"Manang Bebang okay na po ba ang pinahanda kung pagkain?" ani Zeki na tumawag pa sa telepono na konektado sa baba. Naisip niya na baka ganito talaga ang mga mayayàman, tinatawag nalang nila kung meron silang kailangan.
"Ahh sige po diyan na po kami sa baba kakain." dagdag pa nito.
"Tara na?" aya nito sa kanya sabay ngiti at lumitaw pa ang puti at pantay nitong mga ngipin. Biglang parang may humalukay sa tiyan niya lalo na ng magtama ang tingin nila sa isa't isa. Ang mga mata nito na kumikislap sa tuwa at ang paghawak pa din nito sa kamay nila niya ay nagbibigay kiliti sa kabaituran niya ngunit iniiisip na lamang niya na marahil ay sa pagka gutom lamang iyon.
Di pa rin nito binibitawan ang kamay niya hanggang sa makasakay na sila ng elevator pababa.
"Ah Zeki yung kamay ko pwede mo ng bitawan" she said. Napatingin naman ang binata sa magkasalikop nilang kamay at tila natauhan ito sa ginawa.
Agad pa nitong iniwakli ang kamay niya na para bang nandidiri na nahawakan iyon. Pero imbes na magalit siya sa lalaki ay lihim pa siyang natutuwa dahil halata naman na ginawa niya lamang iyon upang matakpan ang pagkapahiya.
"Ano ba yang kamay mo makalyo! Kamay babae ba yan?" ang angal pa nito.
"Kung makalyo ang kamay ko bakit mo hinawakan hanggang makarating tayo dito?" ang patudya niyang sagot dito.
"Ang bagal mo kasi! Gutom nako kaya kailangan pa kitang kaladkarin dahil napaka iksi ng mga binti mo." anito.
Agad naman siyang tumingin sa mga binti niya. 5'5 ft ang height niya at sakto lang naman iyon sa isang babae.
"Matangkad ka lang kaya nasasabi mo yan! Amp!" inismiran niya pa ito.
Ngunit humagikhik lamang ito't mahinang kinurot ang magkabilang pisngi niya dahilan upang mapangiwi siya sa sakit. Sa laki ba naman ng kamay nito ay medyo masakit talaga iyon para sa kanya.
"Ang ganda mo" ang turan pa nito. Bigla namang nagbukas ang elevator at agad itong lumabas. Nakasunod lamang siya sa bulto nito na nagtungo sa kusina. Namula naman ang mukha niya ng isipin ang sinabi nito. Di niya alam kung compliment ba iyon or sadyang binibiro lamang siya nito. Pero may parte ng puso niya na nag aasam na sana nga ay ganito na lang lagi ang pakikitungo ni Zeki sa kanya dahil mas nagugustuhan niya ang ganitong side ng binata.
"Good evening po Manang" ang bati ni Zeki dito. Nakatalikod ito sa kanila at abala sa nilulutong pagkain. Hindi man lang ito tumingin.
"Zeki, pumunta na kayo sa dining table malapit ng maluto ito." ang sambit ng matandang babae na sa pagkakarinig niya ay si Manang Bebang ito.
Lumapit naman ang binata at bahagyang ipinatong nito ang ulo sa balikat ni Manang Bebang. Tinitignan din nito ang niluluto ng ginang. Parang hinaplos ang puso niya sa nakikita niya. Ibang iba sa Zeki na nakilala niya sa school na mahangin at hambog.
"Wow my favorite! The best ka po talaga Manang." ang bulalas pa nito.
"May ipapakilala po pala ako sa inyo." sambit nito at umayos na ng tayo.
"Ay naku Zeki alam ko na kung sino yan! At wala na akong pakialam kung marinig niya pa mismo sa bibig ko. Diba sinabi ko na sa iyo na mag move on ka na diyan sa babaeng yan! Ginagamit ka lang niyan! Tignan mo, sinayang mo lang yung mga tao--" Nang nilingon sila ng ginang ay agad naman itong napahinto at tumitig kay Maeve na sa sandaling iyon ay mahigpit na nakahawakaa bag niya't medyo nahihiya pa.
"Oh my goodness! Napaka gandang bata naman ere! Akala ko e isang diwata na bumaba dito sa lupa e. Anong pangalan mo iha?" ang manghang naisambit nito at lumapit pa ang ginang sa kanya at sabay yakap.
"Salamat po. Ako po si Maeve Ma'am" aniya
"Ano ka ba, tawagin mo na din akong Manang Bebang. Girlfriend ka ba ni Zeki iha?" ang tanong nito sa kanya ngunit agad naman siyang umiling dito.
"Hindi po, ako po ang personal tutor ni Zeki" ang mabilis niyang tanggi dito. Ayaw niya kasi baka iba ang iisipin nila lalo na't magkasama sila sa kwarto mamaya ng lalaki.
"Ah ganun ba? Sabagay kailangan talaga yan ng alaga ko, di na kasi siya nakapag focus simula nu--" naputol ang sasabihin nito ng biglang sumingit si Zeki.
"Ah Manang Bebang doon na po muna kami ni Maeve sa dining table. Bye po" and then he gave her a fake smile.
Itinulak tulak naman siya ng mahina ni Zeki at hinarang pa ang katawan nito upang di na niya makita pa ang ginang. Naiwan si Manang Bebang na sa huling tingin niya ay umiling iling pa ito. Pinatalikod siya ni Zeki at ang mga kamay nito ay nasa balikat niya't kinuyog na palabas ng kusina.
"May sasabihin pa ata si Manang Bebang" ang patudya niyang sambit.
