CHAPTER 10: Fake Vows

3080 Words
GRACE'S POINT OF VIEW "My gosh, open your eyes, Grace! Wake up!" Nagising ako sa sunod sunod na alog at sampal na natatanggap ko mula sa kung sino. Marahan kong idinilat ang aking mga mata at tumambad ang pagmumukha ni Jane at Shang. "Thanks, goodness!" agad na yakap ang pinaramdam ni Shang. Nilibot ko aking tingin sa paligid saka ko napagtanto na kami ay nasa hindi pamilyar na lugar. Madilim, madumi, masikip at mabaho. Nasaan kami? "N-Nasaan tayo?" naghihina kong tanong. Nagsimulang pumatak ang mga luha ni Shang na siyang nagpapahayag ng takot na nadarama niya, "We are kidnapped," pumakawala siya ng mga banayad na salita. Dumaloy sa akin ang kaba at kabog sa dibdib nang maalala ko ang nangyari sa amin sa loob ng van. Napahawak ako sa aking bibig saka kinapa ang bulsa ko, nagbabaka sakaling may cellphone ako na makakapa ngunit wala. "They took our belongings," ngayon ay si Jane na naman ang naluluha. Kaming tatlo ay nasa loob ng mabahong silid, maliit ito at napakainit dito sa loob. Ramdam na ramdam ko ang kademonyohan sa silid na ito. Para bang, ito 'yung silid na napagtuyuan ng mga dugo't luha ng sari-saring tao. "Ano ang kailangan nila sa atin?" balisa kong itinanong. Umiling si Jane, "H-Hindi ko alam," "Are we gonna die?" hindi matigil ang pagpatak ng luha ni shang. Napaisip ako saglit sa kabila ng kaba at takot na nadarama ko, "No, we're not gonna end here. Ibibigay natin sa kanila ang gusto nila. Ano ba ang gusto nila, pera? Ibibigay natin kahit ilang milyo pa ang hingiin nila." sabi ko. "Sana nga ay kidnap for ransom ito," wika ni Jane. Have we been monitored by someone? Matagal na ba kaming minamatyag ng mga dumukot sa amin? Plano ba nila ito? Did they set us up?! Ugh. Ang bobo ko. Sinampal ko ang aking sarili dala ng inis ko sa sarili ko. Halatang nagulat silang dalawa sa aking ginawa ngunit hindi sila makapagtanong, luha lamang ang naging sagot ko sa walang boses nilang tanong. Alam ko na ngang nasa panganib kami no'ng mga oras na iyon, bakit hindi ko naisipan na posibleng may panganib ding dala ang pagsakay sa mga pampasaherong sasakyan? Ang bobo ko. Alam ko na ngang may mga matang nakatirik sa amin no'ng oras na iyon, bakit?! Bakit sumakay pa kami at hindi man lang inobserhanan ang paligid? Waaah! "Grace! Grace! Stop it!" pag-awat ni Jane sa akin nang ayaw ko nang hintuan ang pagsampal sa aking sarili. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit na inaawat na, ay ayaw ko pa rin hintuan ang pagsampal sa sarili ko. Kasalanan ko 'to. Ang tanga ko! Ang tanga, tanga! Dala ng dahas ko, naputol ang aking relo at tumilapon ito sa sulok ng silid. Nahinto ako sa ginagawa kong pagsampal, saka dali-daling ginapang ang relo. Bigay ni Winston iyon mahalaga iyon. Kinuha ko ito ngunit bago pa man madapo ang aking balat sa relo ay aksidenteng napunta ang aking tingin sa maliit butas na malapit sa relo. Kita ko ang ilaw mula sa labas. Agad namang tumakbo at gumana ang aking utak. Sumilip ako doon, at pintuan sa malayong dako ang kaagad kong nakita. Ibig sabihin, ang silid kung nasaan kami ngayon ay nasa loob ng mas malaki pang silid. "Girls, come." Pinunasan nila ang mga luha nila at agad na nagtungo sa kinaroroonan ko. Isa-isa silang sumilip at nakunot ang noo. "Kaya pala walang nakakarinig sa akin, kanina pa ako sigaw nang sigaw ng tulong," wika ni Jane. Napabuntong hininga si Shang, "We have to get out of here, mukhang wala namang taong nagbabantay." "Dito sa loob, oo wala, pero sa labas paniguradong meron." wika ko. Matapos