SHANG'S POINT OF VIEW Talaga ngang my heart went oops. Hay, lumilipad na naman ang aking isipan. Sino kaya ang lalakeng iyon? Trabahador ba siya rito? Napakagwapo niya naman para do'n. Kung talaga ngang trabahador siya, sa akin na lang siya magtrabaho. Hindi lang pera ang ibibigay ko sa kaniya, pati na rin pagmamahal, mwhehe. "Nasaan na ba si Grace?" kunot noong tanong ni Jane habang nililibot ng tingin ang paligid. Si Grace nga pala. Nako. Nakalimutan ko na ang tungkol kay Grace dahil sa pagpapantasya ko sa lalakeng iyon. Tsk. Nagsisimula na naman akong balutin ng takot. Bumabalik sa akin ang nangyari, ang pangingidnap nila sa amin. Napakademonyo. I still can't really picture out why Supremo wants to marry our friend Grace. Marahil nga ay tama ako, baka sobrang pangit niya. Nako. Kawaw