"Ah wala, wag mo nalang pansinin si Manang." nasa balikat niya pa ang kamay nito at ramdam niya ang panlalamig niyon na akala mo'y kinakabahan. May namuo pang butil ng pawis sa noo kahit di naman mainit sa loob ng kusina.
Nakaupo na sila sa mahabang lamesa na iyon. Walang umiimik sa kanilang dalawa kaya iginala na lamang ni Maeve ang paningin sa paligid upang maiwasan niyang tignan ang lalaki. Napakalaki ng bahay nila pero napakatahimik din. Ang daming bakanteng upuan ngunit parang mag isa lamang si Zeki dito bukod kay Manang Bebang, sa driver at yung kasambahay na nakita niya kanina.
"Hmm Zeki, nasaan pala ang mga magulang mo?" ang sa wakas ay naitanong niya upang mabawasan naman ang awkward moment na iyon.
Natigilan naman ito at bahagyang nagpakawala ng buntong hininga. Tumingin ito sa kanya na may lungkot sa mga mata nito.
"Lagi silang busy at bibihira lang silang umuwi dito sa bahay. Lagi silang may business trip, out of the country pa." ngumiti ito pero hindi maitatanggi ang matinding pangungulila sa magulang.
She put her hands into him at marahang hinaplos haplos iyon. Nararamdaman din niya kasi ang feeling nito lalo na nung bata pa siya ay hinahanap hanap niya din ang presensiya ng kanyang ama ngunit kalaunan ay malugod na niyang tinaggap sa sarili na baka kinalimutan na siya nito. At kahit ngayon na dise sais na siya ay pa minsan minsan sumasagi pa din sa isip niya ang ama lalo na ngayon na kailangan niya ng suporta dahil may sakit ang nanay niya.
"But it's okay, andito naman si Manang Bebang tinuring ko na din siya na parang tunay kung inay. Siya na ang nag alaga sa akin simula pagkabata kaya mahal na mahal ko iyan." ang masaya na nitong sambit. Kaya pala ganun na lamang ito ka close sa ginang dahil ito na ang tumayong pangalawang magulang nito.
"Andito na ang niluto kung ulam para sa inyo." ang masayang bungad ni Manang Bebang kakalabas lamang nito sa kitchen. May bitbit ito ng isang puting bowl.
Biglang binawi ni Maeve ang kamay niya at mabilis na itinago iyon sa ilalim ng mesa. Inilapag naman ni Manang Bebang sa mesa ang niluto nitong pork adobo. Natatakam siyang tinignan iyon. Amoy palang ulam na! Mas lalong nagwala ang mga bulate niya sa tiyan.
"Ay teka lang, kukunin ko lang ang mga kubyertos at ang kanin na din." anito.
"Tutulungan ko na po kayo Manang Bebang." at tumayo na siya't sumunod na lamang sa ginang papuntang kitchen area. Yun kasi ang nakasanayan niya sa bahay nila na tumutulong sa hapag bago kumain.
"Napakabait mo namang bata Maeve. Oh siya sige, halika't may sinigang na bangus pa doon" ang nakangiti pa nitong sambit sa kanya.
Nang mailagay na sa lamesa ang lahat ng pagkain ay umupo na si Maeve sa gilid ni Zeki.
"Manang, sumabay na po kayo sa amin." hinila pa ni Zeki ang kamay ng ginang at iginiya nito sa kabilang upuan. Magkaharap na sila at si Manang Bebang.
Magana niyang nilantakan ang nakahaing pagkain sa hapag. Hindi na siya nahiya pa dahil nakagaanan na din naman niya ng loob si Manang Bebang. Bukod sa masarap ang luto ng ginang ay gutom na gutom na din kasi siya. Nung nagkasakit kasi ang nanay niya ay bihira na lamang siyang makatikim ng ganoong ulam kadalasan kasi ay sardinas lamang tas hahaluan ng gulay para may sustansiya pa din sila.
Hinigop niya ang mainit na sabaw ng sinigang. Kahit napapangiwi na siya sa asim ay tuloy pa din niyon dahil tila ba napapawi niyon ang konting kirot sa sikmura niya.
"Iha, dahan dahan at baka mabilaukan ka anak." ang usal ni Manang Bebang sa kanya.
Natigilan siya saglit dahil sa pagtawag nito sa kanya ng anak. Kay sarap pakinggan iyon at nakakagaan ng loob lalo na yung boses ni Manang na napakalambing.
"Okay lang po Manang, ang sarap po kasi ng niluto niyo." ang nakangiti niyang sambit dito at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Nakita niya si Zeki na ganoon din, halos malapit na nitong maubos ang kanin sa plato.
"Nakakatuwa naman kayong pagmasdan dalawa. Bagay na bagay kayo." ang naibulalas nito.
"Sana kayo ang magkatuluyan. I can't wait sa magiging anak ninyo." dagdag pa nito at pumalakpak pa sa sobrang tuwa sa naisip.
Nabilaukan naman siya sa sinabi nito at napaubo pa. Di niya kasi inaasahan na ganun ang maisambit mg ginang gayung napakabata pa nila para sa ganyan.
"Okay ka lang ba Maeve?" nag aalala ang tono ng boses ni Zeki ng himas himasin nito ang likuran niya at iniabot din nito ang isang basong tubig. Nakita din niya si Manang Bebang na napatayo pa't nag aalala din ang mukha nito.
"H-huh? Oo O-okay lang ako" ang naluluha niyang sambit dito. Agad niya namang hinawi ang pagkakahawak ng lalaki sa likuran niya dahil nagsisimula na namang bumilis ang t***k ng puso niya. Ayaw niyang ito pa ang maging hadlang upang di niya magawa ng maayos ang pagtuturo nito sa lalaki. Kailangan ko ng pera para kay nanay! ang paulit ulit na paalala sa utak niya.