CHAPTER 8 - PERSONAL TUTOR

2008 Words
"Ano po may Leukemia si nanay?" ang kabadong tanong ni Maeve sa doctor. Inulit niya lamang ang sambit nito sa kanya upang makasiguro na di siya nagkakamali ng dinig. "Yes, we analyze her blood samples at napag alaman nga namin na meron siyang adult acute lymphoblastic leukemia" paliwanag pa ng doctor sa kanya. Napaluhod na lamang siya sa sahig habang hawak pa niya ang laylayan ng uniporme ng doctor. Nakatulala lamang siya habang mabagal na pino prosesa ng utak niya ang mga sinabi nito. "Maeve, pakatatag ka lang." ang sabi ni Mauren sa kanya. Inalalayan siya nito upang makaupo sa bakanteng pahabang upuan. Walang imik naman siyang sumunod dito ngunit naglalakbay ang kanyang utak sa ibang dimension kung saan iniisip niya ang masasaya nilang moment ng kanyang inay sa mumunti nilang tahanan. Kalaunan ay nagsisimula na siyang humikbi ng mapagtantong seryosong sakit ang meron ang nanay niya at anytime ay pwede na itong mamaalam. "Stage 4 na po ang leukemia niya at kailangan na natin siyang mapa chemo sa madaling panahon. Pwede na man po kayong magpa second opinion sa ibang hospital pero sinasabi ko po sa inyo na maghanda nalang po kayo ng malaking halaga ng pera para sa treatment niya." ang dagdag pa ng doctor bago na ito tuluyang umalis. Napatakip na lamang siya sa sariling bibig habang patuloy na dumadaloy ang masagang luha dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Diyos ko po! Bakit sa amin pa nangyari ito. Bakit sa nanay ko pa! Napahagulhol na siya. Di na niya alintana kung medyo malakas ang garalgal na boses niya. Si Mauren naman ay patuloy lamang sa paghimas himas sa kanyang likuran. Tahimik lang din itong nakatingin sa kaibigan ngunit hilam na din ang mukha niya ng mga luha sa matinding awa para sa kanya. NANG magising si Aling Rosa ay agad namang lumapit si Maeve dito. Hinawakan pa nito ang kamay ng nanay niya't dumungaw siya paibabaw upang magtama ang mata nila. "Maeve? Nasan ako? Ba't andito ka diba nasa school ka?" ang sunod sunod nitong tanong. "Nay wag na muna po kayong magsalita. Andito po kayo sa ospital, nahimatay po kayo mabuti na lamang at andun si Aling Tessa" ang pang aalo niya pa dito. "Aba! Tara na't baka malaki pa ang babayaran natin dito sa ospital." pilit nitong tinatanggal ang swerong nasa kamay nito. "Nay, okay lang po pinahiram na po ako ni Mauren ng pera pambayad dito sa ospital." at doon nga ay tila kumalma ang kanyang ina. Di niya alam kung paano niya sasabihin dito na may leukemia ito. Baka pag nalaman nito ang totoo ay lalong di ito magpapagamot dahil sa kakulangan nila ng pera. Pero mas mabuti ng malaman nito ng maaga keysa ilihim niya pa ang kalagayan nito dito. "Nay, ang sabi po ng doctor may leukemia daw po kayo" napayuko siya ng mabanggit ang salitang iyon. Ayaw niyang makita ang reaction ng nanay niya dahil nasasaktan lamang siya. Naglandas na naman ang mga luha niya't marahang humihikbi. Ngunit wala man lang siyang narinig na kahit anong salita galing dito kaya tumingala siya't nakita ang kanyang ina na bahagyang nakangiti pero malamlam ang mga matang nakatingin sa kanya. "Nay, di po ba kayo nababahala?" tanong niya habang pinapahid ang mga luha. "Anak ko, alam mo ba? Sobrang proud ako sa iyo. Kahit bata ka palang napakatibay na ng iyong personalidad. Masaya ako na lumaki kang ganyan. Mapapanatag na ang loob ko dahil alam kung kaya mo. Malakas ka anak." humihikbi na nitong sambit. Nangingilid na din ang luha at dinipa pa nito ang dalawang braso upang mayakap siya. "Halika, payakap si nanay" ang naiiyak na nitong sambit sa kanya. Agad naman siyang lumusong at mahigpit na niyakap ang ina. Malugod na tinanggap naman iyon ni Aling Rosa. Napapaiyak na siya sa may dibdib nito at marahan namang hinahaplos ng kanyang inay ang buhok niya. "Nay gagawa po ako ng paraan upang maipagamot po kayo. Pangako po." patuloy niya sa pag