CHAPTER 8: Gun's Noise

3065 Words
GRACE'S POINT OF VIEW Sobrang lapad siguro ng ngiti ng araw ngayon, ang hapdi sa balat ng sinag eh. Ngayon ay dadalawin ko ang mahal na mahal na mahal kong papa. Preskong bulaklak ang aking dala at kaunting pagkain. Miss na miss ko na ang papa ko. No'ng ako'y nakarating na, ang una kong ginawa ay inalay ang dala kong bulaklak at nagsindi ng kandila. Nilinis ko ang gilid gilid ng bahay niya dahil napupuno na ito ng mga patay na dahon. Medyo matagal na rin ang huling dalaw ko sa kaniya. "Pa, ang dami kong ikukwento sa'yo." sabi ko sabay latag ng maliit na banig na dala ko. "Marami nang nangyari sa buhay ko, pero ayos lang po ako. Siyempre pinalaki niyo akong masipag at matatag." Isa-isa kong kinuha ang mga pagkain na dala ko, at saka inayos ang mga ito. "Mahirap pala ang buhay Papa, lalo na kapag nag-iisa ka." "Sa tuwing nagkakasakit ako, sarili ko lang ang nag-aalaga sa akin. Ito ang rason kung bakit sobra kong inaalagaan ang sarili ko Papa. Ayaw ko magkasakit, mahirap." "Sa t'wing hindi ko na kaya ang problema, I have no one to cry on." "Miss ko na 'yung luto mo, papa. 'Yung feeling na uuwi ako ng bahay galing paaralan, tapos may masarap na niluto ka nang ipapakain sa akin." "Tamang yakap at halik lang sa'yo, pasasalamat sa lahat." "Nakaka-miss maging bata, pa. Nakaka-miss 'yung mga panahon na nasa pangangalaga mo pa ako." "'Yung kapag nadadapa ako, tinatayo mo ako. Kapag nasusugatan, ginagamot mo. Kapag umiiyak, niyayakap mo ako at pinapatahan." "A-Ang dami.. Ang dami kong nais, papa. Nais ko maibalik 'yung dati." Unti-unti na ngang pumatak ang aking mga luha, "Sa ngayon po, ngiti lamang ang kaya kong ibigay sa lahat, ngunit sa kaloob-looban ko ay pagod... pagod na pagod na ako, papa." "Hindi po ako napapagod mabuhay sa mundo. Napapagod po ako sa mga bagay na ginagawa ko, mabuhay ko lang ang sarili ko." "Papa, iniwan mo ako sa panahong hindi pa ako handa, pero alam ko naman na pinagdadasal niyo ako sa panginoon." Nanlabo na nga nang tuluyan ang aking paningin dala ng libo-libong luha na aking pinapakawalan. Sobrang sakit, ngayon ko lang naibuhos ang lahat. Papa is a good listener. "S-Salamat, papa. Alam ko po na ayaw niyo ako iwan, at hindi mo sariling desisyon ang iwan ako. Naiintindihan ko po. Kahit pagod na po ako, hindi ako dapat sumuko. Kinakailangan kong hawakan ang pangarap nating dalawa." "Pangako po, matutupad iyon," "Pangako, hindi ako susuko. Mapapagod pero hindi susuko! I love you, papa!" Kumuha ako ng face towel and I wiped my tears. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Libo-libo ang dinadala ko at lahat nang iyon ay naibuhos ko sa papa ko. Kay papa pa rin pala ako lalambot, siya pa rin 'yung taong pinagkakatiwalaan ko, at siya lang ang taong makakapagpagaan sa bigat na nararamdaman ko. It will always be him. There is no man like my papa, nag-iisa lang siya at kahit na wala na siya sa mundong ito, walang makakapagbago sa pagmamahal ko sa kaniya. Bakit? Dahil naging mabuti siyang magulang sa akin. Pinalaki niya ako nang mag-isa at kailan ma'y hindi siya nagkulang. Sobra-sobra ang sakripisyo niya sa akin, to the point na nahihiya na ako dahil wala man lang akong magawa upang masuklian siya. Kahit na ang sakit, sinaktan niya ako nang sobra no'ng iwan niya ako, siya pa rin ang the best papa in the world! Siya 'yung taong umalis, pero mahal na mahal ko pa rin kahit ilang dekada pa ang lumipas. Hindi naman namin ginusto na magkawalay kami, tadhana iyon, kapalaran. At sobrang sakit ng kapalaran namin. A