GRACE'S POINT OF VIEW "So, what, may nangyari ba sa inyo kagabi?" "Hindi ka na ba virgin?" "What?! Virgin ka pa?!" Hay nako, ang gulo ng mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa hallway, naglalakad patungong clear field, may laro daw kasi ang Trio ngayon at niyaya nila kaming manood. Ewan ko kung anong klaseng laro ang lalaruin nila. Ngayon ay curious na curious sila kung may nangyari ba daw sa amin ni Marco. Hays, mapapaikot ka na lang talaga ng mata. Bakit no'ng sabay kami natulog ni Winston eh parang wala lang sa kanila? Ni excitement or pagkatuwa ay hindi ko naramdaman mula sa kanila. "Walang nangyari sa amin." sabi ko. "Ha, bakit naman?" tanong ni Shang na siyang bumuhay ng pagtataka ko. "Why will I have s*x with someone I don't love?" wika ko na siyang nagpatahimik sa kanila.

