasabay ng paghagikhik nito.
"Sira! e di nakasakit pa ako ng damdamin ng iba. Ikaw talaga puro ka kalokohan" she said while laughing.
Bigla namang lumapit sa kinaroroonan nila si Enrique. Nagkakamot pa ito sa batok at di mapakali. Namumutla at kabado itong humarap sa kanila.
"Hi M-Maeve P-pwede b-ang maka partner ka sa darating na P-rom night?" ang nauutal nitong sambit.
Nakita niya ang mga kaibigang pigil ang kilig. Sinasabunutan pa ni Akesha si Alliyah sa buhok habang nakayakap naman si Mauren dito. Kilig na kilig ang mga ito na nakatingin sa kanilang dalawa ni Enrique na akala mo'y nanliligaw ang lalaki sa kanya. Napapatingin siya sa mga kaibigan upang makahingi ng tulong sa mga ito pero ngumiti lamang ito at sumenyas pa ng "Go go go."
"A-h pag iisipan ko muna Enrique, baka kasi hindi din ako aattend sa prom night e, baka may duty ako nun." aniya.
Nagtaka naman ito sa sinabi niya.
"Nag tatrabaho ka?" tanong pa nito. Tumango lamang siya dito.
"Kailangan e, gusto kung mapatignan si nanay sa doctor." aniya.
"Paano yung pag aaral mo? Tas dumagdag pa yung jerk na yun, gusto ka pang maging personal tutor niya." gumuhit ang inis sa mukha nito. Kung may ibang tao sigurong makakakita nito e aakalain mo talagang parang nagseselos na boyfriend. Ito ang unang pagkakataon na naging palasalita ito.Tahimik lang kasi ito sa klase pero napaka observant.
Nanatili na lamang siyang tahimik dahil wala talaga siyang ganang pahabain pa ang usapan nila. Sa totoo nga ay gusto na niyang umalis pero wala siyang maisip na rason upang maiwasan ito.
"I have some offer to you Maeve but it's up to you kung papayag ka, hindi kita pipilitin" anito. Umigting naman ang tenga niya sa narinig. Tila ba na curious din siya kung ano iyon.
Nagsilapitan naman ang mga kaibigan niya sa kanya at matiim nilang tinignan si Enrique. Nag aabang din ang mga ito sa sasabihin ng lalaki. Napailing na lamang siya sa kakulitan ng mga besties niya.
"A-ah is it okay Maeve na tayo lang dalawa?" ang naiilang pakiusap pa nito sa kanya
"Hoy Enrique, kung ano man yang sasabihin mo kay Maeve, dapat alam din namin noh dahil kami ang bestfriends niya." ani Mauren na sinang-ayunan naman ng dalawa.
Lihim siyang napatawa sa kanilang tatlo. Daig pa kasi nila ang nanay niya kung maka imbestiga at maki intrega sa buhay niya.
She saw kung paano manginig ang kamay ni Enrique. Kabado ito't namumutla pa, bagay na ikinamangha niya dahil ito ang unang beses na nakita niya itong kinakabahan. Parang nagdadalawang isip pa ito kung itutuloy pa ang sasabihin sa kanya.
"H-hm I l-like you Maeve. If papayag ka na maging date ko sa Prom night, I will make sure na mas mataas ang makukuha mo sa finals." ang seryosong sambit nito. Nanatili lamang itong nakayuko upang matakpan ang namumula nitong pisngi.
Napaubo naman si Maeve sa narinig niya mula kay Enrique. Seryoso ba ito? Ipagpapalit niya yung parangal para lamang makasama siya sa isang gabi?
"Ang funny mo Enrique. How sure are you na malalamangan mo ko? Kahit di pa tayo mag date ay ako pa rin ang mangunguna sa klase." ang may kumpiyansa niyang sagot pa dito.
Ngunit ngumisi pa ito na parang alam na ang mangyayari sa hinaharap. He's too confident this time.
"Well, di mo masisiguro yan Maeve dahil andyan si Zeki upang guluhin ka at tsaka isa pa yung pagkakaroon mo ng part time job sa gabi. Diba malaking distractions yan sa pag aaral mo?" anito. Sumilay pa ang sulok ng labi nito.
Kung tutuusin ay may punto ang mga sinasabi nito. Possible ngang malamangan siya nito sa final exam. Di rin kasi basta basta si Enrique at halos magkakadikit lang din kasi ang mga grades nila. Kahit tahimik, ay aktibo naman ito pagdating sa klase. Lagi itong nag p-presenta tuwing may recitation. Nababahala siya sa isiping iyon. Kailangan niya talagang maging Valedictorian upang makapasok siya sa Watson academy with full scholarship. Pag Salutatorian kasi ay may babayaran pang kalahati na tuition fee at lahat ng kinikita niya sa pag tatrabaho ay iniipon upang maipagamot ang kanyang nanay at para mapa check up niya man lang ito bago pa man lumala ang sakit nito.
"Maeve grab mo na yan! Isang gabi lang naman oh?" ang pangungumbinsi ni Akesha sa kanya.
Napayuko na lamang siya dahil di na niya alam ang gagawin pa. Masyado ng kumplikado ang naging buhay niya simula ng dumating si Zeki at dumagdag pa itong si Enrique!
"Pag iisipan ko" ang tanging nasambit na lamang niya at tinalikuran ko na ito.