BIANCA'S POINT OF VIEW Sa magka-ibang upuan, kami ay iginapos. Tipikal na upuan lamang ito, ang aming kamay ay kanilang itinali sa likuran ng upuan, tinali rin nila ang aming mga paa. Mabait kaming sumunod sa kanilang pinag-uutos, hindi na kami pumalag dahil mas marami sila kung ikukumpara sa amin. One fourth na lang ng tauhan ni Marco ang naiwang loyal sa kaniya, at sila ay kasamang iginapos sa amin. How could they do this to Marco? He trusted them tapos ganito ang kanilang ganti? Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganiyan si Aljon, hindi naman siya masama sa aking pagkakakilala. Medyo mainitin lamang ang ulo ngunit hindi ko inaasahan na siya pala ay kasing sama tulad ng pinapakita niya ngayon. Siya at si France ay kasalukuyang nakaupo sa aming harapan, nagyoyosi at nagchi-chill.

