Pagkatapos kumain ay umakyat ulit sila sa kwarto ni Zeki. Pagkapasok ay nasipat niya pa ang orasan na nakasabit sa dingding. Mag aalas otso na pala ng gabi at kailangan niyang umuwi ng maaga dahil may pasok pa siya kinabukasan sa coffee shop. Agad niyang tinungo ang balkunahi at umupo muna saglit doon. Madilim ang paligid sa gawing iyon at ang tanging liwanag lamang ng buwan ang siyang nagsisilbing ilaw niya. Tumingala siya't pinagmasdan ang bilog na buwan. Iniisip niya ang kanyang ina kung ano na ang ginagawa nito sa mga oras na iyon. Ayaw man niyang iwan ito ngunit kailangan niyang kumayod para makahanap ng pera. Biglang sumagi sa isip niya ang kanyang ama. Kumusta na kaya ito? Kahit iniwan sila nito ay di siya nagtanim ng sama ng loob dito. Ayun kasi ang laging bilin ng kanyang ina

