SHANG'S POINT OF VIEW "Saan mo nakuha ang impormasyon tungkol sa Supremo?" tanong ko kay Jane habang kami ay naglalakad. Pupuntahan namin si Grace. Ngayon ay nakaayos na kami, maganda na kami. Pareho ang gown na suot namin ni Jane dahil nga kami ang maglalakad kay Grace patungong Altar. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang magiging reaksyon ni Grace, o kung papayag ba siyang maikasal sa isang kriminal na mayaman. Hays, basta ang alam ko, mahal na mahal niya ang kuya ko at siya lamang ang papakasalan niya. "Sa mga wrokers dito." "Napakademonyo naman niya para idaan ang lahat sa santong paspasan. Kawawang Grace, 'yung feeling na isang araw pagdilat niya eh kasal niya na kaagad, kasal sa taong hindi naman niya kilala." kunot noo kong sabi. "Demonyo pa sa demonyo." "Sa oras na makalab