no'n ay nag-isip kami ng paraan kung papaano makalabas sa mabahong silid na 'to. Hindi kami maaaring lamunin na lamang ng takot at luha, kinakailangan namin mag-isip. I was being worried about Winston, pero heto ako ngayon, ako pa ang nasa bingit ng kapahamakan. Sumilip akong muli at inobserbahan ang paligid kahit na limitado lamang ang aking nakikita. Mahirap ngunit pinilit ko na ipagana ang aking utak sa ngayon. "Sh*t, hindi ko na makita," reklamo ko no'ng may naisip akong plano, kaso biglang nasa limitasyon na ako ng aking vista. Ugh. "fvck!" pagmura ko saka sinuntok ang pader kung nasaan ang butas. Sobrang nalaglag ang panga ko nang mas lalong lumaki ang butas nito dahil sa aking suntok. Sa sobrang pagkagulat ko ay hindi ko kaagad naramdaman ang sakit. Ang silid na ito pala ay gawa lamang sa playwud. Bakit hindi kaagad namin naisip na suntukin ang pader? "Holy momma," napabulong si Shang dala ng gulat. She took off her heels, at binakbak ang plywud. Nagtulong-tulungan kami sa pagwasak ng pader. Minainam naming gawing mabilisan ito dahil baka mamaya ay mahuli kami ng mga dumukot sa amin. "That's enough," utos ni Shang at hindi na siya nagsayang ng oras. Pumasok siya sa butas, sumunod si Jane at ako ang panghuli. "In here," I lead. Pinagplanuhan ko na ito kanina. Sumunod naman silang dalawa sa akin. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa ang gawi namin. Nakakapagtaka dahil wala maski isang tao kaming nakita. Jane poked me, "There's a small door," bulong niya sabay turo sa maliit na pintuan. We both nodded and went near to that door. Labis kaming natuwa no'ng ito ay mabuksan namin. Are you wondering kung bakit hindi kami dumaan sa unang pintuan na nakita namin? Dahil alam naming may nagbabantay do'n. This time, hindi na kami magpapakatanga. We have to save ourselves. Masikip na lagusan ang tinatago nitong maliit na pinto, sa sobrang sikip ay kinakailangan naming maglakad nang pa-sideward. Hindi na kami nagdalawang isip. Pinasok namin ang lagusan na iyon. Tagaktak na ang aming pawis dala ng mainit at masikip na kapaligiran. Sampung minuto na ang nakalipas ngunit kami ay patuloy na naglalakad pa rin. Ang sampung minuto na iyon ay tumalon na sa bente minuto at kami ay naglalakad pa rin. Mukhang wala ng katapusan ito. Ilang minuto pa, sa awa ng Diyos ay naabot na nga namin ang dulo ng lagusan. Hinihingal naming inobserbahan at pinagmasdan ang paligid. Maluwag na rito, ngunit wala kami makitang ibang daanan palabas maliban na lamang sa hagdan patungong itaas. "That is not the way out," nagdadalawang isip na sinabi ni Jane habang hingal na hingal. "We will just get ourselves near those culprits if we'll take the stairs," wika ni Shang. "So now what? Babalik na ba tayo?" tanong ko sabay turo sa masikip na lagusan. Tumango sila at napagdesisyonan naming bumalik na lang. Baka nga ang daanan palabas ay matatagpuan lamang doon malapit sa mabahong silid. Alam ko na nasa gitna na kami ng masikip na lagusan, ngunit kami ay nahito at nabalot ng kaba no'ng may marinig kami. "Nasaan ang tatlong babae?!" matigas at nakakatakot na tinig ang aming narinig. "Sir, wasak ang silid. They escaped." "MGA HANGAL! HANAPIN NIYO SILA!" Para bang may makinang tumakbo sa aming mga binti na siyang naging rason kung ba't madali kaming napunta sa hadgan. Dala ng kaba at takot, wala na kaming nagawa at naiisip pang iba kundi ang akyatin ang hagdan. "We're really gonna die in here," luhaang wika ni Shang habang inaakyat namin ang hagdan. "Just don't stop, Shang. We must keep