parent will always be a parent no matter what. Si papa, hindi kami mayaman pero hindi siya nagkulang sa akin. Sobra ang sakripisyo niya at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagiging papa niya sa akin, dahil nandito siya, nandito sa puso ko. Kahit na pagod na ako, may nagtutulak pa rin sa akin upang magpakatatag, iyon ay ang pangarap namin. Pero alam ko na may mas malalim pa na dahilan, iyon ay dahil nandito si papa sa puso ko. I am really blessed to have him and being his daughter is the best thing ever! Marami pa akong naikwento kay papa, umabot ako ng tatlong oras doon bago ako umuwi sa dorm. Para akong espongha na sobrang napiga at nawalan ng tubig no'ng namaalam na ako kay papa. Para bang naramdaman ko kaagad ang presensya ng kasiyahan at gaan. --- Ilang taon na ang lumipas, guess what? I've been the overall top straight for four years hanggang sa nakapag-graduate na kami. Unti-unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko. Ang kasunod ko sa ranking ay si Angel, wala na si Winston eh, nauna nang grumaduate. There were so many things happened. Mas lalo kaming naging close nina Shang at Jane na para bang magkakapatid na kami. Si Angel naman ay walang pinagbago, ang sama pa rin ng ugali at nagpatuloy siya sa pamemeste sa akin. Pero kahit anong pilit niya, hinding-hindi niya ako malalamangan. At isa sa mga nakakaalertong pangyayaring naganap sa buhay ko ay 'yung sagutin ko si Winston. Tama ang nabasa niyo, SINAGOT KO SI WINSTON. OO KAMI NA, IN A RELATIONSHIP NA KAMI. Sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya. Ang effort niya kasi eh, at hindi naman pala siya mahirap mahalin. Napatunayan nga niyang mahal niya talaga ako. Do'n ko rin naturuan ang sarili ko na magmahal, after all, hindi pala mangmang ang magmahal. Para ko lamang nilamon ang mga nasabi ko noon. Tanggap na nila Shang at Jane ang relasyon namin, sa katunayan nga eh boto pa sila. Legal na rin kami sa parents nila. Lahat ay sang-ayon sa relasyon namin maliban na lang kay Angel, demoñita. Matagal na pala siyang may gusto kay Winston, ayaw lang talaga sa kaniya ng boyfriend ko. Psh, paano naman magkakagusto sa kaniya eh ang sama ng ugali. --- Pagkagraduate namin ay nagtayo kami ng business namin, ako, si Shang at Jane ang head of business. Sa awa ng Diyos ay agad na lumago ang business. Nakapagpatayo kami ng napakalaking building para rito, and we also lend our hands for scholarships. Sunod sunod na biyaya ang dumating sa buhay ko. Hanggang sa hindi ko na kinakailangang mag-overtime para lang mapakain ang sarili ko, hindi ko na kinakailangang sundin ang iba para lang hindi mawala ang pinaghirapan ko, hindi ko na kinakailangang mag-commute para makapunta sa nais ko. Ang daming pagbabago sa buhay ko. Sobra akong nakaluwag. Hindi mangyayari ito kung wala ang mga kaibigan ko at ang boyfriend ko. Si Winston ay chief of police na, o COP. At si Angel ay ewan, wala na kaming balita sa kaniya. May nakapagsabi na lumipad na raw siya papuntang America, mas mabuti na rin iyon dahil wala nang mamemeste sa akin. "Grace, may nagbigay ng solicitation letter sa atin." wika ni Shang no'ng ako'y makapasok sa office. "Kanino galing?" tanong ko at umupo na sa aking desk. "Philanthropic office," "Sige, tulungan natin." Tumango siya at tinawag ang kaniyang secretary sa telepono. Agad namang nagsumite ang sekretarya niya. "Grabe na ang achievements natin." laglag panga kong sinabi habang natutok sa laptop. Pinagmamasdan ko ang mga target na nakamit namin this month. Amazing. "At