iyak. Basa na ng mga luha ang damit ng kanyang inay pero hinahayaan siya lamang nitong mailabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Nang araw na din yun ay umuwi sila sa bahay nila. Pinayagan naman sila ng doctor at niresetahan na muna sila nito ng pansamantalang iinumin upang di masyadong lumala ang sakit nito. NAPAGPASYAHAN ni Maeve na lumiban muna sa klase at di muna pumasok sa coffee shop. Ginamit niya ang naipong pera upang pang gastos nila sa pang araw araw. "Anak bukas pumasok kana sa school ha? Kaya ko naman na mag isa." ang naituran pa nito. "Per-" "Wag ka ng mag pe-pero diyan Maeve. Mahalaga ang pag aaral mo. Konti na lamang at makaka graduate kana sa high school anak, wag mo naman sayangin ng dahil sa akin. Di ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Oh sige ka baka maging malung--" di na nito naituloy pa ang sasabihin ng biglang magsalita si Maeve. "Oo na po, papasok na po bukas." ngumiti naman ito sa kanya. KINABUKASAN ay agad niyang hinanap si Zeki upang ipaalam dito na handa na siyang maging tutor nito. Pinag-isipan niya ito ng buong gabi at napagpasyahan niyang ito lang ang paraan upang maipagamot ang nanay niya. Papahabain na lamang niya ang pàsensiya dito dahil kailangan niya talaga ng pera. Infairness naman kasi ay medyo malaki ang inalok nito sa kanya kada session. Tumatagingting na sampung libo at ilang oras lamang iyon. Di rin siya hihinto sa kapehan, dahil dito siya kukuha ng pang gastos nila sa araw araw. "Maeve, mabuti na lamang at nakapasok kana." ang salubong sa kanya ni Mauren. Agad naman itong yumakap sa kanya at ginantihan din naman niya iyon. Nasipat din niya ang kambal na tumatakbo patungo sa kinaroroonan niya't yumakap. Nagyayakapan na silang apat at humiwalay lamang ang mga ito ng nagtanong si Alliyah. "Kumusta na si Tita, Maeve?" ang tanong nito sa kanya. "Okay naman na si nanay, pero kailangan ko ng malaking pera upang mapa chemo ko siya." ang malungkot na sabi niya dito. "Don't worry Maeve, papahiramin ka namin. Manghihingi ako ng mas malaking allowance kay Daddy." ani Mauren. "Kami din" ang sabay pang sambit ng kambal. "Salamat talaga sa inyo. Mahal na mahal ko kayang tatlo" ang madamdamin niyang turan sa mga ito. "By the way andiyan na ba si Zeki?" dagdag pa niyang tanong sa mga ito. Nagbabakasakali kasi siyang nakita ng mga ito ang lalaki. "Ay naku, wag mo ng hanapin yun. For sure late na naman yun. Halika na kayo't baka andun na si teacher at mahuli pa tayo sa klase." ang yaya ni Akesha sa kanila. Nilibot niya pa ang paningin sa paligid ngunit kahit anino nito ay di niya mahagilap at kahit si Gino ay wala din. NGUNIT hindi pumasok ang guro nila sa subject na yun kaya tumabi muna sa kanya si Mauren at ang kambal sa upuan. Ngunit ang seating arrangement talaga nila ay nasa bandang likod siya samantalang nasa unahan naman ang mga kaibigan niya. Biglang lumapit si Enrique kay Maeve at may inaabot ito sa kanya. "Ano ito?" ang tanong niya dito. She saw her friends na malisyosong nakatingin sa kanilang dalawa. Ngumisi pa si Akesha at parang may naiisip na kalokohan. "Notes ko yan. Hiramin mo muna para di ka mahuli sa lesson natin." ang nahihiya pa nitong sambit sa kanya. Namumula pa ang buong mukha nito na kahit natatabunan ng malaking salamin ay halata pa din. Nakayuko lamang ito't nahihiya kasi di ito makatingin ng diretso sa kanya. "Ayyiieeeee Maeve tsaka Enrique e di, Maeque!" ang tudyo ni Akesha. "Maeque! Maeque! Maeque! Maeque! sinabayan pa ito ni Mauren at Alliyah. Sumisigaw sila kaya napatingin ang ibang mga kaklase niya sa gawi nila at kalaunan ay nakikisabay na din ang mga ito. Nag init ang buong mukha niya at feeling niya kahit di pa niya tignan iyon sa salamin ay pulang pula na ito. "Tumigil na kayo. Ano ba!" ang saway niya sa mga kaibigan. Kinakalabit niya pa ang mga ito ngunit di man lang ito nagpatinag. "Oh my god! Andyan na