"Hoy! Alam niyo na ba ang chismis?" dinig ni Maeve ang sinabi na iyon ng babae. Nasa loob kasi siya ng banyo at di niya inaasahan na makakarinig pa siya ng chismis galing sa mga marites na nag uusap sa cubicle.
"Ano ba yun?" anang isa pang babae na kasama nito.
"Alam niyo ba na repeater na pala yang si Zeki? Nakailang balik na yan ng high school kaya galit na galit na ang magulang nito at binantaan pa siyang itatakwil pag bumagsak pa siya ngayong taon!" anito.
"Oh my god! Paano yan? E di pa naman sanay sa hirap ang bebe ko. What if puntahan ko nalang at ako na ang mag presentang magtuturo sa kanya. Kung gusto niya may kasama pang himas e! Ang gwapo niya kasi!" tumitili pa ito sa sobrang kilig.
Naririndi siya sa mga babaeng nagkakandarapa dito. Totoo ngang napaka gwapo nito ngunit sobrang sama naman ng ugali nito at halatang pinalaking spoiled ng mga magulang. Napapaisip siya kung bakit di yun makita ng ibang babae na patay na patay pa rin sila dito.
"Ay naku, asa ka pang ikaw ang pipiliin nun na maging tutor e bobo ka nga din e. Di mo nga alam ang basic math!" ang banat naman ng isa pa.
"Oh sige nga 12 multiply by 12? Ano?"
"A-ah hmm pass! Tang*ina niyo mangongopya nalang ako noh! Tsaka di naman magagamit yan pag nasa kama na kami ni Zeki" ang sabi pa nito. Nagtawanan pa ang ibang kasama niya.
Napapaismid nalang siya dito. Di niya lubos maisip na ganito na ang iniisip nila e para sa kanya ay napakabata pa nila para isipin ang mga ganyang bagay. Hindi siya sanay sapagkat ang tanging pinag uusapan lamang ng mga kaibigan niya ay tungkol sa mga crush at lesson lamang nila. Although, napag aralan naman nila ang tungkol sa s*x for awareness at kung ano ang pwedeng maidulot nito sa kabataan pero naiilang pa din siyang makarinig ng mas malalim pa tungkol dito.
"Kaya nga pinipilit niya yung pangit na Maeve na yun e dahil siya ang pinakamatalino sa batch nato!" ani pa ng isa.
Nanlilisik ang mga mata niya at naikuyom niya ang kamay ng marinig ang tinuran nito. Sinabihan pa siyang pangit. Pinigilan na lamang niya ang sarili dahil kung papalag siya ay wala din naman siyang laban dahil marami ang mga ito. Hindi niya kilala ang mga boses nito. Siguro ay taga ibang section ito. Hinati kasi sila sa tatlong section at ang unang section ay yung mga estudyanteng may matataas na grado. Nagtaka nga siya kung bakit naging kaklase niya pa si Zeki na repeater pala at transferee. Diba dapat nasa huling section ito? Tsk! Baka ginamit na naman ang connection at ang pera para mapunta sa section namin! ang bulong ng isip niya.
Napabuga na lamang siya ng hangin at lumabas na ng maulinigan niyang nakaaalis na ang mga grupo. Binuksan niya ang gripo sa cubicle at bumuhos ang tubig niyon marahan naman siyang naghilamos ng mukha. Napatingin siya sa sariling repleksiyon sa salamin at napangiti. Iniisip na lamang niya na inggit ang mga babae dahil isa siya sa binansagan sa school nila na beauty and brain.
Pagkalabas niya ng comfort room ay nakita niya pa si Mauren na humahangos na papunta sa direksiyon niya. Tila ba nagmamadali ito't namumutla na.
"M-Maeve s-si T-tita daw" ang hingal na sambit pa nito. Hinapit pa ang sariling dibdib at hinahabol pa ang hininga.
Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. Nagsimula na siyang nerbiyusin at nanlalamig na din ang mga kamay niya. Sumiklab ang matinding pangamba na baka mayroong masamang nangyari sa nanay niya.
"Bakit anong nangyari kay nanay?" niyugyog niya pa ang balikat ni Mauren upang makapagsalita na ito.
"Si T-tita daw kasi.."
"Oh my god! Bilisan mong magsalita Mauren, anong nangyari diretsuhin mo na!" sinigawan niya na ito. Di naman niya intensiyon iyon na gawin sa kaibigan ngunit dahil sa pagkakataranta ay nagawa niya iyon.
"Sinugod daw sa pinakamalapit na hospital dito. Si Aling Tessa daw yung nagpapasabi." anito.
Di na siya nag aksaya pa ng oras at agad na siyang tumakbo paaalis ng paaralan. Naramdaman naman niyang nakasunod lamang sa likod niya si Mauren.
"Wait lang Maeve sasama ako sa iyo." Huminto siya at hinawakan ang kamay ni Mauren at sabay na silang tumatakbo. Hingal na hingal ito ng makasakay na sila sa tricycle.
"Kuya sa may pinakamalapit na ospital po." si Mauren na ang nagsabi nun sa driver.
Tahimik lamang siya't kusang nanginginig ang kanyang mga kamay. Maraming pumapasok sa isip niya na baka may masama ng nangyari sa nanay niya.