hindi mangyayari iyan kung watak watak tayong tatlo." nakangiting sagot ni Jane at saka humigop ng kape. "Tama, laking pasasamat ko dahil nabangga ko kayo no'ng first day of school." natatawang bigkas ni Shang. Agad namang nag-flashback sa amin ang nangyari kaya natawa kami. Iyon pala 'yung simula ng aming pagkakaibigan. Nakakatawa, na nakaka-miss. Imagine, magwawalong taon na ang pagkakaibigan namin at mas lalo kaming naging matatag. Marami pa kaming alaala na babalik-balikan. Sa haba ba naman ng walong taon, nakaipon-ipon na kami ng memories haha. "Laking pasasalamat ko rin dahil inunfriend ko si Angel, kung hindi, nako, baka hindi kayo ang mga best friend ko." natatawang sabi ni Jane. "Laking pasasalamat ko rin dahil naging FC si Jane no'ng first day," biro ko. "FC?" Tumango ako, "Feeling close," natatawa kong sagot. Kinuha ni Jane ang cotton niya sa bag at tinapon iyon diretso sa 'king mukha, "FC pala ha," Kinuha ko iyon at binato sa kaniya pabalik, "Catch!" sabi ko sabay bato ng cotton at tumama rin iyon sa mukha niya hahaha. Ibabato niya sana pabalik sa akin 'yung cotton kaso nadulas siya at tumama iyon sa balikat ni Shang. Nauwi kaming tatlo sa batu-batuhan. Parang mga bata talaga. We never get old. Naglaro kami sa office, naghabulan hanggang sa nagkalat na ang laman ng cotton. "Hala kayo, lagot kayo sa tagalinis," pananakot ko. "Ba't kami lang? Kasali ka naman ah," hinihingal na wika ni Shang. "Hay nako, linisin na lang natin 'to para hindi mapagod si Aleng tagalinis." pagbibigay ideya ni Jane na siyang pinagsang-ayunan namin. We already started cleaning at pamaya-maya'y may kumatok sa pinto ng office namin. "Come in," wika ni Jane. Bumukas ang pinto at agad na tumalon ang puso ko nang si Winston ang iluwa nito. Nakauniporme pa siya. "Oh kuya, anong dala mo?" bungad ni Shang. Napatingin si Winston sa dala niya, "Donuts, pero para kay Grace lang 'to." Napasimangot kaagad si Shang samantalang natawa lang si Jane. "Dapat kasi dinadalhan mo rin kami ng pagkain," natatawang sabi ni Jane. "Oo nga naman love, tingnan mo 'tong sister in law ko mukhang gutom na." biro ko. Napakamot si Shang sa batok niya, "Hindi bale na lang, hihintayin ko na lamang dumating ang prince charming ko. Papainggitin ko talaga kayong dalawa." sabi niya sabay turo sa amin ni Winston. Gaging batang 'to, nangangarap ng prince charming. "Sino naman ang prince charming na iyon?" natatawa kong tanong. "Baka si Prince Hans," sinakyan naman ako ni Jane, saka siya tumawa. "O baka si Olaf," isa pa 'tong si Winston na nakikisabay din. Napasimangot si Shang at inikutan kami ng mata, "Basta, hintayin niyo lang talaga na dumating ang prince charming ko. Mabubusog din ako sa mga pasalubong niya, mamatay kayo sa inggit." mas lalo kaming napahalakhak sa sinabi niya. "HAHAHA! Biro lang bunso, para sa inyong tatlo talaga 'tong donuts. Alam mo namang love ka ni kuya." Ani Winston at kumaripas ng takbo patungo sa dako ni Shang at niyakap ito. Magmula no'ng naging kami ni Winston, naging close na rin sila ni Shang. "Ngiih, ayaw ko na. Sa inyo na 'yang donuts." sabi niya sabay tulak kay Winston. Naku po, nagtampo. "Aysus, nagtampo ang bunso namin. Pero 'wag ka mas lalong magtatampo ha?" "Bakit kuya?" "Hihiramin ko lang saglit si Grace." wika ni Winston sabay sulyap sa akin. Napangiti tuloy ako. "Ayos lang," walang emosyong sabi ni Shang. "Ayos lang, basta sa amin na 'tong donuts." si Jane nama'y kinuha ang supot ng donuts. Baliw talaga 'tong mga kaibigan ko, walang kupas ang pagka-childish. Pagkagat ng alas