going." sabi ko. "If something happens, gusto ko lang malaman niyo na mahal na mahal ko kayo." si Jane naman ay napaluha na rin. "H'wag kayo magdrama! Hindi tayo mamamatay!" pagpapatibay ko sa loob nila. Patuloy lamang kami kahit na sobrang sakit na ng binti namin. Gaya no'ng lagusan, mukhang wala na ring katapusan ang hagdanan na ito. Habang umaakyat ay napagtanto ko na kami pala ay hindi lamang basta nasa simpleng silid, kami ay nasa isang building. Sa palagay ko ay nasa 9th floor na kami at hindi ko pa rin natatanaw ang dulo ng hagdan, wala rin ako makitang pintuan na maaari naming pasukan. Ang spring-like na hagdan na ito ay mukha ngang walang katapusan. Gaano ba kataas ang building na ito? "Sa palagay k-ko ay... itong h-hagdan ang papatay sa atin," naghihinang reklamo ni Jane. Naliligo na kami sa aming pawis, sobrang init na ng aking katawan ngunit wala kaming magawa kundi ang lumaban para sa aming buhay. Ika nga nila, ang lahat ay may hangganan, gano'n din ang hagdan na ito. Matapos ang ilang minuto ay tagumpay naming naabot ang dulo ng hagdan. Magarbong pintuan ang siyang bumungad sa amin. "I... need... water..." nanghihinang binuksan ni Shang ang pintuan. Sa sobrang pagod at pati na rin siguro sa uhaw ay hindi na niya nakayanan ang kaniyang sarili. Bumagsak ang kaniyang katawan, sumunod namang bumagsak ang katawan ni Jane. Hinang-hina na rin ako, nanginginig at kailangan ko ng tulong, but I don't think na tutumba rin ako. "What the ef," Nadapo ang paningin ko sa lalakeng naka-half naked. Hindi ko na maklaro ang kaniyang pagkabuo pagka't nagdidilim na ang aking paningin, sumasayaw ang paligid at agad akong nabingi. --- "HIWAIN NIYO NA ANG KANIYANG KATAWAN," "H-Huwag po, maawa kayo." "HINDI KO KILALA ANG SALITANG AWA, SIGE NA, HIWAIN NIYO NA." "No! Kill me instead of her!" "I will not let you, Grace. Sige, patayin niyo na ako, palayain niyo lang ang mga kaibigan ko." "Please po, maawa kayo sa amin. Huwag niyo kami sasaktan." "ANG DAMI NIYO NAMANG ARTE! PUGUTAN NIYO SILA NG ULO NANG SABAY SABAY!" No... No... No... No... "NOOOOOOOOOOOOOO!" Nagising ako at napahawak sa aking dibdib. Bangungot? Bangungot lang pala! Hindi ko na napigilan ang aking luha. Ang sama ng bangungot na iyon. Akala ko ay totoo, akala ko ay katapusan na namin. Nasaan ang mga kaibigan ko? Nasaan ang mga mahal kong kaibigan? Ayos lang ba sila? Luhaan kong nilibot ang aking paningin, bulaklak? Rosas? Palamuti? Ano 'tong mga nakikita ko? Ba't ang ganda nito pagmasdan? Nasaan ako? Tumayo ako upang mas klaro kong makita ang paligid ngunit biglang nasayad sa kung ano ang suot ko. Nalaglag ang panga ko nang makitang naka-gown ako. What the hell? What's this for? Sa loob ng tatlong segundo ay may musikang nabuo, hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon. Napakabanayad ng musika, nakakahalina. Maya-maya pa'y may babaeng naparito sa aking kinaroroonan. "Ma'am, tara na po." wika nito. I blinked twice, "Sino ka? Nasaan ako?" sunod sunod kong tanong. "Kasal niyo po," Nanlaki ang aking mga mata dala ng sobrang pagkabigla at kaagad na napakunot ang aking noo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, parang ang sikip ng dibdib ko. Hindi ko matandaan na may nag-propose sa akin. My boyfriend didn't propose to me yet, paanong magiging kasal ko ito? Impossible. Hindi ko 'to kasal. "You're kidding," sabi ko. Umiling siya, "Naghihintay na po si Supremo at inyong mga kaibigan." sabi niya. Mas lalong nakunot ang aking noo, Supremo? Who's that effin? Pamilyar ang kaniyang pangalan. "Nasaan ang mga kaibigan ko? Kamusta sila?" tanong ko. "Naroon na po, halika na po." wika niya at saka inalalayan ako. Sa aming paglalakad ay sinalubong kami ng aking dalawang kaibigan, naka-gown din sila. "Maaari bang maiwan mo muna kami?" tanong ni Jane sa babae. Tumango naman ang babae at iniwan kaming tatlo. "Grace, listen. Ngayon ay kasal mo—" "WHAT?!" sa sobrang pagkabigla ay hindi ko siya napatapos sa sinasabi niya. Anong kasal ang pinagsasabi niya? Anong kalokohan ito? "Listen first, calm down." pagpapakalma ni Shang saka marahan niyang pinunasan ang aking pisngi gamit ang panyo na hawak niya. "Grace, nabigla rin kami. Someone who named Supremo is dying to marry you. Siya ang lider ng mga kumuha sa atin. Isa siyang baliw, Grace! Sa ngayon, ang dapat mong gawin ay magpakasal sa kaniya." isang nakakagulat na pahayag mula kay Jane. "What?! No! Hindi ko kilala ang baliw na 'yan!" "Ito na lang ang tanging paraan upang hindi nila tayo mapatay, Grace." Hindi ko maintindihan, magsasalita pa sana ako but someone approached us and said that the wedding is about to start and we should get ready already. Sila Shang at Jane ang sasama sa lakad ko papunta sa harap ng altar. Isa itong kalokohan! "Grace, you're the only hope we have." mahinang wika ni Shang. "Binebenta niyo ako," halos maluha-luha ako habang sinasabi ito. I don't wanna marry someone. Si Winston ang mahal ko, siya lang ang papakasalan ko! "Kapalit ng ating buhay. Kung ako lang sana ang napili niyang pakasalan, then I am willing to marry him just to save the three of us." wika ni Jane. "In fact, this is a fake wedding. Pagmasdan mo, mga tauhan lamang niya ang witness at kami ni Jane. H'wag mong isipin na totoong kasalan ito. Kapag nagkaroon na tayo ng pagkakataong makatakas dito, then we'll grab it." Kinabahan ako. Ano ba namang buhay ito, bakit ba ako ang napili ng baliw na 'yun? Sino ba 'yun?! Bakit niya sisirain ang buhay ng iba para lang makuha ang gusto niya? He's so selfish! Agad namang nag-flashback sa akin ang huling alaala ko bago ako mapunta sa mabulaklaking lugar na ito. I passed out, hindi ko na nakayanan ang pagod at bigat ng katawan ko. Ugh. Bakit pinahirapan niya pa kami? Maya-maya pa'y nagsimula na ang seremonya. Tatlong lalake ang nakikita ko sa harap ng altar, ang dalawa ay black tuxedo ang suot, ang isa nama'y nakaputi. Ang mga saksi naman ay nahahati sa dalawa, sa kanan ay mga kababaihan at sa kaliwa nama'y mga kalalakihan. Afterwards, they've requested the bride to make its way, at ako iyon. Nagsimula na akong maglakad at kasabay ko naman ang dalawa kong kaibigan. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay nasagi ang aking paningin sa mga lalakihan, sila iyon, hindi ako maaaring magkamali, sila 'yong nakita namin sa CCTV na kumuha sa kotse namin. Sa halip na takot ay galit ang naramdaman ko. Bumuga ng malakas na hangin ang kapaligiran at nilipad nito ang bulaklak sa aking buhok, ngunit tuloy pa rin ang aking lakad patungo sa altar. No'ng narating ko na, may pamilyar na amoy akong nalanghap. Amoy na minsan ko lang naamoy. Amoy na nakakabighani. Amoy na nakakaloko. Kanino galing ang amoy na ito? Sinalubong ako ng lalakeng nakaputi at saka binigyan ako ng ngiti. Hindi ako ngumiti pabalik. Siya ay pamilyar sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Kinunot ko ang aking noo at sinupladahan siya. Hindi ko maipagkakailang may hitsura siya at maganda ang hulma ng kaniyang katawan. Malaki ang posibilidad na makahanap ng mas magandang babae ang ganitong klaseng lalake. Bakit pa siya