Umuwi na muna siya sa bahay nila upang makapagpalit ng damit panlakad. Nakakahiya naman din kasi kung haharap siya kay Zeki na amoy pawis. Ayaw niya naman na may masita pa ito sa kanya.
Napagkasunduan kasi nila kanina na susunduin na lamang siya ng personal driver nito sa bahay. Pumayag naman siya dahil medyo may kalayuan nga ito. Nasa kabilang lungsod pa at kung mag cocommute siya ay aabutin pa siya ng kalahating oras sa biyahe at sasakay pa siya ng dalawang jeep.
Malapit lang kasi ang bahay ni Zeki sa Unibersidad at sa kapehan kung san siya nag tatrabaho. At kung sakali mang maging Valedictorian siya ay balak niyang pumasok sa Unibersidad na iyon at mag rerenta na lamang siya ng apartment upang di hassle sa biyahe.
"Anak saan ang punta mo?" ang tanong ng nanay niya na bahagyang nakasilip sa nakauwang na pintuan ng kwarto niya.
"Ahh Nay raket ko po. Pandagdag ipon po sa pampagamot ninyo." ang masaya niyang turan dito. Kinuha niya ang may kaunting biyak na salamin na nakapatong sa side table niyang gawa sa kawayan. Di na muna niya ito itinapon dahil napapakinabangan pa naman niya iyon. Ayaw niya din kasi munang bumili ng bago sapagkat nagtitipid muna siya sa pera.
Nagsimula na siyang magpahid ng pulbos sa mukha at naglagay na din ng kaunting lipstick na bigay sa kanya ni Mauren.
"Anak, kung ano man yang raket mo na iyan wag mo ng ituloy kung makakasira man yan sa kinabukasan mo. Hayaan mo nalang ako anak!" ang nahintatakutan pa nitong himutok sa kanya. Tila ba nababasa niya ang gustong imungkahi ng kanyang inay. Laganap kasi sa lugar nila ang mga babaeng bayaran dahil na din sa kahirapan. Kahit menor de edad pa lamang ay pumapasok na sa ganung kalakaran. May isang club kasi dito malapit sa kanila ang pinatayo at usap usapan na isang maimpluwensiya at isang sindikato daw ang nag mamay ari nito ngunit walang nangahas na isumbong ito sa awtoridad dahil na din sa matinding takot.
Maliit na baranggay lamang ang Mecuayan, sakop pa rin ito ng lungsod ng Santa Makiling. Ang tanging pinagkukuhanan lamang na income ng mga tao sa kanilang lugar ay ang pangingisda at pagsasaka. Ngunit halos 50 porsiyento naman ng kalupaan dito ay pagmamay-ari ng pamilyang Watson, ang pinakamayaman sa lugar nila. Kahit ang sikat na university sa kabilang lungsod, ang Watson University ay sa kanila din.
"Ano ka ba Nay, kung ano man po ang iniisip niyo, hindi po yan ang raket ko. Kinuha po akong personal na tutor ng kaklase ko na si Zeki. Isa po siyang Watson at kinuha ko na ang pagkakataon na iyon Nay para mas malaki ang maiipon ko po pampagamot niyo." ang nakangiti niya pang sambit sa ina. Ngunit akala niya ay matutuwa ang kanyang inay sa narinig mula sa kanya ngunit kabaliktaran naman iyon dahil rumehistro sa mukha nito ang matinding lungkot.
"Paano na ang pag aaral mo anak? Diba gusto mong maging Valedictorian para makapasok ka sa Unibersidad na iyon? Paano ka makakapag focus niyan kung may trabaho ka na nga sa kapehan, pati pag tututor pinasok mo na din." ang nag aalala nitong turan.
"Ano po ba kayo nay! Ako na pong bahala diyan. Wag po kayong mag aaalala, diba sabi niyo po matalino ako?" at humagikhik siya't umakbay pa sa kanyang ina upang di na ito mabahala pa ngunit naiisip din niya ang sinabi nito. Di niya alam kung makakaya niya ba lalo na't andyan si Enrique na napaka competitive din.
May bumusena sa harap ng bahay nila. Tinignan niya naman ito sa may bintana nila at nakita niya pa ang sasakyan na Van na magsusundo sa kanya. Excited na siya na makasakay dito kaya't agad niyang kinuha ang maliit na bag niya't nagpaalam na sa kanyang inay.
"Nay aalis na po ako, andito na po yung driver na magsusundo sa akin." ang sabi niya dito. Nagmano na muna siya bago tuluyang makaalis.
"Ingat ka!" ang sigaw pa ni Aling Rosa sa anak.
Nasa harapan na siya ng kotse. Kinakabahan siya dahil sa totoo lang di pa niya naranasang makasakay niyon. Kaya hinila niya ang pinto nito ngunit ayaw mabuksan. Nakailang ulit pa siya hanggang sa lumabas na ang driver at umikot ito sa kinatatayuan niya. Ito na ang nagbukas nun para sa kanya, pinihit nito ang hawakan at marahang pina slide sa gilid.
"Thank you po" ang nahihiya niyang turan dito. Mabuti na lamang at medyo madilim sa banda na iyon kundi nakita nito kung gaano na kapula ang mukha niya.
"Sumakay na po kayo ma'am, naghihintay na po sa inyo si Sir Zeki" anito. Tumango na lamang siya't agad na sumampa sa upuan. Sinalubong siya ng napakalamig na buga ng aircon. Nagsitayuan ang balahibo niya sa braso kaya marahan nalang siyang napaakap sa sarili.
Habang nasa biyahe ay tahimik lamang siyang nakamasid na labas ng bintana ng sasakyan. Madilim na ang paligid at may ilaw na din ang mga posteng nadadaanan nila.
Makalipas ang mahigit tatlumpong minuto ay huminto na ito sa tapat ng pinto. She sighed heavily trying to compose herself. Agad naman siyang pinagbuksan ulit ng driver.
The moment she saw their house, her jaw dropped. Sobrang lawak ng lugar. Inilibot niya pa ang paningin at sa gitna nun ay may isang malaking mermaid fountain at nagkikislapan ang iba't ibang ilaw. Tapos ay napapalibutan na ang buong bahay ng iba't ibang klas me ng bulaklak. This is literally a mansion! Sobrang laki ng bahay nila. Mabuti nalang talaga at sinundo siya kasi aabutin pa ata ng ilang minuto bago mo marating ang main entrance ng gate nila.
Inilapit lamang ng guard ang mukha niya sa video intercom at awtomatikong nagbukas na ang pinto niyon. Napaka high tech at sosyal! ang naibulalas ng kanyang isipan.
Pumasok sila't di niya talaga mapigilan na ilibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Minimal lang ang mga gamit na andun ngunit ang iilan naman na yun ay sa tingin niya milyones ang halaga gaya na lamang ng nakita niyang isang ubrang painting na maayos na nakasabit sa dingding. Habang naglalakad ay may nasasalubong din siyang ilang kasambahay na nakasuot pa ng uniporme na abalang naglilinis pa din sa ganuong oras.
"Ms. Mendez, sumakay nalang po kayo ng elevator. Nasa ikaapat na palapag po ang kwarto ni Sir Zeki." ang sambit ng driver.
Mag isa na lamang siyang pumasok sa elevator at pinindot na ang four button. Mabilis naman niyang narating iyon at nakita niya naman agad ang kwartong sinasabi ng driver dahil nasa bandang dulo daw iyon.
Huminga muna siya ng malalim at tsaka kumatok ng tatlong beses ngunit walang sumasagot. Ipinihit niya ang pinto at sakto naman na bukas iyon kaya pumasok na lamang siya. Inilibot niya ang paningin sa kwarto nito, hinahanap niya ang bulto ni Zeki ngunit bigo siyang makita iyon.
"Zeki? Zeki? ang tawag niya dito ngunit walang sumasagot. Narinig lamang niya ang lagaslas ng tubig na galing sa banyo.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Namamangha siya sa linis niyon. Minimal lang din ang gamit nito di kagaya sa bahay nila na nakatambak halos ng gamit dahil baka pwede pa daw iyon magamit pagdating ng araw.
Mayroon itong living area at napakalaking telebisyon. Umupo na muna siya couch at ng lumingon siya sa gilid ay nakita niya ang isang balkunahi. Excited siyang nagtungo dun at napanganga na lamang siya ng tignan niya ang labas niyon at tanaw ang napakalawak na field ng Watson University. Idagdag mo pa ang liwanag ng buwan at mga nagkikislapang butuin.
Idinipa niya ang dalawang kamay at nilanghap ng baga niya ang sariwang hangin niyon.
"Nakakarelax naman ang lugar na ito!"
"Enjoying the view?"
"Ay t*ti ng kabayo!" ang gulat niyang sambit. Napamulat pa siya ng marinig ang baritonong boses na iyon. Bigla nalang kumabog ang dibdib niya't agad na nilingon ito. Nanlaki pa ang mga mata niya sa nakita. Tumambad sa kanya si Zeki na bagong ligo, basa pa ang buhok nito na tumutulo pa sa flat nitong tiyan. Nakatapis ang tuwalya sa may bandang baba ngunit malaya nitong binalandera ang di pa kalakihan nitong katawan.
Tinakpan niya ang kanyang mga mata at mabilis na tumalikod sa binata ngunit huli na iyon dahil parang tumatak na sa isipan niya ang itsura nito lalo na ang hubad nitong katawan. Nag init pa ang mga pisngi niya ng tila ba mas humanga pa siya sa taglay nitong kapogian.
"Gago ka Zeki! Ba't lumabas kang nakaganyan!" ang kunwaring galit na turan niya dito para matakpan ang pagkapahiya.
"Hindi ko naman alam na andito ka na! Akala ko magnanakaw" anito. Tila ba di nito alintana na nakahubad ito sa harap niya. Narinig niya ang mga hakbang nitong papalapit sa kanya.
"Wag kang lumapit Zeki! Kung hindi, aalis ako dito at di na kita tuturuan pa! Bahala ka ng bumagsak para itakwil ka na ng magulang mo!" ang kinakàbahan niyang sigaw habang nakatalikod pa din dito.
"Relax baby! I was just teasing you." at humagalpak pa ito ng tawa.
"Magbihis ka na nga!" wari niya. Narinig naman niya ang mga hakbang nito na papalayo kaya dahan dahan siyang humarap at wala na nga ang lalaki doon. Pilit niyang kinakalma ang sarili lalo na ang puso niyang parang may nagkakarerang kabayo niyon. She take a deep breathe at pinikit pa ang mga mata.
"Kalma lang self, kalma lang" ang mahina niyang bulong sa sarili.
Makalipas lamang ng ilang minuto ay nakapagpalit na nga ito ng damit.
Nakangiti pa itong sinalubong siya.
Oh God! Ba't ba ganito na tong lalaki na ito! ang nasa isip niya dahil nag uumpisa na naman siyang kabahan sa harap nito. Na didistract talaga siya't tila ba hindi nag fufunction ang utak niya lalo na kung nasa harap niya ito. Wala siyang maisip na sasabihin hindi katulad nung suplado pa ito ay nagiging madaldal siya't nagiging palaban.
"Let's eat dinner first bago tayo magsimula." anito.
"H-huh? Ay naku! Okay lang dito nalang kita hihintayin. Busog pa naman ako." ang tanggi niya dahil wala naman sa usapan nila na pati pagkain ay sagot na niya at isa pa'y nahihiya din siya dito.
"Are you sure?" ang tanong nito. Malamlam pa itong nakatingin sa kanya. Tumango lamang siya ngunit di nakiayon sa kanya ang tiyan niya. Bigla nalang tumunog iyon na para bang nagrereklamo na ang mga bulate niya sa tiyan.
"Ah sorry hangin lang iyon" ang pagsisinungaling niya. Sa totoo lang ay di na siya nakapag hapunan pa dahil dumating agad ang driver na magsusundo sa kanya. Sanay naman siyang magtiis sa gutom. Maraming beses na niyang ginawa iyon ngunit sa pagkakataon na iyon ng yayain siya ni Zeki tila ba ang tiyan na niya ang gumawa ng paraan upang marinig ng lalaki ang hinaing niyon.
"Come on! Kumain na muna tayo. Ayokong makinig sa taong gutom at baka mapagkamalan mo pa akong pagkain at malapa mo." ang biro nito sa kanya. Hinila na siya nito at di na siya nag reklamo pa. Nagpatianod na lamang siya sa gusto nito.