tres ay umalis na kami ni Winston sa office. Nag-foodtrip kami pagkatapos ay dinala niya ako sa tahimik na lugar. "Ang bilis ng panahon," wika niya kasabay ng pagbalot ng preskong hangin sa amin. Tumingin ako sa mga mata niyang kumikinang na para bang sinasabi nito na ako lang ang babaeng mamahalin niya, "Parang kailangan lang," dugtong ko sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko, "Happy third anniversary, love." Nalaglag ang panga ko at bumilog ang mga mata. Sh*t! Anniversary pala namin ngayon! How can I forget that special day?! Napaka-stupid ko naman! Stupid! Stupid! Stupid! "I-I'm so, so, sorry love. H-Hindi ko naaalala. Hindi k-ko rin alam sa sarili k—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla niya na lang ako halikan sa labi. Marahan niya akong hinalikan at dinamdam ang aking labi. His chest is pressing against mine to the extent na nararamdaman ko na ang t***k ng puso niya. Marahan niyang nilakad ang kaniyang kamay patungo sa aking likuran at ako'y mas tinulak papunta sa kaniya. He is already squeezing me. Humalik ako pabalik at pinikit ang aking mga mata. I am kissing the man I love. After he kissed me, inayos niya ang buhok ko, he put my hair behind my ear. Pinagmasdan niya ng ilang segundo ang aking mga mata kaya nama'y pinagmasdan ko rin ang kaniyang kayumangging mga mata na nakakaakit. "Ayos lang iyon, mahal naman kita." Tumalon ang puso ko sa sinabi niya at napaluha na lamang ako sa tuwa. This man is loving me so much. Naiinis ako sa sarili ko dahil napaka-stupid ko, hindi ko dapat nakakalimutan ang mga espesyal na araw sa buhay ko. "Mahal din kita," At binigyan ko siya ng napakahigpit na yakap. Kaya niya pala ako hiniram kila Jane at Shang, anniversary pala namin. Ang tanga ko talaga, hays. Naglibot-libot muna kami hanggang sa nilamon na ng dilim ang kapaligiran. Hawak kamay kaming naglalakad sa kung saan kami dalhin ng aming mga paa. Ang sarap sa pakiramdam ang maglakad kasama ang taong mahal mo. Tsk, from enemy to lovers, grabe, real quick. Habang kami ay kumakain ng qwek-qwek sa tabing daan, biglang umalingawngaw ang sunod sunod na putok ng baril sa paligid. Naalerto ang lahat, ako nama'y natakot at nabitawan pa ang kinakain kong qwek-qwek. "Grace, remain low," Bulong ni Winston sa akin habang dali-daling binaba ang aking ulo, pinipilit na maitago sa sementadong upuan. Kinuha niya ang kaniyang baril sa pocket at kinasa ito. Marahan at maingat siyang sumulyap sa paligid, ako ay nanginginig na sa takot. Sino ang nagpaputok? "Stay here," "B-But Winston, 'wag m-mo 'ko iwan, natatakot ako," Hinalikan niya ako sa noo at iniabot sa akin ang baril niya, "H'wag kang matakot, babalik ako kaagad. Barilin mo ang dapat na barilin, alam kong matalino ka mahal ko." Hindi pa ako nakakapagsalita ay maingat na siyang tumakbo patungo sa eksaktong dako kung saan nagmula ang tunog ng tirada. Kinabahan ako bigla, baka mapaano siya. Kita ko pa rin siya sa 'di kalayuan, nagtago siya sa pader at kinasa ang ekstra niyang baril. Napahawak ako sa dibdib ko at napunta ang aking tingin sa baril na hawak ko. Nanginginig na hinawakan ko ito nang maigi. Pinagmasdan ko ang kapaligiran na ngayon ay wala nang taong makikita dahil lahat ay natakot at tumakbo. Maya-maya pa'y may mga pulisya nang dumating. Salamat sa Diyos! Sumilip ako at nakita ang boyfriend ko na kausap ang mga kasama niyang pulis. His eyes landed on me kaya nama'y naparito siya kaagad sa kinaroroonan ko. "Ayos ka lang ba?" tanong niya nang siya'y makalapit. Tumango ako, "Anong