gagawa ng krimen upang pakasalan ang isang tulad ko na hindi naman kagandahan? "I told you, ang muli nating pagkikita ay ang araw na pakakasalan mo ako." abot tenga siyang ngumiti. Nagsitaasan ang aking mga balahibo nang sumagi sa akin ang isang alaala na maraming taon na ang lumipas. Minsan nga pala akong ginambala ng lalakeng hindi ko naman kilala at sinabi pa nitong papakasalan ko siya. Hindi ko lubos akalain na sa ganitong paraan niya isasakatuparan ang mga sinabi niya. Isang santong paspasan. "Akalain mo 'yun, tadhana na mismo ang nagdala sa'yo patungo sa akin." dagdag niya. Nakuyom ang aking kamao at hindi na nakapagsalita pa. Hindi tadhana iyon! Pinakidnap niya ako para sa walang kwentang kasalan na ito! Isa siyang baliw! Gumagawa siya ng sarili niyang kwento, bakit hindi niya na lang hayaan na tadhana ang mismong gagawa ng kwento niya? He's more stupid than I. Nagsimula nang magsalita ang pari, kung ano ano ang pinagsasabi niya, wala akong naintindihan dahil hindi ko maipokus ang aking sarili. Galit at inis ang aking nararamdaman. Siguro ngayon ay hinahanap na ako ni Winston, isang araw na rin kaming nawawala. I can't wait for the day na makulong 'tong baliw na ito. Humanda lang talaga siya sa boyfriend ko! Mabubulok siya sa kulungan! "Do you take Grace Fiveash to be your lawfully wedded wife? To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health?" tanong ng pari sa lalakeng ito. "Until death do us part. Yes, I do, Father." sagot niya sa masayang tono. Sa akin na naman nadapo ang tingin ng pari, "Do you take Marco Gray to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health?". Sh*t, napalunok ako at tiningnan ang mga kaibigan ko na ngayon ay tumatango, pushing me to say yes. Nako, ayaw ko! Kung isa lamang itong bangungot, please gisingin niyo ako. Ayaw ko! Ayaw ko! Ayaw ko! Ayaw ko magbitaw ng pangako sa panginoon, ayaw kong halikan ako nitong lalakeng 'to, ayaw ko rin na makatabi siyang matulog, ayaw kong hawakan niya ako! AYAW KO! hindi ko siya mahal! at hinding hindi ko siya mamahalin. Sa ngayon ay nananalangin ako na sana ay may milagro. Sana ay biglang bumagyo, o madaganan kami ng eroplano, o paulanan ng ligaw na bato, o kung ano pa na makakapaghinto sa kasalang ito! For pete's sake! Pigilan niyo ang oras na 'to! Lamunin na sana ako ng lupa. Ayaw ko na rito. Somebody! Help me! The priest cleared his throat, "Uulitin ko, do you take Marco Gray to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health?" inulit nga niya. Napabuntong hininga na lamang ako at muling napatingin sa aking mga kaibigan. Kung hindi ba ako o-oo, papatayin ba nila kami? Posible. Mahal ko ang buhay ko, mahal ko ang mga kaibigan ko. I think I have no other choice. Naluha ako at nalungkot nang sobra, "Yes Father... I...." Pinunasan ko muna ang mga luhang pumapatak. Hindi man lang ba maaawa sa akin itong si Marco? Umiiyak na ako oh, hindi ba niya nakikita? Natahimik ako at hinintay na may gawin si Marco ngunit sa palagay ko ay naghihintay ako sa wala. "Uulitin kong muli, do you take Marco Gray to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health?" Nahihiya na ako sa padre. Ano ba?! Ang manhid naman nitong lalakeng 'to, wala siyang puso. Hindi ba niya nakikita na ayaw ko? Ayaw kong magpakasal! Muli akong napatingin sa mga kaibigan ko, para sa kanila nga pala ito. "Yes... I do," at nagdiwang ang lahat. Nag-ingay, pumalakpak, nagsigawan at ang iba ay umiyak sa tuwa. Samantalang ako ay umiiyak sa lungkot. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD