THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Have you enjoyed the party last night?" nakangiting tanong ni Bianca sa dalawa niyang kaibigan habang hawak ang cup na may mainit na kape. Ngayon ay tirik na tirik ang araw at ilang sa mga hybrid na manok ni Marco ay nagtiktilaok na sa labas. Ang aga-aga pero masungit na kaagad ang araw. Nagkatinginan sina Shang at Jane dahil sa kakaibang kinikilos ni Bianca. Ang lapad ng ngiti ni Bianca na tila ba kay ganda ng kaniyang umaga, na para bang walang masamang nangyari kagabi. Palihim na napakibit ng balikat si Shang at si Jane naman ay napatango. Paraan nila iyon sa pakikipagkomunikasyon nang hindi ginagamit ang bibig. Ang ibig sabihin ni Shang ay sakyan na lang ang good mood ni Bianca, at iyon ang ikinatango ni Jane. "Y-Yes naman," nauutal na sagot ni Jane da