nangyari love?" "Dead, killed. Ngayon ay maghahanap kami ng witness sa krimeng ito." Tumaas ang mga balahibo ko at napahawak sa aking bibig, "Mabuti na lang hindi tayo nadamay, malapit lang pala rito ang crime scene." "Oo, aalamin pa namin ang ugat ng krimen." Niyakap ko siya, "Love, mag-iingat kayo sa misyon niyo ngayon. Delikado." naluluha kong sinabi. "Nothing bad will happen to me, love. Don't worry, hindi kita iiwan, pinangako ko ito sa papa mo at tutuparin ko iyon." Kumalas ako at pinunasan ang basa kong pisngi. "Sa ngayon ay iuuwi muna kita, delikado ang lugar na 'to. Maaaring nandito pa ang suspek." wika niya at dali-daling kinuha ang kotse niya. Kinausap niya saglit ang mga kapwa niya pulis at saka niya ako hinatid pauwi. Pagkatapos no'n ay bumalik pa siya sa crime scene dahil kailangan daw siya do'n. Napapaluha na lamang ako habang nagdadasal para sa kapakanan niya. Paano kung naroon pa nga ang mga gumawa no'n? Paano kung ambushin sila? Diyos ko. H'wag naman sana. Parang gusto ko na lamang na umalis siya sa pagiging pulis niya, nakakatakot, napakadelikado. --- Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak at kakahintay sa update ni Winston sa akin. Pagmulat ko sa'king mga mata, cellphone ang agad na hinawakan ko. Puro missed calls at texts ni Winston ang bumungad sa akin. Binasa ko ang lahat at gumaan ang sikip na nararamdaman ko nang malamang nakauwi siya nang ligtas kagabi. Ngayong umaga ay nag-iwan na naman siya ng mensahe, medyo magiging busy raw siya sa trabaho niya dahil siya ang naka-assign sa kaso. Hahanap sila ng saksi at ebidensya, o bakas, o kahit anong pwedeng panggamit upang mahuli ang salarin. Sumisikip na naman ang dibdib ko. He loves his job so much at gusto ko na umalis na siya sa trabaho niya, papayag kaya siya? Huhu, nasasaktan ako kahit wala pang nangyayari. I must probably stay positive and pray, pero bilang girlfriend niya, hindi maiwasan ang mag-alala para sa kaniya. Naghanda na ako, naligo, nagbihis at kumain, saka nagtungo na sa opisina. Naabutan ko si Shang at Jane na nagkakape sa loob. "Have you heard the news about last night?" tanong ni Shang. Nagtungo ako sa table ko at nilapag ang shoulder bag ko, "We were there, at the exact time." "What?" napatayo si Shang sa sobrang gulat, "A-Are you okay? How about my kuya?" "Halaka, seryoso ka ba, Grace? Buti naman hindi kayo napano." pag-aalala ni Jane. Umupo ako at napahawak sa aking noo, pakiramdam ko ay puputok ang mga ugat ko, "Iyon nga ang pinoproblema ko, si Winston ang naka-assign sa kasong iyan. Paano kung siya ang puntiryahin ng mga kriminal upang hindi sila mahanap?" Napahawak sa bibig si Shang, "Oh my gosh, ipapaalam ko 'to kila Mommy at Daddy." "Grace, magdasal lang tayo, okay? H'wag ka masyadong negative baka magkasakit ka kakaisip." wika ni Jane. I don't really know, be positive? I guess I must. Pero ang hirap, sumisikip ang dibdib ko. Minsan na rin ako nawalan ng mahal sa buhay, si Papa iyon at ayaw ko na maulit na naman. Baka hindi ko na kakayanin pa, baka ikakamatay ko na. Baka kakausapin ko na lang si Winston. I will make him quit his job, pero baka aayaw siya. He loves his job so much! At mahal ko siya, hindi ako mapakali, kinakabahan ako! EWAN KO BA! gulong-gulo na ako. Marahil ay na-trauma na ako sa pagkawala ni Papa noon, halos hindi ko matanggap at sobra akong nahirapan sa buhay ko. Baka history will repeat itself na naman, ayaw ko. Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na maiwan na naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD