BIANCA'S POINT OF VIEW Pagkarating namin sa mansyon, lahat ay tahimik. Wala kang makikitang mali. Walang dumi, walang patak ng dugo, walang tao, as in ang linis. 'Yung kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pagtataka. Where's the people? Nilibot ko ang aking paningin, aba, maski sasakyan na maaaring ginamit ng mga pulisya ay wala. Nasaan sila? "What the hell?" mura ni Marvin. Malamang ay nagtataka rin siya sa aming nadatnan. "They must be somewhere in the underground." natatarantang bigkas ni Shang. Binabalot ng pag-aalala ang kaniyang mukha. "Then let's go." wika ni Marco saka ninakaw ang kamay ko. Saglit akong napatingin sa kaniya at sabay-sabay kaming tumakbo patungo roon. Nag-elevator lamang kami upang marating namin ang underground dahil kung tatakbuhin lang namin iyon,