PAGKADATING sa ospital ay dumiretso agad sila sa information desk. Nakita niya ang isang staff na abala sa pakikipag usap sa telepono. Ito lamang ang mag isang naka duty kaya di mapakali ang mga paa niya't palakad lakad siya kung kelan ito matatapos.
"Yes po, what can I do for you?" ang magalang na tanong ng staff sa kanila.
Napatingin naman agad siya dito at nagmamadaling ibingay ang pangalan ng nanay niya.
"Si Ms. Rosa Mendez? Hmm nasa ika anim na palapag po siya. Pagsakay niyo po ng elevator pindutin niyo lang po ang six button at pagkalabas niyo po doon makikita niyo po agad ang room 602 kasi nasa bungad lang naman po iyon." ang detalyado pa nitong sambit.
"Salamat po." at agad na nilang tinakbo kung nasan ang elevator. Nasa ikatatlong palapag pa lamang iyon pataas at medyo matatatagalan pa kung hihintayin pa nila itong makalapag sa ground floor.
"Mauren, mag hagdan nalang tayo?" ang naisambit niya sa kaibigan. Nakita niya kasi sa gilid ang hagdan.
"Maeve kumalma ka muna please. Pagod na ko kakatakbo kanina pa. Hintayin nalang natin ang elevator." malamlam ang mga mata nito at nagsusumamo kaya nakaramdam siya ng awa sa kaibigan. Ito pa ang nagbayad sa pamasahe nila kanina sa tricycle.
"I'm sorry Mauren, nataranta din kasi ako. Si nanay lang kasi ang pamilya ko kaya sobrang takot ko ng ibinalita mong isinugod siya sa ospital." nangilid na ang mga luha niya. Di na niya kaya pang itago dito ang matinding pag aalala para sa inay niya.
"Wala ba kayong kamag-anak dito?" ang tanong ni Mauren sa kanya habang tapik tapik nito ang balikat niya.
"Wala e nasa siyudad na sila at matagal na panahon na ding wala kaming kumonikasyon sa isa't isa." dumaloy na ang masaganang luha na kanina ay pinipigilan niya.
"Don't worry, andito lamang ako Maeve kung kailangan mo ng tulong" ani Mauren at niyakap na lamang niya ito upang gumaan ang pakiramdam nito.
Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok na sila doon at pinindot ang button kung nasang palapag ang kwarto ng nanay ni Maeve.
Nanginginig pa ang mga labi niya't bumuhos na naman ang luha niya ng makita ang nanay niyang nakaratay sa ospital bed na walang malay at putlang putla. Sa gilid ay si Aling Tessa na nakayuko at inunan ang sariling mga kamay nito. Nakatulugan na siguro nito ang pagbabantay sa inay niya. Bahagya siyang lumuhod at hinawakan niya ang kamay ng nanay niya't inilagay iyon sa mukha niya. Si Mauren naman ay lumapit sa babae at mahinang niyugyog ang balikat nito.
"Aling Tessa" ang mahinang sambit ni Mauren dito.
Nagising naman ang babae at malamlam nitong tinignan si Maeve na patuloy pa din sa paghikbi at hawak ang kamay ng kanyang inay.
"A-ano pong n-angyari kay Nanay Aling Tessa" garalgal na ang boses niya ng magtanong siya sa babae.
"Nakita ko na lamang siyang walang malay sa kusina niyo. Mabuti na lamang at isinauli ko ang hiniram ko na tupperware nung isang araw" ani Aling Tessa na mababakas pa ang matinding kaba nito.
"Ano daw po sabi ng doctor?" ang tanong niya ulit dito.
"Kinuhaan lang siya ng dugo at e examine daw muna nila iyon." anito.
Makalipas pa ang ilang oras ay nagpaalam na si Aling Tessa dahil hinahanap na daw siya ng asawa't mga anak niya. Nagpasalamat naman siya dito sa paghatid sa nanay niya sa ospital. Inabutan niya naman ito ng kaunting halaga ng salapi ngunit tumanggi lamang ito.
"Naku Maeve wag na, kakailanganin niyo yan ng nanay mo dito sa ospital. Di na kayo iba sa amin kaya di ko matatanggap yan." malamlam ang mga mata nito na nakatingin kay Maeve. Ngumiti pa ito sa kanya upang palakasin ang loob niya. Niyakap niya na lamang ang matandang babae. Sobrang saya ng puso niya kasi kahit hindi man sila magkadugo ay mabait ang pakikitungo nito sa kanilang mag ina.
"Salamat po talaga Aling Tessa, tatanawin ko pong utang na loob itong pagtulong niyo po sa amin." ang naisambit niya dito.
"Ay naku! Ikaw talagang bata ka napaka pasaway mo. Wag mo na nga kasing isipin yun. Masaya ako na nakatulong ako sa inyo." ang madamdaming sambit nito.
Namamanghang tinignan ni Maeve ang papaalis na matanda. Lihim siyang natutuwa dahil mayroon pang mga taong handang tumulong sa kanila sa oras ng kagipitan. Natanaw naman niya ang kaibigan na si Mauren na inaayos ang kumot ng nanay niya. Napaiyak na naman siya ngunit sa pagkakataong ito ay luha ng kasiyahan dahil binigyan siya ng mga taong di sila iiwan sa oras ng pangangailangan. Di man sila magkadugo pero mas malalim pa ang ugnayan nila sa isa't isa.