GRACE'S POINT OF VIEW "I heard, they are already arranging your new whole name," balita ni Jane sa akin habang kami ay naglalakad sa hallway. Kakatapos lamang ng seremonya at kaming tatlo ay mapagmatyag na pinagmamasdan ang paligid, nag-iisip kung papaano kami makakaalis dito. This place is a maze, sa sobrang laki ay mawawala ka kung wala kang kasama na may alam sa lugar na ito. Marangya ang lahat ng tanawin, mula sa gate, sa garden, at sa lahat. Hindi maipagkakailang napakayaman ng may-ari ng lugar na ito, mas nakakahigit pa sa yaman nina Shang at Jane. "I don't understand, bakit pa siya magpapa-kidnap kung kayang-kaya naman niyang makuha ang babaeng gugustuhin niya? Sa yaman niya pa lang at sa hitsura niya, sino ang hindi niya mabibihag?" gulong-gulo na tanong ni Jane. I shrugged, "A

