GRACE'S POINT OF VIEW
"Love, please, nag-aalala lang ako para sa'yo." wika ng bibig ko kasabay ng pagpatak ng aking luha.
Ang krimeng nangyari noong gabing iyon ay nadagdagan pa ng dalawa. Sinasabing iisa lamang ang salarin, ngunit hindi pa nakatitiyak. Si Winston pa rin ang hahawak sa kasong iyon at ako ay natatakot para sa mahal ko. Masyadong brutal ang pagkakapatay sa mga biktima, hindi pa alam ang rason ngunit alerto ang lahat na ang tao sa likod nito ay makapangyarihan, mabangis at demonyo.
Alam kong nasa tama ako, tama lang 'tong nararamdaman ko dahil mahal ko siya, nag-aalala lang ako para sa kaniya. Call me selfish, but I cannot lose my love for the justice of someone. I won't let that happen. Minsan na akong nasaktan, naiwan, namatayan, ayaw ko na maulit pa. Ayaw ko na maulit pa ang bangungot na iyon.
Hinipo niya ang aking magkabilang balikat, "Trust me, walang masamang mangyayari sa akin."
Ang luha ko ay nauwi sa hagulgol. Bakit ba ayaw niya maniwala sa akin? Bakit ba ayaw niya sundin ang sinasabi ko? Para sa kaniya 'to, para sa amin, at para sa akin.,
"Mahal mo ba ako?"
His thumb went to my chin, he kissed thoroughly and eyes were closed as I feel the tenderness and truthfulness of his lips. Ang luha ko ay patuloy pa ring dumadaloy habang dinadamdam ko ang halik niya.
Matapos ay tinutukan niya ako ng titig at sinabing, "Mahal na mahal,"
"Then, quit your job, for me."
Natahimik siya at dumistansya sa akin nang kaunti. Huminga siya nang malalim at natahimik ng ilang segundo.
"My job is my passion," mahina niyang binigkas.
"It will harm you,"
"It won't."
"Paano ka nakakasigurado? Tao ka lang, tao ka rin tulad ko, tulad namin. Hindi ka Diyos upang masabi mo iyan."
Hinawakan niya ang aking kamay at ipinwesto ito sa kaniyang dibdib, "I will take care of myself, because I love you. I promise you this."
I trust him so much! But the culprit is unworthy to be trust. Hindi dapat na magkumpyansa dahil kahit anong oras ay maaaring gapangin siya ng salarin. Maaaring habang tulog siya, habang wala siyang baril, habang mahina at wala siyang lakas upang protektahan ang sarili niya, at maraming paraan ang salarin upang magawa lamang nito ang krimeng gugustuhin niya. Si Iron man nga napatay pa, ano na lang kaya kaming mga normal na tao?
Umiiyak ako nang ako ay lisanin niya, siya ay tutungo na sa trabaho. Medyo mawawalan daw muna siya ng oras dahil ilalaan niya ang buong oras niya sa paghahanap sa mga salarin. I am so fvcking worried about him.
---
"He has many choices," I said as I sipped my milktea.
Ngayon ay nasa kilalang resto kaming tatlo nina Shang at Jane, I invited them to join me dahil gulong-gulo na ako. Gusto ko muna i-relax ang mga namamaga kong mata at ang pagod kong kaisipan. Hindi ko ito kakayanin nang mag-isa. I am definitely being crushed.
"You are just overthinking, Grace." Shang spoke.
"Natatakot lang ako, I can't lose Winston. Hindi ko kayang mawala ang kuya mo, just like how I don't wanna lose you guys." sabi ko at pinasa-pasa ang aking tingin sa kanilang dalawa.
"Ayaw ko rin naman na may masamang mangyari sa kuya ko, pero alam mo naman na chief siya. Hindi siya pioneer sa mga bakbakan, at poprotektahan siya ng mga pulis kung sakaling may mangyari man."
Tumango naman si Jane at nagsalita, "Tama si Shang. Isa pa, hindi naman siya makikipagputukan eh, may mga sundalo diyan na talagang hinanda para sa mga putukan. Si Winston ay ang utak ng mga sakop niya, hindi niya kinakailangan i-display ang sarili niya sa mga oras na iyan."
Bigla na lamang kumirot ang ulo ko kaya napahawak ako rito, "Ang punto ko kasi ay, paano kung siya ang puntiryahin? Alam naman nating mapipilay na ang grupo kung wala siya at sigurado ako na iyon ang gusto ng mga kriminal."
Tumabi sa akin si Shang at hinaplos ang aking likuran na siyang nagpatahan sa akin, "H'wag ka masyadong mag-isip ng mga bagay na tulad niyan. Alam ng kuya ko ang ginagawa niya, matalino siya."
Tumabi rin si Jane. Ngayon ay napapagitnaan na nila ako, "Tama, you have us, at ipagdadasal natin ang kapakanan ni Winston. Sa ngayon ay huwag mo nang i-pressure ang sarili mo kakaisip sa mga ganiyang posibilidad, dahil bukod sa matalino si Winston, alam nating macho siya at matigas. Kayang-kaya niyang wasakin ang bungo ng sinumang haharang-harang sa kaniya." natawa siya sa huli niyang sinabi kaya natawa din ako.
"Patawa ka naman eh,"
"Ew, kuya ko macho? Ew." ramdam namin ang pandidiri ni Shang. Magkapatid eh, ganiyan talaga.
"Anyway," nabura na ang ngiti sa aking labi at sumeryoso nang muli, "Seryoso ako, I want him to quit his job. Can you girls help me?" tanong ko.
Natahimik sila at nagiba ang mukha, "I... don't think so." wika ni Jane.
"So do I, hindi ko alam kung kaya ko bang pilitin si kuya. It's him who makes his choice after all."
Napabuntong hininga na lamang ako, "Paano ko ba siya mapapatigil sa trabaho niya? Hindi naman niya kailangan pang ipasok ang sarili niya sa ganitong klaseng trabaho, as a matter of fact, milyonaryo siya. Kung tutuusin, hindi niya na kinakailangan pang pahirapan ang sarili niya para lang magkapera. He is naturally rich." wika ko.
Pareho silang napakibit balikat, "But, passion is a passion. Money cannot buy passion." wika ni Jane.
"Wala tayong magagawa kung iyon talaga ang gusto niya, ever since, iyan na ang pangarap niya." si Shang naman ang nagsalita.
Napabuntong hininga tuloy ako. I am really hopeless. Mukhang wala na akong magagawa para mapatigil siya sa trabaho niya. Hays. Hindi ako titigil, hahanap at hahanap ako ng paraan. Mahal na mahal ko 'yun eh, ayaw ko na may masamang mangyari sa kaniya. Kung nagiging OA man ako, kung nagiging paranoid man ako, iyon ay dahil mahal ko siya at ayaw ko siyang mapahamak.
Natahimik kami ng ilang segundo at tinuloy na namin ang aming mga lamunin. Habang lumalamon ay hindi ko maalis sa isip ko kung ano ba ang nararapat kong gawin upang mapatigil si Winston sa trabaho niya. Hays. Maloloka na ata ako nito.
"Girls,"
Nadapo ang aming tingin kay Jane na ngayon ay nakatulala, nakatingin sa kung saan. Para bang nakakita ng maligno.
"Bakit?"
"Bakit?"
Nagkasabay pa kami ni Shang sa pagsagot.
"Si Angel ba iyon?" tanong niya sabay turo sa isang dako gamit ang kaniyang nguso.
Kunot noo na sinundan ng aking tingin ang tinutukoy niyang direksyon, and there I saw Angel. Narito rin siya sa resto ngunit malayo ang kaniyang table sa amin, sa palagay ko ay hindi niya alam na nandito kami. Sh*t, ba't parang gumanda siya ngayon? Nagparetoke ba siya? Tsaka bakit siya nandito? I thought she's in America.
"Holy shoot, siya nga." ramdam ko ang presensya ng pagkabigla ni Shang.
"H'wag niyo siyang titingnan, yumuko kayo." utos ko at ginawa naman nila. Ugh. Ayaw ko na makita niya kami. I know she will never change, alam ko na gano'n pa rin ang ugali niya.
"Umalis na lang kaya tayo?" mungkahi ni Jane na siyang ikinatango namin.
Kara-karakang inayos namin ang aming gamit at sinaglit ay bayad sa counter at hindi na nagpaligoy-ligoy pang lumabas sa resto.
"Yumuko lang kayo," sabi ko.
Yukong-yuko kami habang humahakbang palabas ng resto. Ugh, ayaw ko na magkrus muli ang landas namin ni Angel. Siya ay salot sa buhay ko noon, at baka maging salot na naman ngayon. Bakit pa ba siya bumalik?
"Bakit kayo nakayuko?"
Boses pa lang ay alam na namin kung kanino iyon. Nahinto kami sa paglalakad at dahan-dahang umayos sa pagkakatayo. Tinaasan ko siya ng kilay at pinakawalan ang peke kong ngiti.
"Excuse me? Sino ka? Sorry pero nagmamadali kami," nilingon ko ang mga kaibigan ko, "Let's go girls."
Natawa si Angel at hinarangan kami, "Hindi mo ako kilala? Anyway, balita ko mayaman ka na raw, Grace. Nahukay mo na ba ang lahat ng yaman ng mga Lui?"
Agad na dumaloy sa kaloob-looban ko ang espiritu ng kademonyohan. Init at galit kaagad ang siyang bumalot sa akin. Ang simpleng salita niyang iyon ay naging sanhi ng pagdilim ng aking paningin. Para bang wala akong makita kundi siya lamang. Me and Angel, Me versus Angel.
Kusang nakuyom ang aking kamao at pakiramdam ko ay nabuo ang apoy sa aking mga mata, "Anong sinabi mo?"
"Hoy, Angel, pwede ba mag-matured ka na? Ang tanda tanda mo na mahilig ka pa rin mang-away." pumagitna si Shang.
Pero tila hindi ko narinig ang sinabi ni Shang, Angel's words are the only thing that echoes in my mind.
"Anong sinabi mo?" ulit ko.
Angel crossed her arms at tinaasan ako ng kilay, "I said, nahukay mo na ba—" her words was interrupted by Jane.
"Shut up, Angel! Masipag si Grace. Pinagtrabahuan niya ang lahat ng meron siya ngayon!"
"Tara na nga lang, h'wag niyo na pansinin ang lokaret na iyan."
Shang locked my hand and Jane's with her hands, then she pulled us out. Bumalik naman ang aking pagkamatino no'ng hilain ako ni Shang, pero 'yung galit ko ay nandito pa rin.
"Remember that I will fulfill what I've swore, Winston will be mine no matter what."
Ito ang huli niyang sinabi bago kami tuluyang makalabas ng resto. Panay lingon pa rin ako sa kaniya at sinasamaan siya ng tingin. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon, gagawa at gagawa talaga siya ng paraan para mainis ako. Walang pinagbago. Tapos ngayon aagawin niya sa akin ang boyfriend ko? No way! Don't tell me na ito ang rason niya kung bakit siya bumalik dito.
"Na-stress ako sa babaeng 'yon ah, pinalabas niya pang gold digger ako!"
"Hay nako, hindi niya lang matanggap ang pagkatalo niya kaya hahanap at hahanap siya ng bato para ibato sa'yo. Alam naman natin na hindi iyon totoo, iniinis ka lang no'ng baliw na 'yon!" gigil na gigil si Jane.
"Ew, wala talaga siyang pinabago. Sa tingin niya magugustuhan siya ng kuya ko? Ew, napakaasumera niya naman. Desperada pa." at gigil na gigil din si Shang.
"Buti na lang pumagitna ka kanina Shang, kung hindi, nako! Baka nasabunutan ko na iyon." gigil din ako.
Dumiretso kami sa parking lot kung saan namin iniwan ang kotse na ginamit namin.
"Ba't ba ang sama ng ugali ni Angel? Grabe na ang bibig niya ha, sobra na siya." —Shang
"She is taking advantage of my previous situation." —Me
"Basta, hindi dapat tayo magpadala sa kademonyohan niya. She will do everything para inisin ka, Grace. All you have to do is to stay calm, ipakita mo na hindi ka affected." —Jane
"Right, that will kill her. Ipa-realize mo sa kaniya na sinasayang niya lang ang oras niya sa pang-iinis sa'yo." —Shang
"Sorry, pero hindi ko nakontrol ang sarili ko kanina. Talagang nagdilim ang paningin ko, buti nga pumagitna ka." —Me
"Basta next time, stay calm. Remember that." —Jane
"For sure hindi rito nagtatapos ang pang-iinis niya. Kailangan natin maging handa sa susunod na pakulo niya. Lalong-lalo ka na, Grace." —Shang
"Hay nako, noted! basta! Hinding-hindi niya makukuha si Winston. Magkakamatayan muna kami." —Me
"Talagang hindi niya makukuha ang kuya ko! Sabunutan ko siya eh! Ayaw ko mabahiran ng demonyong lahi ang lahi namin." —Shang
"Syempre tutulong din ako sa pagsasabunot, hahaha." —Jane
Natigil kami sa paglalakad at sabay-sabay na kumunot ang noo namin no'ng mapagtanto na kanina pa namin nililibot ang parking area.
"Where is our car?" nagtatakang tanong ni Jane na siyang tanong ko rin sa aking isipan.
Napakamot sa ulo si Shang, "I am very certain na rito ko siya pinark," sabi niya sabay turo sa blangkong espasyo.
"What the hell? Nasaan iyon?" tanong ko.
"We better just ask the security guard."
Nagtungo kami sa guard at tinanong kung nakita niya ba ang kotse namin. Sabi niya ay hindi niya raw napansin pero maaari niyang i-review ang CCTV nang ma-trace kung nasaan ang kotse. Maaaring nakalimutan lamang ni Shang kung saan niya ito pinark, at wala nang iba pang maaaring mangyari. Hindi naman iyon pwedeng manakaw dahil secured area ito at nasa amin ang susi.
"Saglit lang po, ipa-fastforward lang po natin," wika ni kuyang guard na siyang ikinatango namin.
"That's me! That's me! I told you, doon ko pinark iyon." masigasig na wika ni Shang no'ng matapat ang video sa oras na pinark nga niya ang kotse sa eksaktong spot na itinuro niya kanina.
Nakunot ang aking noo at lumakas ang kabog ng aking puso, "Wala naman sigurong karapatan ang mga workers or guards na ilipat ng lugar ang kotse ng mga customers, hindi ba?" tanong ko.
Tumango naman si kuyang guards, "Yes po, wala po."
"What the effin! Nasaan ang kotse namin?!" tanong ni Jane.
The guard forwarded the video and there we saw men in black tuxedo went inside of our car. What the hell? Who are they? Pumasok sila na para bang kanila 'yung kotse. We can't clearly identify them, dahil magkakamukha silang lahat! They all have beards, with the same outfit and with shades on! What the hell?! Who are they?!
"Ano ang ibig sabihin nito? Pinagnakawan tayo ng mga mayayaman?" tiningnan kami ni Shang na may bahis ng pagkagulo sa kaniyang mga mata.
"How can you be so sure na mayayaman ang mga 'yan?" Tanong ni Jane kay Shang. "Kuya naman, bakit hinayaan niyo pong mangyari ito?" tanong niya sa guard.
Halos maluha na si kuyang guard habang tine-trace ang mukha ng mga kumuha ng kotse namin. "S-Sorry po, hindi ko po inakala na pagnanakaw iyon."
Kinalabit ko sa balikat si Jane, "Hindi naman mukhang magnanakaw ang mga iyon eh kaya hindi napansin ni kuya, isumbong na lang natin sa mga pulis." wika ko.
Tumango naman siya, "Sige, kuya pahingi na lang ng copy niyang footage." aniya.
"Isusumbong ko ang mga 'yan sa kuya ko." si Shang naman ang nagsalita.
Pagkatapos ay nilisan na namin ang lugar na iyon. Naglakad kami nang kaunti upang pumara ng taxi o kokontakin na lang namin ang mga tauhan namin para kami ay sunduin.
"I prefer taxi na lang since na-miss ko sumakay ng taxi," sabi ko at pinagbigyan naman nila ako.
Nagtungo kami sa waiting area at saktong aksidenteng nadapo ang paningin ko sa isang pamilyar na kotse na nasa hindi kalayuang dako.
"Atin ba 'yon?" Tanong ko sabay turo sa kotse. Likod lamang ang aking nakikita ngunit pamilyar na pamilyar ito sa akin.
"OMG! ATIN NGA 'YON!" Kinumpirma ni Jane.
Kumaripas kami ng takbo patungo doon at hindi nga siya nagkamali, amin nga ang kotseng iyon. So weird, bakit nandito ito? Akala ko ba ninakaw? Bakit nila ito ipinwesto sa visible na lugar? Napaka-weird talaga. Kung ganoon, hindi pagnanakaw ang pakay nila. Ano?
"Nararamdaman niyo rin ba na parang may kakaiba? Parang may mali." sabi ko at inobserbahan ang paligid.
Natigil silang pareho, "Sa tingin ko nga," bigkas ni Shang.
"Somebody... is... watching... us," marahan na ipinahayag ni Jane sa paraang hindi kumikibo.
"Where? Who?" pabulong kong tanong. Seriously, tumataas ang balahibo ko.
"I don't know, I just feel it. Nararamdaman kong may mga matang nakatutok sa atin." sagot niya.
"Okay girls, this thing is scaring the sh*t out of me." maluha-luhang wika ni Shang.
"And wait," dahan-dahang naglakad si Jane papunta sa harap ng kotse, "All tyres are flat,"
Agad naming tiningnan ang mga gulong, at flat nga! sh*t.
"Let's get out of here!" sabi ko at kumaripas kami ng takbo patungo sa matataong lugar at doon ay nakapara kami ng pampasaherong van.
"Diretso sa police station!" natatarantang utos ni Shang sa driver ng van no'ng kami ay makapasok.
"Sige po ma'am, uunahin po namin kayo pero may additional fare po,"
"I don't care! hurry up!"
Sinunod naman ito ng driver. Sa wakas ay nakaramdam ako ng kagihawaan. Natahimik kaming tatlo habang hinihintay naming makarating kami sa police station. Si Shang ay walang imik na pinagmamasdan ang bawat sasakyang nadadaanan namin at si Jane naman ay diretso lang ang tingin, parang nasapian.
"Ayos ka lang?" bulong ko sa kaniya.
"The van hurts my nose, blaaah!" reklamo niya sabay takip ng ilong niya. Nakalimutan ko, sensitive pala siya.
Kumuha ako ng plastic bag at iniabot ito sa kanya. Buti na lang may plastic bag ako sa bag ko. "Safety first," bulong ko. Baka sakaling masuka siya.
Nadapo sa amin ang tingin ni Shang at may kung ano siyang kinuha sa loob ng bag niya, "Safety first," bulong rin ni Shang saka iniabot ang candy at ointment kay Jane.
Maya-maya'y napansin ko na hindi tumatanggap ng pasahero ang van kahit na may pumapara. Oo, sinabi na dumiretso sa police station pero hindi namin sinabi na babayaran namin ang mga vacant seats, at hindi namin sila pinagbawal na tumanggap ng pasahero.
Inilibot ko ang aking paningin, sh*t! Kaming tatlo lang ang pasahero. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Ano ba ang nangyayari? Bakit parang balot na balot kami ng panganib?
Tumingin ako sa kundoktor, wala siyang ekspresyon sa mukha. Tumingin naman ako sa rear mirror, jeez! Panay sulyap sa amin ang driver.
Napalunok na lamang ako. Sign na ba 'to? Sign na ba 'to na katapusan na namin? Kusang lumalapit kasi sa amin ang mga masasamang tao.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ang dalawa, "Huwag kayo mag-panic, sa tingin ko ay ki-kidnapin tayo." Nilalaman ng text ko.
Lumaki ang mga mata ni Shang sa nabasa niya, "Kanina ko pa napansin eh! Akala ko nago-overthink lang ako dahil sa nangyari kanina!" Ni-reply niya.
Si Jane naman ay kalmadong nag-reply, "C'mon bitches. Let's get out of here,"
Walang anu-ano'y pumara kami ngunit hindi kami pinansin ng driver at kundoktor!
"F*ck! Pull over!" Sigaw ko.
"Sorry mga ma'am, napag-utusan lang." Wika ng kundoktor at biglang may itinurok sa leeg namin.
Napakabilis ng kaniyang galaw, hindi na namin naprotektahan ang isa't-isa. Malas ba? O sadyang nasa bingit kami ng planadong patibong? Minsan lang ako magpakabobo, at hindi ko lubos akalain na sa ganitong sitwasyon pa.