si Zeki." ang sigaw ng isang kaklase niya na nakadungaw sa bintana. Bigla nalang siyang nakaramdam ng kaba. Di niya alam kung ano ang dahilan niyon pero inaamin niya na sa mga nakaraang araw na di niya ito nakita ay tila ba na mimiss niya ang lalaki. Natahimik naman ang buong klase ng pumasok ito kasama si Gino. Ngunit seryoso lamang ito at ni hindi man lang ngumiti. Nakita pa niya ang mga kaklase niyang kababaihan na halos tumulo na ang laway na nakatingin dito na para bang isang modelo na naglalakad sa harap nila. At sa pagkakataong iyon ay parang gusto niyang sundutin isa isa ang mga mata nila. Dere-deretso lamang ito sa direksiyon kung nasan sila. Itinabing pa nito si Enrique na nakatayo sa harap ni Alliyah dahilan upang napausog naman ito. Ngayon ay madilim niyang tinitigan si Alliyah na katabi niya sa sandaling iyon. "Umalis ka diyan" ang utos pa nito. Agad namang tumayo si Alliyah at pinandilatan pa niya ito. Sumiksik na lamang siya sa upuan ng kakambal na si Akesha. "Makautos ka diyan kala mo kung sino ka. Oo nga't upuan mo yan pero pwede ka naman makiusap sa akin diba?" mataray pa na sambit nito ngunit di naman iyon pinansin ni Zeki. Kinakabahan siya ng magkatabi na sila ngayon sa upuan. Kumakabog na naman ang puso niya lalo na ng tumingin ito sa kanya at nagtama ang mga mata nila. Agad siyang yumuko dahil di niya kayang makipagtitigan dito lalo na't nakakalaglag pantay ang mga mata nito. Amoy niya pa ang ginamit nitong pabango at nagustuhan niya talaga iyon dahil hindi masakit sa ilong. "I've heard about sa nangyari sa nanay mo and I felt sorry" ang malumbay nitong sambit. Tumingin siya sa mga mata nito na naging malamlam and all she sees is sympathy towards her. "Zeki, payag na akong maging personal tutor mo." ang sabi niya dito. Nanlaki naman ang mata nito parang hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya. "Yes! Thank you Maeve, dodoblehin ko ang bayad para makatulong na din sa nanay mo" anito. Nagliwanag pa ang mukha nito't tumayo at napasuntok pa sa ere na parang nanalo talaga sa lotto. "Kanina para kang binagsakan ng langit at lupa ngayon naman abot hanggang tenga yang ngiti mo!" ang singit ni Alliyah at inismiran pa nito si Zeki. "Hoy lalaki! pag nakita namin yang kaibigan namin na umiiyak dahil sa pang bubully mo humanda ka talaga sa aming tatlo na mga besties niya!" si Akesha na itinataas pa ang manggas ng shirt nito. "Goodboy na kaya yang pinsan ko gaya ko" sumingit na si Gino na tahimik lang palang nakikinig sa usapan nila. Kinindatan pa nito si Akesha ngunit pinandilatan lamang ito ng babae. Natawa naman ito sa ginawang reaction nito. "I promise na makikinig ako sa bagong teacher ko" ani Zeki na di mawala wala ang ngiti sa kanya. Nginitian niya na lamang ito upang maitago ang kabang nararamdaman niya. Naninibago siya sa mga kinikilos nito parang hindi siya sanay na malamyos ang boses nito. Kung lagi itong ganito ay baka nga mahulog na siya ng tuluyan sa lalaki. Lihim siyang nanalangin na sana ay bumalik ang pagiging suplado nito upang may maidahilan siya sa isip niya na hindi dapat ito mahalin. Tahimik lamang si Enrique na nakikinig sa kanila. Nakayuko lamang itong nakatayo sa gilid ng mga kaibigan niya at kalaunan ay bigla na lamang itong umalis ng walang pasabi. "Anong problema nun?" ang tanong ni Mauren. "Eh ano pa ba? Siyempre nagseselos yun dito kay Zeki lalo na tutor na nito si Maeve." ani Akesha na sinundan na lamang ng tingin ang papalayong bulto ng lalaki. Pinagkibit balikat na lamang niya iyon. Ngunit may naramdaman siyang konting awa para dito dahil naging mabait ito sa kanya. Heto nga't pinahiram pa siya ng notes nito para di lang siya mahuli sa mga lesson. Ngunit wala talaga siyang special na nararamdaman dito kundi hanggang kaibigan lamang. Di niya kayang masuklian ang pinapahiwatig na pag ibig nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD